Friday. Umaga na at nandito pa rin ako sa kama ko. Nakatulala lang ako sa kisame habang pinaprocess pa nang utak ko ang mga gagawin ko sa araw na 'to. Wala talaga kaming klase ngayon dahil sa school namin gaganapin ang battle of the bands which is, isa ang grupo nila Xyler ang kalahok. Halos ilang linggo yata nilang pinaghandaan ito na kahit isang beses ay hindi ko man lang siya nakita pagkatapos namin gumawa ng written report noon. Ngayong araw din na 'to ang championship sa basketball na gaganapin sa ibang school na kakalabanin nang school namin. And guess what? Sila Kipp ang player ng school namin. Kahapon ay napuno ng usapan ang school namin tungkol sa dalawang event na ito. Paano ba naman kasing hindi magiging usapan kung ang dalawang iyon ang sangkot dito na parehong sikat sa buong campus. Kagabi lang din ay nakatanggap nanaman ako ng message kay Kipp na alas diès daw ng umaga ang start ng laro niya. Kaya bago tuloy ako makatulog ay yung jersey niya ang nasa isip ko! Ang tamad naman ng isang yon para ipagpaubaya pa niya sa iba ang bagay na yon! Kada laban nila Xyler ay nandoon ako para panoorin siya. Hindi ko alam pero mas lalo akong nagkakagusto sa kanya sa tuwing nakikita ko siya sa stage. Habang tumutugtog kasi siya ay ramdam ko kung gaano siya kasaya sa ginagawa niya at ganoon din ako. Masaya ako sa tuwing nakikita kong masaya siya. "Bahala na," saad ko at bumangon na para maghandang pumasok. Nasa bungad palang ako ng school gate ay naririnig ko na ang mga sigawan ng tao. Hindi lang kasi ang mga estudyante ng SAA ang nandito kung hindi ang bawat supporters ng mga bandang kasali. Bawat makasalubong kong tao ay madalas na usapan nila ay si Xyler at ang mga ka banda niya. Nakakainggit lang dahil ako ay hindi ko man lang magawang isigaw ang pangalan niya. "Elya! Nandito kana pala!" Sigaw ni Karla, iyong kaklase ko sa General Chemistry. Bahagya lang akong ngumiti at tumango. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako gaanong komportable sa kanya. "Ilang minuto na lang at magsisimula na yung battle, tara na!" Excited niyang sigaw at inangkla niya ang kanyang braso sa akin. "Ganoon ba? Anong oras ba yung start?" Tumingin naman siya sa relo niya, "Ang sabi kasi nung coordinator mga bandang 10am daw. Kaya tara na para nasa unahan tayo!" Alas diès din ang umpisa? Siguro naman ay niloloko lang ako ni Kipp na dalhin sa kanya ang jersey niya. Baka hindi nanaman siya seryoso sa sinasabi niya at gusto lang talaga niya kong inisin. Tama, baka nga isa nanaman 'to sa mga biro niya. Tumango ako at ngumiti kay Karla, "Tara na." Punong-puno ng tao ang gitna ng soccer field namin dito kung saan dito gaganapin ang battle. May mga kanya-kanya pa silang hawak ng banner para ipakita ang suporta nila. May mga nakalagay pang 'Go Xyler! I love your band!' 'Go SAA! Fighting!' nakakatuwa lang dahil full support ang mga taga SAA. Lalong lumakas ang hiwayan ng magsimula na ang mga hosts sa event hudyat para opisyal nang simulan ang battle of the bands. "Pangatlo pa sila Xyler, nakakaexcite!" Sigaw ni Karla sa tabi ko. Hindi ko na alintana ang bawat paggitgit sa akin at ang nakakabinging tilian nila dahil sanay na ako. Sabi ko nga, wala pa akong palya sa panonood kina Xyler. Nag-umpisa na ang unang banda at masasabi kong magaling din ito. Rock ang kanilang genre batay sa tugtugan nila. Habang kasalukyang tumutugtog ang unang banda ay kusa akong napatingin sa relo ko. 10:15am. Nagsisimula na rin kaya ang laro nila Kipp? Agad akong napailing nang pumasok iyon sa isip ko. Bakit ko nga ba inaalala ang lalaking iyon kung sa simula't sapul ay puro pamemerwisyo lang ang alam? Bahala siya sa buhay niya. Pinilit kong iwaksi iyon sa isip ko at nag concentrate sa harapan ko. Maganda ang pwesto namin ni Karla dahil nasa unahan talaga kami. Ang galing kasi niyang makipagsiksikan kanina. Pagkatapos nang unang banda ay lumingon sa akin si Karla. "Ngayon nga din pala ang laro ni Papa Kipp! Nagsisimula na kaya 'yon?" May halong pag-aalangan ang mukha niya. Napalunok naman ako tinignan ang oras. 10:25am na. Nagsisimula na yon. "Sayang, gusto ko rin siyang panoorin. Ang bali-balita kasi sa College Department, dati nang nakaaway ng team nila Kipp yung makakalaban nila ngayon sa championship. Kaya mahigpit daw panigurado ang laban." Kahit malakas ang sigawan sa paligid namin nang tawagin ang pangalawang banda, malinaw sa pandinig ko ang sinabi ni Karla. Kasabay noon ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko ito at halos masamid ako ng number ni Kipp yung nasa screen. Tumingin ako kay Karla saglit pero nasa harapan na ang atensyon niya. Kinalabit ko siya, "Saglit lang, Karla." Sabay pakita sa cellphone ko. Nakuha naman niya kaagad ang gusto kong iparating kaya nakipagsiksikan pa ako sa bawat taong nandito para lang makaalis doon. Nang makaalis na ako doon saka ko sinagot ang tawag. Mabuti na lamang at hindi niya iyon pinatay kaagad. "Hello--" [Ano ba talagang gusto mong mangyari, Kipp! Nagsisimula na ang laro and yet, hindi ka pa nagbibihis--] Tinignan ko kung number nga ni Kipp ang tumawag at tama naman. Itinapat ko ulit iyon sa tainga ko at pinakinggan ang galit na boses ng isang lalaki. [Huwag mo kong subukan ngayon Esvega! Hindi ka pwedeng hindi maglaro! Halos isang taon natin 'tong hinintay, ngayon ka pa magmamatigas! Ano, lokohan nanaman ba-- May hinihintay pa ko, Coach.] Narinig ko ang boses ni Kipp na pumutol sa lalaking sumisigaw. At coach pala nila iyon! [Anong hinihintay mo? Na matambakan muna tayo ng kalaban bago ka tumayo dyan sa kinauupuan mo?!] Sa tono nang pananalita nang coach nila, galit na galit na iyon na sa puntong kahit ang lakas din nang hiwayan ng mga tao roon ay nangingibabaw ang boses niya. "Kipp?" Alanganing tawag ko sa kanya kahit tuloy-tuloy pa rin ang panenermon sa kanya. [Hmm?] Halos lumundag ang puso ko sa gulat ng mag response siya kaagad. So, kahit pinapagalitan siya ng coach niya ay nasa tainga niya yung phone niya?! Talagang may pagka bastos din talaga ang isang 'to. "A-Anong nangyayari dyan?" Utal kong tanong kahit obvious naman na pinapagalitan siya dahil di pa siya naghahanda sa laro nila. [Isa, Esvega! Kinakausap kita! -- As you can hear, pinapagalitan ako ngayon ni coach.] Napakapit ako nang mahigpit sa cellphone ko dahil alam ko kung anong dahilan noon. Alam kong hindi talaga siya nagbibiro this time. Hindi pa siya naka jersey at wala talaga siyang balak maglaro hangga't hindi ko iyon dinadala sa kanya! "Nakakainis ka talaga! Bakit kasi--" [Pupunta ka pa ba?] Pagputol niya sa sasabihin ko. Saglit akong napatigil at kinuha sa bulsa ng bag ko ang susi ng locker niya. Tinitigan ko muna iyon saglit at napapikit ng mahigpit. [Three points for Western University!-- You don't need to force yourself to come here. It's okay, Elya.] Sa tono nang boses niya, parang wala lang sa kanya kung matalo sila. Napahigpit ang hawak ko sa susi niya. [Alam kong laban din ngayon ng rakistang yon.] Napairap ako sa sinabi niya at saktong banda na nila Xyler ang sunod na tinawag. Sa tagal kong inilihim sa lahat na gusto ko si Xyler, talagang si Kipp pa ang unang nakaalam! [Enjoy watching--] "Tumahimik ka nga! Papunta na ko d'yan!" Sigaw ko at agad na pinatay ang linya. Kasabay nang pagtakbo ko papalayo roon ay ang simula nang pagtugtog nila Xyler. Ito ang unang beses na hindi ko siya mapapanood mag perform nang dahil lang sa jersey nang isang basketball player.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hi good
08/08/2025
0more to eran
03/05/2025
0jjbnjsjsjjs
13/10/2024
0Tingnan Lahat