logo text

Chapter 29 (FINAL CHAPTER)

"DOREAMON, locate my wife!" command niya kay Doreamon.
"Locating Arriane Hanxi Penida Gulmatico," sagot ni Doreamon. "Located!" anito makalipas ang ilang segundo lamang.
"Okay! Autodrive take me to her location! ASAP!" He commanded Doreamon again.
Seconds later ay parang lumilipad na ang pakiramdam ni Ethan dahil sa bilis ng pagtakbo nito.
Walang ibang maisip nang sandaling iyon si Ethan kundi ang kanyang mag-ina na dinukot ng kung sinong Poncio Pilato.
"Just make sure na hindi niyo sasaktan ang mag-ina ko!" aniya.
Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang mabasa niya kung sino ang tumatawag ay doon lang niya naalala ang mga guest na nasa simbahan! Si Drex ang tumatawag.
"Hello, pa—"
"Pare, what happened? Bakit bigla ka na lang umalis ng walang paalam. Pare, alam naming hindi pa dumarating si Hanxi. Pero sana nagsabi ka man lang na lalayas ka pala rito sa simbahan," tuloy-tuloy na litanya ni Drex.
"Pare, awat muna! Ako muna pagsalitain mo," inis na sawata niya sa kaibigan. "Kaya ako umalis nang walang paalam dahil kinidnap si Hanxi kasama ang mga babaeng abay niya!"
"Tssk! Bakit 'di mo sinabi kaagad. Sige pare susunod kami. We will locate Doreamon. Kami na bahala rito sa mga guest," saad ni Drex na mag pag-alala ang boses.
"Salamat, pare," aniya saka binaba ang tawag.
Napahilamos na lang siya ng mukha. Muli niyang tiningnan ang papel na ibinigay ni June at muling nilakumos dahil hindi niya mabasa ng maayos ang nakasulat doon. Masyadong okupado ang kanyang isipan ng buntis niyang asawa. Hindi niya rin namalayang huminto na sila.
"Location reach!" narinig niyang wika ni Doreamon na nagpabalik ng kanyang kamalayan.
Inilibot niya ang kanyang paningin.
"THE INN CLIFFLAND TAGAYTAY!" malakas na basa niya sa malaking karatula. May nakita siyang hotel hindi kalayuan sa kanila ni Doreamon.
"Doreamon, saan banda si Hanxi?" tanong niya kay Doreamon.
"She is at the back of the hotel!" anito.
Agad niyang hinagilap ang mga armas at gadget na nakatago sa sasakyan. Pero nagtaka siya na wala siyang makuha kahit isa sa mga ito.
"Tssk! Bahala na!" bulalas niya.
"Keep your GPS open para matunton ka nina Drex," aniya sa  sasakyan.
"Command granted," sagot ni Doreamon.
Agad siyang pumanaog sa sasakyan. Sinipat ang paligid. May ilang turista siyang nakikita sa paligid. Nakiramdam siya sa mga ito at wala siyang makitang kakaiba sa mga kilos ng mga ito.
Inayos niya ang sa sarili ay pasimpleng naglakad habang nagmamasid sa paligid. Tinungo niya ang reception ng hotel.
"Miss, saan ang daan patungo sa likod ng hotel?" Tanong niya.
"A, sir. Pasensiya na po pero naka-reserve po kasi ang buong THE INN. May gaganaping okasyon po kasi at sa likod," sagot ng receptionist.
"I am one of the guest but nakalimutan ko ang invitation ko pagmamadali kanina," pagsisinungaling niya.
"A, ganon po ba. May I know your name na lang po sir," magalang na saad ng babae.
"Ethan Oliver Gulmatico," aniya.
"Nako sir. Sorry po. Kanina pa po kayo hinihintay," anito. Napansin niyang naging malikot ang mga mata nito.
"Can you accompany me there?" Saad niya.
"Sorry po, sir. Baka po mapagalitan ako kapag umalis ako rito. Papasamahan ko na lang po kayo sa isa sa mga concierges," anito. "Sir Johnny," tawag nito sa isang morenong lalaki na dumaan.
"O, Anne, bakit?" tanong ng Johnny.
"E, sir pakisamahan naman po si Sir Ethan sa hill side sa likod. Kanina pa po siya hinhintay roon," makahulugang saad ng receptionist.
"Yeah, kaya nga ako dumaan dito. I was instructed to fetch him," saad ng lalaki. "Sir, shall we?" Baling sa kanya ng lalaki.
Tumango na lang siya rito. Napansin niya ang makahulugang tinginan ng dalawa kaya inalerto niya ang sarili. Lalo na at wala siyang dalang anumang armas o gadget na maaari niyang gamiting pandepensa. Hindi rin niya pinahalatang nagdududa siya.
Sumunod siya kay Johnny. Pagdating nila sa likod ng hotel ay may malaking swimming pool pero walang katao-tao. Doon na naputol ang kanyang pagtitimpi.
"Bakit walang tao rito? Nasaan ang asawa ko?" maigting niyang wika sa lalaki. Hindi na niya kaya pang magkunwari na walang nahahalata. He needs to save his wife!
"Sir, duon po tayo sa hill side sa bandang dulo nitong THE INN. Tamang-tama po at magsisimula na ang sunset," kalamadong sagot nitong nakangiti pa.
Kaya hinigit niya ito sa kwelyo. "Huwag mo akong pinagloloko. Ilabas mo ang asawa ko!" matigas na saad niya.
"S-sweet, t-tulong. S-sundin mo na lang siya," narinig niyang tinig ng asawa.
"Siguraduhin mo lang na hindi nasaktan ang asawa ko kundi papatayin kita!" gigil na gagad niya kay Johnny.
Hindi naman niya nakakitaan ng takot ang lalaki bagkos ay ngumiti pa ito sa kanya.
"Huwag kayong mag-alala, sir. Okey lang ang asawa n'yo. At kanina ka pa nila hinihintay. Kaya tayo na po."
Binitiwan niya ito at hinamig ang sarili. Nang kumalma na siya ay sumunod na siya rito.
Napansin niyang habang naglalakad sila ay may nadadaanan silang mga talulut ng mga bulaklak. Kulay lavender ang mga ito. At ay may mga nakasinding scented candles na ang kanilang dinadaan makalipas ang limang minutong paglalakad. Natanaw niyang may arko ng mga bulaklak sa dulo ng nilalakaran nila.
Napakunot nuo siya.
"Sigurado ka bang nariyan ang asawa ko?" nagdududang tanong niya sa lalaki.
"Positive, sir. Naroon ang asawa ninyo,"sagot nito.
Hindi sinasadyang napatingin siya aa kanyang orasan. Alas tres ng hapon. Nagdududa man ay sumunod pa rin siya sa lalaki. Nang makarating sila sa arko ay may narinig siyang tugtug. Agad niyang hinawi ang telang nakatabing sa arko. And there she is his wife standing in front. Near the altar?
What on earth was happening? Inilibot niya ang kanyang paningin. Lahat ng guest na iniwan niya kanina sa simbahan ay naroon at prenteng nakaupo. Even ang kanyang mga kaibigan ay naroon din! Pati si Drex na nakakalokong nakangiti sa kanya. And realization hits him! It was an act at all. Dahil si June na puno ng pasa kanina ay walang bahid ng dugo o black eye sa mukha na nakaupo sa hanay ng mga abay. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.
Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad siyang lumakad patungo sa kinaroroonan ng asawa. But before he could take further steps at may tumapik sa kanyang balikat. HIS PARENTS!
"Tssk! Wait for us son. We will take you there," saad ng inang nakangiti.
"Mom!" he exclaimed. Agad niya itong niyakap at ang kanyang ama. Ang alam niya ay hindi makakarating ang mga ito dahil busy ang mga ito sa Canada.
"That's enough, son. Kanina ka pa hinihintay ng bride mo," tapik sa kanya ng ama. Marahil ay nabasa nitong marami siyang itatanong.
"Save it for the later," aniya ng ina.
They start to walk down the aisle of white petals and Hanxi also started to sing.
Her voice is angelic. Bigla-bigla ay parang nawala ang mga tao sa paligid. Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito. Pakiramdam niya ay sumasabay sa tempo ng pagkanta nito ang paghakbang niya. Eksaktong matapos ang kanta ay siya ring pagtapat nila sa harap nito. She is beautiful in her wedding dress.
She is wearing a White turtle neck wedding dress. Long sleeve din ito. Pero seethrough laces ang ginamit sa sleeves at sa bandang itaas ng dibdib patungo sa leeg nito. Natatakpan ng belo ang mukha nito but he could still see her beautiful face.
"So, anak. Alagaan ninyo ang isa't isa huh," bilin ng ama ni Hanxi  sa kanila. At pinagdaop ang kanilang mga kamay.
Nakangiting sumagot siya sa biyanan. "Makakaasa kayo, dad."
"Son, take good care of your family. And congratulations," nakangiting aniya naman ng ina ni Ethan.
"I will, mom," sagot niya.
Iginiya niya ang asawa patungo sa altar na naroon.
"Heart, hindi ba dapat ako ang maghihintay sa 'yo? You are the one who should be walking down the aisle. Every woman dreams about that," nakangiting aniya rito habang naglalakad sila patungo sa pari na magkakasal sa kanila.
"E, sweet, para maiba naman. And besides, I want to surprise you," nakalabing sagot nito.
"Yeah. Thank you for this surprise. I really was surprised. Muntik ko nang masuntok ang naghatid sa akin. And please remind me to thank my friends," nakangiting aniya.
Ngayon lang nagsink in sa utak niya ang surpresa ng asawa at sa totoo lang ay kinikilig siya. At ang totoo ay wala siyang masabi. Ang lahat nang pag-alala niya kanina ay nawala at napalitan ng saya. How lucky he is having this woman beside him.
Pagkarating nila sa tapat ng altar ay agad na nagsimula ang seremonyas.
"And so before we end this holy matrimony let us hear your vow for each other," Saad ng pari pagkatapos nilang maisuot ang singsing. Binigay ng pari kay Ethan ang mikropono.
"Heart, I don't know what to say. As what the your song says earlier 'I waited my whole life just to meet you'. And it's worth the wait. You were my first love and surely will be my last. The first time I saw you I thought you were an angel, which is true. You are an angel sent to me. I always saw the sadness in your eyes. And I told myself that one day you'll smile again. And I'll make sure na ako ang dahilan ng ngiting iyon."
He paused for a while.
"I can't imagine life with out you. As  I have said you are my everything. You woke up my sleeping heart. You taught me how to love. You introduce me to this awesome feeling of being in-love. Your strong personality caught my attention. Your sad eyes was telling me to make you smile. Your risky hobby told me to protect you. Heart, I can't promise you not to hurt you, but I will do my best not to hurt you unintentionally nor intentionally. Thank you for this wonderful surprise. Thank you for coming into my life. And thanks to your ex that hurt you. Dahil kung hindi ka niya sinaktan, hindi mo maiisip na magbakasyon at hindi tayo magkikitang muli." He sensed confusion from Hanxi from his last sentence. So he added, "If you remember, I was your partner at Weng and Sky's wedding."
Si Sky unang ikinasal sa kanilang magkakaibigan. Coincidentally Hanxi and Weng were also friends.
"I love you, heart. I promise to protect you, love you, to respect you and to honor you as my wife. I will hold your hand till the end. I love you," pagtatapos na litanya ni Ethan.
"Now may we hear the bride?" aniya ng pari.
Kinuha naman ni Hanxi ang mikropono mula sa asawa.
"Sweet, I apologize kung pinag-alala kita. But I am not sorry for surprising you. I know you should be the one waiting at the front. And walking down the ailse is every woman's dream. But I want us to have a unique wedding. As the song says 'all my life I was searching'. I was searching for someone who will love me truly. I made a mistake for loving my ex. But isn't it a part of loving? Hurting wasn't just a part of loving someone but it is also one foundation of becoming a tougher person.  You were right we must thank my ex. Dahil kung hindi niya ako sinaktan ay hindi tayo magkakatuluyan."
Hanxi paused for a while and tried to catch her breath. She has some minor discomfort during her pregnacy. One of which ay madali siyang hingalin. But her OB said it is normal as long as she must take extra precautions when moving around.
"Everything happened so fast. Para lang tayong nasa isang pilikula na nagfast forward. We always say we take things slowly, but it always turns the other way around. Sweet, hindi ako nagsisisi na makasal kaagad sa 'yo. We may not know each other that much but we have a lifetime getting to know each other. Thank you for coming into my life. Thank you for being the reason behind my happiness. Thank you for being my man. Life may give me hard times, thrill, suspense, and mysteries to solve. But I will never be afraid on solving and discovering them as long as we are together. I promise to love you, honor you, and cherish you as long as we live. " aniya Hanxi.
"As the power vested upon me you may now kiss the bride," pagtatapos ng pari sa seremonya.
Ethan slowly unviel her viel and stare her pretty face.
"I love you, Heart," ani Ethan.
"I love you too, Sweet," Hanxi answered smiling.
Their lips meet kasabay ng paglubog ng haring araw. Isang araw na patapos na siyang bagong panimula sa kanilang mag-asawa.
They both realize that having each other all the time will be much easier to solve the problems than facing it alone.
Alam nilang marami pang pagsubok na darating sa kanilang pagtahak sa panibagong level ng kanilang buhay pero pareho silang determinadong huwag bumitaw sa isa't isa at sabay na sumuong sa anumang hamon ng buhay.
—WAKAS—
MARAMING SALAMAT PO SA PAGSUBAYBAY KINA ETHAN AT HANXI.

Komento sa Aklat (92)

  • avatar
    LalunaDeity

    Highly recommend story!😭❤️ Padayon!!!

    08/04/2022

      0
  • avatar
    Angel Rose Manlusa

    so cool

    29/10/2025

      0
  • avatar
    Jeff D. Talabor

    thanks

    16/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo