87

Raze
Natigilan ako sa narinig. Bakas sa mukha ni Haritha na hindi siya nagbibiro sa sinabi nipa. Wala rin naman siyang rason para magbiro ng gano'n.
S-So, she's telling me... that the girl we've been following right now-
Is not Xena?
"P-Paano mo-"
"Nakabili na kayo ng potion na kailangan niyo?"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may sumingit sa akin sa pagsasalita. Pareho kaming natigilan ni Haritha at dahan-dahang napatingin sa babaeng sumunod sa amin.
Nakakurba ang labi ni Xena sa isang ngiti habang nakatingin sa amin. Hindi kaagad kami naka-react ni Haritha na parehong nabigla sa pagsulpot niya.
"A-Ah, wala na pala ang kailangan kong potion." Kinakabahang sagot ni Haritha.
Napunta sa kaniya ang tingin ni Xena. "Ah, gano'n ba. Tara, tignan natin kung-"
"A-Ano, sa tingin ko... kailangan na nating makipagkita kina Lei at Taniya." Pagputol ni Haritha.
Pareho kaming natigilan ni Xena sa narinig. Napakurap-kurap ang babaeng kaharap ko habang nakatingin kay Xena. Pasimple niya akong hinawakan nang mahigpit sa braso.
Naglaho ang ngiti ni Xena at seryoso niyang tinignan si Haritha. Ilang segundo rin niya itong tinitigan bago muling bumalik ang pagkurba ng labi niya.
"Malapit na tayo sa kakilala kong witch, sigurado akong nag-aabang na ang mga kasama niyo sa portal kasama ang kaibigan ko." Nakangiti niyang sagot. "Bilisan na natin ang pagpunta para makasama na rin natin sila." Dagdag niya.
Mariin na napakagat sa ibabang labi si Hartiha nang tinalikuran kami ni Xena at sinenyasan kami nitong sundan siya. Bago kami sumunod ay muli akong tinapunan ng tingin ni Haritha na may tingin na babala bago tumango.
Napalunok ako nang malalim bago niya ako daanan at sumunod siya kay Xena. Ilang segundo akong natulala sa pwesto ko habang inaalala ko ang sinabi ni Haritha sa akin.
H-Hindi siya si Xena? P-Pero paanong?-
Iniling ko ang ulo ko bago huminga nang malalim. I-I don't know if that's even possible... nor should I believe Haritha... sa ngayon, ako mismo ang aalam kung totoo nga 'yon.
---
Ilang minuto kaming naglalakad sa bayan. Tuluyan ng nagsara ang mga tindahan na nadadaanan namin at wala man lang kaming makita o madaanan man lang ibang witch. Nanatili rin kaming tahimik habang naglalakad at walang nagsasalita.
Nauuna sa aming maglakad si Xena habang nasa likuran ko si Haritha na hindi nawawala ang tingin sa babaeng nauuna sa amin.
Pasimple ko siyang tinapunan ng tingin at naghahanap ako ng tyempo para kausapin siya.
"Hey, Haritha-"
"kleídoma toúvlon."
Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig. Natigilan na lamang ako sa pagsasalita nang may nauna sa aking nagbanggit ng spell. Huli na nang maramdaman ko ang paggalaw ng mga bricks na tinatapakan naming lahat.
"Razen, Ritha!"
Nabigla ako nang makaramdam ako ng paghawak sa akin. Nagawa akong ilayo ni Xena sa tinatayuan namin ni Haritha dahilan ng hindi pag-trap sa akin. Sa kabilang banda, namuo ang mga bricks sa katawa ni Haritha at pinipigilan siyang gumalaw.
Namilog ang mga mata ko sa nangyari at agad kaming napatingin ni Xena sa gumawa n'on. Sumalubong sa amin ang isang hindi pamilyar na lalaking witch na nakatayo sa isang post lamp. Nakasuot siya ng isang cloak at tanging ang mukha niya lang ang pwede namin makita sa kaniya.
Napaismid ako at humakbang papalapit sa kaniya. "B-Bastard-"
Nahinto ako nang mapagtanto kong hindi lang siya ang nag-aabang sa amin. Bagkus ay napapalibutan kami ng mga witch na nasa itaas ng bubong ng mga saradong tindahan. Kusang nagbago ang ekspresyon ko habang inililibot ko ang tingin sa itaas.
T-There are more than twenty of them... w-what the heck are they doing here?!
"R-Raze-" 
Natauhan ako nang marinig ang pagtawag sa akin ni Haritha. Doon ko nakita na pinalibutan na rin siya ng iilang witch habang hindi niya maigalaw ang katawan niya. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko at matalim kong tinignan ang mga witch na nasa paligid namin.
They're freaking messing with the wrong people-
"Tara na!"
Nabigla ako nang maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak ni Xena sa braso ko bago siya nagsimulang tumakbo. "A-Anong-"
"Kailangan natin silang takasan! Masyado silang marami!" Giit ni Xena habang tumatakbo.
Hindi naproseso ng utak ko ang sinabi niya at tila natigilan ako habang patuloy siya sa paghatak sa akin sa pagtakbo. Parang bumagal ang takbo ng oras habang pinapanood ko siyang hilahin ako paalis sa mga witch na umatake sa amin.
S-She wanted us to run?
T-To run?
Leaving a comrade behind?
Tuluyang naglaho ang nag-iisang pag-asang meron ako ngayon. H-Hindi ko na alam... gusto ko lang namang ibalik si Xena sa kasalukuyan kaya bumalik kami sa nakaraan... p-pero ano ba itong nangyayari?
Walang kaemo-emosyon akong huminto sa paghatak niya sa akin na kinatigil niya rin.
"B-Bakit-"
Natigilan si Xena nang mariin kong hinawakan ang kamay niya para alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Tinapunan ko siya ng tingin at walang kaemo-esmoyon ko siyang tinignan. Walang buhay ang mga mata ko nang magasalita ako.
"Who are you?"
Tila nakakabingi ang naging katahimikan matapos kong magtanong. Nagtatakang tumingin sa akin ang babaeng kaharap ko.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong sa akin. 
Tanging ang ilaw lamang ng mga post lamp ang tanging liwanag sa pwesto namin. "I said, who are you?" Pag-uulit ko.
Kunot noong pilit na tumawa ang kaharap ko. "A-Ako si Xena, anong sinasabi mo, Razen?" Naguguluhan niyang tanong.
Bakas sa mukha niya na wala siyang kaalam-alam sa sinasabi ko. Pero hindi na ako madadala pa sa mga arte na gano'n. Dahil sapat ng patunay ang ginawa niya ngayon-ngayon lang...
The witch who was willing to take everyone, a whole city's pain... just to make sure that no one will get injured... 
Left a fellow witch, a friend, behind...
"K-Kailangan lang talaga nating umalis-"
Natigilan ang kaharap ko nang pilit akong tumawa kahit walang buhay ang mga mata ko. "You're the greatest witch of all time... anong kinakatakot mo?" Sarkastikong tanong ko na kinatigil niya.
"Kung ikaw nga... kung ikaw nga si Xena, patunayan mo sa akin."
Walang ekspresyon ko siyang hinarap at hinabol ko ang mga tingin niya.
"Show me a cipher spell. Prove me that you're Xena." Paghamon ko.
"P-Pero ayokong masaktan ka-"
"Those who know her real existence can't be harmed by her own spells." Pagputol ko sa sasabihin niya na kinatigil niya.
"Iyon ang sinabi mo sa amin. Hindi ba, Xena?"
•••

Komento sa Aklat (180)

  • avatar
    Astrape

    Ang Ganda!!!! Sana may kasunod pa. I really enjoyed it Po 🤗 I'll be looking forward next story nito ಥ‿ಥ

    05/05/2022

      0
  • avatar
    Ali Vergara

    highly recommended 🤧

    01/04/2022

      2
  • avatar
    PambuenaAngelo

    maganda ang kuwento

    17/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata