Homepage/My Miracle Find/
Mary's Nightmare
SUOT ang college uniform bilang pang-disguise ay nag-report si Mary sa bangko. Ito ang huling beses na magpapanggap s'ya dahil nakatakda na kinabukasan ang plano ng grupo niya na pagnakawan ito. Sa tapat ng computer ay abala ang mga daliri niya sa pagtipa sa keyboard habang paminsan-minsan ay tinitingnan ang detalye ng forms na nakapatong sa lamesa sa tapat n'ya.
"Pagkatapos mo d'yan puwede ka ng umuwi," utos ni Mr. Go nang madaan ito sa likuran n'ya.
"Yes, Sir. Salamat po," aniyang sagot rito.
Maaga-aga pa pero siyempre pabor ito sa kaniya, puwede niyang daanan sa hospital ang ama, isa pa ay hindi naman niya gustong nagtatagal sa lugar na ito.
Sinusukbit na niya ang bag sa balikat pero natigilan noong tumunog ang cell phone na nasa kamay n'ya. Ang pagpindot sa ‘accept call ‘ button ay naantala nang maulinigang may magsalita nang pabulong sa tainga n'ya.
"Pa-out na rin ako. Magkita tayo sa coffee shop. Sa dati. Hintayin mo 'ko ro'n. Tagal mo kasi nawala—na-miss tuloy kita." Si Mr. Go ito na nilipad niya sandali ng tingin at sinagot ng ngiti at pagkindat.
Pagkalabas ng bangko ay doon niya sinagot ang kanina pa tumatawag na si Elizabeth.
"Beshieee! Kumusta na! After ng kasal hindi mo na ako binalikan. Ano na ba? Napunlaan na ba!"
"Pinagsasabi mo!" balik tanong n'ya sa maharot na kaibigan. Nahuhulaan niya ang sinasabi nitong ‘punla’. Iyon ay kung may nangyari na ba sa kanila ni Kiel bilang ngayon ay mag-asawa na sila.
"Punlaan ko 'yang bibig mo ng sili gusto mo? Masyado kang kiri!" aniyang napapangiti.
"'Yan! 'Yan naman ang na-miss ko eh! Sige na. Alam ko na ang sagot. HINDI PA!"
Nalinis ni Mary ang tainga dahil sa pagsigaw ng kaibigan. Naglalakad na siya para maghanap ng masasakyan papunta sa sinabing lugar ni Mr. Go.
"Alam mo kasi ano 'yan eh...kapag napunlaan na, sigurado ako hindi na ganyan ang reaksyon mo. Ano ba naman itong si Papa Kiel napakabagal naman pala! Hala, matawagan nga at nang masermunan!"
"'Wag mo na s'yang pag-initan. Hindi mo s'ya kilala."
"Wow! May pagtatanggol na? Asawa ka! Asawa ka! Totoo ba!"
Sumunod ang malalakas nilang tawanan.
"But anyways...kahit ano pa mang mayroon kayo basta support ako sa inyo at masaya ako para sa'yo beshieee. I super like Papa Kiel for you!"
"Thanks, beshie," sumilong siya sa may mayabong na dahon na puno habang namimintog ang mga pisngi sa labis na pagkakangiti na mamula-mula rin gawa ng tirik na tirik na araw.
"Heto na nga...ako naman beshie. Ako naman i-congratulate mo. Bilis! Kasi—may jowa na ako!!!"
"OMG! Congrats, beshie! At kailan ko 'yan makikilala ha? Teka! Totoo ba 'yan? Baka katulad ko lang din 'yan ah na fake? 'Wag naman sana."
"No! Legit 'to, beshie! Nakilala ko s'ya online. Mas matanda sa akin gano'n pero keri lang. Mahal ako eh. Choosy pa ba ako?"
"Oh, great! So, pa'no? Aalis ka ba? Parang dama ko, foreinger 'yang jowa mo?"
"Ang galing mo d'yan beshiee! Pero, oo eh. Inaayos ko na papers ko. Kapag naging okay na lahat. Baka makaalis ako pagkatapos ng dalawang buwan."
Parang nakaramdam ng lungkot si Mary. Bahagya siyang tumahimik bago nagtanong.
"Saan ka pupunta?"
"Bahrain, beshie, tagaroon kasi si jowa."
"Mami-miss kita, beshie. Sana bago ka umalis magkita muna tayo ha."
"Oo naman. Gusto ko 'yan. Pero heto nga. Ikaw kumusta? Nagre-report ka pa ba kay Danny?"
Hindi agad na nakasagot si Mary. Ang lungkot ay napalitan naman ng pagkabalisa. Bumuntonghininga s'ya. "May hindi pa ako natatapos na trabaho sa kaniya. Bakit mo pala naitanong?"
"Wala naman. Worried lang ako sa'yo, beshiee. Kapag umalis ako iniisip ko saan ka pupunta? Paano kung kailanganin mo ng tulong? Hindi na kita matutulungan. E, hindi naman alam ni Papa Kiel ang trabaho mo? Tapos hindi naman totoo ang relasyon niyo. E paano ka?"
"Balak ko nang umalis kay Danny at balak ko na rin sabihin kay Kiel."
Sandaling katahimikan. Kapwa nalulungkot sila.
"'Wag kang mag-alala, beshie. Mag-iingat ako. Tatapusin ko lang itong huling trabaho ko kay Danny at aalis na ako. Gusto ko na talagang magkaroon ng bagong buhay."
"Maganda 'yan, beshie. Tapos sa pagbabagong buhay mo isama mo si Papa Kiel."
"Baliw ka talaga!"
"O, sige na. Basta mag-iingat ka lagi ha. Mahal kita, beshie. Balitaan mo ako ah sa development ng relasyon niyo ni Papa Kiel."
"Oo na!" natatawang sagot ni Mary. "At ikaw rin mag-iingat. Mahal din kita, beshie. Magkikita pa tayo, ok?"
May ngiti sa labi na pumara at sumakay na ng taxi si Mary pagkagapos nilang mag-usap ni Elizabeth.
~•~
SA coffee shop.
Natuloy sa pakikipagkita si Mary kay Mr. Go. Gustuhin man niyang humindi ay wala siyang magawa. Kailangan niya ang tiwala ni Mr. Go para magtagumpay ang trabaho nila na nakatakdang isagawa kinabukasan.
Katabi na n'ya ito sa coffee shop. Panay lamang naman ang hawak nito sa hita niya na pinababayaan niya pero pirming nagpapatayo ng balahibo niya. Nandidiri siya! Hindi niya gustong hinihimas siya nang ganito. Nagkukwento pa ito ng kung ano-ano na wala naman siyang interes. Hindi ipinahahalatang nabo-boring na s'ya. Tinatago ang bawat paghikab at sige lang ang pagtango at pagngiti bilang pagsang-ayon, sa kung ano mang pinagsasabi nito na hindi naman talaga niya iniintindi.
At dahil papalubog na ang araw ay nagsimula itong magyaya sa bar. Mabuti na lamang at gumana ang pagkukunwari niyang may sakit.
"Sorry, Sir ah. Kanina pa kasi talaga sumasakit ang ulo ko. Sobrang init kasi sa labas kanina," reklamo niya habang hinihimas ang sentido.
"Walang problema. Magpahinga ka na. Puwede naman nating ituloy bukas," naka-ngising sagot nito sabay halik sa pisngi n'ya. Muntik na ngang sa labi kung hindi lang naagapan niyang ikilos ang mukha pakaliwa. Kahit paano kasi ay alam na niya ang mga galawan nito kaya alam na rin niya paanong ito ay iiwasan.
She smirked. "Sure, Sir. Kahit saan mo gusto sasama ako sa'yo—bukas."
At mukhang ginanahan ang matanda lalo nang haplusin niya nang marahan ang pisngi nito.
Mabuti ri't nakuntento na rin ito at tumayo na.
"Bukas magkita tayo sa bar alas-siyete ng gabi," paalala nito.
"Yes, Mr. Go!" Kunwari ay sumaludo siya rito.
"Paano? Mauuna na ako. Aagahan kong umuwi ngayon para magpa-good shot kay misis at bukas naman ay masosolo kita,” anitong ngumingisi pa.
"Sure, Sir. Bye!" Pilit siyang ngumiti.
At nang magsimulang maglakad palayo ang nawawalan na ng buhok na lalaki bitbit ang leather hand bag nito ay napabuntonghininga si Mary. Lupaypay ang katawan na ibinagsak ang mukha sa lamesa.
Nagpahinga lamang siya sandali sa ganoong pwesto. Bago siya na ay tumayo, kinuha ang may kalakihang bag saka nagtungo sa palikuran. Magpapalit na siya ng damit.
~•~
IN a fancy restaurant ay kausap ni Kiel ang bagong kliyente na si Mr. Adir. Bagong business partner nila. Malaking project sa Luzon ang target nito at ang kumpanya nila ang napiling contractor.
Sina Mr. Adir, Mr. Paco at Cherry ang kasama niya.
Kung titingnan ay sobrang sopistikada ni Cherry at aakalaing asawa ito ni Kiel lalo na't sila ang magkatabi sa isang bahagi ng four-sitter na lamesa. At hindi miminsang napapadikit si Cherry kay Kiel na parang hindi naman nito sinasadya. Kaya hindi na lang din pinapansin ni Kiel.
Nang matapos silang kumain at habang nag-uusap sa huling mga detalye ng trabaho ay napili nilang tapusin ang pag-uusap habang umiinom ng malamig na beer.
Hanggang ang usapan ay mapunta kay Kiel. Nabanggit kasi ni Cherry na bagong kasal ito.
"Congratulations, Kiel! Kaya pala halata sa'yong in love ka. That's what you call a honeymoon stage. Nakikita ko ang sarili ko sa'yo."
"Thanks, Grant," ang may hindi mawalang ngiti na sagot ni Kiel.
"Are you sure you're married, Sir Grant? Judging from your look e mukha kang single pa," singit na biro ni Cherry. In her hand was her ladies drink. Napatingin dito ang mga lalaking kasama.
Natawa si Grant Melchor Adir. "Thanks, Cherry. But, yes. May asawa na ako at may dalawa ng anak."
"Congrats, Sir!" bati ni Cherry. "Let's drink to that! How I wish like you guys I would be able to raise my own family."
"Soon you will, Cherry," said Kiel. Trying to lighten up Cherry's mood. "Cheers!" Inangat niya ang baso ng beer at nagsunuran ang iba pa.
Moment passed at lasing na lasing na si Kiel. Nakatalungko ito sa lamesa habang kay Cherry ay nagpapaalam ang mga bagong boss nito.
Nagtanong si Grant. "You okay? Puwede namang ako na ang magdaan kay Kiel sa kanila."
"No need, Sir. Don't bother. I understand malayo pa kayo. Ayoko naman kayong maabala pa. Malapit lang naman si Sir Kiel dito. Or maybe tatawagan ko na lang ang wife niya."
"Mabuti pa nga. O, pa'no? Mauna na kami. Take care, okay? Tawagan ko na lang si Kiel bukas."
"Yes, Sir. Thank you. Take care, too, Mr. Adir and Mr. Paco. Bye!"
Sinundan na lang ng tingin ni Cherry ang papalayo ng mga future bosses nito.
~•~
ANG nakasanayan nang maghintay na si Mary ay kasalukuyang nakaupo sa sofa, nanonood ng TV na paminsan-minsan ay sumusulyap sa orasang nakasabit sa pader.
Ala-una na ng madaling araw.
Para lamang siyang nagpapaantok sa kaniyang ginagawa pero ang totoo ay kinakabahan na s'ya. Binuksan n'ya ang telepono. Nagbabakasakaling nag-text o tumawag ang hinihintay. Pero habang nakatitig doon ay tumunog ito. Isang unregistered number ang nag-flash sa screen. Nagmamadaling sinagot n'ya ang tawag.
Nagkasabay pa silang mag-hello ng kausap n’ya. Boses babae ito na nagpaatras nang bahagya ng kaniyang ulo.
"Mary? Cherry here. Si Sir Kiel kasi..."
Napatayo siyang bigla at pinindot ang off button ng remote control ng TV.
"Anong nangyari sa kaniya?" mahinahong tanong n'ya. Hindi halata pero hindi niya nagugustuhan ang mga ideyang bigla at isa-isang sumusulpot sa isip n'ya.
"Puwede bang sunduin mo s'ya. Ite-text ko ang address sa'yo. Masyado kasing nalasing. Napainom kasi after ng business meeting. Bilisan mo ah. Hindi ko alam ang gagawin sa kaniya e."
Wala nang sinayang na panahon si Mary. Habang nagpapaliwanag ang kausap ay tumatakbo na siya paakyat at papasok sa kaniyang kwarto. At pagkakuha ng jacket na kulay pula na nakasabit sa coat rack stand ay nilipad ulit niya ang pintuan palabas.
Napakagat pa siya ng labi nang banggitin ni Cherry ang address na kinaroroonan ng asawa.
‘Nasa condo sila? Ano? At sila lang bang dalawa? Bakit!’
Ang dami-dami pa sana niyang tanong pero pinili na lang niyang sumakay agad ng taxi at utusan ang driver na pahururutin ito.
Gusto na niyang makita si Kiel at maiuwi ito. Gusto niyang makitang okay lang ito!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (163)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like your writing style, the narration, the plot so creative. Good job Author!
04/07/2022
0A work that is worth to read for everyone!! Highly Recommended ❤️❤️ Keep the pen bleeding author 😘
16/06/2022
0Interesting. Nangangamoy life lessons kaagad. Keep on a good work, Author~ By this story you can inspire more people.
09/06/2022
0Tingnan Lahat