Homepage/THS2: Secret Of Hearts/
Chapter 18
"Paano mo nalaman?" takhang tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman malaki ang mundo para 'di kayo makita." kasuwal na sambit niya habang nakatingin sa labas.
Napatitig pa ako sa kaniya ng ilang minuto bago mapabuntong hininga't tumingin din sa labas.
"Umamin sa'kin si Mr. Principal," pabulong na sambit ko bago mapayuko dahil sa hiya na bumabalot sa buong sistema ko.
"Naguguilt ako dahil—"
"Alam ko naman 'yon,"
Napatingin ako bigla sa kaniya nung sabihin niya 'yon, minsan talaga naiisip ko na mind reader itong si Stella.
"Hindi mo man sabihin halata sa ikinikilos mo... Kung ano man ang magiging desisyon mo ay susuportahan ka namin Suzy," sabi niya bago ako tignan at ngitian.
"May isa lang ako tanong sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Gusto mo rin ba si Mr. Principal?"
Natahimik ako bigla dahil sa tanong niya at napatanong din sa sarili ko.
"H-Hindi," maikli kong sagot bago tumingin sa labas.
Hindi ko naman talaga nagustuhan si Mr. Principal, oo, aaminin ko, gwapo siya, matangos ang ilong, maputi, matangkad, mabait, may perfect jawline— masasabi ko na ideal man siya pero 'di ko naramdaman sa kaniya ang nararamdaman ko kay Klein at Louie.
"Si Louie? Gusto mo ba siya?"
Nanlalaki ang mga mata ko na tinignan siya at mabilis din na umiling, napataas siya ng kilay bago mapahalukipkip.
"Hindi? Sigurado ka?" may pagdududang tanong niya.
"Oo naman!" agad na sagot ko sa kaniya.
"Pero... Iba ang sinasabi ng mga mata mo?" nakangising sambit niya dahilan para mapataas ang kilay ko.
"Nakakapagsalita na ba ngayon ang mata?"
Nagulat ako nung bigla niyang pitikin ang noo ko, aba't! Inaano ko siya!?
"Bakit mo ko pinitik sa noo!?" kunot noong tanong ko sa kaniya habang nakahawak sa noo ko.
"Baka sakaling matauhan ka lang kaya ginawa ko 'yon." natatawa niyang sambit na siyang lalo nagpakunot ng noo ko.
"Siraulo ka talaga! Hmp!"
Dinig ko ang mahina niyang tawa pero panandalian lang 'yon kaya napatingin din agad ako sa kaniya, isa pa itong bipolar!
"Iba rin ang ikinikilos mo kapag nand'yan siya malapit sa'yo kaya sabihin mo sa'kin na mali ang nakikita ko," sambit niya dahilan para titigan ko siya.
Ganoon ba ako kahalata para mapansin niya? Napabuntong hininga na lang ako bago matulala sa labas, ilang sandali pa ay bumalik na ako sa kama ko pero siya? 'Yon, nakatanaw na naman sa labas at tila malalim ang iniisip.
Lagi naman siyang gan'yan, baka naalala na naman niya ang nakaraan, I can't blame her dahil mahirap talaga kalimutan 'yon, kung ano pa ang masakit 'yon pa ang bagay na tumatatak sa puso't isipan ng isang tao.
8:30AM....
Napabuntong hininga ako bago isara ang locker ko, wala na akong kasama dahil may morning class pa 'yong tatlo, meroon din naman ako kaya lang wala si Prof kaya ito kami—pagala-gala lang.
"Suzy?"
Napalingon ako nung may tumawag sa'kin, si Louie lang pala kasama si Yohann? Anong meroon?
"Puwede ba na mag-usap tayo?" seryosong sambit niya na siyang ipinagtakha ko.
Tumango na lang ako bilang sagot, dapat ay mauuna na ako maglakad sa kanila nung bigla niyang hawakan ang kamay ko sabay hila sa'kin kung saan kasunod namin si Yohann na pangiti-ngiti lang, ano ba kasing meroon?
Maya-maya lang ay huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako, nasa rooftop kami ngayon.
"Anong meroon?" takhang tanong ko bago ilibot ang mga mata ko.
Ang ganda ng lugar, nagkalat sa sahig ang petals ng rosas na puti, may isang mesa rin at dalawang upuan, basta ang ganda ng lugar— masasabi ko na pangdinner date ang dating dito.
"Like what I say, I want to talk you?"
Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya, napakamot batok siya bago umiwas ng tingin sa'kin kaya natawa ako ng mahina at muling ibinalik ang tingin sa paligid ko, ang ganda talaga!
"Oh dude, nasamahan na kita ha? Babalik na ako sa klase baka iniintay na ako ni Baby Stella!" masiglang sambit ni Yohann bago umalis.
Natawa na lang kami dahil sa sinabi ni Yohann, in love ba siya kay Stella? Sabagay, 'di naman mahirap mahalin si Stella— sadista nga lang talaga siya.
"Ahm nag-agahan ka na ba?"
Napahinto ako sa pagtawa bago siya tignan, napangiti ako bago umiling sa kaniya kahit na ang totoo ay kumain na ako, bakit ako umiling? Wala lang, gusto ko lang matikman 'yong nasa mesa.
Katahimikan ang bumalot sa'min habang kumakain kami, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko! Ano ba ang dapat ko na sabihin sa kaniya? Salamat? Bakit may paganito si mayor—
"Ayos ka lang Suzy? Bakit namumula ka?" may pag-aalalang tanong ni Louie bago ipatong ang kamay niya sa noo ko pero hinawi ko rin agad ito!
A-Ano ba ang nangyayari sa'kin? Bakit sumagi sa isipan ko 'yong banat niya sa'kin? Napailing ako bago kainin 'yong pagkain ko.
Ilang sandali lang ay natapos din kami sa pagkain, nagtagal pa kami ng ilang minuto du'n.
"Nagustuhan mo ba?"
"Ang alin?" takhang tanong ko sa kaniya, natawa siya ng mahina bago ako kurutin sa pisngi na siyang ikinagulat ko.
"Ang cute mo talaga kapag nagugulat ka."
Napakurap pa ako ng ilang beses at napatitig sa kaniya habang siya'y tumatawa, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng saya nung makita ko siya na gan'yan.
*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*
"Cute lang?" natatawa kong tanong sa kaniya dahilan para mapahinto siya sa pagtawa niya at mapatitig sa'kin habang may matatamis na ngiti sa kaniyang labi.
"Maganda,"
"Huh? Maganda ang ano?"
"Maganda ka, 'di ka lang basta cute sa paningin ko,"
Ramdam ko ang pagtaas ng dugo sa pisngi at pag-init nito kaya napaiwas din ako agad ng tingin sa kaniya, k-kasi naman! B-Bakit naman kasi 'yon pa 'yong nasabi ko?!
"K-Kakasabi mo lang na cute ako, nang-aano ka ha!" inis na sabi ko para itago ang nararamdaman kong kilig!
Oo na! Kinikilig ako sa banat niya sa'kin, sinong hindi? Manhid mo na lang kung 'di ka tatablan.
Napakunot ang noo ko nung guluhin niya ang buhok ko, halos kakaayos ko lang ng buhok e! Inis na hinawi ko 'yon at pinalo siya ng malakas sa braso niya.
"Bakit mo ako pinalo?" tanong niya habang nakatingin sa'kin.
"Pasalamat ka 'di kita sinapak!" inis na sabi ko bago tumayo't umalis na!
Nakakagigil e! Naglalakad ako sa hallway nung may makasalubong ako na isang grupo ng babae, parang ngayon ko palang sila nakita dito, baka transferee?
"Are you Suzy Raine Hernandez?" taas kilay na tanong nung babaeng nasa gitna.
Parang nakita ko na siya kung saan, hindi ko lang tanda kung saan at kailan o baka nagkakamali lang ako? Ay ewan! Basta 'yon na 'yon.
"Ako nga, may kailangan kayo sa'kin?" takhang tanong ko sa kanila.
Tinignan nila ako from top to buttom sabay tawa ng nakakainsulto, problema ng mga ito? Wala namang masama sa suot ko kaya anong tinatawa-tawa nila?
"So cheap! So ikaw pala 'yong girl na hinalikan ni Mr. Shawn sa park?"
Nanlaki ang mga mata ko nung sabihin nila 'yon, p-paano nila nalaman na hinalikan ako ni Mr. Principal?
"H-Hindi totoo 'yan!" sigaw ko sa kanila dahilan para manahimik sila.
"Really? Then explain yourself with this picture b*tch!" sambit niya sabay abot ng marahas sa'kin ang isang brown envelope.
Takhang tinignan ko sila sandali at ang envelope na iniabot niya sa'kin bago ko ito buksan, nanlaki muli ang mga mata ko nung makita ang mga larawan namin ni Luis!
"H-Hindi ako 'yan!"
"Don't deny it girl! May nakakita sa'yo!" sigaw nung isang babae habang nakataas ang kilay na nakatingin sa'kin.
Napayuko ako at napahigpit ang hawak ko sa larawan dahilan para malukot ito ng bahagya, s-sino naman kaya ang kumuha nito? B-Bakit niya ginagawa ito?
Natawa ako ng mahina bago mapailing, iniangat ko ang tingin ko at tinignan sila ng seryoso na siyang ikinagulat nila panandalian lang.
"Why you staring at me like that?" taas kilay niyang tanong sa'kin.
"Bakit ko kailangan na magpaliwanag sa inyo? Kaano-ano ba kayo ni Luis?"
"W-What did you say?" hindi makapaniwalang tanong nung babaeng nagbigay sa'kin ng envelope.
"Did you call Mr. Shawn in his name? Only?"
"Hindi ka naman siguro bingi para 'di mo marinig 'yon hindi ba?" sambit ko bago ibalik sa envelope ang mga larawan.
Ipinakita ko sa harapan nila kung paano ko pinunit ang envelope kasama ang mga larawan bago itapon sa basurahan malapit sa'min.
"Whatever you say? I.DON'T.CARE, whatever my life is, you really don't care too... Go peddle your own papers b*tches." sambit ko bago sila lagpasan pero isa sa kanila ay hinablot ako pabalik at akmang sasampalin ako nung biglang may humawak sa kamay niya.
"Try to hurt my girl, I will make sure you gonna go in hell right now."
Lahat kami ay napatingin kay Louie nung magsalita siya, nanindig ang balahibo ko dahil sa sinsiridad, awtoridad at pagseryoso ng boses niya, kita rin ito sa mukha niya na seryoso siya sa sinasabi.
"Let me go Klein!"
Napatingin ako sa babaeng ito nung banggitin niya ang pangalan na Klein, hindi ko maintindihan ang naramdaman ko nung banggitin niya ang pangalan na 'yon kay Louie.
"Honey, this is the last time to tell you those words... Keep on distance to her, did you get it?"
Napatitig ako kay Louie nung tawagin niya ang babaeng ito, naaalala ko na, siya 'yong nakasagutan namin sa park, 'yong k-kasama niya nung linggo.
Parang nakaramdam ako ng lungkot nung maalala 'yon, sumeryoso ang mukha ko bago buong lakas na itinulak ang tinatawag niyang Honey.
"Are you okay Honey? Why did you do that Suzy?" seryosong tanong niya nung tignan ako.
Hindi ako nagsalita sa halip ay napapikit ako ng mariin at sa pagmulat ng mga mata ko ay nasaksihan ng mga mata ang isang masakit na sinaryo.
May kung anong kirot ako na naramdaman habang pinagmamasdan ko sila, hindi man lang niya itulak 'yong babae ibig sabihin—ginusto niya rin ang halik na 'yon?
Naikuyom ko ang mga kamay at nagmamadaling maglakad palayo sa kanila, b-bakit nasasaktan ako? B-Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Louie's POV
Nasaan na ba kasi si Suzy? Ang cute niya kasi kapag napipikon, naglakad pa ako at hinanap siya hanggang sa 'di kalayuan ay natanaw ko si Holly Niesh Suarez, childhood friend ko rin kaya lang 'di ko siya nakikita, ilang taon na rin dahil nga sa abroad na siya lumaki.
Lalapitan ko sana siya nung makita ko na kausap niya si Suzy, napakunot ang noo ko dahil 'di maganda ang pakiramdam ko sa mangyayari kaya inobserbahan muna sila sandali hanggang sa naramdaman ko na lalo ang inis sa sarili nung madinig na tawagin na kung ano si Suzy kaya lumapit na ako.
Akmang sasampalin niya si Suzy nung mahawakan ko ang pulsuhan para pigilan siya sa gagawin.
"Try to hurt my girl, I will make sure you gonna go in hell right now." seryosong sambit ko dahilan para tignan nila akong lahat.
Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ko pero 'di ko hinayaan na makawala ang kamay niya at dumapo sa magandang mukha ni Suzy.
"Let me go Klein!"
Sinamaan ko siya ng tingin dahil tinawag niya ako sa pangalawa kong pangalan at napahawak ng mahigpit sa pulsuhan niya.
"Honey, this is the last time to tell you those words... Keep on distance to her, did you get it?" inis na sambit ko sa kaniya.
Nagulat ako nung biglang itulak ni Suzy si Honey ng malakas kaya ito napaupo sa sahig at nabitawan ko siya, nilapitan ko si Honey para alalayan siya pero 'di siya nagpahawak sa'kin.
"Are you okay Honey? Why did you do that Suzy?" pagtatanong ko sa kaniya pero 'di siya nagsalita sa halip ay pumikit siya.
Nagulat ako nung biglang hablutin ni Honey ang neck tie ko at halikan ako! Dahil sa pagkabigla ay 'di ako nakapagreact agad.
Nung maramdaman ko na gumalaw siya sa paghalik ay pilit na inilayo ko siya sa'kin, nung una ay nagpupumilit ito hanggang sa itulak ko siya palayo sa'kin kaya muli siyang napahiga.
"What the hell you doing huh!?" galit na sigaw ko sa kaniya.
Tinignan niya lang ako bago siya tumayo't pagpagan ang sarili niya.
"Isn't obvious Klein? I like you!"
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya sa'kin, pinapairal na naman niya ang pagiging spoiled brat niya!
"Matagal mo nang-alam na siya ang mahal ko Honey." may diing sambit ko bago sila layasan at hanapin si Suzy.
Holly Niesh's POV
My hand formed into fist while I glare at Klein who walk away from me, he really change just because of that cheap woman!
"I guess, Cass was right?" Luz said so I glare her too.
"Shut the f*ck up Luizzia!" I shouted on her before walk away from them.
Damn it! What with that girl!? Am I not enough for Klein? I'm so sexy, hot, attractive, rich and every man I've met wants me but why I can't caught his attention?!
"Hey Honey!" that's Luis, my cousin's EX-husband.
I rolled my eyes before give the envelope, he look at me confused but then he still open the envelope, like what that stupid cheap girl reaction are same with him.
"Where did you get this damn it pictures?!" he irritated ask.
"Don't ask me either tsk! Someone send me that, in MY locker," I said before rolled my eyes.
"So? That pathetic girl you change to my perfect cousin?" I raised my eyebrow while staring at him before crossing my arms.
He remain silent and still look at the pictures, how long he staring it?!
"Where's your cousin then?"
"I don't know either, tsk! Jerk!" I said before passed by him.
After my last class, I drove go into Santos Inc. I want to talk her about of what I've heard about their divorce.
"What the hell are you doing here brat?!" she irritated ask while her attention in laptop.
"What I've heard?"
"Heard what?"
"You're already divorce,"
I see how shock she is, like as expect to her, I tsked and rolled my eyes, so secretive, how poor? Well, karma comes to her life now.
She put down her laptop monitor and give me a folder so I open up and read the documents.
What with this contract paper!? So from the start, the Shawn and Shin company was lie for us?
"Where did you get this paper?" I seriously asked her.
"Keep your nose out of it, the important is we need to find out who the hell is behind of this contract!" she said, madly.
They tricky us? So their wants a play? Then we play but with our own game.
Louie's POV
Napabuntong hininga ako bago inumin ang whiskey na kalalabas ko lang, hindi na nagpakita buong araw sa'kin si Suzy, nakakainis!
"Hijo, may problema ka na naman ba?" that's Nanny Cora.
"Opo 'Nay Cora, kasi..."
Ikinuwento ko sa kaniya ang pangyayari, kita ko ang pagkalungkot ni Nanny Cora bago ako akapin para pagaanin ang loob ko.
"Magpaliwanag ka hijo, sabihin mo 'yong totoo sa kaniya," nakangiting sambit ni Nanny Cora.
"Ayaw nga po ako pakinggan," nakangusong sambit ko.
Nagulat ako nung kurutin niya ako sa tagiliran ko! Ano ba ang problema ni Nanny Cora? Bakit niya ako kinurot?
"Imbis na kulitin mo siya nandito ka't nag-iinom na bata ka! Tapos magdradrama ka ngayon?" masungit na sambit ni Nanny Cora habang nakapamewang sa harapan ko.
"B-Bakit po 'Nay Cora?"
"Sige na lumayas ka na dito! Itong bata na 'to kailangan pa pagsabihan, ang laki-laki mo na." tila nangungunsuming sambit ni Nanny Cora.
Napatitig ako kay Nanny Cora pero kinurot niya lang ulit ako sa tagiliran ko kaya napatakbo ako sa may salas.
"Bakit po ba kasi 'Nay Cora? May nagawa ba akong mali?" halos maluha-luha ko na tanong sa kaniya.
"Hay naku! Kapag naunahan ka baka magsisi ka lang, suyuin mo siya hindi 'yong nilulunod mo ang sarili sa bisyo! Ikaw talagang bata ka."
Napangiti ako dahil sa sinabi ni Nanny Cora, ibinaba ko sa mini table ang whiskey na nadala bago akapin si Nanny Cora ng mahigpit, pagkalas ko mula sa pagkakaakap sa kaniya ay agad na kinuha ang susi ng motor.
Labing limang minuto bago ako makarating sa boarding house na tinutuluyan nila, nakaramdam ako ng kaba dahil siguro baka ipagtabuyan lang ako ni Suzy? Huminga ako ng malalim bago lakas loob na pumunta sa harapan ng pinto.
Bahala na si batman! Ang importante ay magkausap at magkaayos kami ni Suzy, tama si Nanny Cora, baka maunahan ako ng iba kaya dapat mabakuran ko na si Suzy sa lalong madaling panahon.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (25)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Such a great novel!!😍😍 I love the Storyline!!😍 you guys must read this because it's worth to read 😊❤️ Good job, Author 💙
06/06/2022
0Waah! Another Mafia story spotted! I'm sure it's a very thrilling story! Keep updating and slaying, Author! Congratulations!
02/06/2022
0very nice
04/02/2023
0Tingnan Lahat