logo text

Chapter 28 (Marry Me Again)

MAKALIPAS ang isang linggo ay bumalik sila OBGYNE para sa scheduled check up ni Hanxi.
"Well maayos naman ang kalagayan ng mag-ina mo, Mister Gulmatico. I am surprised na maayos na ang kapit ni baby. Last week ay medyo mahina ito pati ang kanyang heartbeat but now the baby is very much okay," saad ng doktor.
"Salamat po, dok," nakangiting sagot ni Ethan.
Marami pang ibinilin ang doktor sa kanilang mag-asawa.
Malapit na sila sa kanilang bahay nang madaanan nila ang stall ng mga prutas sa gilid ng kalsada.
"Ahm, Sweet," tawag ni Hanxi sa asawa.
"Yeah?" nakangiting tanong nito.
"Can we buy manggang hilaw?" kiming tanong niya rito.
Takam na takam siyang nakatingin sa nakadisplay na mangga sa gilid. Red light din kasi. Nakangiting tumango ito at itnabi sa gilid ang kanilang sasakyan malapit sa nagtitinda.
Agad namang lumapit sa kanila ang nagtitinda ng makitang ibinaba ni Hanxi ang salamin ng bintana.
"Ma'am, mangga po. Kapipitas lang po nito kaninang umaga," alok nito sabay turo sa mga manggang nakatumpok ng tig limang piraso bawat tumpok. Sa hitsura ng mangga ay alam niyang manibalang na ito at masarap papakin. Binilang niya kung ilang tumpok iyon. Singkwenta kasi ang nakalagay na presyo bawat tumpok. Namataan niya ang isang kaing ng manga na sa tingin niya ay hindi pa nababawasan.
"Kuya, magkano po isang kaing niyan?" naglalaway na tanong niya na ikinagulat ng nagtitinda.
"Ha? A, e, ma'am, sigurado po kayo?" Maang na tanong nito.
"Opo. Manibalang po ba lahat iyan?"
"Opo, ma'am. Sariling tanim namin ito at wala kaming inispray na pamatay insekto," sagot ng nagtitinda.
"Talaga po. Sige po magkano po iyang isang kaing," muling tanong niya.
Nagdadalawang isip itong sagutin siya. Nakita niyang tumingin ito kay Ethan na nakikinig lang.
"Sweet, okey lang ba na bilhin natin ang isang kaing na iyon?" Baling niya sa asawa.
Nakangiting tumango lang ito.
"O, ayan kuya, ha. Pumayag na po asawa ko. Kaya ibenta n'yo na po," pangungulit pa niya sa nagtitinda.
"E, ma'am. Dalawampung kilo po ang laman ng isang kaing. At bawat tumpok po na iyan sa mesa ay isang kilo," sagot ng matanda. "Bale po isang libo isang kaing."
"Ganoon po ba. Sige po kuya iyang isang kaing po. Kung may sako po kayo ilagay niyo na lang sa sako para magamit n'yo pa ang lalagyan," nakangiting aniya.  Bumaba naman si Ethan ng sasakyan.
"Heart, stay here. Ako na ang magbabayad  tutulungan ko lang si manong,"  paalam nito. Nakangiting tumango naman siya rito.
Pagkatapos ng kalahating oras ay nasa bahay na sila at nilalantakan  na ni Hanxi ang ang mangga. Ang iba ang pinatago niya para mahinog. Nagpagawa rin siya ng pickles. O ang mangga na ibanabad sa garapon at lalagyan ng tubig na may asin.
"Heart, dahan-dahan sa pagkain. Baka sumakit ang tyan mo," saad ng asawa kay Hanxi habang magkaharap sila sa maliit na mesa sa kusina.
Lumabi lang siya rito.
"Tssk! Don't pout, heart, baka mahalikan kita rito, e," pabirong saad ni Ethan sa asawa. Halos mabilaukan naman si Hanxi sa narinig mula sa asawa
Agad naman siyang dinaluha ni Ethan. "Sweet, naman huwag ka namang manggugulat," aniya ng mahimasmasan.
"Sorry, heart. Your are more sexy when you are pouting. So you can't blame me," sagot naman nito.
Namula siya sa tinuran nito.
"And you are more beautiful when blushing," dagdag pa nito na lalong nagpapula sa kanyang pisngi.
"Stop it, sweet. I am not comfortable," aniyang hindi makatingin dito ng diretso at kunwaring ipinagpatuloy ang pagkain ng mangga.
"Heart," tawag nito kaya napatingin siya rito, "Will you marry me again?"
Napatanga si Hanxi sa narinig at napatitig sa asawang naghihintay sa kanyang sagot. Hindi niya napansin ang pulang kahon na nakabukas sa harap niya na hawak-hawak ni Ethan.
"S-sweet," tanging sagot niya. Narinig niyang tumikhim ito.
"Heart, I know we are already legally married. We were forced to get married, kahit unsure pa tayo sa ating nararamdaman. But Heart, sa loob ng mahigit isang buwan nating pagsasama sa iisang bahay ay sigurado na ako sa aking nararamdaman. Mahal na mahal kita. And I want you to be my lifetime partner. What we have been through made me realize that I can give up everything just to be with you. I am willing to risk my life just to save you. Now that we have our little sweetheart I can not let anyone harm you both. I will do everything just to keep you safe, dahil you are my everything. And I want to make it right. I want to give you your dream wedding. I want to say my words of promise in front of everyone with the blessing from the church. I want to tell the world how much I love you," mahabang pahayag ni Ethan.
Hearing his sweet and romantic words made her shed tears. Tears of joy. She wanted to laugh at the same time. But somehow she find it romantic.
"Sweet, every woman's dream is to get a romantic proposal from their partner. You know romantic ambiance. Dinner over candle light. Proposal under the moon or sunset. This is our caption for sweet and romantic proposal," nakangiting aniya.
But deep  inside she wanted to shout dahil sa kilig. Napansin niyang natigilan si Ethan at napakamot ng ulo. "But for me, your proposal just now was the most romantic one. You just casually ask me to marry you but your tone is full of love. You just told me what you feel with sencerity. You just prove me that being romantic is not about the ambiance, the surroundings, and the settings, but it is all about the the words and emotions of the proposer."
She cope his face with her both hands. Pinagdikit niya ang kanilang noo and look at him to his eyes.
"My answer is YES, Sweet. I will marry you again," nakangiting aniya and give him a smack on his lips.
Hindi matatawarang saya ang nakikita niya sa mata ng lalaki. Agad siyang kumalas dito at inilahad ang kaliwang palasingsingan. Agad namang kinuha ni Ethan ang  sixteen carat princess cut diamond ring mula sa kahon at isinuot sa kanya. And it fits perfectly on her.
Nang mga sumunod na araw at naging abala silang mag-asawa sa  pagasikaso ng kanilang kasal. Back to normal na ang takbo ng Penida Group of Companies at ang parents pa rin ni Hanxi ang nagmamanage nito. Saka na raw ito magtake over kapag nais nang magpahinga ng mag-asawa.
After almost two months of preparation ay dumating na ang araw na pinakahihintay nilang mag-asawa. Ala-una ang kanilang kasal.
Kalahating oras bago mag-ala-una ay nauna na sa simbahan si Ethan kasama ang mga abay niya. Napagkasunduan nilang sasabay na pupunta ang maid of honor at mga bride's maid kay Hanxi.
It's almost two o'clock at wala pa rin ang bride at mga abay nito. Kinakabahan na si Ethan dahil wala late na ng kalahating oras ang asawa. At nakaoff ang cellphone nito. Pati ang mga kasama nito ay hindi matawagan. Si June ang nagpresentang driver ng bridal car. Si Teejay naman ang sa sasakyan ng mga abay at parehong hindi rin makontak ang dalawa. Nag-umpisa na ring magbulong-bulungan ang mga tao.
Pumuwesto siya sa labas ng simbahan para abangan ang pagdating ng mga ito. Pero quarter to two na ay wala pa rin ang mga ito.
"Heart nasaan na ba kayo?" frustrated na saad niya. "Five more minutes!" aniya.
Makaraan ang ilang saglit ay pumarada ang bridal car sa harap ng simbahan. He  released a sigh of relief dahil narito na ang asawa. But napakunot ang nuo niya nang makitang bumaba si June at may mantsa ng dugo ang damit nito. May pasa din ito sa dalawang mata.
"June, where are they?" kinakabahang  aniya.
"P-pare, t-they kidnap Kap!" anito na hinihingal pa. Napapangiwi rin ito dala marahil sa sakit ng mga pasa nito.
"Who?" tiim ang bagang na tanong niya.
Hindi ito sumagot bagkos ay may inabot itong nilakumos na papel. Agad niyang tiningnan ito.
"Shit!" aniya. Agad niya inilabas ang kanyang cellphone at tinawagan si Doreamon.
Ilang minuto lang ay dumating na ang kanyang sasakyan. Agad siyang sumakay roon at pinaharurot papunta sa kinaroroonan ng asawa, with lout looking back or leaving a word to guest inside the church.

Komento sa Aklat (93)

  • avatar
    LalunaDeity

    Highly recommend story!😭❤️ Padayon!!!

    08/04/2022

      0
  • avatar
    Angel Rose Manlusa

    so cool

    29/10

      0
  • avatar
    Jeff D. Talabor

    thanks

    16/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata