Homepage/My Charming Day/
Chapter 17
"Not gonna lie… your clothes are kinda revealing, Dayz."
Napaharap tuloy ako sa salamin ng kuwarto ko nang sabihin 'yon ni Yanzi. Aba? Revealing ba talaga?
Pinagmasdan ko ng maigi ang suot kong white wide pants at yellow sleeveless top na backless. Nag mukha na nga itong convertible bra. Pinaresan ko rin ito ng black boots.
"Sasapawan ko naman ng blazer," nakasimangot kong sambit at pinakita sa kanya ang medyo see through kong white blazer.
Pinagkrus niya naman ang mga braso niya at bumuntong hininga. "Bahala ka na nga."
Sinuot ko ang white blazer at tinignan ang sarili ko sa salamin. Mukhang ayos naman na. Bakit ko ba kasi siya pinapasok at tinanong kung ayos lang ang suot ko. Hindi naman ako ganito dati!
Pupunta kasi kami sa graduation party ng buong batch. Kakagraduate nga lang namin kahapon ay may pa party na sila. Sa bar de luna raw ito gaganapin. Ni-rent talaga nila ang buong lugar para lang sa party na 'yon.
"Just… stay close to our friends, okay? 'Dami pa namang loko-loko sa buong batch," napapailing na aniya at sinenyasang lumabas na kami gamit ang nguso niya.
Nang makarating kami sa loob ng bar ay mukhang nagsimula na ang party. Malakas ang tugtog ng music at marami na ring nagsasayawan. Aba, alas dies pa lang ng umaga, ah?
"Dito tayo." Hinila ako ni Yanzi papunta sa counter ng bar.
"Anong kakainin natin dito? Eh, puro alak lang ang meron!" Taas-kilay kong tinignan ang mga lalaking nakaupo sa harap ng bar counter.
Sila lang naman ay sina Lorenzo at Phillip. Nagpapaligsahang uminom ng alak.
"Hays, ano bang problema sa henerasyon natin?" Napasinghap ako ng hangin. "Ikaw? Umiinom ka na naman? Ke aga-aga!" baling ko kay Lorenzo habang nakahawak sa magkabila kong bewang.
"Tsh. Yanzi's right. Para kang manang. Let us drink since this is a party after all," sambit nito at lumaghok nanaman ng isang shot.
"Abay!" akma ko siyang hahampasin nang mapagtanto ko ang sinabi niya. Imbis na siya ang hampasin ay hinarap ko si Yanzi at inambaan ito ng sapak.
"Gago ka? Anong manang?!" tanong ko rito at muling hinarap si Lorenzo, "Ano ba? Magsitigil nga kayo d'yan! Nandito tayo para mag celebrate at hindi para mag walwal!" inis kong saad sabay agaw ng mga shot glass nila.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Lorenzo habang si Phil naman ay hindi na nagulat pa.
Ako ang nagulat nang biglang kunin ni Yanzi ang mga shot glass mula sa likuran ko dahilan para maramdaman ng likod ko ang matigas niyang dibdib.
"She's right guys, stop drinking." Tumaas ang mga balahibo ko nang magsalita siya sa gilid ng tainga ko.
"O-Oo nga. T-Tama ako!" sambit ko at umabante ng kaunti.
Tumalikod ako at lumaki ang mga mata ko nang makitang nilaghok ni Yanzi ang mga natira sa shot glass!
"Hoy!" sita ko rito. Lakas ng amats niyang sawayin sina Lorenzo tapos iinom lang din pala siya. Napasimangot lang ito at binalik ang mga shot glass sa bartender.
"OMG!" Napalingon kami sa sumigaw. Si Cessa lang pala. "Friend! Ang ganda mo! Kamusta ang US? Okay ba? Shet! Halos hindi na kita mamukaan!" Napatingin kami sa babaeng hawak-hawak niya sa braso.
Sumingkit ang mga mata ko sa isang babae na nakasuot ng white sweater at black skirt. Naka boots pa ang gaga!
"Kythe!" sigaw ko nang mapagtanto siya pala ito!
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit! Niyakap niya rin ako dahilan ng pag ngilid ng mga luha ko.
