Homepage/My Miracle Find/
Lips and Coffee
SIMULA nang magising si Mary dahil sa pang-iistorbo at pagtabi ni Kiel sa kaniya ay tila tinangay nito ang antok niya. Sumama rito palabas ng pintuan at hindi na bumalik pa. Habang paikot-ikot sa kama sa loob ng madilim na silid ay naalala niya ang kanilang kasal. Gumuhit sa labi niya ang magandang ngiti. At hindi maiwasang kiligin na muli.
Hinawakan ni Kiel ang kamay niya?
At kailan pang nagsimula na sang-ayunan ito ng sistema niya? Hindi na niya matandaan. Kung sa bagay makailang beses na nga pala siya nitong hinalikan at may pinagkaiba ba iyon sa paghahawak ng kamay?
Napabuntonghininga s'ya habang pumipikit nang mariin.
‘Ano na ba'ng nangyayari sa 'kin? Bakit bawat kilos niya apektado ako?’
Naaalala pa niya noong unang beses na hawakan ni Kiel ang kamay niya. Ang unang beses na dinala siya nito sa mansion. Hindi siya nakakilos noon. Para siyang naging kasing tigas ng bato. At ang hindi niya alam, ang pagpasok niya sa mansion ay simula pa lamang pala ng mga pagbabago sa buhay niya, at mula nga noon ay hindi na siya nakalabas pa sa tahanang ito.
Hanggang pumutok ang liwanag at tumilaok ang manok. Tinanggap na lang niyang hindi na siya talaga makakatulog ulit.
At kesa pilitin pa ay pinili na lang niyang pumasok ng banyo at ayusin na ang sarili. Nakararamdam na siya ng gutom at tila ang lalamunan ay nananabik nang mahaguran ng mainit kape.
Pero kung bakit ba naman pagkalabas na pagkalabas niya ng palikuran ay may narinig siyang kumakatok. Ewan ba at parang gusto niyang umurong at bumalik sa banyo para sipatin ang sarili sa nakasabit na salaming bilog.
At iyon nga ang kaniyang ginawa. Mabilis na pinasadahan niya ng tingin ang sarili sa salamin kasabay ng paghagod pagilid ang buhok na pinaghirapan niyang suklayin kanina. Pinressed ang labi na may manipis na manipis na pink lip tint saka tiningnan ang kabuuan habang humahakbang na palabas ng pinto. Leggings na black at muscle tee na kulay maroon ang suot niya.
Hindi nga s'ya nagkamali. Ang asawang si Kiel Matthias ang napagbuksan niya. Wala mang emosyon ang mukha pero ang puso niya ay tuma-tumbling sa tuwa. Kinagat na lang niya ang ibabang labi.
Lihim na pinagmasdan niya ang lalaki. Nakasuot ito ng puting t-shirt bilang panloob at ang coat na kulay itim ay nakasampay sa balikat nito. Napaka-gwapo nitong tingnan na para bang ikakasal ito ulit. Tila handa na itong pumasok. Hindi yata't nasosobrahan sa kasipagan ang asawa n’ya. At sa ano naman kayang dahilan? Samantalagang nakainom pa nga ito. Buong akala niya nga ay hindi ito papasok ngayon.
"How's the first day being Mrs. Mary Gretchen M. Alonzo?" ang may manipis na ngiting bungad na tanong sa kaniya ni Kiel habang ang siko ay nakatukod sa hamba ng pintuan.
Nagdulat ng saya kay Mary ang tanong nito na iyon kaya’t nginitian niya ito pabalik. Pero wala siyang kahit anong sinagot. Gusto sana niya itong hampasin nang may paglalambing sa braso na nagsusumigaw ang muscle ay pinigilan na lang niya. Alam naman niyang para sa kanilang dalawa ay balewala lamang ang kasal na iyon. Kaya hindi siya dapat na maging malambing dito.
Binawi niyang bigla ang ngiti.
"Ready for breakfast, Mrs. Alonzo?" tanong ulit ni Kiel na parang nanunukso.
"Oo," tugon niyang napakatipid.
"Maganda nang magkasabay tayong bumaba para kapani-paniwala, hindi ba?"
"Walang problema."
"Let's go!"
Magkasabay na silang naglakad papuntang hagdanan.
"Um...do you mind if I hold your hand?"
Parang um-echo ang phrase na ‘hold your hand ‘ sa tainga n'ya at wala sa sarili na napatango na lang s’ya. Dito'y marahan na inabot ng asawa niya ang kaniyang kamay. At kung kanina ay napapa-tumbling lang ang puso niya, sa tingin niya ay hinimatay na ito ngayon.
Kiel intertwined and swung their hands while walking down the staircase and until they reached the dining, where Don Elpidio and Donya Kiera were waiting. At nang mabungaran sila ng mga ito ay agad sila nitong sinalubong ng ngiti.
"Good morning, darlings!" salubong ni Donya Kiara at magkasubod silang bineso.
"Good morning, Mom," bating pabalik ni Kiel sa ina sabay halik.
"Good morning po," bati rin ni Mary sa mga in-laws n'ya. Humalik din s'ya sa Donya.
“Morning, Dad!” Tinapik ni Kiel sa balikat ang nadaang ama bago ito ay dumaan sa likod nito habang hawak pa rin ang kamay ni Mary bago sila ay pumwesto sa gilid ng ama.
Pinaghila ni Kiel si Mary ng upuan pagkatapos ay magkasabay na silang naupo.
"Mom, Dad? Gusto niyo po ng kape? Ipagtitimpla ko po si Kiel isabay ko na po kayo," suhestyon ni Mary habang tumatayong muli.
"Salamat, Anak. Pero okay na. Coming na si Manang Fe, tinimpla na niya kami ng Dad niyo ng kape" magiliw na sagot ni Donya Kiera sa pagitan ng pagpupunas ng bibig.
"Sige po," ani Mary bago binalingan ang asawa. "Punta lang akong kitchen. May iba ka pa bang kailangan?"
"Wala na. Hintayin na kita. Sabay na tayo kumain."
Pakiwari niya ay nangisay na naman ang puso niya at hinimatay. Tinapunan niya lang ng ngiti si Kiel at siya ay tumalikod na. Hindi na niya napansin ang mag-asawa na masayang nakamasid sa kanila at tila mga nanunukso.
Binigyan lamang ni Kiel ng ‘what's going on’ look ang mga ito. Napapailing naman habang nakangiti ang Don.
"Matty, I am so happy for you and Mary. Hindi niyo alam paano niyo kami napasayang dalawa. Nadagdagan na ang pamilya natin," wika ng ina. “And I can’t even wait na madagdagan pa tayo ng isang paslit.”
Kiel chuckled.
"I am proud of you, Son," sabi naman ng Don na tinapik-tapik pa ang balikat ni Kiel.
"Thanks, Dad, Mom. I am completely grateful with the both of you. If not for you maybe I wouldn't be this happy. This whole thing...it changed my life."
At sa pagbabalik ni Mary ay kasabay na niya si Manang Fe.
"One kape for Don Elpidio, and one kape for Donya Kiara!" ani Manang Fe habang pinapatong ang kape at pagkatapos ay mabilis na ring tumalikod pero muling humarap. "Uhm, Sir Kiel iyon po palang Guest Room—"
Natigilan si Kiel at nanlaki ang mga mata, tila alam na ang ibig sabihin ng helper kaya agad itong sumagot.
“Yes, please, Manang! Yes—uhm—pakilinis ang Guest Room medyo may—uhm—amoy eh,” anitong napapalunok pa ng laway sa tuwing humihinto magsalita.
Nagkatinginan sina Mary at Kiel. Mabuti at busy sa paghigop sa kani-kanilang mga umuusok na kape ang mga magulang.
“‘Yong amoy kasi medyo umaabot sa room namin ni MG. So, please, paki lang ha." Gamit ang likod ng palad ay napapunas si Kiel sa noo na nagbutil-butil bigla sa pawis.
"Okay, Sir Kiel. E, Sir, iyon pong..."
Pinanlakihan n ani Kiel ng mata ang matanda. "Manang, I'll get back to you. In the meantime, patapusin mo muna kaming kumain, ok?"
"Nanay Fe, ako na pong bahala. I can help you. Kapag ok na po ang schedule ko tatawagin ko po kayo," salong sagot na lang ni Mary.
Hindi rin tuloy mapakali si Mary baka kasi may iba pang masabi ang helper. Now she wonders, ano ang mga alam nito? Baka isumbong pa sila sa mag-asawa na kahit kailan ay hindi naman sila nagsama sa isang silid, kahit ngayon na mag-asawa na nga sila.
"Ay salamat, Ma'am Mary, ang bait-bait niyo po talaga. Pero hindi naman na po kailangan. Sige po, balik na po kayo sa pagkain. Salamat po ulit." At dito'y umalis na rin ang matanda.
Hawak pa rin ni Mary ang tray na may lamang kape nilang mag-asawa. Nagkatingnan ulit sila saka sabay na nilingon ang mga magulang. Mukhang wala namang alam ang mga ito dahil maganang-magana pa rin ang mga ito sa pagkain.
Nag-aalangang sinerve na ni Mary ang kape ng asawa at siya na rin ay naupo. Ang concern naman niya ay nalipat sa kape. Magustuhan kaya ni Kiel ang timpla n'ya?
"Thanks, Hon," buong giliw na pasasalamat ni Kiel na mabilis na inangat na ang tasa. Kita pa niya paanong naglaho ang usok mula sa loob ng tasa nang ihipan ito ni Kiel bago humigop. Kinakabahan pa siyang baka magkomento ito nang masama pero salamat naman at wala itong kahit na anong sinabi. Dito ay nakahinga s'ya nang maluwag.
Humigop na rin siya ng sarili niyang kape.
‘Precious!’ napapikit pa s'ya. Kanina pa s'ya nagca-crave rito. At para sa kaniya ay okay naman ang lasa. Wish n'ya lang talaga na nagustuhan din ng asawa.
Well, malabo! Magkaiba kasi sila ng taste. Mamahalin malamang ang iniinom nito samantalang s'ya, 3-in-1 lang ayos na. Wala rin s'yang prefer na brand. Kahit ano basta 3-in-1 plus mainit na tubig ay ayos na ang umaga!
Bigla'y nalingon n'ya ang asawa na ngayon ay masigla nang kumakain. Napapaisip tuloy s'ya. Tila kabisadong-kabisado na nila ang pagpapanggap, na kung may board exams nga nito ay paniguradong Master’s Degree na sila sa larangang ito.
At sinimulan na rin niyang kumain nang tahimik nang biglang magsalita ang Don. Tila may naalala. "S'ya nga pala. Saan ba n'yo gustong mag-honeymoon? May plano na ba kayo? Any place you two want to visit?"
Nagkatinginan ulit sina Mary at Kiel. At as usual hinayaan ni Mary na ang asawa ang sumagot. Mas mabilis ang utak nito sa paghahanap ng sagot sa mga ganitong biglaang tanong.
"Um, hindi po muna kami magha-honeymoon. Maraming ginagawa si Mary sa university. Hindi s'ya puwedeng mawala nang matagal. Right, Hon?" hinging-saklolo nito sabay tingin sa kaniya.
Tila mahalaga na ang opinyon niya ngayon. O gusto lang ni Kiel ng segunda?
"Opo—Dad! May mga kailangan po akong tapusin sa school kaya napagkasunduan namin na ipagpaliban po muna ang honeymoon."
Yumuko na si Mary at bumalik sa pagkain. At mukhang satisfied naman ang Don sa sagot nila kaya hindi na ito umimik pa. Nagtaas-baba lang ito ng ulo bilang pagsang-ayon.
~•~
KATATAPOS lang kumain ni Kiel. Naubos na rin niya ang kapeng tinimpla ni Mary at sa isip ay napatanong, bakit parang ang lasa no'n ay mas masarap pa kesa sa lahat ng kape na natikman na niya?
‘Parang naiwan sa dila ko.’
Sa rami ng coffee shop at restaurants na napuntahan na niya ay ang isang ito lang pala ang makapagpapa-satisfy ng panlasa niya.
Pinahiran niya ang bibig gamit ang table cloth. Sinigurong walang bahid ng anumang pagkaing naiwan doon bago nilingon pakanan ang asawa. Hindi siya mapakali at napapalunok pa ng laway. Kanina pa niya gustong hawakan ang asawa o kung ano man na ginagawa ng asawang lalaki sa asawang babae pero this time ay totoo na ito? Hindi na niya kailangan ng Youtube.
He was bothered. Kinakabog man ang dibdib ay inipon niya ang hangin sa katawan. Until finally he found courage; nang makita niyang umiinom na ng tubig si Mary, hudyat na tapos na itong kumain ay tumayo na siya.
"Dad, mauna na ako sa opisina," paalam niya sa ama.
"Ok. See you, then," tugon naman nito at nagtama ang mga paningin nila ni Mary pagkatapos.
Pagkakataon na niya! Habang sila'y magkatitig ay inilapit niya ang mukha rito saka ito marahang hinalikan sa labi. Saglit lamang iyon pero sapat na para maramdaman ang malambot na labi ni Mary.
"Alis na 'ko, Hon. See you later."
Sa isip ay napangiti siya nang makita ang pagkagulat sa mukha ni Mary. At dahil natuwa ay nakuha pa niyang ito ay bulungan. "Masanay ka na. Marami pang kiss na darating."
Iniwan niya itong ang mga labi ay bahagyang nakanganga dulot ng kaninang paghalik niya. Humalik na rin siya sa noo ng ina at tinapik ang likod ng ama. Sa tingin niya ay Win-Win naman ang resulta ng ginawa nilang pagpapakasal ni Mary dahil lahat sila ay masaya.
Bigla ay humarap pa si Kiel. Tiningnan ang asawa na nanatiling nakabuka ang bibig. Tila nasa mood siyang pakiligin ito ngayon. "By the way, thanks for the coffee, Hon. It’s good! It tastes exactly like your lips."
Natatawa siyang pagmasdan si Mary na hindi pa rin kumikilos mula kanina at pinamumulahan na ng mukha. At bago pa siya ay magpukol ng kung ano-ano pang kabaduyan at cheesy lines ay pinili na niyang pumihit paalis.
Ngunit kabaduyan mang ito ay matatawag, sa tingin niya ay kaniya itong nagugustuhan.
Parang bata naman na naibato ng Donya ang table cloth nito saka bumaling sa Don. "Bakit no'ng bagong kasal tayo, hindi mo 'ko sinabihan ng ganyan?" pagta-tantrums nito.
Sa narinig ay halos maibuga naman ng Don ang kapeng iniinom. Hindi naman tuloy mapigilan ni Mary ang matawa sa mga in-laws n'ya.
~•~
"CONGRATULATIONS, Mary! Napanood ko na 'yung pinadala mong video ng kasal niyo. Masakit man pero pinilit kong tapusin."
Marahang natawa si Mary at napabuga ng hangin nang marinig ang komento ng kausap niyang si Leo sa kabilang linya. Habang pinapanood naman din ang natutulog na ama sa hospital.
"Natawa ka 'no?" tanong pa nito.
