Homepage/Why Do I Still Love You?/
Nineteen:
Abala muli si Nanay Josie sa kusina ng dumating doon si Caleb.
“Good Morning Nanay Josie," bati nito sa matanda.
“Magandang umaga rin sa iyo," sagot nito ng lingunin si Caleb. Saka nagtataka itong tumingin sa orasan. “Ang aga mo naman yata masyado magising ngayon, anak, aba'y mag-a-ala singko pa lang ng umaga, ah, na alimpungatan ka ba?" tanong nito.
Hindi man sadya ngunit mahinang natawa si Caleb ng marinig ang sinabi at tanong na iyon ni Nanay Josie sa kanya.
Sa isip-isip niya, mas tama yatang sabihin o itanong kung nakatulog na ba siya. Pero hindi niya iyon isinatinig. Sa halip ay nagdahilan na lamang siya sa matanda.
“Balak ko po sanang tumakbo ngayong umaga," sagot niya.
“Gano'n ba? Oh, sige maupo ka na lang muna diyan at ipagtitimpla kita ng kape. Magpainit ka muna ng tiyan bago tumakbo," suhestiyon naman nito sa binata. Habang nakasunod lamang siya ng tingin sa binata na abalang ibinabalik ang compress bag na hawak sa lalagyan nito.
“Okay lang po, Nay. Mamaya na lang po siguro." Anito ng humarap sa kanya.
Agad na pansin ni Josie ang maliit na sugat sa kaliwang labi ng Caleb. “Anong nangyari diyan—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang pumasok si Marco sa kusina.
“Morning Nanay Josie," bati nito. “aalis nga pala kami ng maaga ngayon, Nay. Ngayon araw ang dating ng kaibigan ni Zam, kaya susunduin namin siya sa airport," derederetsong saad nito.
“Oh, sige walang problema. Aayusin ko rin agad ang guestroom na tutuluyan niya mamaya."
“Puwede ba akong sumama?" Pagkakuwan na singit ni Caleb sa usapan.
Saglit na natigilan si Marco at tiningnan si Caleb. “Sure."
Samantalang si Nanay Josie namang naroon sa harap ng dalawang binata ay tila may napansing kakaiba sa dalawa.
“THERE SHE IS!" sambit ni Zam. Sabay na lumingon si Marco at Caleb sa gawi kung saan nakatingin ang dalaga.
Mula sa arriving area ay natanaw nila ang isang balingkinitan babae na may mahabang buhok. Palinga-linga pa itong naglalakad papalabas habang hila-hila ang maleta sa kaliwang kamay. Marahil ay hinahanap sila nito kung saan sila naka puwesto at nag-aantay.
Maya-maya pa ay nakita na rin sila nito, nakangiting kumaway kay Zam ang babae at mabilis na naglakad papalapit sa kinaroroonan nila.
“Ugh! Finally, you're here!" salubong na saad ni Zam sa matalik na kaibigan na si Maddy.
“Yeah, Finally! welcome to me!" Mapanuyang sagot naman nito. Nagtatawanan silang dalawa at niyakap ang isa't isa. “I missed you,”
“I missed you too."
Nang magkahiwalay ay agad na napansin ni Maddy ang dalawang matangkad at gwapong lalaki na nakatayo sa may likuran ni Zam.
Hindi pa man niya formal na nakikilala ang dalawa ay namumukhaan na niya ang mga ito. It was Caleb and Marco.
“Hi!" Masiglang bati niya sa dalawa.
Agad naman na alerto si Zam at ipinakilala sa kaibigan ang dalawang kasama niya.
“Oh, by the way, Maddy, this is Marco, my Brother," pagpapakilala ni Zam sa nakatatandang kapatid. “I know I often mention him to you, and you heard a lot of stories about him too, so yeah, I'm sure you already know him. Kahit na, ngayon pa lang kayo nagkakilala ng personal," mahabang saad ni Zam.
Kunot ang kilay na bumaling ng paningin si Marco sa kapatid nang marinig iyon. Ngunit agad din naman bumalik sa dalaga kaharap kalaunan, saka inilahad ang kanang kamay rito.
"H-Hi!" Matamis ang ngiting panimula nito. "Kakasabi lang ng magaling kong kapatid that, 'you heard a lot about me already. And I have no idea kung ano-ano man iyon. But, I hope that it's not that bad? So, yeah, I'm Marco,"
“Hey! I'm here and I heard that?!” Biglang sabad ni Zam sa kapatid. Kasabay ng mahinang paghampas sa braso nito.
“Yeah, I know. Sinisigurado ko lang na hindi pa sira reputasyon ko kaibigan mo,” sagot muli ni Marco.
“Akala mo sa'kin sinungaling?!” reklamo pa muli ni Zam sa nakatatandang kapatid.
“Whatever,Brat!”
Nakangiti namang inabot ni Maddy ang kamay ni Marco.
"Hi again. Nice meeting you." Aniya ng maabot ang kamay ng binata.
Pasimple naman iyong pinisil ni Marco habang nakangiti pa ring hawak ang kaliwang kamay ng dalaga. Sa isip-isip ni Marco, tila kay sarap niyon hawakan kung kaya’t hindi niya iyon agad mabitawan.
Makalipas ang ilang segundo. Narinig nilang tumikhim si Caleb mula sa likuran.
Agad na napunta kay Caleb ang atensyon nilang tatlo. Nag-aalangan na ipinakilala ni Zam ang binata sa kaibigan.
"Ahm. . . And this is Caleb. My brother's best friend," halos pa putol-putol na sabi niya. "Caleb, si Maddy kaibigan ko,"
Nakasunod lamang ng tingin si Zam sa kaibigan ng bigla itong lumapit at abutin mismo ang kamay ni Caleb para makipag-kamay.
"Hi! Caleb, I'm Madeline Yusing. God, finally at nakilala na rin kita," Masiglang saad nito nang makamayan ang binata. "Grabe! Ilang taon din akong nag-adjust sa utak ko kung anong itsura mo sa personal," tila nagrereklamo pang komento nito. "Kahit ano kasing imagine ko noon, eh, hindi ko pa rin talaga ma-figure out sa utak ko kung ano ang itsura ng isang demonyong gwapo, tapos gago raw at hayo—"
"Madeline!" Malakas na tawag ni Zam sa pangalan ng kaibigan dahilan para bahagyang magulat ito at matigil sa pagsasalita.
Hindi tuloy malaman ng dalaga kung anong gagawin dahil sa hiya. Malinaw mismo sa pandinig niya ang mga nasabi ng kaibigan. Kung kaya't nasisiguro niyang dinig na dinig din iyon ni Caleb.
"What?!" nagtatakang tanong nito. "What's wrong with you? " anito habang nakahawak pa sa dibdib. "God! You startled me,"
Agad naman siyang pinandilatan ng mata ni Zam na magkatinginan sila. Saka lang niya na realized ang mga pinagsasabi.
"Oh! Ahm… I’m sorry, Caleb," hinging paumanhin nito. "ahm. . .kalimutan mo na ang mga nasabi ko. Masyado lang akong na overwhelmed. By the way, nice meeting you too," sagot ni Maddy.
Nahihiyang tumingin si Zam kay Caleb. Inaasahan niyang masama ang mukha nito at galit dahil sa mga narinig. Ngunit kasalungat niyon ang nakita niya sa binata.
Maganda ang pagkakangiti nito na tila aliw na aliw pa habang kausap si Maddy.
"May nakakatawa ba doon?" Kunot ang noo na bulong niya.
Hindi naiwasang matawa ni Marco dahil sa mga narinig. “Nice, Brat!” Ani pa nito saka umakbay sa kapatid. “Kunwari na lang wala akong narinig,” bulong pa nito sa kan'ya.
“W-What?!” kapagkuwan na sabi niya.
“Wala, let's go guys! Mag early dinner na lang muna tayo bago dumeretso sa byahe,” suhestiyon ni Marco sa kanila.
“Yay! Gusto ko ‘yan!” pagsang-ayon naman agad ni Maddy. “Tara na! Excited ma akong matikman ang mga delicacies niyo rito!” masigla pang dagdag sabi nito habang nauna ng maglakad kasabay si Marco.
“Sure! Ano ang gusto mong unahin?!” Tanong ni Marco. Saka inabot ang maleta ng dalaga. “Give me that, ako na ang magdadala,”
“Thanks.” Pasalamat niya ng maiabot iyon. “Ikaw, what can you offer first?”
Napasunod na lamang ng tingin si Zam sa dalawa ng mauna na itong malakad sa kanila. Nauna na sa paglalakad na akala mo’y walang ibang kasama.
Tumikhim si Caleb. “So, dito na lang tayo?” anito. Saka niya lang napansin na nasa tabi niya rin pala si Caleb.
Agad niyang inirapan ang at umaktong walang narinig para itago ang pagkabigla at kabang nararamdaman niya ngayon. Walang kung ano-anong tinalikuran niya ito at sinundan sina Marco.
“Hey! Zammy!” tawag pa ulit ni Caleb sa dalaga ng habulin ito. Ngunit bigla itong humarap sa kanya kung saan muntikan na silang magkabanggaang dalawa.
“Can you please stop calling me that!” sikmat nito sa kanya.
“Huh, why?”
“Because I don't like it!” anito saka siya muling tinalikuran at naglakad.
Ngunit maagap niyang nahawakan ang kanang kamay nito para pigilan. “Iniiwasan mo ba ako?"
“Ano ba!" She snap. “Kailangan ko pa ba talagang sagutin 'yan?!"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (72)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
bitin, walapang book 2
31/01
0Ganda ahh
23/10/2025
0good story
15/10/2025
0Tingnan Lahat