Fifteen: Hungry

Maaga pa lamang ay gising na si Caleb. Binalak niya sana lumabas ngayong umaga upang makapag ehersisyo sa labas. Pero maaga pa lang ay masama na ang panahon. Madilim ang kalangitan at may kalakasan din ang buhos ng ulan.
Kaya naman sa lanai na lamang niya naisipang mag-stretching at nagsagawa ng ilang indoor exercises katulad nang sit-ups and push-ups.
Makalipas ang halos isang oras ay pawis na pawis na siya. Saka lamang niya naalalang hindi siya nakapag dala ng towel. That's why, he decided to take off his white shirt at iyon na lamang ang ipinamunas sa kanyang pawis. Maliligo na rin naman siya matapos magpahinga saglit.
Nakaramdam siya ng uhaw dahil sa pagod. Kaya mula sa lanai ay bumaba siya para kumuha ng tubig na maiinom sa kusina. He didn't mind walking in to the house shirtless. Maaga pa naman. Nakasisiguro siya na tulog pa si Zam at maaga namang umalis si Marco.
Nang makarating sa kusina ay na abutan niya ang matandang kasambahay sa counter table. Tila abala ito roon habang may hawak na ballpen at papel.
"Good morning, Nanay Josie," bati ni Caleb sa matanda.
"Oh, gising ka na pala. Teka, at paghahanda kita ng almusal," sabi nito.
"No, it's okay nanay Josie. Mamaya na lang po. Aantayin ko na lang sila Marco. Hindi pa rin naman, ho ako nagugutom," sagot niya.
"Ay! Hindi ata makakauwi si Marco para sa almusal dahil maagang umalis kanina. May kakausapin daw siyang bagong supplier," ani ng matanda.
"Ganun po ba?"
"Oo. At saka kung hihintayin mo naman si Zam, eh, baka abutin ka ng tanghalian." saad pa nito. "Aalis din pala ako ngayon para mamalengke at mag-grocery. Baka sakaling magising ang aking magandang dilag at hanapin ako. Paki sabi lamang na umalis ako, ha?"
"No worries Nanay Josie. Ako na po ang bahala. Baka po kailangan niyo ng driver papuntang bayan, I can drive you, ho?" pag-pipresinta niya. Wala naman siya gagawin ngayong umaga kaya naisipan niyang mag presinta para makatulong kahit sana papaano.
"Okay lang, Huwag ka ng mag-abala pa na andiyan naman si Lando. Siya ang makakasama ko ngayon," anito.
Tango na lamang ang kanyang naisagot rito. Kumilos naman na agad ang matanda para maka-alis. Ngunit bago pa man ito tuluyang lumabas ng kusina ay napahinto pa ito at muling nagsalita.
"Nga pala, Caleb..."
"Po?"
"Magdamit ka anak, baka magka eskandalo tayo dine," nakangising saad nito. Saka tuluyan ng umalis.
Natawa na lamang si Caleb sa biro ng matanda sa kanya.
He looked at the food that was already served on the table.He wasn't really hungry yet so he decided to just cover it up again.
Ngunit bigla na siyang nakaisip ng isang ideya. Lumapit si Caleb telepono at may tinawagan. Makalipas ang ilang minuto ay tumango-tangu na ito.
"Sige Manong, mag-aantay na lang po ako dito, bye." aniya.
He smiled wickedly. Mayamaya pa ay dumating na ang taong tinawagan niya. Hindi rin naman nagtagal at umalis din agad.
Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi ni Caleb nang umalis si Manong Guard.
I'm sorry Zam, but I desperately need to tame you.
Matapos ayusin ang mga gamit sa kusina ay umakyat na siya. He took his time to take a bath bago pa magising ang dalaga. Kailangan ay nandoon siya kapag magising ito, at para magawa ang pinaplano niyang pagpapansin dito.
Nang makapasok ang binata sa silid na inuukopa ay siya namang paglabas ni Zamantha sa kanyang kwarto.
Quarter to seven pa lamang ay gising na siya. Inaasahan niya kasing ngayon umaga ang dating ng matalik na kaibigan sa farm, si Maddy. Pero dahil daw sa sama ng panahon dulot ng isang low pressure sa Visayas ay na cancel ang lahat nang domestic flights pa Mindanao. Bukas pa raw uli ng umaga ang re-schedule nito.
Dahan-dahan siyang naglalakad pababa habang nasa kaliwang tenga ang kanyang cellphone at hawak naman ng dalawang kamay niya ang laptop.
"Hay, naku Zamantha. Kung hindi lang talaga kita kaibigan hindi ako magpapahirap ng ganito," saad ni Maddy na nasa kabilang linya ngayon kausap ni Zam.
"I'm really sorry, Mad. Hayaan mo, ako na bahala sa flights natin pabalik," ani ni Zam.
Tumawa ito. "I'm just kidding tho, alam ko naman kung bakit mo ko pinapunta at saka ikaw pa ba? Eh, malakas ka sa akin. Anyways.. Sa inaanak mo ka na lang bumawi," sabi nito na ang tinutukoy ay ang apat na taong gulang na anak nito.
She admire her best friend so much for being a single parent. Nakita niya ang pagsisikap nito sa trabaho at pag-aalaga sa anak. Wala siyang masyadong alam pa tungkol sa ama ng bata, pero masasabi niyang gwapo o may itsura ang ama nito base na rin sa features ng mukha ng inaanak niya.
Parang may kamukha nga ito, eh. Pero hindi niya lang maalala kung sino.
"Yeah, sure. Let's go on a vacation with Kaden when we get back."
"Ohh my, I'm sure Kaden will be so happy to hear that. Alam mo naman 'yun na I-spoiled sa iyo."
Siya naman ang natawa sa ngayon. That was true tho, she loves spoiling kids. Specially Kaden. Oh' she really loved that kid.
"Oh, sige na. Call you later I still have something to do. Nag-email si Boss, and I'm starving," paalam niya sa kaibigan.
"Sige, bye."
"Bye."
Matapos ang pag-uusap nila ng kaibigan ay siya namang pasok niya sa kusina. Inilapag niya muna ang laptop at cellphone sa ibabaw nang counter bar at nagpatuloy sa dining table.
"Nanay Josie, Ate Tina?" tawag niya sa mga kasambahay. Pero walang sumagot.
She called them again. But still, wala pa ring sumasagot sa kanya. Lumabas siya ng kusina at nagpunta sa sala. Baka kasi abala ang mga ito sa paglilinis. She called Nanay Josie's name again, but no one answered.
"Nasaan na mga tao dito?" nagtatakang sabi niya. Bumalik siya ng kusina. Nagugutom na siya, gusto na sana niyang magpahanda ng almusal kay Nanay Josie kaya hinahanap niya ito.
The dining table is empty, kaya wala siyang makakain. And that's odd. Maagang nagigising ang matanda lagi para ipagluto ng almusal si Marco dahil lagi itong maaga kung umaalis papuntang farm.
Lumapit siya refrigerator para tingnan ang laman noon. She was expecting tupperwares of foods na iinitin na lang sana. But there's nothing. Fruits, yogurts, vegetables and frozen meats lamang ang nakita niya roon.
Gosh! I'm so hungry.
Inabot na lamang niya ang fresh milk at isang yugurt sa shelves. Iyon na lang siguro muna ang kakainin niya.
"Oh, shit!" na sambit ni Zamantha matapos maisira muli ang refrigerator. Muntik pa nga niyang mabitawan ang hawak-hawak na freshmilk ng biglang bumungad sa harapan niya si Caleb.
"I think this is not the right time for those dirty words. I mean, hindi sa ganitong scenario," nakangiting saad ni Caleb.
"Huh?" maang niyang sagot.
"Ang sabi ko, ang ganda mo...bingi nga lang,"
There! Dang! She caught off guard, for what Caleb said. Naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi niya at bumilis rin ang pag-pintig ng puso niya.
Shocks! I'm having a hyperventilating na ata. Agad na naglakad si Zam pa punta sa counter table to hide her face emotions. Ayaw niyang makita ng binata ang naging reaksyon niya sa simpleng sinabi nito.
"Pinagsasabi mo?" madiing saad niya. Nilampasan niya ang binata na pagkakatayo lamang sa gilid ng dining table.
Hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang amoy ng fresh shower gel na ginamit nito. He's wearing a plain light blue V-neck shirt and Khaki shorts. Fresh from batya ang mukong.
Bigla tuloy siya nahiya sa sarili niya. Shocks! bakit ba hindi man lang muna siya naligo bago bumaba? May ibang tao nga pala dito, at wala siya sa bahay nila sa Australia. Naka pantulog pa siya, at wala man lang suot na bra! Dang!
Agad na dinampot ni Zam ang laptop at cellphone na nasa table. Pero, nahihirapan ata siya dahil may yogurt at fresh milk din siyang hawak. Ano ba 'yan!
"Where are you going?" dinig niyang tanong ni Caleb.
Nagpalinga-linga pa siya para tingnan kung siya ba ang tinatanong nito. Wala siyang ibang nakitang tao roon bukod sa kanang dalawa, so she's it means siya ang kausap.
"Excused me? Bakit mo naman tinatanong, at saka pakialam mo naman kung saan ako pupunta?" sakristong sagot niya.
"Shouldn't you have breakfast first before going up? It's almost eight o'clock in the morning," anito.
Oo nga pala. Ngayon na lang ulit naalala ang gutom. Iyon naman dapat talaga ang gagawin niya kaya siya bumaba. Ang kaso, wala pang almusal na niluluto si Nanay Josie.
"I'm not yet hungry," she lied.
"Liar, I just saw you a while ago and it looks like you're looking for something to eat in the refrigerator," deretsahang sabi nito.
Tiningnan niya ito ng masama. Okay, nahuli na siya nito. "Mamaya na lang, antayin ko na lang si Nanay Josie na magising," ani ni Zam.
"Wala si Nanay Josie, maaga silang umalis kasama si Mang Lando, namalengke," sabi nito. "Sa lakas ng ulan sa labas baka matagalan pa 'yon bago makabalik," dagdag sabi pa nito.
"What?" bumaling ang tingin niya sa labas ng bintana. Malakas nga ang ulan.
Shocks! Kung matatagalan pa nga ang matanda ay baka manghina na siya sa gutom. Hindi pa naman siya marunong magluto. Oh, she's not that type of a woman. Mas gugustuhin pa niyang matulog ng gutom kaysa sa magluto. Bukod sa hindi siya marunong ay disgrasyahin din siya sa kusina.
Tiningnan niya muli si Caleb na nakatayo pa rin doon habang nakapamulsa. Hindi niya alam kung bakit kanina pa ito nakangiti. Samantalang wala namang nakakatawa.
"What do you want for breakfast?" tanong nito ng tumalikod at binuksan ang mga hanging cabinet at refrigerator doon. Animo'y may hinahanap.
"Nothing." sagot niya
"What?"
"The heck! Hindi ako marunong magluto!" medyo pasigaw na sabi niya.
Saglit na nagulat ang binata ngunit mayamaya pa ay tumawa ito.
"Wow! Tuwang-tuwa? Nang iinsulto ka ba?" inis na sabi niya.
Hindi ito sumagot. Patuloy pa rin tumatawa at umiling-iling pa.
Inilapag niya ang fresh milk at yogurt na kanina pa niya hawak at dinamput ang cellphone at laptop. Tatalikod na sana siya para iwan ito doon nang magsalita ito muli.
"Hey! hey! Wait up,"
Nilingon niya ito at tiningnan nang masama. "Ano na naman?!" aniya.
"I'm sorry, I didn't mean to laugh. You were so cute a while ago. And I can't help myself, natawa ako." paliwanag ni Caleb.
"Talaga lang, ah." inis pa ring sagot niya.
"Yeah, again, I'm sorry. Nagtatanong lang naman ako kung anong gusto mong kainin almusal. Hindi ko sinabing magluluto ka,"
Oo nga naman, bakit ba siya nag-panic agad.
"Anyways, again, what do you want for breakfast? Ako na magluluto para sayo," tanong nito muli sa kanya.
"You know how to cook?" taas kilay na tanong niya.
"U-huh,"
"Ikaw."
"I'm sorry?" naguguluhang sabi nito.
"Sabi ko ikaw, ikaw na bahala. Kahit ano basta siguraduhin mo lang makakain 'yan ng tao, ah."
"Oh, O-Okay. Mali pala pagkaka-dinig ko," anitong napakamot pa sa kaliwang kilay. Saka naglakad papalapit sa kanya.
Muli na namang nag-umpisa ang paghuhumintaryo ng kanyang dibdib dahil sa paglapit ng presensiya nito sa kanya.
"Huh?" si Zam naman ang naguluhan ngayon.
"Nothing. Sige na. Upo ka muna diyan. Saglit lang 'to," anitong iginaya pa siya sa pag-umupo sa high stool. At kinuha iyong fresh milk at yogurt na nasa ibabaw ng lamesa. "Ibabalik ko na lang ito doon. You have to eat a proper food," anitong sinundan na lamang niya ng tingin, nang tuluyan na itong tumalikod sa kanya at bumalik sa kusina.
Habang si Zam naman ay nakaupo lamang doon at naguguluhan pa rin.

Komento sa Aklat (72)

  • avatar
    Nyzejane

    bitin, walapang book 2

    31/01

      0
  • avatar
    John Carlo Rodrigo Gby

    Ganda ahh

    23/10/2025

      0
  • avatar
    جامير فيلاسكو

    good story

    15/10/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata