Homepage/My Miracle Find/
Special Chapter
WALANG pagsidlan ang kasiyahan ni Kiel nang muling itapak ang mga paa sa mansion. Kita ni Mary paano itong nanabik sa tahanang saksi sa lahat ng mga kalokohan at paghihirap nila bilang mag-nobyo. Kahit walang tugtog ay isinayaw siya nito sa sala nang ang mga mata at labi ay pawang mga nakangiti. Ang sweet nito na iniikot siya at pagkatapos ay yayakapin at hahalikan. Hindin niya nabilang kung ilang beses siya kinilig ng mga oras na iyon.
Isang buwan naman matapos ang nina Mary at Kiel ay bumalik na ng Pilipinas ang mag-asawang Don Elpidio at Donya Kiara. Pagkakita sa kaniya ng Don ay yumakap itong agad sa kaniya, lumuluha.
"Patawarin mo ako, anak! Sa lahat ng mga masasamang sinabi ko, sa mga nagawa ko noon at sa lahat ng mga hindi magandang nangyari. Kasalanan ko bakit nawala sa 'yo ang Papa mo."
Niyakap niya si Don Elpidio at bumaha na naman ng luha sa mansion.
"Hindi po. Ako ang may malaking kasalanan sa inyo. Patawad po! Pero sa lahat ng iyon ay ang mahalin si Kiel ang pinakamaganda na sigurong kasalanan na nagawa ko sa buong buhay ko. Kaya patawad kung ini-snatch ko siya sa inyo!" pangungumpisal niya.
Iyak-tawa ang umalingawngaw sa buong mansion kasama na sina Manang Fe at Linda na nasa living room din noon dahil sa ginawa nilang pag-welcome sa mag-asawang Alonzo.
Hindi nagtagal ay ang Donya naman ang lumapit at yumakap kay Mary.
"Masaya akong makita na kay laki ng pinagbago mo, anak. Masaya akong hindi tayo nabigong pareho. Hindi natin binigo ang isa’t isa. Nagtagumpay tayo!"
"Thank you for trusting me, Mommy. Ito na talaga ang New Beginning natin. Mas gusto kong kasama kayo sa pagbabagong buhay ko."
Sinulyapan niya si Kiel. Ngumiti ito sa kaniya saka humawak sa kamay niya.
"Thanks, Mom, Dad for giving our relationahip a chance."
Hindi nagtagal ay ang Don na ang nagsalita.
"So, kailan ang kasal?"
Nagkatingan ang lahat.
Nahiwatigan ng Don ang ibig sabihin kaya inulit nito ang tanong.
"I meant, kailan ang totoong kasal?"
Muli ay nagtawanan ang lahat.
"Congratulations in advance sa wedding niyo po, Miracle Couple!"
Ikinagulat ni Mary at ng nobyo ang binansag sa kanila ng mga kasambahay na sabay-sabay sa kanilangbumati.
"Salamat," sambit din nilang magkasabay pagkatapos ay sila nang niyakap ng mga magulang nila.
~*~
ANG nasabing kasal ay natupad pagkatapos lang ng tatlong buwang preparasyon. Wala na nga talagang nakapigil pa sa pag-iisang dibdib nila.
Malakas na tumunog ang malaking kampana ng simbahan, hudyat ng pagsisimula ng seremonya. Muli ay narinig ni Mary ang wedding song nila noon ni Kiel na Count on You ni Tommy Shaw. Tila umaawit din ang puso niya habang siya ay naglalakad. Sobrang saya nito na muli sa ikalawang pagkakataon ay ikakasal siya sa parehong lalaki. Ang una at huling lalaki sa buhay niya. Ang lalaking nagpahilo, nagpagulo at kumuryente sa puso niya.
Si Don Elpidio ang naghatid sa altar kay Mary kapalit ng Papa Filo niya; mga ngiting hindi maitago, mga luhang pilit namang tinatago, lahat ay nagdiriwang.
Habang magkatitig ang mga ikakasal, at habang naglalakad si Mary sa gitna ay hindi mapigilan ng mga panauhin na bagama't masaya at pumalakpak ay mga umiiyak. Present si Elizabeth na sa wakas ay kasama na ang asawa. Naroon din ang mga kasambahay na pinangungunahan nina Manang Fe at Linda, ang may-ari ng gym na si Albert, ang dalawang best men ni Kiel na sina Paul at Teban, na katabi ng groom niya sa harapang altar at ang mga in-laws niya. Lahat ay saksi ng mga hirap at sakripisyo nila marating lang ang lugar sa lugar na ito na magsasara ng lahat at maghahatid sa kanila sa magandang hinaharap.
"Dad!" Nang sa wakas ay maihatid ang bride. "Thank you," pasasalamat ni Kiel sa ama.
"Binibigay ko ang pagbabasbas sa inyo kasama na ang pagmamahal ni balae. Mamuhay kayo nang may kapayapaan, mga anak. Mahal namin kayo ng Mommy niyo."
Hindi na naman mapigilan ni Mary ang maiyak mabuti at naroon na si Kiel sa tabi niya at pinisil ang kamay niya.
At kung noon ay hindi sila nakapanumpa ay ngayon nila ibinuhos na lahat. Sa reception ay nag-exchange sila ng vows.
"Naipangako ko na ang lahat sa 'yo. I failed with some pero ang iba ay pilit kong tinutupad. Araw-araw, minu-minuto basta may pagkakataon sasabihin kong mahal kita. Araw-araw mamahalin kita. At ngayon, gusto kong ipangako ang sarili ko sa 'yo. Gusto kong ibigay ang sarili ko sa 'yo. I will serve and love you, Butter, my beautiful wife. Hindi kita hiniling." Gumaralgal ang boses ni Kiel. Bahagyang huminto magsalita at nagkasabay pa sila ni Mary na magpahid ng luha nito. "Wala akong ibang hiling noon. Hindi ko alam ang gusto ko. Hanggang makilala kita. Sa maling paraan man tayo nagsimula. Masaya akong dito tayo sa harapan ng altar mangangako ng magandang wakas. Hindi ito ang wakas, Butter. Marami pa tayong gagawin. Marami pa tayong anak na gagawin."
Natawa si Mary maging ang pari at lalo na ang mga panauhin. Napahiyaw pa ang maloko nitong pinsan na si Teban.
"To my partner in crime, Kiel, my Bun. Thank you for not giving up on me. Thank you sa pagtupad mo ng mga pangako mo. Nandito ka sa harapan ko ngayon dahil sinikap mong bumalik." Si Mary naman ang naiyak. "Pangako, nandito lang din ako. Walang iwanan. Tatapatan ko ang pagmamahal mo. Ako man ay wala ring ibang hiling noon kundi ang gumaling ang Papa, but somehow that wish led me to you. Siguro iyon nga ang mga nakatakdang mangyari. Sabi mo nga, ako ang kulay at lasa ng buhay mo. Pangako, sisikapin kong maging mabuting asawa at nanay ng mga anak na gagawin natin."
Nagtawanan na naman ang lahat lalo na si Kiel na napapalakpak pa.
"'Yon oh! Tatapatan nga!" Umalingawngaw ang boses ni Teban na nagpalingon dito sa mga tao. Nag-peace sign ito pagdaka.
Binatukan na lang ni Paul ang katabi at katulad nitong best man.
~*~
Apat na buwan matapos ang kasal ay biniyayaan naman sila ng isang sanggol na babae.
"MIRACLE Grace M. Alonzo? Impressive! I love her name, Butter."
Malaki na ang tiyan ni Mary at dalawang buwan na lang ay kabuwanan na niya.
"I want the name Miracle because it reminds me of you, Bun. Saka katunog ng pinagsamang pangalan natin. Mary-Kiel. And the name Grace ay si Mom naman ang nakaisip. Kaya MG pa rin."
Isang umagang sabay silang nagising ay kuntento lang silang nakaupo sa couch sa loob ng silid matapos mag-agahan. Pinag-uusapan ang papalabas na nilang anak.
"Oo nga ano? Ang cute! Another MG is coming. I can't wait to see her, Butter. Sigurado kasing ganda mo s'ya."
"Ako rin hindi na makapaghintay na makita s'ya. But, the original MG is still sleepy. Matutulog muna ulit ako."
Tumayo na siya para bumalik sa higaan para sana makapagpahinga pa. Nakakadalawang hakbang na siya nang maramdaman ang paghawak ng mister sa kamay niya. Hinila siya nito pabalik. Napapihit naman siya paharap dito na ang mukha ay saktong tumapat sa kaniyang tummy.
Niyakap siya ni Kiel. Napangiti siya nang matitigan ang mukha nitong guwapong-guwapo sa suot nitong pajamas na kulay brown. Lalaking-lalaki itong tingnan lalo nang pilyo itong ngumiti sa kaniya.
"Hindi ka ba papasok, Bun?" tanong n'ya habang nilalaro naman ang buhok nito.
"Mamaya. I want to attend to your needs first. Ngayong malapit ka ng manganak. Kahit hindi ko nararamdaman alam kong nahihirapan ka."
Hinalikan ni Kiel ang parang puputok na niyang tiyan. Nakaramdam siya ng kiliti sa ginawa nito. Tila gano'n din ang anak, dahil naramdaman niyang gumalaw si Miracle sa loob.
Hinapit siya ni Kiel palapit ditong lalo.
"May kailangan ka ba?" nakatitig ito sa kaniya habang nagtatanong.
Hindi naman siya tumaba pero sadyang maluwag ang gusto niyang sinusuot na damit. Sa luwag nga ng suot niyang ternong pantulog na cotton ay puwede silang magkasya ni Kiel sa loob.
Inilusot ni Kiel ang kamay sa loob ng damit niya at hinawakan ang tiyan n'ya.
"Wala akong ibang kailangan, Bun. Ikaw lang."
"Sige na nga. Halika rito," anitong pinihit siya at iniupo sa lap nito. Kumportableng isinandal na lang niya ang likod sa dibdib ng asawa at hinayang imasahe nito ang tummy n'ya. Ang init na dulot ng mga kamay ni Kiel sa tiyan niya ay tila bumalot hanggang sa sinapupunan n'ya.
"Salamat, Bun," nakangiting saad n'ya. Gumilid siya ng tingin para sipatin ang nasa likurang asawa.
"No worries, Butter," buong pagmamahal na sagot naman ni Kiel sabay ngiti at pagkatapos ay hinalikan siya sa balikat. "Feel much better now?"
"So much better!"
"Um, Butter. Question, buti hinintay mo 'ko. I mean maganda ka at single, wala ka bang ibang napusuan noon habang wala ako? Wala bang umaligid sa'yo o nanligaw?"
Bumuntonghininga si Mary. "Hindi ko na napansin. Busy kasi ako kaiisip sa 'yo."
Napahalakhak ang asawa.
"Kinilig naman s'ya!" pangungulit ni Mary.
"Yeah! Of course!" natatawang pag-amin ni Kiel.
Sinandig na ni Mary ang likod sa asawa, tila sarap na sarap sa panghihilot ni Kiel.
"I love you, Butter!"
“I love you, too, Bun!”
Tumagal ng sampung minuto ang paghihilot ni Kiel sa tiyan ni Mary. Bagay na nakapagpa-relax sa kaniya, muntik pa siyang makatulog ulit at sa ganoong posisyon nila.
"Alam mo bang si Papa Fi ang nagsabi sa akin nga mga sikreto mo? Ang kiliti mo, ang tummy rubbing?"
"Kayo talaga, maging sa kalokohan magkasundo kayo! Ano ba ang hindi niyo napagkakasunduan ha?" pataray na tanong niya.
"Wala. Basta pagdating sa 'yo magkasundo kami. Dahil mahal ka naming pareho."
Niyakap siya ulit ng asawa pero bigla ay naalala n'ya.
"Naku! Tama na nga. Ikaw pumaparaan ka ha! May trabaho ka baka nakakalimutan mo. Sige na. Mag-ayos ka na. Okay na ako."
Lumipat na si Mary sa couch at pinagtutulakan ang asawa na tumayo na.
"Kiel Matthias! Sige na! Alis na! Tsupi!"
"Ayoko nga!" ani Kiel na pilit naman sinisiksik ang sarili sa tabi niya. Ayaw tumayo! "Dito lang ako. I'll kiss and hug you all day long." Ginawa nga nito. Pilit siyang niyayakap. Natatawang umiiwas naman s'ya at tinutulak itong palayo.
"Magtatanong ang Daddy kapag um-absent ka. Baka ako pa tanungin no’n. Ano ang sasabihin ko?"
"Bahala ka. Basta hindi ako aalis sa tabi mo. Kahit ipagtabuyan mo 'ko. Kahit tumawag ka ng santo. Alam mo, Mrs. Alonzo, ang KJ mo! At hindi lang joy ang pinapatay mo. Pinapatay mo pati oras natin. Pati ang—"
Hanggang matalo si Mary at tuluyan siyang yakapin ni Kiel.
"Ang ano?" natatawang tanong n'ya.
"Ang pagkalalaki ko—"
Napaiktad si Mary nang kilitiin siya nito sa batok hanggang likod.
"OK! OK!"
Tiningnan siya nang makahulugan ng asawa, masaya ang mukha nito na tila nagwagi ang kapilyuhan.
"I have better idea," ani Mary sabay sulyap sa banyo.
Napangisi si Kiel. "I love that idea, Butter. Come on, hop in." Kiel tapped his lap.
Sa pag-upo ni Mary sa kandungan ni Kiel paharap dito ay siya na nitong maingat na binuhat, sapat upang hindi maipit ang tiyan niya, bago ito naglakad papuntang CR.
Natatawang kinanta nila nang magkasabay ang awitin na ang lyrics at tono ay sila lang ang may gawa.
‘We lie together. We sin together. But we can be cleaned if we go shower together. And then we can laugh and make love together... forever.’
Sabay silang napahalakhak!
Sa loob ng banyo ay marahang ibinaba ni Kiel si Mary sa tapat ng shower. At habang ang mga kasuotan ay nasa kanila pang katawan ay binuksan ni Kiel ang shower. Pero mahina lamang na parang ambon.
Napakislot si Mary dahil sa lamig na mabilis na gumapang sa katawan niya mula ulo, hanggang dumapo sa tiyan niya pababa sa paa.
"Bakit mo naman binigla! Nagulat ako!" reklamo niya.
"'Yon ang masarap. Ang biglaan."
"Siraulo ka!"
Hinampas na naman ni Mary si Kiel sa dibdib habang ito ay nakahimas sa malaki niyang tiyan. They shared a laugh. And as they hugged, they exchanged I love yous.
~•~
TUMATAKBO si Mary. Mabilis! Na parang may humahabol sa kaniya. Hinihingal man ay hindi siya humihinto. Paminsan-minsan ay lumilingon siya sa likuran at pagkatapos ay sa harapan.
Hanggang mapangisi s'ya dahil ang tinatakbuhang asawa ay nakita na niyang nauuna na sa kaniya. Pang-asar na dinilaan siya nito nang lumagpas sa kaniya.
Nakita niyang tila init na init si Kiel kaya habang tumatakbo ay hinuhubad na nito ang coat na kulay itim. At gano'n din ang ginawa niya. Habang mas binibilisan ang pagtakbo ay tinatanggal na rin niya ang blazer niya na kulay puti naman.
Hindi siya papayag na matalo. Kaya nang makita na malapit na sila sa pupuntahang restaurant ay mas binilisan niya't sinabayan ito sa pagtapak sa entrance.
Both panting and catching their breaths they tapped each other’s shoulder.
"We did it! Congrats to us. Whew!" ani Kiel na inalalayan na siyang pumasok.
"Late na kaya tayo? Nand'yan pa kaya 'yong mag-i-interview?" tanong n'ya. Mabuti at lumapit na ang staff upang salubungin sila.
"Ma'am, Sir! Good afternoon. Nand'yan na po pala 'yong mag-i-interview. Kadarating lang po."
"Oh, thanks, Sam." Tinapik ni Kiel ang balikat ng staff na lalaki. Nagpunta na sila sa patio. Kung saan gaganapin ang interview.
Bago humarap sa interview ay nagkanya-kanya muna silang pasok ng wash room para punasan ang mga pawis at ayusin ang sarili.
Galing sila sa kasal ng isa sa mga kaibigan ni Kiel at nang maalala na ngayon din ang araw ng interview nila para sa isang magazine ay sumadya sila rito at planong bumalik sa reception pagkatapos.
Kaya naman sila tumatakbo kanina ay dahil alam nilang mala-late sila nang husto kung hihintayin pa nila ang trapik na matapos. Kaya ang ginawa nila, tutal ay malapit na naman sila ay ipinark na lang ni Kiel hindi kalayuan ang sasakyan at tumakbo sila sa bagong bukas na restautant na ito na tinawag nilang ‘Bun and Butter.’
Parang mga bata namang napagkasunduan nilang magpaunahan makarating sa venue at hingal kabayo sila nang marating ito.
Mahinang tumutugtog ang awiting ito ng Clean Bandit na Rather Be sa kabuuan ng restaurant.
Tamang timpla ng ilaw na nakatapat sa kanila. Tamang camera angle, plus sila na nakaupong magkatabi sa gitna at sa tapat nila ay ang manunulat ng Top Magazine, Si Luz Ann Navarro ay nagsimula ang interview.
"Hi, Luz! Yes, this is Butter," casual lang na pakilala ni Kiel sa asawa. "And I am Bun. Not James Bond. But, the bun. You know, tinapay."
Natawa ang lahat maging ang interviewer pero hindi rin naiwasang magulat.
"Oh, kayo pala mismo ang Bun and Butter! Amazing! But care to share how’d you came up with these names?"
"Endearment naming mag-asawa. Idea actually ng malokong 'to," paliwanag naman ni Mary sabay sandal sa balikat ni Kiel.
"Ikaw pala naman din, Sir, e. I am just curious, especially now that you've used it as the name of the restaurant. May I know where did you get the idea? Honestly, it's so cute!"
"It's kind a naughty but in a cute and funny way. Itong asawa ko talaga, sagana sa idea e."
"Yeah! Lahat ng idea ko gusto naman n'ya. So, I'm proud!"
Natatawang tinapik ito ni Mary. "Um! Sometimes."
"Still, you love it."
Hindi mapigilan ni Luz na kiligin. Sa lagkit ng tinginan kasi ng dalawa ay parang nasa honeymoon stage pa rin sila.
"We can't wait to know how do you go about the name. Excited na kami."
"Soon sa aming coffee table book na plano namin i-release this year baka do'n namin i-reveal."
"Awesome! Congratulations, Mr. and Mrs. Alonzon! You are such an amazing couple. Well, we better grab a copy of that coffee table book. I'm sure maraming pakulo at pasabog do'n na hindi niyo personally nire-reveal."
"Thank you, thank you," sagot ni Kiel. "Looking forward din kami."
"So, now that we are here at natikman na rin namin ang mga food na inio-offer ng Bun and Butter na sobra at talaga namang masasarap. Can you tell us more about the breakfast restaurant? Since marami ang nagtatanong dahil alam naman natin na patok talaga ito. Knowing na kabubukas lang and then, boom! People keep talking about it. Keep recommending it. Kaya I know marami ang magkakainteres na malaman with what else can you offer?"
"First of all, we just want to thank everyone sa tiwala at sa pag-patronize sa Bun and Butter. We make sure na we give you the best of us every day. Dahil kami mismo ito. Sina Bun and Butter. So, ayun! Um! My family and I love to eat kaya ito ang naisip namin talaga ni Butter na gawing business. Actually, ang misis ko ang may idea talaga nito. Hindi na niyo itatanong. Mahilig itong magluto at mag-bake. Hilig din niya akong patabain. Buti na lang hindi ako tumataba."
Sandaling tawanan.
"And yes! Now we are planning to level it up. We plan to make and add heavy meals for some heavy eater out there...like me," pagpapatuloy ni Kiel.
"Ang advocate rin namin sa reataurant na ito ay ibalik ang pamilyang nagsasalu-salo sa pagkain. Gaano man kasimple ang nasa hapag. Kahit simpleng bun and butter. Kaya rin kung napansin niyo sa menu. We serve breakfast na very Pinoy in a very reasonable price. We have pandesal with keso, with peanut butter. We also have tuyo and daing. Pinag-iisipan na nga rin namin ang champurado at lugaw with a twist eh."
"Yes. Mayroon din kayong salted egg, right? We love the idea!"
"Thank you," ang may matamis na ngiting sagot ni Mary.
“And not only that, we are giving away discounts sa bawat pamilya na magbi-visit sa amin dito. Basta complete family, may discount.”
“That’s fantastic! That is really, really cool! I love Bun and Butter!” ang napapa-wow nan gang talaga na si Luz, na tila kumikislap ang mga mata. “Ang galing ng tandem niyo! Sana ipagpatuloy niyo at sana maraming ma-inspire at who knows follow you guys!”
“Thank you!” magkasabay at masayang sagot nilang mag-asawa. Naghawak sila ng kamay.
"Tungkol sa pagluluto naman at lahat ng tungkol sa kusina. Late ko na lahat natutunan 'yon. It was after I met him and his family. I love joining them meal after meal. Nae-enjoy ko talaga ang bawat kainan. Kasi doon nag-uusap-usap ang pamilya. Wala ako no'n eh. Well, kami ng Papa ko noon. Pero as a family na buo ay sa family ni Kiel ko iyon natutunan. Ang dami kong utang na loob sa kanila. Dati para akong lalaki talaga. Gawaing panlalaki lang din ang alam ko. But, now, being with this guy and a mom. I changed a lot. So, sila pa rin. This restaurant belongs to them. To the family."
Hinalikan ni Kiel ang kamay niya na ikinakilig na na naman ni Luz.
"But what about your other family business?" tanong nito nang makabawi at ituloy ang interview.
"I am still connected with my father's business which is a construction company. At wala namang problema sa kanila. Ika nga, the more the merrier."
Ilang sandali pa ay natapos na ang interview. Masayang kinamayan ni Luz ang mag-asawa pagkatapos ay nagpaalam na. Eksaktong dumating na rin ang mag-asawang Don Elpidio at Donya Kiara. Kasama ang mga apong sina Miracle at Kurt. Nagmamadali ang mga itong nagtatakbo paikot sa mga magulang nang dumating. Naghahabulan at naglalaro ng mahuli taya.
Si Miracle Grace ay four years old na. Habang ang bunsong si Kurt Matthew ay tatlong taong gulang naman. On the way na raw ang pang-apat, laging anunsyong biro ni Kiel.
Makalipas naman ang ilang minuto ay dumating sina Paul at Teban. Prente ang mga itong naupo sa paboritong pwesto malapit sa kitchen bago pinagdiskitahan naman ng mga bata. Pilit isinasali sa takbuhan nila.
Natatawang pinagmasdan na lang nina Mary at Kiel ang masaya at lumalaki nilang pamilya. Bago ang huli ay manghingi ng kape kay Mary. Hinalikan siya nito sa labi na ubod nang tamis.
"Out of my million lies, yours are worth keeping."
"Sa lahat ng mga ninakaw ko. Ang puso mo ang pinakagusto ko."
Natawa si Kiel. “Masaya ako na kabilang na tayo sa 15%,” sabi pa nito habang nakatingin naman sila sa sweet pa ring mga in-laws niya. Magkahawak ang mga kamay habang masayang pinanonood ang mga apo na naglilikot sa loob ng restaurant.
Napasandal siya sa balikat ng asawa.
“More coffee?” makahulugang tanong ni Mary.
“More coffee!” pilyong sagot ni Kiel.
Muli ay hinalikan siya ng mahal niyang asawa.
~FIN~
My Miracle Find
All Rights ReservedI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (163)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
I like your writing style, the narration, the plot so creative. Good job Author!
04/07/2022
0A work that is worth to read for everyone!! Highly Recommended ❤️❤️ Keep the pen bleeding author 😘
16/06/2022
0Interesting. Nangangamoy life lessons kaagad. Keep on a good work, Author~ By this story you can inspire more people.
09/06/2022
0Tingnan Lahat