Homepage/THS2: Secret Of Hearts/
Chapter 5
Tahimik ako habang nakaupo sa isang mono block dito sa labas ng boardinghouse at nag-iisip na naman tungkol du'n sa text message sa'kin.
Sa pagkakatanda ko, sila Stacey, Sue, Stella, Tito Stanley, Mama, Papa at 'yong mga kapatid ko lang ang nakakaalam ng phone number ko kaya sino naman itong text ng text sa'kin? Bakit gusto niya akong makita?
"So... Anong problema mo?"
Agad napatingin ako sa biglang nagsalita, si Stella lang pala, nakaupo siya sa sahig dito sa labas kung nasaan ako habang nakatingin sa may kalsada kung saan medyo marami ang mga tao.
"Kasi... Anu... Ahm..."
Dapat ko bang sabihin? O itatago ko na lang? Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko kaya lang baka mali lang ang kutob ko kaya dapat siguro—
"Anu?"
Huminga ako ng malalim bago tignan ang kalsada at sabihin sa kanya 'yong mga text na narerecieve ko sa cellphone ko.
"Kailan pa 'yan?"
"Simula nung kinausap n'yo si Tito Stanley tungkol sa magiging birthday party ni Stacey," seryosong sabi ko.
Ilang segundo pa ang lumipas at kinakain pa rin kami ng katahimikan, kaya 'di ko muling maiwasan na may maglaro sa aking isipan patungkol sa sitwasyon na ito.
"Ibigay mo 'yong number sa'kin," pangbabasag niya ng katahimikan sa pagitan namin.
Napakurap pa ako ng makailang ulit bago ko siya tignan, bakit ko naman ibibigay sa kanya 'yong number?
"Bakit?"
"Basta, ibigay mo na lang," bored na sabi niya.
Nagtatakha man ako ay ibinigay ko sa kaniya ang cellphone ko, inilabas niya rin ang phone niya at nagdudutdot, ilang sandali pa ay ibinalik niya ito sa'kin bago siya pumasok sa loob.
Ano kayang gagawin niya at kailangan pa kunin 'yong number? May pinaplano kaya siya ro'n? Ay ewan!
Simula nung kunin ni Stella ang numero nung nagtetext sa'kin ay wala na akong narereceive na kahit na anung text message.
"Suzy!"
Napatingin ako kay Sue nung tawagin niya ang ngalan ko, dala niya ang kahon na naglalaman ng mga ilaw na ilalagay sa rooftop at sa hagdan, sa itsura niya tila nahihirapan at mukhang mabigat 'yon.
"Gusto mo tulungan na kita r'yan?"
"H-Hindi na, keribells ko naman... Ito?"
"Sus! Ikaw bahala." Natatawang sambit niya bago ako iwan para tulungan ang iba.
Muli kong inabot 'yong bandang kisame para ilagay du'n ang decorate na ginupit namin ni Klein, halos lahat nandito maliban kayla Stacey at Fio, kung 'di ako nagkakamali sinamahan ni Fio si Stacey para ipamake-over.
Walangju! Hindi ko na maabot! Bakit ba kasi kinulang 'yong height ko? 'Yan tuloy nahihirapan akong abu—
Nahulog ako mula ro'n sa folding ladder, inantay ko na lang na lumagpak ako sa sahig, dahil sa takot ko ay napapikit na lang ako pero.
"Suzy! Ayos ka lang?"
"OMO! Suzy! Nabalian ka ba? Hala! Hinimatay ba siya?"
Bakit gano'n? Wala akong maramdaman na kahit na anung sakit sa katawan?
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang mukha ni... Klein? Siya ang sumalo sa'kin?
"S-Suzy, ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Dadalhin ka na ba namin sa ospital? Magsalita ka," sunod-sunod niyang tanong sa'kin at bakas na bakas sa mga mata niya't itsura ang matinding pag-aalala sa'kin.
Hindi ko mapigilan ang sarili na titigan siya at mapaisip.
B-Bakit ganito siya mag-alala sa'kin? B-Bakit niya ako sinalo sa pagkakahulog ko?
Bumalik lang ang diwa ko nung maramdaman na lumapat ang aking pang-upo sa upuan. Pinagkaguluhan nila ako pero nasa harapan ko ay si Klein, hinaplos ng dalawang kamay niya ang pisngi ko at tinignan ang bawat parte ng aking mukha.
*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*
"Siguradong ayos ka lang? Walang masakit sa'yo?" Tanong niya.
"O-Oo ayos lang ako,"
"Mag-iingat ka nga Suzy, pinag-alala mo kaming lahat!" Sabi ni Sue bago niya ako akapin.
Ilang sandali pa ay pinagpatuloy na namin ang pag-aayos pero sa kusina na ako tumutulong para ilagay mamaya 'yong in-order ni Jaxsen sa isang catering, akala n'yo kami nagluto? Well, nah, paniguradong kukulangin kami sa oras kaya nagcatering na lang.
"Suzy?"
"Ay kabayong bondat! Huwag mo nga akong gugulatin— i-ikaw pala Klein?"
Nakakahiya! Akala ko kung sino ang tumawag sa'kin! Na dinig ko ang mahina niyang pagtawa bago ako tignan at tulungan na dalhin sa itaas ang mga pagkain.
Nung maayos na ang lahat ay nasa iisang kuwarto lang kami, kung 'di ako nagkakamali ito ay opisina ni Yohann, oo, sa restaurant ni Yohann ang venue ng birthday party ni Stacey at siya ang nagprisinta na rito na lang ganapin. Yayamanin ang manliligaw ni Stella, iba rin.
Ilang sandali pa ay binigyan na kami ng senyales na r'yan na sila kaya lahat kami ay umakyat na, pinatay ang ilaw at inabangan ang celebrant.
"HAPPY BIRTHDAY STACEY!" Bati ng lahat nung buksan ang ilaw at syempre emosyonal na naman siya pero.
Okay na sana ang pagdiriwang kung 'di lang dahil kay Tita Casey, hindi ko naman siya sinisisi sa pagkasira ng party pero wrong timing lang talaga ang pagkakadating niya. Pinanuod lang namin sila hanggang sa 'di namin inaasahan ang biglang pagsampal ni Stacey kay Stella.
Lalapitan sana namin sila ng senyasan kami ni Stella na h'wag silang lalapitan, gaya kanina ay wala kaming na gawa kundi ang panoorin sila hanggang sa napagkasunduan namin na iwanan sila para magkausap bilang pamilya.
Ilang araw ang lumipas na hindi nagkikibuan ang dalawa at kami ni Sue ang nahihirapan sa kanila kaya gumawa kami ng paraan ni Sue para magkausap sila. Tutal linggo naman kaya gumala na rin kami pagtapos magsimba at nagtagumpay nga kami sa plano namin na pagbatiin sila.
"Ito ba ang dahilan kaya nag-aya kayo?" Tanong ni Tito Stanley.
"Yes Tito, oh 'di ba ang galing namin." Masiglang sabi ni Sue habang nakatanaw kami sa dalawa na nakayakap sa isat-isa.
"Naku! ang tatamis n'yong kaibigan," natatawang sambit ng ama ni Stacey.
"Tito... Mukha ba kaming candy kaya matamis kami?" Inosenteng tanong ni Sue at tila nag-iisip pa dahilan para matawa kami maliban kay Denn na kanina pa nakabusangot.
Nung tignan namin ang tinitignan ni Denn ay nagtakha kami at napapaisip din.
Bakit kaya sa tuwing kasama namin si Yohann lagi siyang nakabusangot at matatalim ang tingin niya? May na gawa bang masama si Yohann sa kaniya?
Habang naglalakad kami ay nagkukuwentuhan kami nang bigla akong makaramdam ng kakaiba sa paligid ko, hanggang sa makauwi kami ay 'yon ang nararamdaman ko.
Bakit tila may nakamasid sa'min mula sa malayo? O kung anu-anu na naman ba ang pumapasok sa isip ko?
"Ang tahimik mo naman ngayon?" Puna sa'kin ni Stacey.
Tinignan ko lang siya sandali bago ako mapatitig sa may bintana, may itim na sasakyan na naman sa kanto.
Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa sasakyan na 'yon, bakit pakiramdam ko kami ang sinusubay-bayan nu'n?
"Saan ka pupunta Esteng?"
Lahat kami ay napatingin sa kaniya, nakasuot siya ng itim na jacket, skinny jeans na black at rubber shoes na itim, tila may lakad ito.
"May dadaanan lang po ako Tito, uuwi rin po ako agad," seryosong sabi niya.
Akmang bubuksan niya ang pinto nung pigilan siya ni Tito Stanley at Denn, "Teka Esteng, anung oras na? Baka mapaano ka," sabi ni Tito.
"Oo nga at saka delikado masyado sa labas," seryosong saad ni Denn.
"Tito, uuwi rin po agad ako 'wag na po kayong mag-alala at saka takot lang nila sa'kin," tugon ni Stella na siyang ikinaseryoso rin nila Tito at Denn, maski kami.
Ano na naman ba ang trip niya?
"'Yan ka na naman! Nagyayabang ka!"
Na gulat kaming lahat dahil sa sinabi ni Denn, maski si Tito ay na gulat dahil sa pangbabara at sigaw niya kay Stella.
'Yong kaninang kalmadong itsura ni Stella ay naging seryoso bigla.
Okay? Naguguluhan na kami sa nangyayari.
"Hindi ako nagyayabang Bredinne Kurt, sinasabi ko lang na hindi n'yo kailangang mag-alala sa'kin dahil kaya ko naman ang sarili ko." Sabi niya bago siya tuluyang umalis.
Tahimik kaming lahat at tila nagpapakiramdaman kami.
Bakit ganoon na lang ba mag-alala si Denn kay Stella? Bakit gano'n niya kausapin si Stella ngayon?
Na basag lang ang katahimikan ng maglakad si Denn at kunin ang jacket niya.
Akmang lalabas siya nung pigilan siya ni Stacey at Tito Stanley, "Anak, h'wag munang sundan si Esteng,"
"Pero Papa—"
"Denn, kilala naman na'tin si Stella... Kapag sinabi niya ginagawa niya at saka hayaan na muna na'tin siya baka talaga importante ang pupuntahan niya," seryosong sabi ni Stacey.
Wala naman siyang na gawa kundi ang bumalik sa hinihigaan niya, hindi ko alam pero pakiramdam ko may kinalaman 'yon sa nararamdaman ko kanina pa.
****
Tahimik na naglalakad ako nung makita ko 'di kalayuan si Klein, lalapitan ko sana siya nung makita ko na may kausap siya.
Si principal? Bakit sila magkausap? Siguro may iniuutos lang?
Napahinto ako sa paglalakad nung mapatingin si Mr.Principal sa'kin at ngitian ako kaya nginitian ko rin siya, syempre principal 'yon baka kapag sinimangutan ko siya sabihin niya wala akong manners o attitude ako. Napatingin din sa'kin si Klein at kinawayan pa niya ako, tinignan niya muna si Mr.Principal panandalian bago siya maglakad palapit sa'kin.
*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*
I-Ito na naman ang paglakas ng kabog ng dibdib ko! A-Anu ba kasi ito? Bakit kapag nilalapitan niya ako ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko naman ito nararamdaman sa ibang lalake na lumalapit sa'kin, kahit sa isang ngiti o tingin lang ay walang kayang magpakabog nito kundi si.
"Klein," mahinang sambit ko sa ngalan niya.
"Hi Suzy!" Nakangiting bati niya sa'kin nung makalapit siya sa'kin.
"Maglulunch ka kasama 'yong mga kaibigan mo?" Tanong niya.
"O-Oo, sasabay ka ba?"
Nakangiting tumango siya kaya sabay na kaming nagpunta ro'n, nakakatuwa lang dahil may mga pares ang bawat isa, "Nandito pa ang isa pang love birds," pang-aasar ni Stella.
"Mukha ba kaming ibon?" Protesta ko agad sa sinabi niya.
Apaka ano talaga niya!
"Edi couple," sabi niya habang blangko ang mukha.
Hindi ko alam kung bakit biglang may tila kumikiliti sa t'yan ko nung sambitin niya ang mga katagang 'yon, ramdam ko rin na tila umakyat sa pisngi lahat ng dugo ko.
Inirapan ko na lang siya bago ako maupo, nanatili lang akong tahimik at ganoon din si Klein habang sila, 'yon napaka-ingay na pinangungunahan nila Stella at Yohann na nagbabangayan na naman. Kung dati si Sue ang kabangayan niya ngayon 'yong taong sinapak niya, hindi na ako magugulat kung isang araw sila na.
"Aminin n'yo nga sa'kin... Kayo na ba?" Kinikilig na tanong ni Sue kayla Yohann.
Na tahimik ang dalawa pero si Stella salubong na salubong ang kilay habang matalim ang tingin kay Sue, samantalang si Yohann naman tila nanaginip ng gising at ang lawak ng pagkakangiti tila 'yong ngiti niya ay na-abot na ang langit.
"Don't say bad words Sue Rose!"
"Hala? Bad words ba 'yon? E kung tutuusin good words 'yon," protesta ni Yohann.
Nakatikim tuloy siya ng isang malutong na batok mula kay Stella.
"Magsama kayo!" Iritableng sambit ni Stella.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangisi dahil sa reaksyon niya, parang pamilyar ang linyang 'yan sa'kin.
"Oi~ linyahan ng nagseselos~" pang-aasar ko dahilan para tignan ako ng matatalim na tingin ni Stella.
"Mukha ba akong nagseselos ha Suzy Raine!? At may dapat ba akong ikaselos?" Iritableng sambit niya.
"Bakit? Hindi ba baby Stella?" Nakangising sabi ni Yohann bago akbayan si Stella.
Na tawa kami nung biglang pingutin ni Stella 'yong tenga ni Yohann pero natigilan kami nung may kumalampag sa mesa, lahat kami ay napatingin sa boyfriend ni Sue nung tumayo ito at nagwalk-out.
"Hala? Anung nangyari roon?" Gulat na tanong ni Sue pero sinundan niya rin agad ang boyfriend daw niya.
Napatingin ako kay Klein nung madinig ko siyang tumawa ng mahina na medyo ipinagtakha ko pero 'di kalaunan ay napatawa rin ako ng mahina.
"May isa pang nagselos," pang-aasar ko.
Muli akong sinamaan ng tingin ni Stella at hindi lang 'yon, may pagbabanta na rin sa tingin niya kaya itinikom ko na ang bibig ko pero natatawa talaga ako sa tuwing naaalala ko 'yong selos scene rito sa cafeteria.
Ang hirap palang magpigil ng tawa.
"Ibang klase." Rinig kong sabi ni Jaxsen bago akbayan si Stacey na siyang gulat na gulat sa hokage moves ni Jaxsen sa kaniya.
Hanggang sa makauwi kami ay inaasar namin ni Stacey si Stella na irap lang ng irap sa'min pero mas na-agaw ng pansin namin si Sue na ang lungkot-lungkot ng itsura.
"May problema ba Sue?" Tanong ni Stacey bago tabihan sa sofa si Sue.
"Kasi... Si Kitouji e..." Seryosong sabi niya bago bumuntong hininga.
So ang pangalan pala ng boyfriend niya ay Kitouji, nakabingwit pala siya ng hapon?
"Anong meroon sa kanya?" Tanong ko naman bago maupo sa couch katabi ng sofa.
Bumuntong hininga siya ng makailang ulit bago sabihin sa'min ang dinadala niyang MABIGAT daw na problema niya na kung tutuusin ay mababaw lang naman.
"Selos siya nu'n?" Tanong ko.
Napahawak ako sa batok ko nung batukan ako ni Stella.
Siraulo talaga ang babaeng ito! Nagtatanong lang naman ako babatukan na ako? Aba! Abusada siya ha!
"Halata naman 'di ba?"
Inirapan ko na lang siya bago tapikin ang likuran ni Sue para naman macomfort namin siya sa kababawan niya, mababaw talaga siya parang bata kahit na eighteen years old na siya.
"Bakit naman kasi siya magseselos?" Nakangusong tanong niya.
Na tawa kami ng mahina nung mabatukan siya ni Stella, ang lakas ba naman kasi ng pagkakabatok niya, gumanti naman si Sue pero mabilis na nakalayo ng ilang metro si Stella kaya hindi inabutan ni Sue.
"Bakit ka namamatok d'yan!?"
"Para maalog 'yang utak mo... Hindi pa ba halata kung bakit siya nagseselos?" Taas kilay na sabi niya.
Na tahimik ng ilang segundo si Sue at tila iniisip ang sinabi ni Stella dahilan para matawa na kami ni Stacey.
"Hello everything!"
Lahat kami ay napatingin sa biglang dumating, sila Tito Stanley at Denn lang pala, may dalang grocery bags, malapit na kasing umuwi sila Tito baka bibili lang sila ng stock para sa pag-uwi nila.
"Anong meroon at tila may agenda kayo?" Nacucurious na tanong ni Tito sa'min.
Akmang magsasalita sana ako nung biglang tumili ng napakalakas si Sue dahilan para mapatakip kaming lahat sa tenga.
"Nakuha ko na— aray! Bakit mo na naman ako binatukan!?" Sigaw ni Sue kay Stella na siyang bumatok dito.
"Hindi mo naman kailangang tumili." Inis na sabi niya bago kalikutin ng hinliliit niya ang tenga sandali.
"Ano ba ang nangyayari?" Takhang tanong ni Denn sa'min.
Ito namang si Sue excited na ikinuwento kay Denn ang ikinuwento niya sa'min, napapangiwi naman si Denn dahil sa pagkakilig ni Sue. Na tawa na lang kami maski si Tito natatawa habang naghahanda ng iluluto niya para sa hapunan namin.
Louie's POV
Seryosong nakaupo ako sa swivel chair sa opisina at iniisip ang mga sinabi sa'kin ng sekretarya ni Dad.
FLASHBACK....
"What?" Bungad ko sa tumawag sa'kin.
[Mr.Shin, your father wanna meet a client but since he's on business trip. He expect you to meet the client,]
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, bakit hindi na lang si Kuya Luis ang humarap sa kliente? Bakit ako pa ang kailangan na humarap?
"Why me?"
[You're the heirs of all Shin's property even if this kind of businesses Mr. Shin,]
"If I don't want?"
[Then you know what the consequences Mr.Shin,]
Damn it! There's I have any choice for this? It's just because I don't want to follow him? For sure, Mama angry if she knows what Dad wanted to me.
Binabaan ko siya ng tawag dahil sa inis na nararamdaman ko, mariin na ipinikit ko ang mga mata at marahas na ibinato ang phone dahilan para maagaw ko ang atensyon ni Yohann.
"Dude, may problema na naman ba?"
"Gusto ni Dad na ako ang humarap sa kliente niya." Seryosong sabi ko bago hithitin ang sigarilyo at ibuga ang usok.
"Ano namang masama—"
"Not a business what you think of now,"
"Masama nga, anong plano mo?"
"Kakausapin ko si kuya Luis,"
"Pumayag naman kaya siya?"
"I don't know either."
Pagtapos kong sabihin 'yon ay itinapon ko ang sigarilyo sa lupa at inapakan ito, kumuha ako ng kendy sa bulsa at kinain 'yon bago ko isuot ang salamin at pumunta sa opisina ni Kuya.
Akmang bubuksan ko na ang pinto nung bigla itong bumukas at bumungad sa'kin si Kuya Luis.
"Louie, may kailangan ka?"
"I want to talk you for some business,"
"Business?"
"Dad's secretary tell me that I'm the one who face for his client," seryosong sabi ko dahilan para sumeryoso rin ang mukha ni kuya.
"Organization or company?"
"Organization,"
"That's a big problem, so you repudiate it?"
Napabuntong hininga ako bago umiling ng makailang ulit.
"Why?"
"He warn me,"
"So what now?"
"That is the reason why I'm face you Kuya," seryosong sabi ko sa kaniya.
"Sorry bro despite that I have a seminar for this week kaya 'di kita matutulungan dahil importante ito para sa'kin," seryosong sabi niya.
Napabuntong hininga na lang ako bago tumango-tango.
"I see,"
END OF FLASHBACK...
Wala na akong na gawa kundi sundin si Dad even if I don't want.
"Mr.Shin, she's arrived," biglang nagsalita ang sekretarya ni Dad.
Napabuntong hininga na lang ako bago tumayo't pumunta na sa meeting room, gaya ng inaasahan ko, maraming armado pero .45 caliber lang ang dala nila kaya hindi mo mahahalata.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang mga kliente ni Dad, may mga armado rin pero huminto ang tingin ko sa isang babae na naka-all black outfit.
Bakit pakiramdam ko kilala ko siya?
Tumingin ito sa'kin pero panandalian lang bago umiwas ng tingin.
Hindi ko kita ang mukha niya dahil naka-face mask siya gayo'ng nakapusod ang mahaba at maalon niyang buhok.
Ang mga tingin na 'yon, parang nakita ko na talaga kung saan 'yon.
"Can we start Mr.Shin, shall we?"
Nawala lang ang atensyon ko sa babaeng 'yon nung magsalita ang isa sa kanila, tumikhim ako bago naupo sa swivel chair. Nagsimula na ang meeting namin pero nawawala ang atensyon ko sa pag-uusap namin dahil sa babaeng 'yon.
"Mr.Shin... Tell me, do you want my reliably? By the way, she's Shadow,"
Agad na napatingin ako sa isang kliente namin.
Shadow? Sino naman 'yon?
"Boss, alam mo naman na hindi ako interesado sa mga lalake," ang bose na 'yon parang nadinig ko na kung saan.
"That's the reason why I like you more than anyone," nakangising saad nito sa babae
"Ms.Vallencia, I'm not interest to her too... Beside I'm badly in love with someone else," nakangiting saad ko.
"She's lucky then,"
Lucky? Hindi ko rin masasabing suwerte dahil ganito ang buhay na meroon ako at ito ang ayaw kong maging buhay niya balang araw.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Such a great novel!!😍😍 I love the Storyline!!😍 you guys must read this because it's worth to read 😊❤️ Good job, Author 💙
06/06/2022
0Waah! Another Mafia story spotted! I'm sure it's a very thrilling story! Keep updating and slaying, Author! Congratulations!
02/06/2022
0very nice
04/02/2023
0Tingnan Lahat