Bumalot ang katahimikan. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Alam kasi niyang tinatangi siya ng binata.
"Salamat, Leo. Lagi mo pa rin akong pinapatawa."
"Masaya akong napapasaya kita pero ang tanong ko, masaya ka ba talaga?"
Bahagya siyang nag-isip. Oo nga't hindi isang daang pursyento ang kaligayahan niya pero hindi naman niya maitatangging may dulot na saya ang pagkakaugnay niya kay Kiel kahit pa sabihing ang lahat ay pawang kathang-isip lamang. Bagay na hindi naman niya masabi sa kausap.
"Oo naman. Masaya ako, Leo. Masayang-masaya ako."
"Ayos! Masaya rin naman ako para sa'yo. Nakasisiguro akong may mag-aalaga na sa 'yo at puwede ka ng tumiwalag sa grupo."
"Oo nga e. Plano ko talaga na umalis na. Hindi na puwede ang ginagawa ko. Sa totoo lang hindi alam ni Kiel ang uri ng trabaho ko at hindi ko rin alam kung matatanggap niya pa ako kapag nalaman niya."
"Mukhang mabait naman ang asawa mo. Sa tingin ko, maiintindihan niya."
"Sana nga." Bumuntonghininga siya.
"Ako man gusto ko ng umalis sa grupo. Gusto lang kitang samahan sa tinatrabaho natin sa bangko at pagkatapos no'n magpapakalayu-layo na ako. At anong malay natin baka makapag-asawa na rin ako." Tumawa nang malakas si Leo na sinundan naman ni Mary.
"Hindi malabong mangyari 'yon. Nalinya ka lang sa masamang gawain pero alam na alam ko kung ga'no kabuti ang puso mo."
"Sige na nga! Maniniwala na ako sa'yo. Salamat ah."
"Walang anuman, Leo."
"Ay, maalala ko nga pala. Bad trip na bad trip na ang boss mo. Ilang beses ka na raw tinatawagan hindi ka sumasagot."
"Ang totoo, Leo. Parang ayoko na ngang sagutin." Napabuga ulit si Mary ng hangin. "Bukod sa masyadong naging busy e ayoko na sanang magpakita pa sa kaniya. Pero wala eh. Siguro dapat harapin ko s'ya at tapusin na ang dapat tapusin."
"Oo mag-report ka lang kahit for the last time nga sabi mo, 'di ba? Mahirap kasing binibitin si Danny. Ha-hunting-in ka no’n. Ang kinakatakot ko baka ngayon kumikilos na 'yon. Baka pinapahanap ka na."
"Okay, sige. Salamat sa advise. Gagawin ko. Tatapusin ko na 'to."
"Okay! Good luck, Mary, at congrats ulit. Update mo 'ko sa trabaho. Sasamahan kita. Kitakits!"
"Thanks, Leo. The best ka."
Ilang sandali pa ay binaba na ni Mary ang telepono. Dinaluhan naman niya ang ama na parang may dinaraing habang natutulog. Pabaling-baling ang ulo nito na umuungol nang mahina. Sinalat niya ang noo nito, napagtanto niyang inaapoy ito ng lagnat. Napapahawak din ito sa dibdib na parang nahihirapang huminga. Kinakabahang pinindot ni Mary ang emergency button sa ulunang pader ng ama para tumawag ng tulong.
At dahil abala ay hindi na niya napansin ang telepono na nasa couch. Maliwanag ang screen at kanina pa tumutunog.
Si Danny ang tumatawag.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (163)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like your writing style, the narration, the plot so creative. Good job Author!
04/07/2022
0A work that is worth to read for everyone!! Highly Recommended ❤️❤️ Keep the pen bleeding author 😘
16/06/2022
0Interesting. Nangangamoy life lessons kaagad. Keep on a good work, Author~ By this story you can inspire more people.
09/06/2022
0Tingnan Lahat