Chapter 47

Every pain has a reason, and every reason can change a person.
Ang daming nangyari. Ang daming nagbago pero 'yong sakit ay mananatili pa rin sa puso ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Gusto kong hindi maniwala pero nasa harapan ko na mismo ang pangalan niya.
Habang nakatingin sa puntod niya, tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha. Ang mga memory ay mananatili sa akin. Alam kong ginawa niya lang 'yon para sa babaeng mahal niya.
Pero 'di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang makita siya noon sa morgue ay sobrang sakit na. Alam kong marami siyang naging kasalanan pero naiintindihan ko na ang lahat.
Maraming salamat sa ala-ala.
Ang mga ngiti niya ay talagang mami-miss ko. Alam kong may mga naging kasalanan din ako sa kaniya. Minahal ko siya kung sino siya pero may mga bagay na hindi nararapat.
"Mommy!" Napangiti ako nang makita kong kumakaway si Kathy at patakbong lumapit sa akin.
Ilang taon na rin mula noong mangyari ang trahedyang 'yon sa aming pamilya. Napangiti ako nang makitang buhat-buhat ng asawa ko ang anak namin na limang taong gulang pa lamang.
Ang gwapo ng asawa ko.
Nang makalapit sila sa akin ay yumakap na sa akin si Kathy. Alam na ni Kathy na ako ang tunay niyang ina dahil hindi naman mahirap ipaliwanag sa kaniya ang mga bagay. Matalino si Kathy at naintindihan niya agad ang mga nangyari. Nakarecover na rin siya noong na aksidente siya noon pati na rin kami.
Mapait akong ngumiti sa ala-alang 'yon.
"You okay?" Tanong sa akin ng asawa ko.
Tumango lang ako sa kaniya 'tsaka ngumiti.
"Tara na?" Tanong niya.
Mabilis namang sumunod sa amin si Kathy pasakay ng kotse. Dumaan muna kami dito sa simenteryo bago kami umuwi sa bahay.
Dinalaw ko kase ang tunay kong ama pati na rin si Sean na naging bahagi na ng buhay ko pero masakit pa rin sa akin ang mga huling nangyari sa amin noon. Noong una ay hindi ko talaga matanggap ang nangyari at ko siya mapatawad pero kinalaunan ay unti-unti ko ng natatanggap. Napatawad ko na sila sa mga ginawa nila sa amin noon.
At sa mga taon na lumipas ay marami nang ganap sa buhay namin ni Xian. Tulad na lang ngayon. Nakapagtapos na ako ng pag-aaral sa tulong ni Xian. Habang si Xian naman ay may bagong kompaniyang naitinayo kung saan doon din ako nagta-trabaho hindi na bilang P.A o utusan ng mga empleyado kundi CEO ng kompaniya.
Bongga 'di ba?
Hindi ko rin inakala sa paglipas ng taon magiging successful ako dahil na rin sa tulong ng asawa ko. Nakapagpatayo ako ng bahay para kila Mama at Papa at may sarili na rin silang negosyo na kinaaabalahan.
Ngayong araw ay kaarawan ni Kiko. Nakakapagmaneho na rin siya ng kotse ngayon at may tatlong sasakyan sa garahe na pag-aari na niya dahil kay Xian. Napailing na lang ako sa ala-alang unang ensayo niya sa pagmamaneho. Halos mayupi-yupi ang unahan ng sasakyan niya dahil sa palaging na babangga kapag nag e-ensayo siya sa pagmamaneho at ang loko-lokong Xian naman ay tuwang-tuwa sa nakikita niya kay Kiko.
Habang nagda-drive si Xian, karga ko naman ang bunso namin na pinipisil ang sariling ilong para raw mas tumangos ang ilong niya samantalang si Kathy naman ay abala sa cell phone nito.
Biglang nag ring ang cell phone ni Xian na nasa dash board kaya ako na ang sumagot para hindi siya maistorbo sa pagmamaneho pero iniloud speaker ko 'yon para marinig niya.
"Kuya!"
"Oh, Xia? Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong ni Xian sa kapatid.
"Yes po Kuya. Excited na po ako!" Parang kinikilig niyang sabi.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero baka may pinaplano sila sa birthday ni Kiko ngayon.
"Okay, thank you!" Masayang wika ni Xian.
"Tumulong din kaya ako." Singit ni Wayne sa usapang magkapatid na mukhang kasama ngayon ni Xia.
"'Bat mo kasama ang kapatid ko?!" Iritang tanong ni Xian kay Wayne.
"Bro, ilang taon na ang lumipas pero hindi mo pa rin ako tanggap para sa kapatid mo? Sinasaktan mo na naman ako ah." Nagtatampong wika ni Wayne.
Alam kong sinusubukan niya lang si Xian kapag dinadramahan niya 'to pero ang Xian naman ay mas lalong nairita na ikinatawa ni Wayne.
"Mackel Wayne humanda ka sa akin kapag hinawakan mo ang kapatid ko!"
"Oh! oh! Sorry bro pero higit pa sa paghawak ang ginawa ko sa kapatid mo."
Alam kong nakangisi ngayon si Wayne kung nakikita namin siya ngayon.
Hindi na din maipinta ang hitsura ni Xian at namumula na rin siya sa galit kaya bago pa siya sumabog nang tuluyan ay pinatay ko na agad ang tawag. Mabilis ko naman siyang hinalikan sa pisnge dahil ang talas na ng mga mata niya habang nagda-drive. Lagi kasing iniinis ni Wayne si Xian kapag kapatid na niya ang pinag-uusapan.
"That motherfvker!" Inis niyang mura.
"Xian! Marinig ka ng mga bata!" Suway ko.
Bumaling naman siya sa akin at lumambot ang hitsura.
"Sorry Ali." Hingi niya ng tawad na tinanguhan ko lang.
Bumaling na ulit siya sa harapan para makapagmaneho ng maayos.
"Bakit hindi mo na lang kaya hayaan 'yong dalawa? Alam kong gusto mo lang protektahan ang kapatid mo pero wala ka bang tiwala sa kaibigan mo? Oo, alam ko 'yong pakiramdam ng ganiyan dahil naranasan ko na din 'yan sa mga kapatid ko noon, na super protective pero...
napag-isip-isip ko rin na, hindi sa mahabang panahon ay kailangan mong maging ganiyan sa kapatid mo dahil baka masakal siya at siya na kusang tumutol sa patakaran mo bilang isang kuya." Seryosong sabi ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Xian. Alam kong gusto niya lang protektahan si Xia pero hindi na naman tama kung pati ang bawat galaw ng kapatid niya ay gusto pa niyang malaman. Babae rin ako at alam ko ang nararamdaman ni Xia sa tuwing nagiging protective sa kaniya ang kuya niya.
"May sarili na siyang isip at alam na niya ang ginagawa niya, saka alam na rin niya ang tama sa hindi."
Hindi umimik si Xian kaya bumaling ulit ako sa kaniya at dumukwang para halikan ulit siya sa pisnge.
"Don't get me wrong Ali pero kung ipagpapatuloy mo ang pagiging over protective mo kay Xia baka lumayo ang loob niya sa'yo." Babala ko.
"Ayokong mangyari 'yan." Bakas sa hitsura niya ang pangamba.
"Hindi ko 'to sinasabi dahil gusto kong tanggapin mo na si Wayne para kay Xia pero dahil na rin sa kapakanan niyo bilang magkapatid, ayoko lang dumating ang araw na mag-away o magkasagutan kayo ng dahil lang sa pagiging protective mo. Ayoko na ulit kita makitang nasasaktan."
Bumaling siya sa akin ng ilang segundo bago napalitan ng ngiti ang pangambang hitsura.
"I love you!"
"Mas mahal kita."
Ilang minuto pa ang lumipas at nagtaka ako kung bakit iba ang pinupuntahan namin. Hindi kasi ito ang daan pauwi kaya kunot ang noong tumingin ako kay Xian.
"Xian, Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.
Pero imibis na sagutin niya ako ay ngiti lang niya ang naging sagot. hindi siya umimik hanggang sa makarating kami sa isang kasalan. Nandito kami sa isang beach at puro mga bisita ang nasa paligid pero ang nakakapagtaka kung bakit walang bride at groom? At bakit nandito kami? Sino ang ikakasal?
Naalala ko tuloy noong sinabi ko kay Mama na kasal na kami ni Xian akala ko magagalit sila pero mas natuwa pa sila sa inaakala ko. Napailing na lang ako sa ala-alang 'yon.
Nakahinto na ang kotse at bumaling sa akin si Xian. May kinukuha siya mula bulsa at nang makuha niya ang isang pulang box saka niya iniharap sa akin 'yon kaya napatakip ako sa bibig ko at naluluhang tumingin sa kaniya.
"Ali... Will you marry me, again?" May kislap na kaba sa mga mata niya pero may halong tuwa.
Kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako na may ngiti sa mga labi.
"Yes." Ani ko.
Pumalakpak naman si Kathy pati na rin ang bunsong anak namin na nakatingin lang sa amin ni Xian.
Binuksan naman agad ni Xian Ang box at nandoon ang dalawang singsing na magkasama. Iyong singsing na ipinamana sa akin ni Lola. Ang akala ko ay isusuot niya sa akin pero isinarado niya ulit iyon.
Napabaling kami nang may kumatok sa bintana ng kotse at si Xia 'yon na may ngiti rin sa labi. Bumaba na si Kathy na naka white dress kagaya ng anak naming bunso na si Ian na nakawhite polo naman. Kinuha naman agad sa akin ni Xia si Ian pati na rin ang singsing na hawak ng kapatid.
Takang tumingin ako kay Xian.
"Anong meron?" Takang tanong ko.
"Ikakasal na tayo... Ngayon." Chill niyang sabi.
Nanlaki naman ang mga mata ko. Bumaling ako sa nakahandang kasalan bago tumingin ulit kay Xian na hindi makapaniwala. Sinuntok ko siya sa dibdib at lumuluhang nagsalita.
"B-bakit ba lagi mo akong ginugulat?! Nakakainis ka! Ngayon ka nagpropose tapos NGAYON din ang kasal?! Kaya ba tanong ka ng tanong no'ng nakaraang araw sa gusto kong theme sa kasal?"
Tumangong nangingiti si Xian at niyakap ako ng mahigpit.
"I love you."
At dahil sa sinabi niya ay mas lalo lang akong naiyak. Hindi dahil sa lungkot kundi sa tuwa.
"Tara na sa labas, kanina pa nila tayo hinihintay."
Humiwalay na ako ng yakap sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Kaya ba pinasuot mo kami ng white dress ni Kahty?" Tumango naman siya na hindi napupuknat ang ngiti.
Napairap naman ako kahit deep inside kinikilig naman.
Kaya pala nakawhite polo rin siya.
Lumabas na si Xian sa kotse at inalalayan naman niya akong lumabas. Sinalubong kami ni Xia na nilagyan ako ng kulambo sa ulo at sinalubong naman ni Wayne si Xian at sabay silang pumuntang altar para makapag-umpisa na.
Nagsalita na ang emcee at nagsitayuan na ang mga bisita. Nandoon ang mga magulang namin ni Xian na may ngiti sa mga labi. Pati mga kaibigan at mahahalagang tao ay nakadalo sa kasal namin. Naglakad na sa aisle si Kathy na Flower girl at si Xia naman ang maid of honor at ang iba'y naglakad na rin sa aisle samantalang si Hazel ay  kapartner ang kaniyang asawa na si Marcus at si Britney na kapartner si Lux. si Luc naman ay kapartner ang Girlfriend niya. Si Wayne naman ang bestman ni Xian at ang huli ang ring bearer na si Ian na may dala-dalang singsing namin ni Xian na ipinamana pa sa akin ni Lola.
Napatingala ako sa langit at ipinikit ang mga mata.
Sa wakas po Lola at na tagpuan ko na rin ang para sa akin. Salamat po at nakilala ko si Xian at pinagtagpo ulit kami. Masasabi ko pong napakasaya ko ngayon dahil nakita niya ako at nakita ko rin siya. Lola, ito na po ang lalaking mamahalin ko habang nabubuhay pa ako dito sa,mundo. Salamat po La.
Nag-uumapaw ang saya sa loob ko kaya hindi ko maiwasang hindi maluha habang may ngiti sa mga labi nang mag-umpisa na akong maglakad sa aisle.
Tumugtog naman ang mga violin sa paligid at ang kantang itinugtog nila ay ang beautiful in white.
Napatingin ang mga mata ko sa lalaking naghihintay sa akin sa harapan. May kislap na kaligayahan ang mga mata niya gano'n din ako.
Biglang nag flashback sa akin ang lahat na nangyari mula umpisa hanggang huli. Ang una naming pagkikita sa bus at ang mga pinagdaanan namin.
Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon pero nangingibabaw ang saya. Dahil sa wakas ay nalagpasan naming dalawa na magkasama ang lahat ng balakid namin sa buhay pero habang nabubuhay kami, may mga problema pa rin kaming kahaharapin at alam kong malalagpasan pa rin namin 'yon sa huli.
Bawat paghakbang ko sa aisle ay nagfa-flash sa akin ang mga ala-alang kasama si Xian.
Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil pinagtagpo ulit kami ni Xian at kung mauulit man ang nangyari sa amin ay hindi ko pipigilan ang tadhana at open arms ko pang sasalubungin 'yon.
Hanggang sa makarating ako kay Xian lumapit sa akin si Mama at Papa na ibinigay ang kamay ko kay Xian.
"Ikaw na ang bahala sa anak namin. Mas mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal namin sa kaniya." Ani Papa.
"I will Tay Arthur." Nakangiting tinanggap niya ang kamay ko 'tsaka yumuko kila Mama at inalalayan niya ako papunta sa harap ng Pari.
Nag-umpisa na ang misa at hindi binibitawan ni Xian ang kamay ko na iniabot sa kaniya nila Papa. Bumaling siya sa akin na may ngiti sa labi bago ako kinindatan. Napailing na lang ako.
"Tanggapin mo itong singsing na nagsisimbolo ng aking pag-ibig. Sangalan ng ating dalawang anak sila ang nagpapatunay na hindi hinahanap ang totoong pag-ibig dahil kusa itong darating. Hindi ako nangangako dahil gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya natin. Sa hirap at ginhawa, hindi man ako perpekto pero sisiguraduhin kong magiging mabuting ama at asawa ako sa inyo. Hindi ko na kailangan pahabain pa ito dahil ipaparamdam ko na lang sa inyo ang isang tunay na ama at asawa. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin. Mahal na mahal kita Katharine Orteza-Leem." Lumuluhang hayag niya.
Ramdam ko ang nag-uumapaw na kaligayahan kay Xian kaya napaluha na rin ako nang isinuot ko sa kaniya ang singsing.
"Tanggapin mo itong singsing na kabiyak ng aking pagmamahal sa'yo. Gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya natin bilang isang ilaw ng tahanan. Mamahalin ko kayo higit pa sa buhay ko. Hindi ko kailangan maging perpektong asawa at ina sa inyo dahil gagawin ko kung ano ang sa tingin ko ang tama para sa atin. Sa hirap man o sa kaligayahan. Hindi man tayo perpekto pero higit na masaya ako na dumating kayo sa buhay ko. Mahal na mahal ko kayo ng anak mo Xian. Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko." Madamdaming wika ko.
"I pronounce you husband and wife! You may now kiss your bride." Anunsyo ng Pari.
Itinaas na ni Xian 'yong kulambo na nakaharang sa akin at malalim at sabik akong hinalikan sa mga labi na ikinangiti ko.
Nagsitayuan ang mga tao at nagpalakpakan.
Ang akala kong munting pagsasalo dahil kaarawan ni Kiko ay hindi ko inakala na sa kasalan pala ang tungo. Ang akala ko si Kiko ang masu-surpresa 'yon pala ay ako.
Hindi ko inaasahan na gagawin ito ngayon ni Xian noong tinanong niya sa akin kung anong gusto kong theme ng kasal namin ay sobra ang tuwa ko dahil nagpa-plano siya para sa kasal namin na ang akala ko ay sa isang taon pa mangyayari.
At ngayong official na kasal na kami ni Xian sa batas at sa mata ng Diyos. Saksi ang mga taong nakapaligid sa amin kung gaano namin kamahal ang isa't isa.
Niyakap ako ni Xian at bumulong sa akin.
"I love you my wife."
"I love you too my Hubby."
At sa pangalawang pagkakataon dumukwang ulit si Xian at hinalikan ako sa mga labi. Nagsipituhan ang mga kaibigan niya na pinangungunahan ni Wayne.
Nag umpisa na ang  pictorial at tawa kami ng tawa dahil nagsisigawan at nagtatalo sila Lux at Wayne kung sino ang mauunang magpapicture kay Xian.
At ang loko-lokong Xian at nakangising nakakaloko sa dalawa at mukhang natutuwa sa nakikita niya aa dalawa niyang kaibigan.
"Guys! 'Wag niyo na akong pag-agawan kita niyo namang kakatapos ko lang maikasal e," mayabang na sambit ni Xian sa dalawa.
Kaya bumaliktad na ang nangyari. Ang kaninang dalawang nagtatalo kung sino ang mauuna mapa-picture ay nauwi sa...
"Ikaw na ang mauna." Ani Lux at itinulak pa si Xian papunta kay Wayne.
"Hindi, Ikaw na." Sambit naman ni Wayne at itinulak si Xian kay Lux.
"Ikaw naman ang Bestfriend kaya, ikaw na ang mauna." Sambit ulit ni Lux at itinulak ng malakas si Xian mabuti't hindi natumba.
Tumingin ng masama si Xian sa dalawang dahil sa pambabaliwala nila sa kaniya. Natawa ako ng palihim.
"Mga Gag* talaga kayo! Kanina pinag-aagawan niyo ko ngayon naman pinagtatabuyan niyo ako! 'Wag kayong kakain sa reception!" Inis na sigaw ni Xian sa dalawa at lumapit sa akin para sa Family picture.
Bumulong ako kay Xian.
"Tignan mo 'yong dalawa parang nalugi." Ani ko, bumaling naman si Xian sa dalawa at umirap lang.
"Hayaan mo silang magutom." Inis niyang sabi.
"Sayang may Shanghai pa naman." Nakangusong bulong ni Lux sa sarili.
"Sayang 'yong Hotdog na may marshmallow." Bulong naman ni Wayne sa sarili.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Wayne. Bumulong ako kay Xian.
"Hotdog na may marshmallow?" Tanong ko sa kaniya.
"Weird talaga 'yang si Wayne." Sambit naman ni Xian. "Niluto niya para sa sarili niya sa reception, ginawang Birthday party." Iritang wika ni Xian.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Sabagay, nung isang araw nasa kusina siya pinapapak 'yong orange Juice na dapat tinitimpla. Tinanong ko siya kung bakit hindi niya itimpla pero sinagot niya sa akin kusang mag titimpla na raw sa tyan niya ang Orange Juice." Paliwanag ko.
"Kaya ayoko siya para sa kapatid ko dahil baka mahawaan niya sa pagiging weirdo." Naiiling na sabi ni Xian.
"Nagluto rin siya ng Cantoon nun 'tsaka niya nilagyan ng ketchap para daw maging spaghetti."
Napa facepalm na lang si Xian.
"Tapos gumawa siya ng Ice candy ang flavor ay kalabasa."
Napatakip na sa tainga si Xian at parang ayaw na niyang marinig ang mga pinag gagawa ni Wayne sa buhay.
Natawa ako sa hitsura ni Xian. Lumapit sa amin si Wayne at hinawakan niya si Xian sa balikat at parang nakakita ng multo si Xian dahil napatalon pa siya ng bahagya dahil sa gulat. Humalakhak ako ng tawa nang magtago sa likod ko si Xian at parang takot na takot na lumapit kay Wayne. Napakamot na lang si Wayne sa ulo at ako ang kinausap.
"Mukhang ayaw ng asawa mong magpa picture kaya tayong dalawa na lang--"
Biglang sumulpot si Xian sa harapan ni Wayne at hinatak na siya para magpapicture. Sumunod naman si Lux. Nag picture rin silang tatlo. Binuhat ni Wayne ang binti ni Xian at si Lux naman ang umalalay sa ulo kaya sobrang epic ng mukha niya sa camera.
At ang huling picture nilang matino ay 'yong nakaakbay si Xian sa dalawa at maangas na nakangisi sa camera samantalang si Wayne naman ay nakatingin sa langit habang kagat-kagat ang isang daliri at si Lux naman ay nag oppa sa camera. Biglang humabol si Marcus at med'yo naka split ang dalawang paa niya na ngayon ay nasa likuran na niya ang tatlo at nag piece sign.
Napailing na lang ako sa apat na tukmol.
Hanggang sa reception ay nagkukulitan ang apat. Pumunta si Kiko sa akin at binati niya ako kaya binati ko rin siya dahil ngayon ang birthday niya.
"Salamat ate."
"May regalo ako sa'yo." Nakangiting ani ko.
Biglang kumislap ang mga mata niya at excited malaman kung ano ang regalo ko na nakahanda na para sa kaniya.
"Ano 'yong regalo mo sa akin ate?" Natutuwang tanong niya.
"Jowa." Natawa ako sa naging reaksyon ng mukha niya.
"Ate naman!" Nagkakamot ng ulo si Kiko sa inis.
"Totoo nga." Nangingiting sabi ko.
"Asan?" Hindi na niniwalang tanong niya.
Tinuro ko ang nasa likod niya kaya mabilis siyang bumaling sa likod at alam kong natulos siya sa kinatatayuan niya nang makita niya kung sino ang nasa likod niya.
Napangiti ako.
Alam kong matagal ng gusto ito ni Kiko pero hindi niya lang maligawan dahil sa akin kaya ako na ang gumawa ng paraan at nalaman kong gusto rin siya ng babae kaya gusto kong maging masaya si Kiko sa kaarawan niya.
Umalis na silang dalawa nang makapagpaalam sa akin na mag-uusap lang pero hindi ako naniniwalang usap lang dahil alam na ni Kiko kung ano ang dapat niyang gawin. Kinindatan ko siya kaya natawa na lang na umiiling.
Binalikan na ako ni Xian sa upuan nang matapos siyang makipagkulitan sa mga kaibigan.
"Masaya ka ba?" Tanong niya sa akin.
"Masayang-masaya." Nakangiting sabi ko.
"Ako rin."
Ipinakita sa akin ni Xian ang isang dosenang itlog kaya kumunot ang noo ko.
"Ano 'yan? 'Bat may itlog ka?" Tanong ko pero parang naging double meaning sa akin 'yon kaya napailing na lang ako sa kaberdehan ko.
"May itlog talaga ako wife." Nakangising aniya.
"Xian!" Sinamaan ko siya ng tingin.
At ang loko ay tumawa lang.
