Chapter 20

Suzy's POV
Napabuntong hininga ako bago kunin ang bag at magtungo sa harapan ng salamin para sana tignan ang itsura ko nung biglang pumasok sa aking isipan, ang nangyari nung gabi.
Mahal ko ba talaga si Klein? O namimiss ko lang siya? Pero bakit kailangan ko siyang mamiss?
"Tara na Suzy, baka malate tayo." sambit ni Sue bago maunang lumabas kasunod si Stacey na tahimik na naman.
"May problema na naman ba?" tanong ni Stella na siyang nakatayo lang sa may harapan ng pinto.
Bumuntong hininga na lang ako bago lumabas, tahimik lang ako hanggang sa nagkahiwa-hiwalay kami.
"Suzy Hernandez,"
Napahinto ako sa paglalakad ko nung may humarang na isang babae sa harapan ko, sino naman siya? Pa'no niya ako nakilala?
"Finally I met you," sambit niya bago ako tignan simula sa ulo pababa na siyang ipinagtakha ko.
"Kilala ba kita?"
Tinignan niya ako ng diretsyo sa mga mata, bakit pakiramdam ko may gulong mangyayari rito?
"You don't know me but I know you." seryosong sambit niya bago siya maglakad palapit sa'kin.
"Ano po ba ang kailangan n'yo sa'kin?" seryosong tanong ko sa kaniya.
Nakita kung paano kumunot ang noo niya at tumalim bigla ang tingin niya sa'kin.
"I'll straight you, leave my husband alone slut." may diing sambit niya dahilan para mapakunot ang noo ko.
Pinagsasabi niya? Sino ba ang asawa niya para sugurin at pagsabihan ako?
"Are you insane miss?" tanong ko sa kaniya.
"What?"
"Who's your talking about? I don't know who is your husband miss, wala akong kilala dito na may asawa na."
"Really?" taas kilay niyang sambit.
Akmang magsasalita ako nung may lumapit sa'min, si Mr. Principal pala na nakabusangot habang nakatingin dito sa babaeng nababali na 'to.
"What are you doing here?"
"That's my right as your-"
"You'll never be my wife Cass, we already divorce," seryosong sambit na siyang ikinabigla ko.
Ibig sabihin asawa ito ni Mr. Principal? At ibig sabihin din si Mr. Principal ang tinutukoy niya kanina?
"Are you okay Suzy? Did she hurt you?"
Nanlalaki ang mga mata ko nung tignan si Mr. Principal bago umiling na wala sa sariling katinuan, nakakawindang!
"You sure?"
Tumango na lang ako bago maglakad palayo sa kanila, buong klase ay 'yon lang ang laman ng isipan ko, sabagay, matanda naman sa'min si Mr. Principal kaya 'di malabong magka-asawa siya ng maganda pero bakit naman ako ang sinabihan niya ng gano'n?
"Suzy,"
Napatingin ako du'n sa tumawag sa'kin, si Louie na may dalang bulaklak? Iniabot niya sa'kin 'yon kaya kinuha ko, tinitigan ko pa muna ang bulaklak bago siya tignan ng diretsyo sa mga mata niya.
"Para saan naman ito?"
"Wala lang, gusto ko lang bigyan ng bulaklak ang espesyal na tao sa buhay ko." nakangiting turan nito.
Ramdam ko ang pag-init ng mukha kasabay nito ang kiliti na nararamdaman ko sa t'yan, tila may mga paru-parung nagwawala rito! Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nung tumawa siya ng mahina.
"Pupunta ka na ba sa tambayan?" tanong niya.
Tinignan ko siya sandali bago tumango bilang sagot sa tanong niya, tumayo ako't naglakad na papunta sana sa cafeteria nung harangin ako ng grupo ng mga babae, sila na naman? Ano naman ngayon ang kailangan nila sa'kin?
"Can we talk?" seryosong tanong nung isa sa mga babae.
"Tungkol saan naman?"
"Can we be friends?" biglang sambit ng isang babae.
Nakaramdam ako ng pagdududa dahil sa sinabi nila, anong sumapi sa kanila at gusto nila na makipagkaibigan sa'kin? Akmang magsasalita palang ako nung hawakan ni Louie ang kamay dahilan para tignan ko siya.
"Let's go babe, you need to full yourself." nakangiting sambit niya habang nakatingin sa'kin.
Napakurap pa ako ng makailang beses bago ko makuha ang sinabi niya, anong itinawag niya sa'kin? Napaawang ng bahagya ang labi ko at tinitigan siya.
"Babe, please?"
"Babe? Are you both in relationship?" biglang tanong nung babaeng dapat ay sasampalin ako nung isang araw, kung tama ako ng pagkakatanda ang tawag sa kaniya ni Louie ay Honey.
"Yes, we're in relationship." sagot ni Louie bago tignan 'yong babae, siraulo! 'Di ko pa naman siya sinasagot e! Paladesisyon siya!?
Kita ko kung paano umawang ang mga labi nila pero napansin ko na 'yong Honey ay galit ang mga mata na nakatingin kay Louie kahit na nakangiti ito.
"R-Really? Congratulations for the both of you guys, I hope you will be in a strong and long relationship." sambit niya bago akapin si Louie.
Nagulat ako nung akapin niya rin ako kasabay nu'n ay pagdududa na kumukubli sa'kin, parang may mali sa ikinikilos ng babaeng ito, nung kumalas siya ay nagpaalam din sila agad.
Napagdesisyunan na namin na maglakad papunta sa cafeteria habang magkahawak ang kamay! Pero 'di ako binabalot ng hiya kundi ng pagdududa at alinlangan hanggang sa makarating kami sa cafeteria.
Ganoon pa rin naman sila pero 'di ko kaya na makipagsabayan dahil sa dami ng iniisip ko, una nung nalaman ko na 'yong babaeng sinugod ako at pinagbantaan ay asawa pala ni Mr. Principal tapos ito naman ngayon?
Ano ba ang pumasok sa utak nito at sinabi niya na m-magkarelasyon kami? Nasisiraan na ba talaga siya ng bait?
"Ayos ka lang ba?" tanong sa'kin ni Louie dahilan para tignan ko siya ng masama.
Ang lakas ng loob na tanungin ako! Mukha ba akong ayos? Kagigil! Sarap tirisin kung minsan!
Nanlaki ang mga mata ko nung kurutin niya ako sa pisngi sabay tawa kaya lalong nalukot ang mukha ko, marahas na hinawi ko ang kamay niya dahil sa inis.
"Kakatawa ba 'yon!?" inis na tanong ko sa kaniya pero lalo lang siya tumawa! Iniinis talaga niya ako!
"Sorry babe," nakangiting sambit niya.
"Babe?" sabay-sabay nilang sambit maliban sa boyfriend kuno ni Sue na walang reaksyon na nakatingin sa kaniya.
"Dude, ibig sabihin ba..." Yohann
Tumawa lang si Louie dahilan para mabatukan ko siya, siraulo talaga! Manang-mana kayla Sue! Kamag-anak ba nila itong si Louie? Lakas mang-asar e.
"H'wag kayong maniwala sa siraulong ito!" sambit ko pero tinawanan lang nila ako, maliban sa boyfriend kuno ni Sue na si Kitouji.
"Kunwari ka pa, umamin na kasi~" pang-aasar ni Sue.
Sinamaan ko sila ng tingin bago mapairap sa kanila, mga bruha talaga! Ako na lang ata matino sa'min.
Hindi ko na lang sila inintindi at hinayaan sa pang-aasar nila na walang kabuluhan. Humanda talaga 'yang Louie na 'yan! May araw din siya sa'kin.
Louie's POV
Hindi ko maialis ang mapangiti habang naglalakad papunta sa parking lot.
"Ang layo ng naabot ng ngiti mo dude, hanggang langit." pang-aasar ni Yohann pero wala akong pakealam sa sinasabi niya, ang mahalaga ay mahalaga.
Napahinto ako sa paglalakad nung makita 'di kalayuan si Cass kausap ang pinsan niya na si Honey, 'yong ngiting meroon ako kanina ay napalitan ng pagkaseryoso nung maalala ko 'yong papel na ipinakita nila sa'min ni Kuya Luis.
"Makakahanap tayo ng alas, panigurado." seryosong sambit ni Yohann.
Napabuntong hininga na lang ako bago pumasok sa loob ng kotse at magmaneho pauwi ng bahay, kinailangan ko na umuwi agad dahil makikipagkita sa'min ang imbestigador na kakilala nila Tita Nathalia.
Nung makauwi ako ay agad na nagtungo sa kuwarto para magpalit ng damit, hindi rin ako nagtagal sa bahay at umalis para pumunta sa bahay nila Yohann.
"Dude," bungad ni Yohann bago makipag-apir sa'kin.
Inilibot ko ang paningin dahil 'di ko nakita si Tita Nathalia pero nahagip ng mga mata ko ang isang naka-t-shirt na lalake habang nagtitipa sa laptop.
"Nasaan si Tita Nathalia?"
"Umalis si Mom ng madaling araw papunta sa Canada." sagot niya bago maglakad palapit du'n sa lalake.
Sinundan ko lang siya hanggang sa huminto siya sa gilid, ibinaba nung lalake ang monitor ng laptop niya bago tumingin at yumuko ng bahagya.
"Mr. Kwon, this my best friend." sambit ni Yohann.
"Annyeong," (Hello,)
Koreano pala ang imbestigador na kilala ni Tita Nathalia, yumuko ako ng bahagya bago siya tignan ng seryoso.
"Sin ssileul algi wihae pil-yohan ge mwonji deul-eoss eunikka joh-ahaeyo." (I heard what do you need to know Mr. Shin so I prefer it.)
Iniabot niya sa'kin ang isang folder, seryosong binasa ko ang nilalaman nito, nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakasulat sa papel.
"May alas na tayo dude," dinig ko na sabi ni Yohann.
"I gwonssi gamsahabnida." (Thanks for this Mr. Kwon.)
"Eongeub hal pil-yo eobs-eo sinssi, geuge nae il-iya." (You don't need to mention it Mr. Shin, that's my job.)
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa tinuran niya, ngayong may alas na kami makakatakas na kami sa kasakiman nila.
****
Dalawang araw na ang lumilipas at napapadalas ang lihim na pagsunod ko sa kaniya, dahil alam ko na may binabalak sila kay Suzy at kailangan ko siyang maprotektahan mula kayla Honey.
Habang naglalakad ay napahinto ako dahil nakaramdam ako na tila may sumusunod din sa'kin kaya napatingin ako sa paligid, wala naman ako napansin na kakaiba, baka guni-guni ko lang 'yon? Siguro? Sana nga.
Suzy's POV
Ang weird ng pakiramdam ko, feeling ko may sumusunod sa'kin at may mga matang nakabatay kahit na saan man ako magpunta.
"Suzy!"
Napalingon ako du'n sa tumawag sa'kin, si Sue lang pala kasama si Stacey na assual ngiting tagumpay dahil sa kilig na dulot ni Jaxsen sa kaniya, mapapaSANA OIL ka na lang.
"Tara kumain tayo!" masiglang sambit nito bago pumulupot sa braso ko at ni Stacey sabay hila sa'min papuntang cafeteria.
Ilang sandali pa ay nakarating din kami sa cafeteria pero napatigil din kami nung mapansin na walang tao rito, nasaan na 'yong mga tao? May nangyayari ba na 'di ko alam?
"Nasaan 'yong mga tao rito?" takhang tanong ni Sue bago kami bitawan at ilibot ang paningin sa paligid.
Naglakad ako papunta sa spot place namin pero napahinto rin ako dahil sa nakita ko, nanlaki ang mga mata ko nung basahin ang nakasulat sa lamesa.
"Suzy, can you be my girl?" tili ni Sue habang kinikilig na niyuyugyog si Stacey.
"Ano ba Sue! Tama na!" awat ni Stacey pero tila bingi si Sue.
Tinitigan ko pa ang mensahe na gawa sa mga petals, sino naman kaya ito? Napatingin ako sa paligid nung makadinig kami ng isang musika galing sa speaker.
*Your love by Alamid*
You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul
You touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side
I'm in ecstasy
I am all alone without you
My days are dark without a glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see.
Inilibot ko ang paningin ko para tignan kung may ibang tao rito pero wala talaga, nagbabaka sakali rin ako na may nagtatago lang dito o pinagtritripan kami pero wala e.
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside
Every time I hear our music play
Reminds me of the things that we've been through
In my mind, I can't believe it's true
But in my heart the reality is you
I am all alone without you
My days are dark without a glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside
Napatingin ako bigla kay Sue nung tumili siya, lahat sila ay nakatalikod sa'kin at nakatingin kung saan kaya napatingin din ako.
Nanlaki ang mga mata ko nung makita kung sino ang lalakeng nakatayo sa harapan ng pintuan, may dala siyang isang kumpol ng puting rosas, isang paper bag at mga lobo na may nakasulat na 'CAN YOU BE MY GIRL?'
Naglakad siya habang suot ang napakatamis na ngiti, tila nagslow motion ang paligid ko.
A-Anong nangyayari sa'kin? B-Bakit ang gwapo niyang tignan?
"Hi Suzy," masigla nitong bati sa'kin dahilan para bumalik ang diwa ko.
Napakurap ako ng makailang beses bago tignan 'yong tatlo na kinilig kahit na 'yong isa pangisi-ngisi lang, muli ko na ibinalik ang tingin ko sa kaniya pero mas naagaw ng atensyon ko ang mga dala niya.
"Ahm... Suzy..." muli ko siyang tinignan pero this time diretsyo na sa mga mata niya.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata bago huminga ng malalim at muling imulat ito, diretsyo ang tingin sa'kin habang nandu'n pa rin ang matatamis niyang ngiti sa labi.
"Maglalakas loob na ako Suzy... Gusto ko na malaman mo na gusto kita, matagal na." nakangiting sambit niya at tila inaalala pa ang unang pagkikita namin.
Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa pisngi at ang pakiramdam na tila may mga paru-parung nagliliparan sa loob ng t'yan ko.
"And now I'm asking you one question... Can you be my girl?"
Dinig ko ang malalakas na tilian kaya 'di ko maiwasan na tignan ang paligid, sobrang dami palang nanunuod! Ba't 'di ko man lang namalayan?
"Go Suzy! Support ka namin!" sigaw ni Sue.
"H'wag ka ng pakipot Suzy!" pangchicheer naman ni Stacey na siyang kasama na ngayon ni Jaxsen.
"Woooaahhhh best friend ko 'yan!" sigaw naman ni Yohann na siyang katabi ni Stella na nakabusangot na, marahil ay naiingayan na siya kaya gan'yan ang itsura niya.
Nadinig ko ang mahina niyang tawa dahilan para tignan siya at sa 'di malamang dahilan ay napatitig ako sa kaniya, napakasaya niya kahit na mahahalata na medyo nahihiya siya, natawa ako ng mahina nung biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Ano ba ang trip mo sa buhay?" natatawang tanong ko sa kaniya pero panandalian lang 'yon nung makita ko na gano'n pa rin ang itsura niya.
"Bakit?" takhang tanong ko sa kaniya.
"Seryoso ako Suzy... Gusto kita-hindi pala, mali ako... Hindi kita gusto," seryosong sambit niya dahilan para mapatulala ako sa kaniya.
Nabubuang na ba siya? Kakasabi niya lang na gusto niya ako tapos ngayon hindi na? Napansin ko rin na tumahimik ang paligid ko dahil siguro nadinig nila ang sinabi ni Louie.
"E ano pala? Pinagtritripa-" takhang tanong ko sa kaniya at sinusubukan na mawala ang awkwardness na bumabalot sa buong lugar.
"Dahil... Mahal kita!" sambit niya bago umiwas ng tingin.
Napatitig ako sa kaniya, muli ko naramdaman ang malakas na kabog mula sa dibdib ko na siyang nakakabinging pakinggan! Ramdam ko ang pag-init ng pisngi at tila may kumikiliti sa t'yan ko, h-hindi ba talaga siya nantritrip?
Nagkatitigan kaming dalawa at masasabi ko na seryoso siya sa sinasabi niya, lumakas ang tilian, sigawan at hiyawan sa loob ng cafeteria nung biglang itungkod niya ang isang tuhod niya para lumuhod habang nakatingin sa'kin.
"T-Tumayo ka nga d'yan!" sambit ko sabay hila sa kaniya patayo pero ayaw niyang magpatinag!
"Hindi ako tatayo hangga't 'di ka sumasagot sa tanong ko," pagmamatigas niya.
Sakit talaga siya sa ulo ko! Sarap tirisin kung minsan, pero aaminin ko, kinikilig ako sa ginagawa niya, napayuko ako at napapikit, sa pagpikit ay nadidinig ko ang katagang binitawan niya.
Gusto kita- hindi pala, mali pala.
Dahil mahal kita!
Napangiti ako ng dahil du'n pero nawala 'yon nung makita ko, sa kadiliman, si Klein na mag-isa, parang nakaramdam ako ng kung anong kirot sa puso ko nung makita siya na nakangiti sa'kin at tila sinasabi na tanggapin ko ang alok ni Louie sa'kin.
Huminga ako ng malalim bago ko dahan-dahan na imulat ang mga mata ko't tignan siya ng diretsyo sa mga mata niya, gano'n pa rin ang mukha niya, seryoso ang mukha pero sinasabi ng mga mata niya sana ay 'di ko siya biguin.
"Louie..."

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Christel_Genit

    Such a great novel!!😍😍 I love the Storyline!!😍 you guys must read this because it's worth to read 😊❤️ Good job, Author 💙

    06/06/2022

      0
  • avatar
    GoddessNiMaster

    Waah! Another Mafia story spotted! I'm sure it's a very thrilling story! Keep updating and slaying, Author! Congratulations!

    02/06/2022

      0
  • avatar
    EvangelistaImae

    very nice

    04/02/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo