logo text

Seven: The Talisay tree

Abala si Zam sa pagguhit ng ilang bagong desenyo para sa kanyang trabaho nang dumating si Nanay Josie. May dala itong meryenda para sa kanya. Nasa lanai siya ngayon. Doon niya na piling magpalipas ng oras habang gumuguhit.
Kampante siya dahil alam niyang wala roon si Caleb. Umalis kasi ito papuntang bayan kasama ang kapatid niya. May importante raw pupuntahan. Inaya naman siya sumama ni Marco, ngunit tumanggi siya. Nagdahilan lamang siya sa kapatid na magpapahinga. Pero ang totoo ay iniiwasan niya ang kaibigan nito.
"Mag-meryenda ka muna, Zam," agaw pansin ni Nanay Josie sa dalaga.
Nag-angat ng paningin si Zam at nginitian ang matanda. "Salamat po Nanay Josie," aniya.
Nang mailapag na ni Nanay Josie ang dalang pagkain sa lamesa, lumapit pa ito nang kaunti sa tabi ni Zam at nakisinilip sa ginagawa ng dalaga.
"Aba'y ka galing mo naman pa lang gumuhit anak,"agad na komento nito ng makita iyon.
Ngumiti muli si Zam, saka inabot ang juice sa lamesa.
Saging na minatamis at orange juice ang ihinandang meryenda sa kanya ng matanda. Bigla naman nanubig ang kanyang bibig nang makita ang isa sa mga paborito niyang pagkain. Kaya naman agad rin nitong inabot ang bowl na may lamang minatamis.
"Akalain mo iyon. Kaya pala simula noong bata ka pa ay kay hilig-hilig mo nang magsusulat at magdrawing kung saan-saan," kwento ng matanda. "Aba't hindi ko na nga ata mabilang sa kamay kung ilang beses halos mapudpud ang mga kamay ko noon sa kaka-kuskus ng dingding at pader dito sa bahay mabura lang ang mga iyon noon," nakangiting kwento pa nito.
Bahagya siyang natawa ng marinig ang kwento na iyon ng matanda. Totoo naman kasi, madalas nga siyang sawayin at paulit-ulit na pinagsasabihan nito noon habang tudo kuskus sa mga ding-ding at pander ng bahay nila. Marami naman daw kasi siyang papel at coloring book, ngunit bakit pati sa mga ding-ding at pader ay nagsusulat siya. Mapapagalitan daw siya ng kanyang Daddy kapag nakita ang mga iyon. Si Daddy?
Hilaw na napangiti siyang muli. Naaalala niya, sinasadya niya talagang gawin iyon noon, para mapansin siya mismo ng kanyang Ama. Iniisip niya, sa ganoong paraan, siguradong haharapin siya nito at paggagalitan. Lalapitan siya nito at pag-aaksayahan ng oras. Ganoon siya ka disperadang bata noon. Hindi na bali ang mapagalitan, basta mapansin siya ng Ama.
Pero naiintindihan na niya ito ngayon. At tanggap na ang katotohan. Tanggap na niya ang lahat ng pangbabalewala nito sa kanya.
Tanggap,pero nasasaktan pa rin siya. Ang gulo, 'di ba? Tanggap pero nasasaktan. Well, siguro kasi talagang may kulang pa rin. Kulang na hanggang ngayon hindi pa rin napupunan sa kanya. Kulang na hindi niya mawari kung ano ba.
"Oh, bakit ang lungkot mo?" untag ni Nanay Josie sa dalaga nang mapansin na nakatulala na ito at malamlam ang mga mata. "Pangit ba lasa?" nag-aalalang tanong nito.
Agad naman nagbalik sa kasalukuyan si Zam. "No! I mean, hindi po. Masarap po." nagpapanic na sagot niya. Sabay sandok ng minatamis at isinubo. Paborito niya iyon, so, paanong hindi niya magugustohan ang pagkain na iyon. Sadyang lumalim lang ang pag-iisip niya kanina kung kaya't hindi niya napansin na nakatulala na pala siya.
"Akala ko pa naman ay hindi na masarap. Pinapakaba mo naman ako anak." birong saad pa nito.
"No worries Nanay Josie. I know you, and I'm sure na kapag ikaw ang nagluto, siguradong masarap," aniya.
Walang halong bola iyon. Totoong masarap itong magluto. Tatagal ba naman ito doon sa paninilbihan kung hindi. Bukod do'n magaling din ito sa gawaing bahay at mag-alaga ng bata. Hindi niya sigurado kung gaano na ito katagal na naninilbihan sa mga Sanchez. Pero basta ang sigurado niya, simula nang magkaisip siya ay kasama na nila si Nanay Josie sa bahay. Kaya ito na rin siguro ang itinuturing na pangalawang ina ng kapatid niya since, malayo at kasama niya ang mommy nila ni Marco sa Australia.
Nang matapos kumain. Tumayo siya at naglakad papunta sa kanilang teresa. Agad na sumalubong sa kanya sariwang hangin na nagmumula sa kakahuyan deretso sa kanilang teresa. Kita niya ang pagsayaw ng mga sanga ng ilang puno ng balete at acacia dahil sa hangin.
Napa pikit si Zam ng mga mata at dinama ang hanging lumalamyos sa buong katawan niya. Kung may magandang katangian man ang probinsiya para kay Zam, ay ito iyon. Ang sariwang hangin na kayang ipadama nito sa iyo. Walang halong pulosyon, kemikal o anumang hindi ka aya-ayang amoy katulad ng sa syudad. Tanging sariwang hangin ang madadama mo.
Pababa na ang araw, mayamaya lamang ay didilim na. Kaya unti-unti na ring nagkukulay orange ang kalangitan. Biglang may naalala ang dalaga kaya naiisipang lumabas. Pagkababa ay dumeretso muna siya sa kusina para mag paalam kay Nanay Josie na lalabas siya saglit.
Agad naman na umo-o ang matanda na kasalukuyang abala na sa kunsina para magluto nang hapunan.
Pagkalabas ay sa garahe naman siya dumeretso. Nakita niya doon ang tatlo pang sasakyan ng kapatid na nakagarahe. Ika-apat ang isang puting ELF van, na madalas gamitin ng kapatid niya sa farm. Pero hindi iyon ang hanap niya.
"Ang sabi ni Nanay Josie nasa kaliwang dulo ng garahe raw..." halos pabulong na saad nito na ang kausap ay ang sarili.
Hayun! She smiked. Sa wakas at nakita niya rin ang hinahanap. Masaya niya itong nilapitan at dahan-dahang kinuha sa pagkaksabit. Medyo mabigat iyon, pero kaya naman niya.
It's been eight years since she last ride her favorite bicycle. Maayos at malinis ito. Mukhang alaga iyon sa linis kahit wala namang gumagamit. She actually think kanina na baka kinakalawang na ito at hindi na magagamit sa tagal nang naka istambay. Pero hindi ganon, maayos ito at pwedeng-pwede pa rin masakyan.
Nang mailabas iyon sa garahe agad na sumakay si Zam, hindi na siya nag bihis kahit naka suot siya ng dress. Hindi naman siya masisilipan sa suot dahil may doble rin naman siyang color nude na cycling.
Binabay niya ang sementong kalsada mula sa bahay nila pa punta sakahan. Hanggang sa ilang minuto pa ay lumiko siya sa isang daanan sa ilalim ng kakahuyan. Ito ang pinaka pathway pa puntang sakahan mismo nila. Mga ilang metro lang ang layo mula sa kalsada. Naka bisikleta pa rin siyang bumaybay roon. Panaka-naka ang lupa o damo ang nadadaanan niya. Hanggang sa matanaw na niya ang isang puno ng talisay.
Para itong isang kambal na puno ng Talisay. Iisa lang kasi ang ugat nito. Pero mula sa ugat pataas, may kalahating dipa ang taas ay pasanga na ito. Mukhang na hati sa gitna, pero hindi. Dahil dalawang malaking sanga iyon na nakahugis letter V kung titingnan.
Tumigil siya sa harap nito at bumaba sa bisikleta. Pinagmasdan niya iyon. Mas malaki na ito ngayon at mayabo kumpara noon. Medyo mahangin pa rin, kaya dinig niya ang ingay na dulot ng mga sanga at dahon nito. Animo'y masaya siyang binabati nito. Dinig din niya ang ilang boses ng tao sa 'di kalayuan. Mga magsasaka siguro iyon na paahon na sa palayan mula sa maghapong trabaho.
Lumapit pa si Zam sa puno. Sa kaliwang bahagi na sanga nito ay napahawak siya. Hinanap ng mga mata at kamay niya ang gustong makita.
Nang makita ay parang may kirot na naman siyang naramdaman sa kanyang puso. Saka malungkot na pa ngiti. Pinasadlan ng mga daliri niya ang natitirang ukit na nakikita niya sa katawan ng puno. Para itong isang sugat na nagpeklat sa balat ng isang tao.
Hugis puso iyon. Pero hindi na makikitang puso dahil putol ito mula sa gitna pataas. Pero may mga bagong sangang tumubo roon. Nababasa pa niya ang nakaukit sa loob ng kurteng puso pero ang sa ibabang bahagi na lamang...
Caleb
Iyon na lang ang nakikita at nababasa niya.
Muling umihip ang hangin kasabay ng pagtingala at pag pikit niya. Pinipigilan niya kasing tumulo ng mga luha mula sa mata. Ngunit ilang segundo lang ay nakarinig siya ng mga yapak. Kasunod no'n ay amoy niya ang isang familiar na pabango ng isang lalaki.
Caleb? Anong ginagawa niya rito?
Tumikhim ito bago magsalita. "Hi, Zammy," agaw pansin nito sa kanya gamit ang pangalang noon ay kinakikiligan niya kapag naririnig.
"Anong ginagawa mo rito? And how do you know that I am here?" kaswal ang boses na tanong niya. Saka humarap sa binata. Na nasa dalawang dipa lang ata ang layo mula sa kanya.
Napakamot ito ng kilay nang sumagot. "Uhm...nakita kasi kita sakay ng bike na yan," Sabay turo sa bike na naka park sa di kaluyaan sa kanila. "Nang dumating kami a while ago. Kaya sinundan kita. Padilim na rin kasi, baka kung mapa—"
"I'm old enough to take care of myself. Besides hindi rin ako magtatagal, alam ko rin naman ang daan pauwi. So yeah, you don't have to."
Sinadya niyang barahin ang pagsasalita nito at sagutin ng pasalungat. Naiirita na siya. Siya na nga itong iwas nang iwas pero bakit parang sinasadya nito na lagi silang nagkikita. Oo nga't, they lived in the same house, but manhid ba ito para hindi mahalatang ayaw niyang nagkakasalubong sila o nagkakalapit?
"I'm sorry, hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin." Caleb said. Naglakad ito papalapit sa kanya saka inabot ang kaliwa niyang kamay at iginaya. "Halika na, umuwi na tayo,"
Agad na binawi ni Zam ang kamay sa binata at lumayo rito. She didn't like the effect of his touch. Tila kuryente kasi iyon at nilulukob ang kanyang pagkatao.
"Pwede ba?" She hissed. "Marunong akong umuwi mag-isa." Okay, nagulat at kinabahan kasi siya kaya medyo napalakas ang boses niya at ganoon ang naging reaksiyon.
Pero mukhang wala lang iyon sa binata. Dahil napangiti pa ito sa kanya.
"Hey, did I defect fear here?" nanunuksong tanong nito. "You know what, hindi ako naniniwalang wala ka nang nararamdaman sa akin."
"Hindi ka rin mayabang, e 'no?" aniya. Pero tinawanan lamang siya muli nito. "For Pete's sake! I was young, then, ikaw na rin ang nagsabi n'on remember?" Naniningkit ang mga mata niya sa sobrang inis.
Ano ba ang akala ng mokong na 'to? Na siya pa rin ang dating Zam na patay na patay rito?
Hindi na nga ba?
"I know and that was the big—"
"Look, I already forgotten about that. Matagal nang nangyari iyon, there is no use para pag-usapan at balikan pa," mahinang sabi niya.
Nakatingin lang ito sa kanya. Na para bang iniintindi ang mga sinabi niya. Kita niya ang pagbagsak ng mga balikat nito kasabay ang pagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
"I missed the eighteen-year-old Zam. I missed my guardia civil." Iyon lamang at tumalikod na ito at naglakad papalayo roon.
Nahahapong napahawak si Zamantha sa kanyang dibdib. Ang lakas ng kabog niyon na animo'y nagtatakbo siya ng napakalayo.
Ano ba ang ibig palabasin ni Caleb? She signed, bago tila naglakbay ang kanyang isip sa nakaraan eight years ago...

Komento sa Aklat (72)

  • avatar
    Nyzejane

    bitin, walapang book 2

    31/01

      0
  • avatar
    John Carlo Rodrigo Gby

    Ganda ahh

    23/10

      0
  • avatar
    جامير فيلاسكو

    good story

    15/10/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata