".. kaya kitang halikan dito." Automatic na nag-init ang buong mukha ko sa sinabi ni Kipp. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya kaya wala sa sariling inatras ko ang upuan. "Aray!" Malakas na sigaw ni Kipp ng di ko sinasadyang matamaan ang paa niya ng silya. "S-Sorry! H-Hindi ko sinasadya," Tarantang sabi ko at agad na dumistansya sa kanya. Naglapitan ang mga crew dito ng restaurant na agad na tinanong kung anong meron. Pero umiling lang si Kipp habang iniinda pa rin yung paa niya. "Why did you do that?!" Napakagat ako ng labi ng makita kong namula na iyong mukha niya. Masakit ba talaga? "B-Bakit ka kasi nagsasalita ng gano'n!" Utal kong singhal sa kanya. Ano ba kasing kademonyohan ang pumasok sa isip nito at nasabi niya iyon? Ano bang gusto niyang maging reaksyon ko sa sinabi niya?! Matuwa? "Bakit kasi hindi ka naniniwalang gusto kita? Gusto mo lang yata kasing halikan kita!" Sigaw niya na lalong nakapagpamula ng mukha ko sa hiya! Napalingon ako sa mga tao dito at iyong iba, nangingiti pa sa palabas na ginagawa namin ngayon! "A-Ang kapal naman ng mukha mo no! B-Bahala ka nga d'yan!" Agad kong kinuha iyong bag ko at saglit na tinignan yung pagkaing inorder niya para sakin. Nakakakonsensya na lang dahil ang mahal nito tapos iiwanan ko lang pero, nakakahiya kasi talaga! Nagmadali akong umalis doon sa pwesto namin at iniwan si Kipp. Bahala na siya d'yan. Nababaliw na talaga ang isang yon. "Wait! Elya!" Sigaw niya pero tuloy-tuloy lang ako. Hanggang sa makarating ako sa labas ay hindi ko pa rin siya nililingon. Hindi ko na rin siya naririnig kaya hindi na niya ko siguro sinundan pa rito. Mabuti na yon dahil pulang-pula na talaga ang mukha ko sa hiya! Ngayon lang ako nakaranas nang may magtapat sa akin na gusto niya ko. Sa mga nababasa ko at napapanood, sobrang romantic. Tapos, ngayon, ganito? Sinabi niya na may gusto siya sakin tapos ang sunod niyang sinabi, hahalikan niya ko kapag ayaw kong maniwala?! "Baliw ka ba?!" Inis na sigaw ko at tumingin sa kalsada kung may dadaan bang pwedeng masakyan pauwi. "Hey!" Napaigtad ako sa gulat ng hawakan ako ni Kipp sa braso. Tinabig ko iyon at lumayo sa kanya. "Bakit ang hilig mong iwan ako? Ang bilis mo pang maglakad." Reklamo pa nito habang nakakunot nanaman ang noo niya. "Puro kalokohan nanaman kasi ang nasa isip mo!" Napahilamos ako ng mukha sa inis sa lalaking nasa harapan ko. Nakuha pa niyang magbiro ng ganoon. "Kalokohan ba para sayo ang sinabi kong gusto kita?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Gusto kita. I like you. Je t'aime bien. Mi piaci." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng sinimulan niyang humakbang papalapit sa akin hanggang sa hinawakan niya ang baba ko at pilit na hinuli ang tingin ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makaangal sa ginawa at sinabi niya. Basta, pero parang hindi nagfu-function ng maayos ang utak ko ngayon. "Is that enough to say that I really like you, Miss One Placer? How many languages do I need to speak for you to believe me?" Napansin ko ang pagbaba ng tingin niya sa mga labi ko na agad din namang ibinalik sa mga mata ko. Ano na, Elya?! Bakit wala kang ginagawa?! Napailing ako at itinulak siya dahilan para mabitawan na niya ako. " E-Ewan ko sayo!" utal kong sabi at hinawakan ang dalawa kong pisngi. Sigurado akong para kong kamatis dito dahil namumula na iyong mukha ko dahil kay Kipp. Nakita ko ang pagngiti niya kasabay ng pag-iling. Halatang natutuwa siya sa nangyayari ngayon. P'wes ako hindi! "Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Napatuwid ako ng tayo at nagmadaling kinuha iyong cellphone ko. '7 missed calls' "Kainis! Lagot ako kina Mama nito!" Saad ko at tumingin ako sa kalsada kung may jeep bang dadaan. Sa mga oras na 'to, paniguradong nakahanda na ang bibig ni Mama sa pagsermon sa akin. Ngayon lang ako inabot ng ganitong oras sa labas. Huwag lang talaga kong maunahan ni Papa sa pag-uwi dahil paniguradong hindi lang sermon aabutin ko. "Hatid na kita." Nalipat ang tingin ko sa nagsalita. "Ikaw, kasalanan mo 'to! Kung sana hindi mo sa akin binigay iyong bag mo, e' di sana kanina pa ko nakauwi!" Singhal ko pero parang wala siyang pake sa sinasabi ko. Patuloy lang siya sa pagc'cellphone. Gusto ko nang sabunutan ang lalaking 'to. Kahit isa lang. "Nakikinig ka ba? Ang sabi ko, ikaw may kasa--" "Nandito na si Kuya Wack, siya na lang ang maghahatid sayo. Hindi na kita masasamahan dahil mapapatay na ko ni Daddy sa galit niya."Aniya sabay pakita ng screen ng cellphone niya. Ang daming message ng 'Daddy' ni Kipp sa kanya at lahat ng iyon ay mura. " See? Hindi lang ikaw malalagot ngayon. Relationship goals. " Nakangising sabi niya. " Mandiri ka nga sa sinasabi mo! Uuwi na ko. Huwag mo na kong ipahatid. Kaya ko na." Wala ba talagang dadaang pwedeng masakyan? Ramdam ko na yung galit nila Mama. "Delikado na sa oras na 'tong bumyahe mag-isa. Lalo na' t bata ang sasakay." Napalingon ulit ako sa kanya at napakunot ang noo ko. "Anong 'bata'? Eighteen na ko!" "So what if you're eighteen? You still look twelve." "Hiyang-hiya naman ako sa tangkad mo, 'Kuya'" Nang-uuyam kong sabi at inirapan siya. "Talagang matangkad ako. Malaki rin." Kusa akong nasamid sa sinabi niya at nakuha ko kaagad ang ibig niyang sabihin do'n! "A-Ang bastos mo talaga!" Sigaw ko. "Wala bang preno 'yang bibig mo?!" Lalong lumawak ang ngiti sa labi niya ng mautal ako. "Bakit? Totoo naman ang sinabi ko. Kung walang preno ang bibig ko, e' di sana sinabi kong malaki ang --" Agad kong tinakpan ang bibig niya para putulin ang sasabihin niya. Tinanggal ko iyon ng tumigil siya at tinignan ko lang siya ng masama. "Dapat talaga hindi ako pumayag na sumama rito." Napakibit-balikat naman siya at may itinuro sa likuran ko. Sinundan ko iyon ng tingin at may nakita akong magarang sasakyan. "Sumakay kana. Sinabi ko na kay Kuya Wack kung saan address mo." "Okay lang namang--" "Kapag nagtagal ka pa rito, baka sa labas kana ng bahay niyo matulog." Napapikit ako ng mariin at tumango. Tama siya, talagang malalagot ako kina Mama kapag hindi pa ko uuwi ngayon. Pero bago ako pumunta sa sasakyan niya, hinarap ko siya. "Pero paano ka? P-Pwede ka namang sumabay na din." Umiling siya at nilagay iyong dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa niya. "Hindi na. Ako ng bahala." Aniya at sinenyas sa akin na pumunta na ko sa sasakyan niya. Sa tagal kong nakikita si Kipp sa labas ng school kapag labasan ng mga college non, kilala ko na ang isa sa mga sasakyan niya. At ang isang to ang madalas niyang gamitin. "S-Sige. S-Salamat." Nahihiyang sabi ko at patakbong lumapit sa sasakyan niya. Pumasok na kaagad ako. "Hello po." Bati ko sa driver nila Kipp. "Magandang gabi ija." Nakangiti naman niyang sabi. Sinimulang paandarin ni 'Kuya Wack' yung sasakyan. Tumingin ako sa labas at nakita ko pa ring nakatayo lang doon si Kipp habang nakatanaw lang sa amin. Hindi siya umalis doon hanggang hindi pa rin kami nakakaalis. Nang tuluyan na kaming makaalis sa lugar na 'yon, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Ang daming nangyari ngayong araw. Hindi ako nakapanood sa performance nila Xyler. Pumunta ako sa laro ni Kipp para maghatid ng jersey niya. Inaya niya akong kumain sa mamahaling restaurant na isa din pala sa pagmamay-ari nila. At ang huli, sinabi niyang gusto niya ko. Ayaw kong maniwala sa sinabi niya. Hindi ko alam kung isa nanaman ba 'to sa mga kalokohan niya. Sa nakikita ko kasi sa estado nang buhay namin ni Kipp, malaki ang agwat naming dalawa. Kaya imposible talaga ang sinasabi niya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hi good
08/08/2025
0more to eran
03/05/2025
0jjbnjsjsjjs
13/10/2024
0Tingnan Lahat