"Gaga ka! Huhu… pinag-alala mo kami!" Nagkunwari akong umiyak. "Bakit ka umalis? Ha?" tanong ko matapos kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
Napayuko siya, "A-Ano kasi… m-mahabang storya," sagot niya na ikinasimangot ko. Matapos ang ilang buwan? Grabe 'tong si Kythe. Nakakatampo.
At alam kong may isa riyan na mas nagtatampo. Napalingon ako sa likuran ko st pinagmasdan si Lorenzo. Nakatingin siya ng deretso kay Kythe ng walang emosyon.
Hinarap ko si Kythe, "Nako, kung alam mo lang. Halos mabaliw kami nang mawala ka. Oo, kami. Dahil nakakapagtaka ang naging reaksyon ni Lorenzo nung mawala ka," pagkwento ko kaya kinabahan siya.
"B-Bakit? Ano ang naging reaksyon niya?" taka niyang tanong.
"Mm… tulad niyan." Nakangiwi kong tinuro si Lorenzo bago niya hinila palapit sa kanila.
Binati pa siya ng mga kaibigan namin bago siya lumapit kay Lorenzo. Pero syempre, kailangan magdrama ni Lorenzo kaya nagwalk-out-the-door ito. Sinundan naman siya ni Kythe kaya hinayaan ko na lang sila. Alam ko namang may problema rin silang kailangang sila lang ang umayos.
Pero syempre, bilang kaibigan ni Kythe ay hindi ko rin mapigilang mag-alala. Sana nga maging maayos na sila.
"Dayz! 'Di mo man lang sinabi na uuwi pala si Kythe!" Lumapit sa akin si Cessa at pinaningkitan ako.
"Aba, hindi ko rin naman alam na uuwi siya, ano! Wala kaya kaming koneksyon simula nang umalis siya," nakasimangot kong saad at wala sa sariling hinanap si Yanzi.
Noong una ay hindi ko siya nakita dahil wala na siya sa dating puwesto. Pero kalaunan ay nakita ko rin siya sa hindi kalayuan at… kayakap niya si Kate. Hindi ko pinahalatang nagulat ako at ibinaling na lang ang tingin sa ibang batchmates namin.
"Dayzelle, 'di ba? Do you remember me?" A guy from the dancing crowd suddenly approached me.
"Oo, bakit? Kilala ba kita?" taas kilay kong tanong kaya bahagya itong natawa.
"Nakakatampo naman. I'm Bryle, captain ng handsome lions." Ang basketball team ng school ang tinutukoy niya. Pamilyar nga siya, pero hindi ko talaga naalala ang pangalan niya kung nagpakilala man siya sa akin noon.
"You don't remember, huh…" Napahawak ito sa baba niya na animong nag-iisip. "Tinanong pa naman kita dati na i-cheer ako no'ng intramurals. Talagang hindi mo maalala?" muli niyang tanong kaya sunod-sunod akong umiling. Ano ba'ng malay ko.
Ang tagal na kaya no'n!
" 'Di bale, maalala mo rin ako after this day." He winked at me before gesturing his hand. Tinaasan ko naman ito ng kilay.
"Ano 'yan?" Bakit niya nilalahad ang kamay niya?
"Sayaw tayo," sambit niya at biglang hinila ang palapulsuhan ko papuntang dance floor!
"Oy! Ayaw ko nga!" pagpalag ko kaso hindi niya ako binitawan at mas hinila papunta sa gitna ng mga nagsasayawan!
Inis kong iniwas ang sarili ko sa mga sumasayaw. Para silang mga hayop na nakatakas sa hawla. Ang lilikot!
"Sige na! Masaya 'to!" He was about to grab my waist when someones hand stopped him.
Nilingon ko ito at laking gulat ko nang makitang si Drei ito. Siguro, nagulat ako dahil hindi siya ang inaasahan kong gagawa nito.
"Problema mo, pare?" tanong no'ng lalaki.
"Bitiwan mo nga si Dayzelle." Inis na tinulak ni Drei ang lalaki dahilan para mabitiwan nito ang kamay ko.
"Bakit, sino ka ba?" Mukhang nagalit ang lalaki sa ginawa ni Drei. Pero duh! Deserve niyang matulak dahil punyeta siya!
"Sino ka rin ba? Mukha bang natutuwa siya sa pinanggagawa mo? Humanap ka nga ng maloloko mo, tangina." Bigla akong hinila ni Drei hanggang sa makaalis kami sa crowd ng mga nagsasayawan. "Ayos ka lang? Did he do something to you?" puno ng pag-aalala nitong tanong.
"Nako! Subukan niya lang talaga! Nagtitimpi lang ako kanina, ano!" Napairap pa ako kaya natawa siya. Ayaw kong mag-alala pa siya dahil wala pa namang nagawa sa aking ang gagong lalaking 'yon.
"Buti naman. Kilala ko si Bryle. Hindi siya mabuting tao," napapailing na aniya at nagpaalam na kakausapin lang si Blue. Kakarating niya lang kasi.
Napahinga ako ng malalim bago napagdesisyunang lapitan si Yanzi. Nawalan na ako ng gana. Gusto ko nang umuwi. At saka, kakakita ko lang naman sa pagmumukha ng mga batchmates ko kaya hindi ko pa sila namimiss. Umalis na si Kythe kaya ano pang magagawa ko rito?
"Yan—"
"I don't know what to do anymore… I'm so lost…" Tatawagin ko na sana si Yanzi nang maunahan akong magsalita ni Kate. Nasa likuran lang nila ako. Nakatalikod sa akin si Yanzi habang si Kate naman ay nakaharap sa kanya. Hindi niya siguro ako nakita dahil sa tangkad ni Yanzi.
Marahang hinaplos ni Yanzi ang likod nito na animong tinatahan siya.
"You'll be okay, Kate. You're a strong person. And I'm always here whenever you need me, okay?" malambing na ani Yanzi sa kanya. At muli ay nagyakapan sila.
Tumalikod ako kaagad dahil sa kakaibang pakiramdam na naramdaman ko. I don't know what's up with me, but I didn't like what I saw or heard…
Padabog akong naglakad palabas ng bar at huminga ng malalim. Bigla na lang kasing kumulo ang dugo ko. Hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko. Hindi na talaga ako 'to.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdamang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba'ng problema ko?
Kinalma ko muna ang puso ko bago bumalik sa loob ng bar. Magpapaalam na ako sa mga kaibigan kong uuwi na ako. Parang bigla na rin kasing sumama ang pakiramdam ko.
"Eh?! Ang aga pa para umuwi, Dayz!" reklamo ni Cessa at siniko si James. "Oy, inaway mo 'to? Ba't bigla niya na lang gusto umuwi?" paninisi niya pa.
"Malay ko d'yan! Nananahimik ako, Cessa, ah," sagot naman ni James. Pilit ko silang nginitian.
"Masama lang pakiramdam ko, una na ako sa inyo. Tutal naman nagsawa na ako sa mga pagmumukha niyo," biro ko at tinalikuran sila para lumabas na.
"Ingat ka, Dayz!" pahabol pang sigaw ni Cessa.
Sa kabilang dulo ako ng bar dumaan para hindi ako makita ni Yanzi. Well, as if din namang mapapansin niyang umalis ako. Eh, nasa ex niya naman ang atensyon niya.
I rolled my eyes before exiting the bar. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa tapat ng bahay. May kamahalan nga lang ang pamasahe pero wala na akong pakialam doon.
Nang makababa mula sa taxi ay agad kong napansin ang isang lalaki sa tapat ng gate. May sinisilip siya sa loob ng bahay na ikinataka ko. Magnanakaw kaya siya?
"Sino ho sila?" tanong ko at bahagyang umatras nang hinarap niya ako. Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang si Tatay ito. Hindi tuloy ako nakapagsalita agad.
"Dayzelle," sambit nito at akmang lalapit nang umatras ako. Natigilan siya sa reaksyon ko at napatango. "Pasensya na kung nagulat kita. Gusto lang sana kitang kausapin… a-ang Nanay mo pala? Nasaan siya?" mahinahon nitong tanong kaya napabuntong hininga ako.
Muli ko na namang naalala si Nanay. "Ang totoo, n-nawawala ho si Nanay," nakayuko kong sagot at sinubukang huwag maging emosyonal. Ayaw kong magmukhang mahina. Lalo na sa harap niya. Halatang nagulat siya nang hindi siya nakapagsalita at napakurap pa.
"P-Paano?" Gusto kong matawa nang makita ang pag-aalala sa mga mata niya. Ang kapal naman yata ng mukha niyang mag-alala, eh, siya nga itong iniwan kami kay Nanay.
Sarkastiko akong ngumiti. "Pumunta kasi siya sa Maynila. Magtatrabaho sana siya para makapag-aral ako. Siya lang kasi ang bumubuhay sa akin." Napayuko siya at napahimas sa batok niya.
"Alam kong galit ka sa akin. Pero kasi… hindi mo naiintindihan," saad niya kaya kumunot ang noo ko. Ano ang hindi ko maintindihan?
"Ano'ng ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong. Kita ko kung paano pa siya nag dalawang isip bago napagtantong ibuka ang bibig niya.
"Ano'ng ginagawa niyo rito?" Natigilan ito nang may magsalita mula sa likuran ko. Alam kong si Ate 'yon.
"Danielle, anak—"
"Mawalang galang lang, wala kang karapatang tawagin akong gan'yan," pigil ni Ate rito.
"Danielle… gusto kong humingi ng tawad."
Bakas ang galit sa mukha ni ate. Nakakuyom ang mga palad niya at nagsalubong ang mga kilay niya. Ano mang oras ay batid kong sasabog siya sa galit.
Buti na lang at dumating ang kanyang asawa at pinakalma siya.
"Babe, sinabi ko nang hintayin mo ako 'di ba? Hindi mo man lang ako hinintay na ma park ng maayos ang motor." Mukhang wala itong ka alam-alam sa tensyon na nangyayari. "At saka… bakit mainit ang ulo mo? Alam mo namang makakasama 'yan kay baby…"
Lumaki ang mga mata ko dulot ng gulat sa sinabi ni Kuya. Napaawang ang bibig ko at inaakusahang tinignan si Ate.
"B-Buntis ka?" tanong ko sabay tabon sa bibig ko. Halos kinalimutan ko na ang presensya ni Tatay.
Inis naman itong nagpakawala ng buntong hininga.
"Talagang ngayon mo 'yan sasabihin, Kaleb?" inis na anito sa asawa kaya nag peace sign sa kanya si Kuya Kaleb.
"Totoo nga?! Ate, buntis ka!" sigaw ko pa kaya binatukan niya ako. Napahimad tuloy ako sa batok ko.
"Oo, kaya manahimik ka dahil kumukulo ang dugo ko!" sagot nito kaya pasikreto akong nangiti. Finally, magkakapamangkin na ako!
"Anak, congratulations," singit ni Tatay. Mukhang alam ko na kung saan namana ni Ate ang kakapalan ng mukha niya. Echos.
"Pumasok ka na sa bahay, Dayz. Mag-uusap lang kami." Ni hindi man lang ako nagawang tinignan ni ate dahil nakapako ang tingin niya kay Tatay habang binibitiwan ang mga katagang 'yon.
Hindi na ako pumalag pa at sinunod ang sinabi niya. Pumasok ako sa bahay at deretsong umakyat sa kwarto ko. Bigla ay naramdaman ko ang pag kirot ng puson ko. Peste naman. Mukhang buwan ng daloy ko na naman. Maswerte ako at karaniwang tatlong araw lang ako dinadatnan sa bawat buwan kaya hindi ako gaanong hirap.
Pumunta ako sa banyo at tama nga ang hinala ko. Buti na lang at umuwi ako agad. Nagbihis ako ng pambahay at sumalpak sa higaan ko. Dahil medyo masakit ang puson ko ay nagawa kong matulog habang nakabaluktot.
Kusang nagising ang katawan ko nang makaramdam ako ng matinding init. Madilim na ang langit mula sa bintana laya halos wala akong makita sa loob ng kuwarto ko. Nakapatay kasi ang ilaw. Bumangon ako at nakaramdam ng pagkirot ng ulo ko. Napahawak ako rito at napapikit.
Kainis naman. Nang medyo nawala ang sakit ay tumayo ako at in-on ang ilaw. Napagdesisyunan kong bumaba sa kusina para uminom ng tubig.
"Dayz." Muntik ko nang malimutan na nasa iisang bahay pala kami ni Yanzi. Kung ganoon, nakauwi na pala siya. At mukhang hindi rin ako inabala pa ni ate.
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang plano kong uminom ng tubig. Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng tubig mula sa jug.
"Okay ka lang ba? Cessa sadi that you weren't feeling well," mahinahon nitong tanong. Bakas ang pag-aalala sa tinig niya kaya may napagtanto ako.
Normal sa kanya ang mag-alala. Walang espesyal sa pag-aalala. Ang tanga ko sa parteng inisip kong mahalaga ako sa kanya. Little did I know that he was treating everyone the same. Or maybe… I was to dumb to notice.
Nilghok ko ang tubig mula sa baso bago naghilamos sa lababo. Nanatili naman siyang nakasunod sa akin.
"Dayz… naririnig mo ba ako?"
Umupo ako sa dining chair at napahawak sa sentido ko. Dinaramdam ang pagkirot nito.
"Galit… ka ba?" maingat niyang tanong at marahan na hinawakan ang balikat ko. Doon ay tinignan ko siya sa mga mata niya.
Napakunot ang noo ko nang mabasa ang pag-aalala roon. Punyetang mga mata 'yan.
"Do we… have a problem?" muli niyang tanong kaya sunod-sunod akong umiling.
"W-Wala. Masakit lang ang ulo ko," I lied. Alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Alam kong iba na talaga ang nararamdaman ko para sa taong 'to.
"Gano'n ba? Uminom ka na ba ng gamot?" Umiling lang ako bago iniwas ang tingin ko sa kanya. I probably look like a mess right now. "Bumili ako ng pagkain. Kain muna tayo? Tapos uminom ka na lang ng gamot pagkatapos."
Tahimik ko lang siyang tinitignan habang abala siya sa pag bukas ng mga pinamili niyang pagkain na mula sa McDo. Talagang sa McDo pa bumili. Gusto kong suminghal sa kanya.
"Sayang… umuwi ka ng maaga. May foods pa namang pinadala sa bar kanina. Ang dami pang desserts," sambit niya bago inabot sa akin ang pagkain ko.
I secretly rolled my eyes before eating what he gave me. Ni hindi ko napansing fried chicken pala ang binigay niya. Samantalang ang kinakain niya ay spaghetti. It felt like I was fighting demons when I was fighting the urge to tell him that I wanted to eat spaghetti.
Nakakahiya naman sa kanya. Pwe.
Sa huli ay natiis kong huwag na mangarap pang makakakain ako ng spaghetti ngayong gabi.
Kasalukuyan akong ngumunguya ng fries ngayon habang pinagmamasdan si Yanzi na mag ligpit ng pknagkainan namin. Not gonna lie… he looked attractive while doing that.
Napailing ako sa naisip at pilit na kinubinsi ang sarili ko na wala akong ibang nararamdaman sa kanya. Wala ito. It's not attraction. Just… appreciation.
Oo ganoon nga. Naa-appreciate ko lang siya bilang tao. 'Yon lang.
Nang matapos siya sa pagliligpit ng kalat sa lamesa ay kumuha siya ng gamot mula sa medicine kit na nasa tray sa kusina. He gave me a glass of water ang handed me a small white tablet.
"Inumin mo, tapos pahinga ka," aniya kaya kinuha ko mula sa kamay niya ang tabletas. Ininom ko ito sabay laghok ng tubig.
Gusto ko na sana bumalik sa kuwarto nang mag ring ang cellphone ni Yanzi. Kinuha niya ito mula sa bulsa niya at natigilan nang makita ang caller. Dahil bahagya soyang nakatalikod sa akin ay nakits ko kung sino ito. Ang Mommy niya.
Sa huli ay pinindot niya ito sabay kagat sa iabbang labi niya. Bakas ang kaba sa mga mata niya habang hinihintay ang kung ano mang sasabihin ng kanyang ina.
"Y-Yes, Mom?" sagot nito. "What? Fine… I also… h-have something to say. Alright. See you soon." Pinatay niya ang tawag at kabadong binaba ito sa lamesa na animong bomba ito.
"Bakit?" taka kong tanong.
"Please do me a favor, Dayz." Umupo siya sa harap ko at nakasimangot akong tinignan. Kumurap-kurap pa ito na animong nag p-puppy eyes.
"Ano?" kunot noo kong tugon. Kinakabahan sa kung ano man ang hinihingi niyang pabor.
"Be my girlfriend."
To be continued…I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (13)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
wow
29/06/2024
0novelah
15/06/2024
0⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐
17/03/2024
0Tingnan Lahat