"Binigay sa akin ni Wayne, pampalakas daw." Paliwanag ni Xian.
"Itlog pampalakas?" Takang tanong ko.
"Balot ito."
"Oh, ano naman kung balot? Paano ka lalakas?" Takang tanong ko.
"Malalaman natin mamaya." Nakangising aniya.
Kahit nagtataka ay hindi ko na lang siya pinansin dahil nag-umpisa na ang mga speech ng mga kaibigan niya para sa aming dalawa. Tawa lang ako ng tawa sa mga pinagsasabi nila pero nang mga magulang na namin ang nagsalita ay tumulo agad ang luha ko sa tuwa.
Hanggang sa sumayaw kami ni Xian sa gitna habang malamyos na sumasayaw. Naglalapitan naman ang iba para lagyan ng pera ang damit namin ni Xian hanggang si Wayne na lang ang natitirang hindi pa nagbibigay kaya sinamaan siya ni Xian ng tingin. Mabilis namang tumayo sa kinauupuan si Wayne habang kumakain ng hotdog sa stick. Isinubo niya muna ang hotdog sa bibig at kinapa-kapa ang bulsa at nang may makapa siya sa bulsa ay inilagay ni Wayne sa damit ni Xian ang bente pesos at inilagay naman sa akin ni Wayne ang fifty pesos.
Bukod tanging siya lang ang nagbigay ng bente at fifty pesos kaya napailing na lang ako sa kalokohan ni Wayne. Napaface palm na lang si Xian sa ginawa ni Wayne.
Umupo na ulit si Wayne sa upuan niya at pinagpatuloy ang pagkain ng hotdog na may marshmallow.
"Kaibigan ko ba talaga siya?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Xian.
Tinawanan ko lang siya kaya niyakap niya ako at isinubsob niya ang mukha sa leeg ko habang malamyos ang pagsasayaw namin.
Ilang minuto kaming gano'n ang posisyon 'tsaka lang siya dumistansya at tumingin sa mga mata ko na puno ng emosyon.
"Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin." Madamdamin niyang hayag.
"Gano'n din ako Xian." Tipid akong ngumiti.
"Kung totoo man ang reincarnation, ikaw pa rin ang mamahalin at pipiliin ko. Dahil Simula noong nakita kita at nahawakan ka, naging akin ka na." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"At sa dinami-raming lalaki sa mundo bakit sa isang pervert pa ako na inlove?" Natatawang tanong ko.
Natawa rin siya. "Dahil gwapo ako."
"Gwapo? Baka kwago." Natatawang sabi ko kaya ngumuso naman agad siya. "Joke lang! Gwapo ka talaga sa mga mata ko pero mas gwapo pa rin si Wayne."
"Kath!" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Biro lang ulit. I love you."
Sa pagiging iritang mukha ay naging maamo 'yon at nginitian ako ng makalawak.
"Ah! 'yong puso ko."
Napahawak siya sa dibdib niya na parang may iniindang sakit kaya bigla akong nag-alala at hinawakan siya sa braso.
"X-Xian.."
Pero bigla ulit siyang ngumiti sa akin. "Para sa'yo lamang." Saka siya nag oppa kaya bigla ko siyang pinalo sa braso dahil sa inis.
"Loko ka talaga!" Inis kong singhal sa kaniya. "Pinag-alala mo ako!"
Niyakap niya ako habang tumatawa na parang nasiyahan sa naging reaksyon ko.
"I love you wife."
"I love you more Ali."

Komento sa Aklat (303)

  • avatar
    DelaCruzShaira

    Ang galing nung plot twist.i love it♡♡

    29/08/2022

      1
  • avatar
    Lexy Ayun

    thums up.. sobrang ganda ng story daming twist sa huli.. nandun yung suspense para magtuloy tuloy ka sa pagbabasa..

    25/03/2022

      0
  • avatar
    Sheinxx

    💗💗💗

    26d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata