Sixteen:

Zam is having a hard time focusing on what she was doing in front of her laptop. Hindi niya maiwang sulyapan si Caleb nang paulit-ulit.
Mukhang totoo nga na marunong talaga ang binata sa kusina. Malaya at mabilis kasi itong kumikilos doon ngayon. Hindi tuloy niya maiwasan ang mapangiti habang pa simple niya rin itong sinisilip.
Geez! Even if he's holding a pancake tuner and a frying pan, he still looks great.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ay may nag-lapag ng tray sa harap niya.
"Breakfast ready for my Zammy." sabi nito.
Nag-angat ng paningin si Zam. Sumalubong sa kanya ang mga mata ni Caleb na nakatingin din pala sa kanya.
Muli siyang kinabahan at tila natataranta pa. Kakaiba talaga ang impact ng mga tingin nito sa kanya. Hindi niya matagalan. Samantalang noon ay kayang-kaya naman niyang makipag titigan dito. Pero bakit hindi na niya magawa ngayon?
Nakagat ni Zam ang pang ibabang labi. Ginawa niya iyon para pakalmahin kahit papaano ang sarili. Ngunit dumako naman doon ang paningin ng binata.
"Stop biting your lip, Zammy. I might suddenly kiss you now and forgot that we’re in the kitchen,"
"Huh?" Hindi niya na maintindihan ang sinabi nito.
"Go on. Eat," malumanay na udyok ni Caleb. Parang may lambing sa boses nito.
Muli siyang nagbaba ng tingin sa pagkaing nakahain sa harap niya.
Wow! Iyon ang unang sinabi niya sa isip nang makita ang pagkaing nakahain sa harap niya. She was expecting a common breakfast food. Like, fried hot dogs, bacon and eggs with fried rice etc. But to her surprised. Caleb, prepared something more than that.
"Philly Cheesesteak omelet ba 'to?" tanong niya.
"Ahm... Yeah, something like that,"
She frowned. "Bakit parang hindi ka sigurado?"
"Sigurado na ako dati pa." anito
"Huh?"
Napakamot na lamang ng ulo si Caleb. "Sabi ko, kumain ka na. Nabibingi ka na ata sa gutom."
"Hindi ako bingi," sagot pa ng dalaga bago tuluyang umpisahang kumain.
Mariin lamang pinagmamasdan ni Caleb ang dalaga. Inaantay kung ano ang magiging reaksyon nito sa pagkaing niluto niya. Hindi naman siya nabigo, dahil mayamaya lang ay tumatango-tango at masayang nag-angat ng paningin kanya.
"Wow! Masarap, ah." masayang sambit ni Zam at saka sumubo muli nang halos magkakasunod. "Hindi ako chef or even a cook. But, I can tell that this is good. Hindi siya nalalayo sa lasa ng Philly cheesesteak omelet na nakakain ko sa mga restaurants." komento ng dalaga.
"Thanks. I'll take that as a compliment," aniya. Saka inabot ang gilid ng labi nito para tanggalin ang kaunting melted cheese na dumikit doon.
Huli na ng mapagtanto ni Caleb na mali at awkward sa kanilang dalawa ang naging kilos niya. Nakita niya kasing parang napaigtad pa ang dalaga nang dumampi ang kanyang hinlalaki sa gilid nang mga labi nito.
Tumikhim siya. "I'm sorry." hinging paumanhin niya. "May kaunting cheese kasi kanina."
"A-ahm...okay," nauutal na sagot ni Zam. Tapos agad na inabot ang tissue sa gilid para punasan ang mga labi niya. Saka, ipinagpatuloy muli ang pagkain. "Ikaw, kumain ka, kumain ka hindi ka ba nagugutom?"
Nakatitig pa rin si Caleb sa dalaga. Kahit hindi naman siya nito matapunan ng paningin. Pansin niya ang pagkailang nito. Dahil kahit nagsasalita at inaya pa siya nitong kumain ay nakadungo lamang ito at patuloy na kumakain.
"I think, I'm good. Just watching you eat makes my stomach full," sagot ng binata. Natigilan muli ang dalaga pero hindi naman sumagot pa. "So, you're a swimwear fashion designer, am I right?" tanong niya. Trying to open a conversation with her. Para mawala ang awkwardness na nararamdaman nila sa isa't isa.
Pero bukod doon, interesado talaga siya sa mga bagay na may kinalaman sa dalaga. Gusto niyang malaman kung ano ang mga nangyayari sa buhay nito sa nakalipas na walong taon. May mga na balitaan naman siya. Ngunit hindi rin naman gaano karami iyon, dahil lahat ng iyon ay base lang din sa kwento ng nakatatandang kapatid nitong si Marco.
"Yeah. Mag-aapat na taon na rin akong designer sa isang company band," kaswal na sagot nito.
"Pero bakit swimwear? I'm sorry, I mean, bakit hindi iyong mga casual na damit? Dress, gowns, ganon. Iyon kasi ang alam ko na kadalasan na gusto ng mga babae hindi ba?"
Matapos ni Caleb maisatinig ang tanong na iyon ay saka lamang nag-angat nang paningin sa kanya ang dalaga.
Sandaling natigilan si Zam habang deretso na tumingin sa mga mata ng binata. Ilang sandali pa ay nakita naman niya sa mga mata nito ang pagka interesante sa bagay na nabanggit. Na hindi ito basta lang nagtanong para lamang may pag-usapan pampalipas oras.
Sa pagkakaalam niya ay bihira sa mga lalaki ang nagpapakita ng interest sa mga bagay na katulad ng uri ng trabaho niya. Some of them found it boring and useless to talk about.
"Why are you interested to know?"
Nagkibit balikat ang binata. "Hindi naman siguro masama mag-tanong. Besides, I'm really curious about you. I mean about, what happened to you sa nakalipas na walong taon. Hindi naging maganda ang huling pag-uusap natin noon. Tapos nagulat nalang ako isang umaga nalaman ko kay Marco na umalis ka na. Even your brother didn't know that you already left. Umalis ka ng walang paalam," May himig ng panghihinayang na sabi nito.
Muling pumasok sa isipan ni Zam ang mga pangyayari noon. Lalo na ang malinaw na imahe ng pakikipaghalikan ni Caleb kay Yssa noon sa ilog. Natigilan siya saglit at nakaramdam ng kirot sa dibdib. It's been years. Pero bakit ganun pa rin kasakit na parang kahapon lang nangyari? Matagal na niyang ibanaon sa limot ang lahat ng iyon. Kaya dapat hindi na siya nakakaramdam ng kahit na ano para doon. This is not good.
Tumikhim siya at dahan-dahang binitawan ang kubyertos na hawak. "I think, there's no used. I mean, matagal na 'yon, parte na ng nakaraan at dapat nating kalimutan." Iyon lamang at madali niyang inabot ang laptop at cellphone sa lamesa. Muli siyang nag-angat ng paningin at kinatitigan ng diretso sa mata ang binata. "Maraming salamat sa breakfast. I really appreciate the effort pero busog na ako at hindi ko na' yan mauubos." Matapos sabihin iyon ay tuluyan na siyang tumalikod at umakyat. Iniwan ang binata sa kusina na parang saglit na natulala.
Natigilan at parang nataranta naman si Caleb sa naging sagot at kilos ng dalaga.
Ang bilis ng mga nangyari. Parang kani-kanina lang magka-usap sila tapos ngayon wala na ito sa harap niya.
"Did I said something?" Mahina niyang tanong sa sarili habang nakasunod na lamang ng tingin sa likod ng dalaga na papaakyat na ngayon sa taas. Ni hindi nga niya nakuhang tawagin o pigilan pa itong muli dahil ulti mo siya ay naguguluhan. Hindi maipaliwanag kung ano ang nangyari.
Pero isa ang napansin at sigurado siya. May lungkot at sakit sa mga mata ni Zam ng tingnan siya nito ng diretso sa mga mata kanina.

Komento sa Aklat (72)

  • avatar
    Nyzejane

    bitin, walapang book 2

    31/01

      0
  • avatar
    John Carlo Rodrigo Gby

    Ganda ahh

    23/10

      0
  • avatar
    جامير فيلاسكو

    good story

    15/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata