Homepage/The Mafia Lord Is Obsessed with the Famous Ballerina/
Chapter 18:
Hannah's POV:
Hindi ko namalayang nakatulog ako kaya dali-dali akong bumangon ang nagbihis dahil hindi ako nakapagpalit pagka-panik ko rito.
Tinignan ko ang orasan at 7pm na. Paniguradong nagluluto na si manang, sakto ring kumalam ang sikmura ko.
Pag-labas ko ng kwarto ay agad akong bumaba para pumunta sa kusina. Tama nga ang hula ko at nagluluto na si manang ng hapunan.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay amoy ko na agad ang paborito kong ulam.
"Mukhang mapaparami ang kain ko sa sinampalukan na niluluto mo, manang." Sabi ko at lumapit sa p'westo niya.
Natawa naman siya sa sinabi ko. Kumuha ako ng kutsara at tinikman ang sinampalukan. Pagtikim ko ay agad kumunot ang noo ko dahil walang lasa.
"Manang, bakit po walang lasa?" Tanong ko sa kan'ya.
Tumigil siya sa ginagawang pag-breading ng manok at nagtatakang tumingin sa akin.
"Jusmiyo kang bata ka! Wala pang pampaasim at pampalasa 'yan, bakit tinikman mo agad?" Natatawang tanong niya sa akin.
Napasimangot naman ako dahil doon. Akala ko luto na kaya tinikman ko, hindi pa pala! Gutom na ako!
"Gutom ka na ba? Sandali lang ipapahain ko na rin ang mga pagkain sa mesa at baka parating na rin sila." Sabi ni manang at pinahain sa ibang katulong ang mga pagkain at nagpatuloy ulit sa pagluluto.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya at napansin ko rin na marami siyang niluto gayong iilan lang naman kaming kakain.
"Manang, bakit ang dami po ng niluto niyo? Pupunta po ba dito sila Jessie?" Takang tanong ko.
"Nako! inaya ko nga kanina ang mga batang 'yun pero hindi raw sila pwede ngayon saka dinaan nila yung maleta mo. May bisita raw na pupunta ngayong gabi sabi ng daddy mo at kailangan daw naka-ayos ka." Sabi ni manang na lalong ipinagtaka.
"Sino raw po?" Tanong ko ulit.
"Walang sinabi, nak. Mamaya rin dadating ang bruhildang mag-ina kasama ang daddy mo." Sagot ni manang.
Napatango naman ako at agad na nagpaalam para makapag-ayos. They're back? Jusko! Bakit bumalik pa sila dito, sana nanatili na lang sila sa hacienda nila. Paniguradong plastikan malala na naman ang magaganap mamaya.
Pagka-panik ko ay pumunta ako ng banyo para maligo. Nagbabad muna ako sa bathtub na may sabon at ilang petals ng rosas. Nakagawian kong magbabad sa ganto ng ilang minuto dahil sobrang nakaka-relax.
Nang matapos ang ilang minuto kong pagbababad ay nagbanlaw na rin ako ng katawan saka hygiene routine ko.
Sinuot ko ang bathrobe at naglagay ng towel sa basang buhok ko. Lumabas na ako ng banyo at pumuntang closet.
Hindi ko alam ang susuotin dahil hindi ko rin alam kung sino yung mga bisita.
I wore my red fitted dress and has 2 inch slit in left side. Kumuha rin ako ng accessories when the necklace that someone gave me caught my attention. Kinuha ko ito at sinuot, tumingin ako sa salamin at bumagay siya sa suot ko.
Kinuha ko na rin ang hindi kataasan na heels. Susuotin ko na ito ng biglang may kumatok sa pinto.
Lumapit naman ako rito para buksan at makita kung sino ang kumakatok.
"Bakit po ate Lorie?" Tanong ko.
"Pinapatawag na po kayo ni Sir Adie." Sagot niya sa tanong ko.
Napatango naman ako sa sinagot niya. "Paki-sabi na bababa na rin po ako." Sabi ko sa kan'ya na ikinatango niya saka lumakad na pababa.
Ako naman ay sinuot na ang heels na kanina ko pa hawak. Pagka-suot ko ay tumingin muna ako sa salamin.
After the quick glance ay lumabas na rin ako ng aking kwarto.
Hindi pa man ako tuluyang nakakababa, rinig na rinig ko na ang tawa nung bruhildang mag-ina.
Napa-irap naman ako sa hangin dahil doon. Ano bang magagawa ko dito rin sila nakatira kaya kailangan ko pa rin sanayin ang sarili ko.
I shrugged my thoughts at tuluyan ng bumaba. Nakita ko pa si manang sa may sala at naglilinis.
"Manang, bakit hindi po kayo sumabay sa amin kumain?" Tanong ko sa kan'ya.
Tumingin naman siya sa gawi ko at napangiti.
"Napaka-gandang mo talagang bata ka." Sabi niya sakin at nakangiti pa rin.
"Si manang talaga, nambobola pa." Sabi ko at nag pout pa.
"Hindi ah. Sige na at pumunta ka na sa dining, nandoon na sila pati ang mga bisita." Sabi niya sa akin.
"Hindi po kayo sasabay kumain?" Tanong ko ulit.
Umiling naman ito. "Hindi na 'nak. Sabay sabay na kami nung ibang katulong mamaya. Oh siya! Pumunta kana roon at para mahanda na rin ang mga pagkain."
"Okay po. 'Wag po kayo masyadong magpaka-pagod. Una na po ako." Sabi ko sa kan'ya at naglakad na papuntang dining.
Pagpasok ko pa lang ay napukaw ko na ang atensyon nila. Lahat sila ay nakatingin sa akin maliban sa lalaking malapit sa harap ko.
"Good evening po." I formally said at them.
"Siya na ba ang unica ija mo, Adieon?" Tanong nung ginang na kasing eda-ran ni da.
"She's the one, Tracy." Sagot naman ni Dad.
"Napaka-gandang bata, magkamukhang magkamukha sila ni Ciena." Sabi naman nung lalaki.
"Kilala niyo po si mommy?" I asked. Pili lang kasi ang mga kaibigan ni mom na nakilala ko.
"Yes iha. Me and your mom are bestfriends." Sagot naman ni Miss Tracy.
"Why don't you seat anak? Para habang nakikipag-kwentuhan ay makakain na rin tayo." Sabi ni Dad sa akin.
Napa-pout naman ako sa sinabi niya at naupo sa bakante na kaharap nung lalaki kanina. Narinig ko pa ang mahinang tawanan nila.
Hindi pamilyar ang mukha nila sa akin at tinignan ko sila isa-isa. Nung matapat na ang tingin ko sa kaharap ko ay naka-yuko ito kaya hindi ko mapansin ang mukha niya.
"Dad who are they?" I asked.
"Oh.. I forgot to tell you, this is family Laurent are business partners and Tracy is your mom's bestfriend." Sagot niya sa akin na ikinatango ko.
"Magpapakilala na lang kami iha para hindi ka maguluhan. I'm Tracy Laurent, you can call me tita mas better if mom na lang rin." Sabi ni Tita Tracy na ikingiti ko.
Same vibes talaga sila ni mom. Parehas jolly at makulit. Hindi mapagkakailang mag bestfriend nga sila.
"I'm Davidson Laurent, Tracy's husband. You can also call me tito or dad." He said na ikinangiti ko lalo saka ito kinamayan.
"I'm Dianarra Xien Laurent-Silvestre. The first born, you can call me Ate and this is my husband." Pakilala nung isang babae na mukhang barbie sa sobrang ganda.
"I'm Leonardo Silvestre, Leo for short." Pakilala nung asawa ni Ate Dianarra at kinamayan ako.
Nang makapagpakilala sila ay napatingin ako sa lalaking kaharap ko ngayon. Naka-yuko pa rin siya kaya lahat kami ay nandito ang atensyon. Siniko naman siya ni Tita Tracy kaya napa-angat siya ng tingin na kinatayo ko.
"What the heck!" Bulaslas ko nung magtama ang tingin naming dalawa.
"Language, mi amor." He said na kinakunot ng noo nila daddy kasama rin ang family niya.
"Don't tell me...." Tumingin ako kay Dad na ngayon ay nakatingin sa akin. "Dad, is he the one that I'm gonna marry?!" Medyo frustrated na tanong ko.
The media said he has fiancé and why the heck he's going to marry me?
"Sit down, 'nak. We gonna discussed it later." Dad said kaya naman napaupo ulit ako sa upuan saka kinuha ang baso at nilagok ang laman nito.
Tinignan ko ulit siya na ngayon ay taimtim rin na nakatingin sa akin at bahagyang ngumisi.
"I know that you both knew each other but introduce yourselves properly." Singit ni dad.
Napa-irap naman ako nang wala sa oras.
Tumayo siya ay inilahad ang kamay sa akin. "Travis Xeon Laurent, if it's too long for you then just call me love instead." He said while smiling na siyang ikinasama ng mukha ko.
Kung makapagsalita siya ngayon, akala niya ba hindi ko nakalimutan yung nangyari kanina?! Kabitin ampota.
Sarkastiko naman akong napangiti at tinanggap ang kamay niya.
"Nah. I'm good at calling you asshole." I said at nag-smirk. Nawala naman ang kaninang matamis niyang ngiti.
Bigla akong napatingin sa family niya nung bigla silang tumawa.
"Wala ka palang palag kapatid ko." Sabi ni Ate Dianarra sa kan'ya na ikinatawa rin nung magulang nila, maging si Dad ay natawa rin.
"Oh shut up, Dianarra." He said at masamang tumingin sa kapatid.
"Hannah oh, inaaway ako." Parang batang sumbong sa akin.
Napatingin naman ako kay Travis na ngayon ay hindi alam kung anong reaksyon ang gagawin. Pati ako ay napatawa rin sa mukha niyang pinagsakluban nang langit at lupa.
Narinig ko—i mean namin ang tikhim ni Tita Stephanie na ikinatahimik namin.
Tsk! Kahit kailan talaga pabida, actually pwede na siya maging si Jollibee tutal masyado naman siyang bida-bida.
"I forgot, let me introduce my second wife." Dad said.
I chuckled a bit. Kawawa naman nakalimutan ipakilala.
"I'm Stephanie Natividad—Dela Vega and this is my one and only daughter, Beatriz Natividad—Dela Vega." Pakilala niya at sa anak niyang mukhang sasabak sa club dahil sa suot at make-up.
Nakita ko naman ang hindi peke ngunit sarkastikong ngiti ni Tita Tracy at Ate Dianarra. Si Tito David at Leo ay bahagyang ngumiti lang, samantalang ang nasa harap ko ay nasa akin lang ang tingin na animo'y walang taong nagpakilala.
Sinipa ko naman ang paa niya mula sa ilalim ng lamesa. Tinaasan ko siya ng kilay pero ang gago ay nginisian lang ako.
Habang nakipagkamayan ang mag-ina sa family ni Travis ay siya ang huling kakamayan ni Beatriz ngunit hindi niya ito pinagbigyang pansin at patuloy pa ring nakangiti sa akin, kaya naman tinapakan ko na ang paa niya.
Kita ko naman ang sakit na bumalandra sa mukha kaya nung tignan niya ako ay hindi ko inalintana ang masamang titig nito at inirapan lang siya.
Nakita ko naman na tumingin na siya sa kamay ni Beatriz na kanina pa nakalahad at animo'y estatwa na kanina pa nakalahad.
Narinig ko ang mahinang pag-tawa ni Ate Dianarra kaya sa kan'ya napunta ang atensyon naming lahat kaya siniko siya ng asawa niya upang tumigil.
Nang tumigil ito ay bumalik ang atensyon namin sa dalawa. Nakalahad pa rin ang kamay ni Beatriz.
"Sorry, but did you washed your hands? I'm a hygienic person so it's normal for me to asked that." Travis exclaimed na siyang ikinahagalpak ni Ate Dianarra ng tawa.
Pati ako ay mahinang natawa dahil doon sa sinabi ni Travis.
"Yes, ofcourse I always washed my hands." Confident na sabi nitong katabi ko.
Napatango naman si Travis at nagsalita. Ako naman ay uminom ng tubig dahil parang may bumabara sa lalamunan ko.
"Sorry again but I'm kinda lazy at shaking people's hand so you can put it down now." Sabi niya na ikinabuga ko ng tubig galing sa bibig ko.
And worst sa kan'ya ko pa nabuga habang nauubo-ubo pa.
Napapahiyang naibaba naman ni Beatriz ang kamay niya na kanina pa nakalahad.
Hindi nawala ang hagalpak ni Ate Dianarra pati ang asawa nito ay hindi na rin napigilan ang pag-tawa.
Ako naman ay natatawa-tawa pero nanaig pa rin ang hiya dahil sa kan'ya ko ito nabuga and it's exactly to his face.
"S-sorry ha.. ha.." Paghingi ko ng paumanhin habang pinipigilan ang tawa ko.
Dumilat siya at sinalubong ako ng masamang tingin na ikina-pout ko.
Na-guilty ako kaya naman kinuha ko ang malinis na panyo ko at pinunasan ang mukha niyang nabasa.
"Done." I said saka tinabi ang panyo ko. Buti na lang at wala pang pagkain sa mesa, kundi nakakahiya talagang sobra.
Nakatingin pa rin ito sa akin pero nawala na ang masamang tingin niya kanina.
"Bro, baka naman matunaw si Hannah n'yan." Natatawa-tawang sabi ni Ate Dianarra.
Napa-tsk na lang si Travis sa sinabi ng kapatid niya at patuloy pa rin ang tingin sa akin.
Sakto naman na dumating na ang mga pagkain. Inantay ko muna silang makakuha pero bago ko abutin ang isang putahe ay may naglagay ng mangkok na may lamang sinampalukan.
Tinignan ko naman ang naglagay nito at nakita ko siyang busy sa paglagay ng kanin sa plato ko.
Nung maramdaman niya ang prisensya ko ay tumingin siya sakin.
"What? It's your favorite, right?" He asked.
And how the heck he knows that this is my favorite dish?
Hindi ko na siya pinansin pa at kinain yung pagkain na inilagay niya.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nung biglang magsalita si Tita Tracy.
"Iha, is the marriage okay with you?" She asked.
Uminom muna ako ng tubig at nagpunas bago magsalita.
"It's fine po tita, as long as this asshole—i mean your son is fine with it too." I said.
"Ofcourse I'm fine with that and I'm also the one who initiate the marriage." Taas noong sabi nitong chonggo na nasa harap ko.
Napatango naman ako sa sinabi niya. He had the guts to initiate a marriage when in the first place he has fiancé?
"BABY HANNAH!!!" Sigaw nung kung sino mula sa sala.
Wait! What the hell is he doing here?
Hindi na ako nagulat pa ng pumasok ito at kasama ang kapatid niya. Sasalubungin niya sana ako ng yakap nung makita niyang may bisita sa hapagkainan.
"Oh sorry. Good evening, Tito Adie. Good evening din po sa inyo." Maxcielle said at yumuko pa.
"Huwag ka ngang humarang sa daan, Kuya Max!" Inis na sabi ni Kleon at tinulak ang kapatid sanhi ng pagkasubsob nito.
"Ilan nahuli mo? Hahaha." Tanong ko habang natatawa pang nakaturo sa kan'ya.
Inis naman siyang tumayo at inambahan ang kapatid ngunit napatigil din ito ng magsalita si dad.
"How have you been, Maxcielle? I didn't see you in a long time." Dad asked him.
"Fine tito. Kinda exhausted because of work." He answered.
"Hm.. Glad you both here, come and join us." Dad said again.
Agad naman nagunahan ang dalawa pero bago sila umupo at niyakap muna ako ni Kleon, si Maxcielle naman ay hinalikan ako sa noo.
Nang gawin niya 'yon ay narinig ko ay pagbagsak ng bagay. Tumingin ako sa unahan at nakita ko si Travis na nakayuko at pinulot ang kutsara na nahulog.
Ramdam ko rin ang bigat ng prisensya niya. Something is off about him. I can't know what it is but I can sense his presence.
Pagkapulot niya ng kutsara ay agad rin siyang tumayo na ikinakuha ng atensyon naming lahat.
"I'm sorry, but I need to go somewhere. Thank you for the dinner, Mr Dela Vega." Travis said at umalis.
Bago pa man siya makaalis ng dining ay sumulyap pa siya sa gawi ko at binigyan ako ng malamig na tingin.
What's wrong about him? Dinaig niya pa ako na babae sa pabago-bago ng mood.
Kahit nagtataka sila dad pati na rin ang parents ni Travis ay pinagpatuloy na lang nila ang pagkain habang nakwe-kwentuhan.
Minsan ay sumasabay rin ako sa usapan nila 'pag tinatanong ako.
Ang dalawang magkapatid naman ay kanina pa nagtatalo sa isang piraso ng manok na natira kaya naman para hindi na sila magtalo ay kinuha ko ito at kinain.
Nakita ko naman ang mata nilang nanlulumo habang nakatingin sa manok na kagat-kagat ko.
Pigil hininga ang pagkagat ko dahil kung hindi baka mabuga ko na naman habang natatawa-tawa.
Ilang minuto ng matapos ang pagkain at kwentuhan ay nagpasya ng umuwi sila Tita Tracy dahil gabi na rin masyado.
"Alis na kami, Adieon. Kita na lang bukas sa simabahan." Sabi ni Tito David at inakipag-fist bump pa kay daddy.
"I can't wait to see you wearing that gown, Iha. I know it's hard to accept this situation but understand it, okay? I'll see you tomorrow, Euria." Tita Tracy whispered to me at niyakap ako.
Hindi ko naman naiwasan at niyakap rin siya. I don't know but I felt mom's presence in her. She called me Euria too, I'm not emotional like this but a tear escaped from my eye.
Agaran ko naman itong pinunasan at pinutol ang yakapan namin. Ngumiti siya na sinuklian ko rin ng ngiti.
Hinatid namin sila sa labas ng gate at inantay na makaalis.
"Ingat po kayo!" I said habang kumakaway pa sa kanila.
Nang makaalis sila ay siyang pasok rin nung mag-ina. Naiwan kami nila dad, Maxcielle at Kleon dito sa labas.
"Come tomorrow at the church." Dad said to the two.
Kunot noo namang tumingin yung dalawa sa kan'ya.
"What do you mean, Tito Adie?/ Why?" Sabay nilang tanong.
Napabuntong-hininga muna si Dad bago magsalita.
"It's Hannah's wedding." Sagot naman ni Dad sa tanong nung dalawa.
"Ah wedding lang pala." Walang ganang sabi ni Maxcielle at akmang tatalikod nung ma-gets niya yung sinabi ni dad.
"WHAT?/ REALLY?"
_____________________
Chapter 18 done!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (34)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
hi I'm just saying that's your story very good and I'm support you
17/05/2022
0it's beautiful but need more updates
15/05/2025
0subrang ganda
05/12/2024
0Tingnan Lahat