Homepage/The Run Away Bride/
Chapter 27 (Kulam)
KINABUKASAN ay kaagad na tumulak papuntang Masbate si Manang Lourdes. Sa karagatan ng Masbate raw inihulog ang bagay na nilagyan ng kulam nilang mag-asawa. Kailangan daw ipasisid iyon upang makuha. Bago umalis ay maraming ibinilin ang matanda na pinakinggan nilang mabuti. Sampung araw daw itong mawawala.
Nagbilin din ito na magpanovena sa Mother of Perpetual Help. Kailangan daw malinaw ang pagkasabi ng dasal. Dahil kung hindi ay uulit silang magnovena. Humingi silang mag-asawa ng tulong sa mga katikistang namamahala ng chapel sa kanilang subdivision para magnovena araw-araw sa kanilang bahay.
Si Rhayne ang nagpakulam sa kanila. Matagal na raw sila nitong ipinakulam. Itinaon lang daw ng mangkukulam na mabuntis si Hanxi para hindi magduda ang ordinaryong tao na kinulam sila.
Makalipas ang sampung araw ay bumalik si Manang Lourdes. Dala nito ang mga halamang gamot na kakailanganin nilang mag-asawa. Matagumpay rin nitong nakuha sa karagatan ng Masbate ang pinaglagyan ng kulam. Dalawang manika lang iyon. Ayon kay Manang Lourdes dahil buntis si Hanxi ay madadamay talaga ang bata kahit hindi ito kasali sa kulam.
Kinagabihan ay doon sa silid ni Manang Lourdes naglagi ang mag-asawa. Magdamag itong lumuhod sa harap ng Berhing Maria at may telang kulay pula na nakalatag sa tabi ng rebolto. May mga nakasulat na hindi nila maintidihan. Sa gitna ay may hugis tatsulok at may mata sa gitna niyon. May hawak din si Manang Lourdes na isang yari sa kahoy na hugis tatsulok at may nakaguhit na mata sa gitna. "Bantala" ang tawag nito sa bagay na iyon.
Bago ito nagsimula ay dinikdik muna nito ang mga halamang gamot at hinalo. Pinainum nito kay Hanxi ang mga iyon. Mapait na mapakla ang lasa.
Habang umuusal ng dasal si Manang Lourdes ay nakaramdam ng hilab ng sikmura si Hanxi. Agad naman itong dinaluhan ni Ethan.
"Heart, okey ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Ethan sa asawa.
"Sweet, nasusuka ako. Humihilab ang tyan ko," naiiyak na saad nito.
Bago pa makapagsalitang muli si Ethan ay sumuka na si Hanxi. Kulay berde ang sinusuka nito at napakalapot. Nag-aalala siya dahil baka maapektuhan ang bata sa sinapupunan ni Hanxi.
"Isuka mong lahat, iha. Iyan na ang kulam na nasa katawan mo. Ikaw ang pinainom ko dahil ikaw ang unang tinablan ng kulam. Kung nagtagumpay ang mangkukulam ay susunod ang iyong asawa," saad ni Manang Lourdes na saglit huminto sa pag-usal ng dasal.
Muli itong nag-usal ng dasal habang nakaluhod pero bigla nitong itinaas ang dalawang kamay at pinagkrus.
"Hindi ka magtatagumpay sa iyong binabalak! Kaya kung ayaw mo pang mamamatay tumigil ka na!" biglang sigaw nito.
"Sweet, masakit ang tyan ko," naiiyak na saad ni Hanxi at muling sumuka ng kulay berde.
Tumayo si Manang Lourdes kinuha nito ang pulang tela na nasa gilid ng rebolto. Inihampas nito iyon sa bandang likod ni Hanxi habang nag-uusal pa rin ng dasal sa lengwahe na hindi nila maintindihan.
Unti-unti nagiging kulay puti at medyo tubig na ang sinusuka ni Hanxi. Si Manang Lourdes naman ay parang nakikipag-away sa hangin dahil panay hampas nito ng hawak na tela at panay ang dasal.ay mga sugat na ito sa braso.
"S-sweet, hindi ko na k-kaya ang sakit," umiiyak na saad ni Hanxi.
"H-heart, hold on," nag-aalalang saad niya dito.
Nais niyang patigilin si Manang Lourdes pero hindi niya magawa. Marami na itong sugat at parang kalmot sa katawan. Ngayon naman ay parang may sinasakal ito sa hangin.
"Hindi ko hahayaang manaig ka! Binalaan na kita na tumigil ka pero hindi ka nakinig kaya pasensiyahan na lang tayo!" ani manang.
Patuloy pa rin ito sa pag-usal ng dasal. Tuluyang nawalang ng malay si Hanxi.
"Iho, bantayan mo ang asawa mo. Huwag kang aalis sa tabi niya," anito habang abala ito sa pagtali ng kung ano.
Itinapat nito sa kanila ang bantala nito at umusal uli ng isang dasal. Pagkatapos ay muli itong bumaling sa itinali nito sa hangin kanina. Umasal ito ng isang dasal na pasigaw. Pagkatapos noon ay parang may dumaan na malamig na hangin. Kitang-kita ni Ethan ang itim na usok na nagmumula sa katawan nila ng asawa na tinatangay ng malamig na hangin.
"Kulam na ipinataw ikaw ay bumalik sa taong nagnanais na kulamin ang mga taong nilapatan mo! At sa kanya ilapat ang kulam na dapat sana sa mag-asawang nais niyang sirain!" saad ni Manang Lourdes at pinasundan ng mga dasal na hindi maintindihan.
Makalipas ang ilang minuto ay nagkamalay si Hanxi.
"Iho, magpahinga na kayo ng asawa mo. Ako na ang bahalang maglinis dito. Mag-aalas singko na ng umaga," saad ni Manang Lourdes. "Pumanhik na kayo sa inyong silid. Dalhin ninyo ang mga batong ito at ilagay sa ilalim ng inyong higaan at sa bintana. Palitan niyo rin ang inyong mga damit at mamaya paggising ninyo ay susunugin natin. Wala na ang mangkukulam. Patay na siya. Dahil ayaw niyang bawiin ang kulam sa inyo kaya nilabanan ko siya. Ang usok na nakita mo kanina iyon ang itim na orasyong nakabalot sa inyo. Natanggal ko na ang kulam sa inyo. Maayos din ang inyong anak. May mga halamang gamot akong ipapainom sa asawa mo para bumalik ang kanyang lakas at para mas kumapit ang anak ninyo. Medyo mahina kasi ang kapit niya. Huwag kang mag-alala safe ito sa buntis. Huwag mo lang banggitin sa kanyang doktor dahil hindi naniniwala ang medisina sa kulam."
"Manang, maraming salamat po. Manang, huwag n'yo pong mamasamain magkano po ang ibabayad namin?" Saad ni Ethan.
"Iho, hindi ako naniningil sa paggamot ko. Maari kang maglagay ng kaunting halaga riyan sa rebolto. Kung napapansin mo may maliit na kahon sa reboltong iya. Dahil dyan nilalagay ng mga nagpapagamot ang kanilang binabayad sa akin pera kailanman ay hindi ko ginagalaw iyan dahil oras na galawin ko iyan ay mawawalan na ng bisa ang panggagamot ko," sagot ni Manang Lourdes.
"Maraming salamat po, manang," saad na lamang ni Ethan.
"Sinumpa akong gagamitin ko ang aking kakayahan sa kabutihan, iho. Kaya tungkulin kong tulungan kayo," sagot ng butihing matanda sa kanya.
Tumango na lang siya at binuhat si Hanxi patungo sa kanilang silid. Dala marahil sa pagod at pagsusuka nito ay nakatulog ang asawa habang buhat niya ito.
Agad niyang pinalitan ang damit nilang mag-asawa at binalot sa plastik ang mga hinubad na mga damit. Sinunod niya ang bilin ng matanda.
Kinahapunan ay nakatanggap sila ng tawag na galing sa NBI Manila kung saan nakadetain si Rhayne. Natagpuan daw sa selda nito ang babae puno ng pasa ang katawan at may bakas ng kadena sa leeg nito. Dilat din mga mata nito. Nagpadala kasi ng picture ng bangkay ni Rhayne si June sa cellphone.
Pinakita nila kay Manang Lourdes ang sinapit ni Rhayne.
"Anak, bumalik sa kanya ang kulam na pinapataw niya sa inyo. Dahil hindi siya nagtagumpay at malakas ang kulam na pinagawa niya kaya siya namatay," saad ng matanda. "Sayang siya maganda pa naman pero hinayaan niya ang sarili niyang kainin siya ng inggit."
"Heart, are you okay?" concern na tanong ni Ethan sa asawa nang mapansing malungkot ito.
"I am fine, sweet. Nakakalungkot lang na sinayang niya ang kanyang buhay dahil lang sa inggit," anito.
"Ipagdasal na lang natin siya, sweet," alo niya sa asawa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (92)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Highly recommend story!😭❤️ Padayon!!!
08/04/2022
0so cool
29/10/2025
0thanks
16/08/2025
0Tingnan Lahat