logo text

A typical day of a high school student Part 1

"Shit. Shit. Shittttt." Tatakbo takbo kong hinabol ang gate ng school bago pa to magsara. Kung bakit ba naman kasi ang daming assignment at projects na kailangan sabay sabay mo ipapasa! Yung mga teachers kung makabigay ng activities parang subject lang nila yung inaaral namin, wagas!
"Ooooops! Cut off na!" Pagharang sakin nung guard.
"Eh kuya!"
"Dun kana sa garden dumiretso, wag na matigas ulo." As if naman may magagawa pa ako. Masama loob kong dumiretso ng garden, paano for sure after ng flag ceromony paglilinisin kami ni Sir Alejo ng garden. Tsk.
"Psst. Pssssst!!"
"Uy Gia! Hahahahah late ka den?!"
"Oo wag ka maingay tangek. Bat ka late?"
"Late ako nagising eh. Kainis kasi tinaoos ko pa yung mga projects para maipasa ko on time. Ikaw? San ka nanaman gumimik kagabi?"
"Walang ganap sis. Grading season kaya kailangan kong kumayod kung ayaw ko palakol anihin ko sa card day. Malilintikan ako kay daddy nun."
Kagaya nga ng hula ko, pinaglinis talaga kami ni Sir Alejo ng garden kaya 2nd subject na ako nakapasok. Okay lang din, inaantok din ako kaya baka tinulugan ko lang klase ni Ms. Mendoza kung pumasok ako.
"Why are you so sleepy?" Tanong ni Paul.
"Puyat ako eh, unlike you na genius you can't relate." sabi ko sa kanya.
"Bestfriend!!! Mukha kang panda ngayon ah?!" sigaw ni Grey sa di kalayuan.
"Manahimik ka kung wala kang matutulong engot!!" sigaw ko pabalik.
Wala yung subject teacher namin ngayong 2nd period kase nasa conference daw. Kaya fiesta nanaman kami as usual, typical itsura ng classroom na naiwan ng teacher ng isang oras.
May kanya kanya kaming mundo.
May nag totom sawyer. May tulog. May nag gigitara, may kumakain na ng baon nila na pang lunch sana. Meron din ginagawang basketball net yung basurahan. May nag chchismisan, may nag kkwentuhan about kdrama at anime.
At syempre meron ding utak at lider ng katarantaduhan sa classroom.
Sino yun? Sino pa nga ba.
Si Grey.
At tila nakahanap pa sya ng bise president sa paghahasik ng katarantaduhan.
Sino ulit?
Si Dylan.
"Oy! oy! Gusto nyo ba magklase mamaya sa Math?" Sigaw ni Grey sa harap ng room, sa teacher's table.
"Ayaw ayaw!!"
"Bakit anong plano??"
Sigawan nung mga kaklase ko pabalik, may iba nagmamasid lang, may iba excited.
Ako. Ayoko rin magklase syempre hahahahah. Tinanong ko si Paul kung gusto nya, nagkibit balikat lang din sya sakin. Tignan mo to, akala ko naman hindi magpatol sa mgq kalokohan, isa rin pala. Lowkey talaga!
"May biniling fart bomb si Kurt HAHAHAHA. Pasabugin natin mamaya bago magklase si Sir Kalayaan!"
Punong puno ng kalokohan ang klase namin, syempre walang naging kj maski yung dead kid sa classroom parang nabuhay. Para sa aming mga studyante, pagsasayang ng oras sa paaralan ang pinaka masayang gawin lalo na kapag ganitong season na napuourga kami ng projects at activities.
"Tama, pasabugin naten tas kunyare di natin alam kung san galing!"
"Lagay natin sa ilalim ng book shelf!"
Ayan lahat na ng mga lalaki sa classroom nakikisali na sa pagpplano. Syemore ambag namin girls mag inarte at magpasimuno na wala nalang sanang klase.
10 mins.
Bago mag simula ang klase, lahat kami excited at kabado. Pero mas naeexcite ang lahat para sa success ng kagaguhang ito. Si Paul prenteng paupo upo lang at tutulog tulog sa tabi ko. Di naman talaga dyan nakaupo, pero every matatapos ang klase namin kay Ms. Mendoza, lumilipat sya agad ng pwesto sa tabi ko kasi si Reign gusto rin naman katabi yung isa pa naming kaklase na seatmate ni Paul talaga.
Alam nyo ba, yung seating arrangment namin pang 1st subject lang hahahahah. Pag lumabas ng room si Ms. Mendoza, matik nag iiba arrangement namin, meron pang talagang misming upuan nila yung nililipat. Hahahahahah. Wala namang malay yung mga ibang teachers eh kaya wala silang pake din.
5 mins.
Nag sesenyasan na ang mga kaklase kong frontliner sa katarantaduhang ito. Sila Nicole naman at Tin ang frontliner sa pag iinarte kasi dun sila skilled. Pag yung dalawa nag inarte, wala na end game na agad.
3 mins.
P*tanginang nakakasulasok na baho yung umalingasaw sa classroom namin.
Kanya kanyang murahan ang mariringi mo sa classroom hahahahahah. Nauubo ako sa baho, t*ngina talaga HAHAHAHA.
"PADATING NA SI SIR!!!!" Anunsyo ng aming class lookout. Aminin nyo lahat ng klase meron at meron talagang lookout, taong pinto, guard ng klase.
"HAHAHAHAHAHAH" yan bukod sa murahan tawanan ang maririnig mo sa room, talagang habang tumatagal nagiging intense yung pagkabaho. Parang sampung taon tinago yung sama ng loob kaya napaka bahong bulok yung amoy.
"GOOD MORNING CL--BAKIT ANG BAHO NG ROOM NYO?!!"
"Pftt."
"Pfffttt."
Kanya kanyang pigil ng tawa lahat, walang nagkakamaling tumawa para di kami mahalata...
Pero ang hindi namin inaasahan..
"Sir sila Grey at Dylan po naglagay ng fart bomb sa ilalim ng book shelf"
..yung inakala mong as one layo ng section nyo, kumpleto kayo sa kasiyahan man o hindi, yun pala mali kami ng akala, MERON. At meron parin talagang KJ sa klase..
Nag e-exist sya, sya si Lyra.
Lahat kami. As in. Maski si Paul na tatahimik, ngingiti ngiti lang.. napalingon din.
Yung mga mata at puso at isip naming lahat ngayon, iisa ng sinasabi.
'KFKSKDKCNDNSJJCJSKAKA' na ang ibig sabihin ay masasamang salitang kaya naming pakawalan sa isip..
Kinabahan kaming lahat. Tinignan ko si Grey at Dylan na ang lalaki ng pawis sa noo.
'Gagu kayo ah hahahahah name drop tuloy' sabi ko sa tingin kay Grey na parang sumagot din sya ng,
'F*cking shit!!'
Parang natatae sa kaba si Grey at Dylan hahahahahah, sino ba namang hindi eh, namumula sa galit si Sir Kalayaan.
"ALL OF YOU WILL STAY HERE. Wala akong makikitang mag papanyo sa inyo! Lyra, bantayan mo sila sa labas ng room! Isulat mo lahat ng magtatakip ng ilong!"
"O-opo." TSS KJ.
"Walang lalabas ng classroom na ito hangga't hindi nyo inuubos amuyin yung fart bomb na yan!!"
Nilagay ni Sir Kalayaan sa gitnan ng table yung fart bomb. Sabay walang pasabing umalis at sinara ang classroom.
"Pfft."
"Pfffttt.."
"HAHAHAHAHAHAHAAHAHAH"
"TANGENA NYOOOOOO!!"
"MGA GAGUUUUU!! MEMORIESSS!!"
Tawang tawa ang buong klase namin sa nangyayari ngayon.. ang hindi namin alam.. simula palang pala to ng matinding kalbaryo ng araw namin..
Lintek na utot yan!
"Idiots." Tatawa tawang komento ng katabi ko, habang tinitignan sila Grey at Dylan na nagsisipaan ng pang upo nila. Mukhang nagkakasisihan na hahahahahah.
Yan kasi.
//

Komento sa Aklat (69)

  • avatar
    Cayraaaa

    Highly recommended! Love the story!

    10/04/2022

      0
  • avatar
    OberaHanz Khien

    wow so good

    30/04/2025

      0
  • avatar
    Rodel Balbalosa

    sow good the love maybe love it

    15/03/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata