logo text

A typical day of a high school student Part 2

//cont.
Habang tumatagal lalong bumabaho sa classroom namin! P*tangina wala talagang paghupa! Hindi ko malaman kung dahil ba kulob kami o ano eh. Mas nagpapalala pa ng sitwasyon eh, naka aircon yung classroom namin!
"Ang baho na talaga di ko na kaya!!"
"K*ngina bantot talaga!!"
"Gagu kasi kayo eh! Grey kasi pasimuno eh!"
"Bakit ako? Sisihin nyo yung si Lyra don oh?" Depensa ni Grey.
Hahahahahah. Oo nga! Epal kasi to si Lyra, paoansin crush yata si Grey eh, o si Dylan? Hahahahah.
"What are you thinking?" Biglang nagsalita yung katabi ko.
"Wala naman, gusto ko nang tumakas dito."
"Oy buksan kaya naten yung bintana?"
"Wag nyo lang pakita kay Lyra!"
"Oo tangek, ako nalang mag di-distract kay Lyra tapos bilisan nyo agad kilos!"
"Osige sige!" Sang ayon ng lahat kay Nicole. Tignan mo nga naman, kikilos pala to ng kusa, utot lang pala katapat mo.
Nagkunyarian ng ihing ihi si Nicole, at nag simulang umarte. Dinala nya sa may pinto si Lyra kaya naman dali daling binuksan ng mga malalapit sa binata sa right side ng room yung mga bintana.
Natatawa ako sa kanila kase sumilip si Lyra buti nalang tapos na silang nagbukas, nag kunyarian nalang silang walang ginagawa. Act normal.
"T*angna nyo wag na tayo uulit sa fart bomb na yan!"
"Gagu kasi to si Kirt eh hahahahah!"
"Gago mas gago ka hahahahah."
"Tawang tawa ko sa itsura ni Sir Kalayaan eh."
Umiingay na sa classroom, actually, tagumoay naman kaming di natuloy yung klase kasi nakaksulasok talaga yung amoy! Buti nga wala pang nasusuka samin eh.
Parusa lang talaga kasi KJ to si Lyra, kailangan pa tuloy namin mag suffer. Kainis.
*riiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
"YOWNNNNNN"
"SA WAKAAAAASSSS!!"
Kanya kanya kaming takbo palabas ng classroom, may iba dumiretso pa ng cr baka nasusuka na yung mga yun. Grabe inabot namin sa kalokohang ito hahahah.
"Paul, locker lang ako, papalit akong PE ambantot ko eh."
"Aight."
Lunch break na kaya nakalaya din kami. For sure bukas lagot kami kay Ms. Mendoza. Kawawa nyan sila Grey hahahahah. Pumunta muna akong locker, "Hala!! Susi ko!" badtrip naman.
"Grey!!" Sigaw ko sa room, "Oy, Grey!"
"Ano miss mo ako?!"
"Yieeeee!!"
"Smooth naman non Andreson!!" Kantyaw sa. kanya ng boys sa room. Sanay na ko sa ganito kaya hindi na ako na awkwardan.
"Muka kang unggoy wag ka ngumisi ngisi dyan! Susi ko, peram! Kelan mo ba babalik!"
"Sa tamang panahon syempre."
"Ngayon na ang tamang panahon, balik mo na kasi naiwan ko susi ko."
"Samahan kita nalang, baka maligaw ka pa eh."
"Bahala ka, bilis."
Dinudotdot ni Grey yung pisngi ko habang nag aayos ako ng gamit sa. locker bago ako pumuntang cr para mag wash up.
"Wag moko dutdutin Grey."
"Tinitignan ko kasi kung totoo ka."
"Anong akala mo saken, engot ka talaga."
"Sa March championship namin, manonood ka dapat ah."
"Antagal pa nun Grey."
"Kahit na! Ilagay mo sa kalendaryo mo, dapat free ka nun!"
"Osya osya, bumalik kana sa room, mag wa-wash up pa ako.".
"Susi mo, akin na."
"Ayaw pa kasi ibalik eh, daming alam sa buhay."
"Pasalamat ka patay na patay ako sayo bestfriend. Hahahahah."
"Tigilan moko patayin kita eh." Tumalikod ako agad at umalis, bago pa nya mahalata ang pag pprotesta ng mga dugo ko sa katawan.
'still has the effect.'
kelan ba ako makaka move on sayo Grey..
three months.
Three months na ang nakalipas simula nung fieldtrip namin. After nun, balik kami ni Grey sa dating gawi, aasarin nya ko, aasarin ko sya. Na parang walang unusual na naganap sa ferris wheel.
Nakakalungkot nung una syempre, pero di nagtagal nasanay na rin ako. Pero di ko itatanggi na gusto ko parin sya.
Si Paul naman, araw araw pa clingh ng pa clingy.. nasasanay na nga ako eh. Masyado nya kong sinasanay baka magkasakit ako pag bigla syang mag sawa sakin.
'aray'
medyo kumirot yung puso ko kung sumagi sa isip ko na magsasawa si Paul sakin. Parang ang ano.. ewan!
I shrugged at the thought.
Pagkatapos ko mag wash up at magpalit ng damit, dumiretso ako sa library, may 30 mins pa naman ako para maghanap ng bagong novel.
'3 wishes and goodbye'
Hmm. Mukhang maganda to ah, tragic ang datingan.
"with a warm smile like that, I found my comfort." basa ko, "for all the people who found the good in goodbye."
Grabe naman to, parang sasaktan ka ka unang page palang. Wag muna to, masyado na akong maraming iniiyak netong mga nakaraan.
'As if it's your last'
Bakit ba masasakit sa heart tong mga nakikita ko dito..
"In every last comes new beginning" nice naman nun, ang thoughtful. Pero wala man lang mapili dito yung light novel lang.
Aha!
Kaya lang antaas! Di ko maabot, lumingi lingi ako kung may natabi bang stairs dito para sa mga kagaya ko kinapos ng height pero wala. Tumitingkad tingkad ako at pilit inaabot yung libro ng may humawak sa kamay kong nag aabot ng libro ng walang kahirap hirap..
Napatigil ako.. sobrang pamilyar ng taong nasanlikod ko ramdam ko.. nilapit nya yung ulo nya sa may balikat ko at bumulong,
"What are you doing?"
"R-reaching out that b-book." Bakit ako nauutal!!! Pero bakit kasi ang lapit ng mukha nya sa leeg ko, nakikiliti ako! Sigurado pag humarap ako kulong ako sa braso nya! Act normal Dawn. Act normal.
PAUL!!
"You look so fine stuttering Summer, but I love your smell the most." Pang aakit ni Paul.
PANG AAKIT?!
San ko naman nakuha yun! Pero basta yun na yun! Hindi ko na kaya yung ganitong posisyon namin kaya naman tinulak ko sya ng bahagya tapos tumakbo ako palabas ng library.
"Act normal my ass. Imposible masyado!" Bulong ko.
I heard him chuckled sexily--
"Ano bang pinag iisip isip ko?!!!" Ginulo gulo ko yung buhok ko habang naglalakad pabalik ng room, tinitignan ako nung ibang students na nakakasalubing ko. Akala siguro nila nababaliw nako, well they're right!!
It's been one month.
One month na akong naguguluhan dahil kay Paul! Magkakasakit na yata talaga ako sa kanya. Nauna na ako dito sa classroom kasi malapit na mag time para sa afternoon class namin. Buti nalang hanggang 3pm lang kami ngayon.
Matatapos na din agad yung araw!
---
Malapit na mag uwian, tinatapos nalang namin yung activities sa workbook namin sa Social Studies. Tapos pwede na daw kami umuwi.
"Classmates! Bunutan tayo later ah, para sa Christmas Party next week! Walang mag papalit palit at wag mag sasabihan, utang na loob!" Anunsyo ng class president namin.
Walang nakinig sa kanya at sumgot meaning, gets namin pero tamad kami sumagot. Buti gets din naman nya agad na yun yung ibig sabihin.
Sino kayang mabubunot ko?!! Sana yung madali regaluhan!!
//

Komento sa Aklat (69)

  • avatar
    Cayraaaa

    Highly recommended! Love the story!

    10/04/2022

      0
  • avatar
    OberaHanz Khien

    wow so good

    30/04/2025

      0
  • avatar
    Rodel Balbalosa

    sow good the love maybe love it

    15/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata