Homepage/My Miracle Find/
The Wedding
NAPABUGA ng hangin si Mary. Ano pa ba'ng sasabihin n'ya? Tapos na ang boxing.
May nanalo na!
Nanalo na naman ang kasinungalingan ni Kiel. At magkagayon man ay bakas naman sa mukha ng mga magulang ni Kiel ang saya. Tila mga nanalo rin! Parang sa kanilang lahat...siya lamang ang talunan. 'Di yata't napaglalaruan siya ng pamilyang ito?
"Salamat, anak!"
Buong pagmamahal na niyakap ni Donya Kiara si Kiel.
"Ok then, let's settle. Actually, nakahanda naman na ang lahat, pati ang altar nakahanda na. Kayong dalawa na lang ang hinihintay," ani ng Don.
Lalong napaawang ang bibig ni Mary. At kita naman n'yang hindi rin makapaniwala si Kiel. Tila napagplanuhang lahat na talaga ng Don ang mga buhay nila.
"Mangyayari ang kasal dalawang araw mula ngayon. Wait a sec," paalam ng Don na mabilis na dinial ang numero ni Cherry.
"Gano'n kabilis? Wow!" palahaw ni Kiel.
"Welcome to the family, Mary. Finally!" masayang saad naman ng Donya sabay yakap ulit sa kaniya.
Wala naman ding pagsidlan ang tuwa ni Kiel nang makitang sa wakas ay parang may ginawa itong tama. Masaya itong napasaya ang mga magulang. Pero nang sandaling lingunin si Mary na alam nitong pilit lamang ang ngiti habang kausap ang ina ay hindi nito napigilang ma-guilty. Sa kasal na ito parang ginagamit na naman nito si Mary.
"Cherry, Mary is back. Tuloy ang lahat ng plano. Alam mo na'ng gagawin…" Bahagyang lumayo ang Don upang kausapin ang sekretarya sa telepono.
"Yes, Sir. Everything is ready. Ako na pong bahala."
"Thank you. I know I can always count on you."
"Walang anuman, Sir. Wala na kayong ibang gagawin kundi magpahinga at maghintay ng dalawang araw para sa big event. Tomorrow they are scheduled lang for the suit and gown fitting. Other than wala na silang gagawin."
"That's nice. At ayokong may makapigil pa rito. Tuloy ang kasal kahit anong mangyari."
"That's noted, Sir," pigil ang hingang sagot ni Cherry at pagkatapos ay binaba na ng Don ang telepono.
Binalikan nito ang pamilya para ayain na ang mga itong maghapunan, habang patuloy na nahihiwagaan naman si Mary sa kinikilos ng Don.
~•~
HINDI lubos akalain ni Kiel na mauuwi sa kasalan ang panloloko niya sa mga magulang. Dahil sa nakasanayang pagsisinungaling ay tila lumala ang lahat. Pero kung may naiibigan man siya sa mga maling nagawa ay iyon ang maikasal kay Mary.
This was the most beautiful mistake he had ever done in his entire life!
At si Mary 'yon. Ang babaeng pakakasalan n'ya. At kahit hindi pa niya maamin ay alam niyang espesyal si Mary sa puso niya. At kahit pa wala rin siyang naririnig buhat kay Mary na gusto siya nito ay ayos lang. At kahit wala talagang namamagitan sa kanila ay gusto niyang magpatali na rito.
Maaaring ang pagpapakasal kay Mary ay isa na namang maling desisyon pero, wala e. Nando'n na. Nagsimula sila sa mali. Ang hiling na lang niya ay magwakas sila ng tama.
Paano?
Hindi niya alam. Hindi na muna niya iisipin iyon sa ngayon. Gusto na muna niyang namnamin ang mga sandaling ito ng kanilang kasal. Saka na niya pag-iisipan ang pagbabayad sa mga naging kasalanan.
Suot ang black tuxedo na tinernuhan ng pawis sa noo at kaba sa dibdib habang nag-aabang sa harap ng altar ay hindi malaman ni Kiel ang gagawin.
Wala pa si Mary pero parang gusto na niyang tumakbo sa banyo ng simbahan at magtago.
Paano kung hindi siya sumipot?
Grabe ang kaba niya, abot hanggang kuko niya sa paa. Parang nahihirapan siyang tumayo at huminga. Tiningnan niya ang mga bisita. Marami ang nakamasid sa kaniya, kaya napatayo siya ulit nang tuwid sabay punas ng pawis gamit ang kalalabas lang niyang panyo.
Maya-maya pa ay tinabihan siya ni Paul. Ang kaniyang Best Man. Mabuti na nga lang at wala si Teban. Kung narito ito baka hindi pa matuloy ang kasal dahil tiyak niyang magtatalo ang dalawa sa kung sino ang kaniyang magiging Best Man. At dapat ba siyang magpasalamat din sa ama na siyang atat na atat sa kasal na ito?
Nag-lean sa kaniya si Paul para bumulong. "Relax, man! Darating siya. Matutuloy ang kasal." Kinindatan pa siya nito. Tantya niya ay parang mas gwapo itong si Paul sa kaniya ngayon. Mahihiya ang alikabok na dumapo sa mukha nito na parang walang pores. Habang s'ya ay pakiramdam n'ya ay naglalawa at naglalapot na ang mukha sa pawis. Paano naman s'ya magugustuhan ni Mary?
Hanggang yakapin siya ng ama na hindi niya alam na nakalapit na pala sa kanila.
"Are you okay, son?"
"Y-yes, dad!"
"I remember, ganyang-ganyan din ang Daddy mo no'ng kasal namin. Kabado pero gwapo!" sabat naman ng kaniyang ina na kinilig pa na nasa kabilang gilid na rin pala niya.
Kulay beige na may halong dilaw ang suot na gown ng Donya. Pustura pa rin ito. Samantalang polong puti na may mahabang manggas lamang ang piniling suotin ng Don at yellow na tie bilang accent.
"Are you ready?" tanong ulit ng Don.
"I am!" confident at walang gatol na sagot n'ya sabay punas ulit ng pawis saka siya ay ngumiti.
"Congratulations, son! I know you'll be a good husband and a father. I've always dreamed of this, alam mo ba 'yon?" ang Donya ulit na s'ya namang yumapos sa kaniya.
"Thanks, mhy! I will try. Sana magaya ko si Dad. Pero pag-iisipan ko pa rin. Mahirap tapatan ang Don na ito e!"
Nagtawanan ang apat na nakakuha ng atensyon sa punong-abala na si Cherry. Hindi alam kung dahil sa pagod kaya hindi ito makangiti. Kausap nito si Elizabeth at iba pang kabilang sa entourage. At pagkatapos lingunin ang nagtatawanang sina Kiel sa harap ng altar ay lumabas na ito. Narinig kasi nitong dumating na ang bride. Bukas ang likod ng suot na yellow dress ni Cherry kaya kita ang kinis ng balat nito. Busy man ay sadyang maganda pa rin ito.
Tinakbo at sinalubong ni Cherry ang bridal car. Kasunod nito ang isa pang sasakyan at isang ambulansya.
Napakunot ang noo ni Cherry.
~•~
Pagkababa ni Mary sa kotse ay bineso s'ya ni Cherry.
"You are soooo beautiful! Kaya si Sir Kiel can't wait na talaga to marry you, Mary," bati nito sa kaniya habang nakangiti. "Best wishes!" At bumeso ulit.
"Thank you. You are beautiful, too, Cherry! Thanks for preparing everything for us. I really appreciate it."
"Oh, that's no big deal. It's my job and I'm honored na ako ang nag-asikaso ng lahat."
Niyakap siya ni Cherry bago ito ay nagsimula nang mag-aya. "Shall we? Malamang kanina pa sila inip na inip na makita ka."
Napangiti siya sa tinuran ng kausap at sa kaniyang pagharap sa simbaha ay tumambad sa kaniya ang ganda nito.
Ito ang dream wedding na kinalimutan na niya. Ang maikasal sa luma pero magandang simbahan. At sinong mag-aakala na matutupad ito ngayon? At si Kiel lamang pala ang tutupad no'n, o tamang sabihing, ang ama nitong isang Don ang tumupad ng pangarap niya. Kaya hindi niya makuhang lubos na maging masaya. Maaari kasing totoo ang kasal pero pakiramdam niya naman ay may kulang.
Hanggang isang kamay na kulobot na't halatang may edad na ang kumapit sa kaniya. Masaya siyang napayagan ang ama na dumalo sa kasal ng kaisa-isa nitong anak na babae. White long sleeves ang polong suot nito with yellow bow tie at black slacks pero nakaupo sa silyang degulong.
Sa nakitang nakangiting ama niya sa tabi n'ya ay hindi niya napigilang maiyak. At least ang saya ng ama niya ay totoo.
Nakaupo sa wheelchair si Mang Filo na kasama niyang maglalakad palapit sa altar. Laking pasalamat niya't nasa wisyo ang ama at nakikilala siya ngayon. Parang nakisama ang sakit nito't pinagbigyan ang kasal niya.
Hinalikan niya sa pisngi si Mang Filo. Hinaplos naman nito ang mukha niya. "Masaya ka ba anak?"
"Opo naman!" maluha-luhang sagot niya. “Masaya rin ako kasi ihahatid niyo ako sa altar. Matagal kong pinangarap 'to, Pa."
"Masaya rin ako. Alam ko kasi mawala man ako. May makakasama na ang baby ko."
"Pa! Tama na nga ang usapang 'to! Paiiyakin niyo pa ako e. Mamaya na tayo mag-iyakan pagtapos ng kasal. Isa pa, ayokong naririnig sa inyo ‘yan—na mawawala kayo at iiwan niyo ako. Ayoko!" Pinunasan niya ang nangingilid na luha atsaka niyakap si Mang Filo.
HINDI nagtagal ay bumukas ang malaking pintuan ng simbahan.
Gumapang ang kaba sa buong katawan ni Mary. Lahat sila ay nakatingin sa kaniya. Mabuti't hawak pa rin ng ama ang kamay niya. Pinisil pa nito iyon. Marahil nadama nito ang kaba niya. Sa tingin niya ay naglalagkit ang kamay niya pero hindi bumitiw ang ama sa kaniya.
Hanggang maulinigan niya ang malamyos na tinig ng umaawit.
Parang may kakaibang mensahe ang musika. Bukod sa ganda ng tinig ng babaeng kumakanta na bagay na bagay sa piano ay nagustuhan din niya ang lyrics mismo. Hindi ito pamilyar sa kaniya at ngayon lang niya narinig, and she wondered sino ang pumili nito at gusto niyang pasalamatan. Maganda kasi ang awitin at akma para sa nararamdaman niya para kay Kiel pero ang tanging linyang naiwan lang sa isip niya ay ang, My Miracle Find.
Sa totoo lang ay wala siyang hilig sa musika. Kaya kahit ang pagpili ng kanta para sa kasal nila ni Kiel ay hindi niya ginawa. Wala siyang kahit na katiting na partisipasyon sa kasal na ito. Parang ang tangi lang niyang gagawin ay sumagot ng ‘I Do’ mamaya.
Ayaw na niyang mag-effort. Bakit pa? Bukod sa biglaan ang lahat ay ayaw niyang maging masyadong personal at baka masaktan lang s'ya.
Hanggang magsimulang lumikot ang mata ni Mary. Ang kulay dilaw at puting mga bulaklak na sumalubong sa kaniya sa isle, ang masasayang pagbati sa kanila ng mga taong kanina pa nag-aabang sa kaniya—na parang isa siyang celebrity na hinihintay. Ang maiyak-iyak na si Elizabeth na tumalikod pa para i-retouch ang natutunaw na eyeliner. At ang malawak na ngiti ng pangalawa na niyang mga magulang na sina Donya Kiara at Don Elpidio. Lahat sila ay itinago na ni Mary sa kailaliman ng puso niya. At tiyak niyang hindi na niya malilimutan pa ang araw na ito kahit na kalian. Kahit para sa kaniya ang kasal na ito ay peke lang.
At nang sa wakas ay tingnan niya ang altar ay pinili niyang 'wag munang tingnan ang mapapangasawa. Hindi niya pa kaya.
Nginitian niya si Paul na naka-navy suit at gold tie combo. Nag-thumbs up sa kaniya si CPR habang nakangisi. Saglit siyang nagyuko ng ulo at sunod nang tiningnan si Kiel habang siya ay nakangiti.
Their eyes locked.
Lalong naging marahas ang pagtibok ng puso n'ya. Paanong nangyaring pakakasalan siya ng gwapong nilalang na ito? Dahilan para mas lalo siyang mapangiti.
Naka-black tuxedo ang groom n'ya na nakuha pa palang magpagupit. Short and classic ang style ng buhok nito. Matuturing na simple pero inangat lalo ang kagwapuhan ng mapapangasawa n'ya. Kaya lang ay mabilis ding nawala ang ngiti niya nang makitang seryoso ang mukha ni Kiel. Nakatingin lang ito sa kaniya na ang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa.
Paano naman siya magiging masaya kung hindi masaya ang groom niya?
May tila karayom na tumusok sa puso niya at parang nagpaputok rin ng panaginip niya at nagdala sa kaniya sa realidad. Totoo ang kasal pero hindi ang nararamdaman!
Hindi niya alam kung pansin ni Kiel pero mamamasa-masa ang mga mata niya nang hustong makalapit dito. May belo man ay pinili niyang magbaba na lang ng paningin para tingnan ang ama at para na rin iwasan ang nanunuring tingin ni Kiel sa kaniya.
Sa pagbitiw ng ama sa kaniya ay siyang kuha naman nito ng kamay ng mapapangasawa niya. "Salamat, anak. Sana'y ingatan mo ang kaisa-isang kayamanan ko na ibinibigay ko sa 'yo."
Sa tinuran ni Mang Filo ay nagyuko ng ulo si Kiel at dito'y pinatong ng matanda ang kamay para igawad sa groom niya ang pagbabasbas.
"Masaya po ako na nakarating kayo. Ipinapangako ko po. Iingatan, aalagaan at mamahalin ko po ang anak niyo."
At mabuti na lamang talaga ay may belo siya, na kahit maiyak siya dahil sa eksenang ito ay hindi mahahalata. Lalo pa nang sulyapan na siya ni Kiel. Kahit talaga kailan ay napakahusay nitong magsalita, na minsan ay gusto na niyang maniwala.
At matapos na si Kiel ay magmano sa ama niya ay ito na rin mismo ang naghatid at nagtulak ng silyang de gulong nito sa tabi ng mga magulang nito.
Nakita niyang nagbatian ang magbabalae. Kay gandang pagmasdan na magkakasundo agad ang tatlo. Naiisip na napakaswerte niya sa mga in-laws niya.
‘Sana nga lang ay totoo ang lahat ng ito!’
At sa tabi niya ay pumwesto na si Kiel. Inalalayan siya nito paakyat ng hagdan at papunta sa altar.
Sa buong seremonya ng kasal ay wala sa loob niya si Mary. Pilit sumasagi kasi sa isip niya ang naging huling usapan nila ni Kiel bago ang kasal.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (163)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I like your writing style, the narration, the plot so creative. Good job Author!
04/07/2022
0A work that is worth to read for everyone!! Highly Recommended ❤️❤️ Keep the pen bleeding author 😘
16/06/2022
0Interesting. Nangangamoy life lessons kaagad. Keep on a good work, Author~ By this story you can inspire more people.
09/06/2022
0Tingnan Lahat