Homepage/Deal With My Devil/
Kabanata 48:
First Meeting
"Ngayon na ba talaga ha? Paano kung hindi niya ako magustuhan?" Kanina pa paikot-ikot si Graham at halatang kinakabahan kaya naman nilapitan na ito ni Allana at inayos ang kwelyo ng damit niya.
"Gray would be pleased to meet you. Relax ka lang. Siguradong matutuwa ang anak mo kapag nakita ka niya," pagkampante dito ni Allana.
Nang bumukas na ang pinto ay kinuha nito ang kamay ni Graham at isinabay ito sa paglalakad papasok sa bahay nila. Dumiretso sila sa sala kung nasaan naghihintay ang tinawagan ni Allana'ng mga magulang kanina. Kasama ng mga ito si Gray. Naghaharutan ang mag lola habang ang ama naman ni Allana ay tahimik na nanonood sa dalawa.
Nagyuko ng ulo si Graham bilang pagbati sa mga magulang ni Allana. Ramdam niya ang masamang pagtitig sa kaniya ng ama ni Allana pero pinilit niyang ngitian ito.
"Mister Hernandez," bati niya dito. Pakiramdam niya ay gusto siyang sugurin ng sapak nito. Kita niya kasi ang pagtatagis nang bagang ng matanda. Tila umuusok din ang ilong nito at parang gusto siyang suwagin gamit ang tinatago nitong sungay. Minsan na siyang napag-tripan nito kaya kahit papaano ay alanganin siyang lapitan ito. Alam niya rin na ito ang gumawa ng lahat nang paraan para hindi niya malaman ang kinaroroonan ni Allana. Kahit papaano ay ayaw na niyang kalabanin ito. Not now, lalo na at maayos na ang kalagayan nila ni Allana.
"Tsk." Allana's father, tsked. Lalo tuloy naramdaman ni Graham ang pagkadis-gusto nito sa kaniya. Mabuti nalang at naroon sa tabi niya si Allana. Meron siyang kakampi kung sakaling pag-initan siya nito.
"Mommy." Patakbong lumapit si Gray sa kanila. Tumingin ito sa kaniyang ina pagkatapos ay tiningnan nito ang magkahawak na kamay ng dalawa.
Binitawan ni Allana ang kamay ni Graham. Naupo siya sa harap ni Gray para makita ng mabuti ang mukha ng anak. "Hindi ba gusto mo ng makita ang daddy mo," aniya dito.
Tumingin si Gray kay Graham tapos bumulong ito sa tenga ng ina. "Siya po ba ang daddy ko? Bakit para pong wala naman siyang sakit mommy? At saka hindi po niya kamukha iyong lalaki doon sa mga pictures na ipinapakita ninyo sa akin. Diba po kulay red ang mata ng daddy ko?" Natawa si Allana sa sinabi ng anak. Ginulo nito ang buhok ni Gray.
Kaya naman kasi kulay pula ang mga mata ni Graham sa lahat ng larawan na ipinakita niya dito ay dahil iyon sa kagagawan niya. Pinagsusulatan niya kasi ang mga iyon gamit ang kulay pulang ballpen. Nagawa niya iyon noong mga panahon na masamang-masama pa ang loob niya sa lalaki.
"Alam mo kasi baby, ng malaman niya na gustong-gusto mo siyang makita ay pinilit niyang magpalakas. Magaling na siya ngayon kaya hindi na mapula ang mga mata niya," paliwanag nito sa anak.
Muling tumingin ang bata sa ama niya. Tumayo na si Allana at tumango kay Graham.
"Hi Gray."
Nang makita naman ni Graham ang pag senyas ni Allana ay agad siyang nagsalita. Kahit naiilang siya sa ama ni Allana ay pinipilit niyang maging natural sa harap ng anak niya.
Sa totoo lang, nang makita niya ito ay gustong-gusto niya agad itong takbuhin ng yakap. Nag alangan lang siyang gawin iyon dahil inaalala niya na baka mabigla ang bata sa kaniya. Ayaw niyang madaliin ito kaya pinili niyang maging kalmado.
"Daddy Graham?" tawag sa kaniya ng bata.
Napangiti si Graham dahil sa narinig niya. Saglit siyang nagtapon ng tingin kay Allana. "Salamat," walang boses niyang sabi dito. Nagpapasalamat siya dito dahil hindi nito inilihim sa anak nila ang tungkol sa kaniya.
"Hi Gray."
"Daddy ko." Niyakap siya ni Gray. Ang inaasahan niya ay maiilang ito sa kaniya pero nagulat siya ng mainit siya nitong tinanggap.
Napapikit siya. Ginantihan niya ito ng yakap. May kaunting panghininayang sa isip niya. Ang daming panahon na nasayang dahil sa kaniya. Hindi niya ito nakitang lumalaki. Hindi niya ito naturuang maglakad. Hindi niya narinig ang pag-iyak nito kapag nagugutom. Ngayon ay ang laking paghihinayang tuloy ang nararamdaman niya.
"Magaling ka na po ba talaga?"
Binitawan na niya ang anak at hinawakan ang mga kamay nito. "Pinag-pray mo ba ako?"
"Opo. Araw-araw po akong nagpe-pray. Sabi kasi ni mommy kailangan ko raw pong gawin iyon para makasama ka na namin kaya everyday ko po iyong ginagawa."
"Kaya naman pala ang bilis naging strong ng daddy e," aniya dito sabay pakita ng muscle niya sa braso.
"Ibig sabihin po no'n ay dito na po kayo titira? Magkakasama na po tayo?"
"Ahem..." Napalingon si Graham sa ama ni Allana ng marinig niya ang pagtikhim nito. Lumapit ito sa kanila. Hinarap nito si Gray ng nakangiti. "Apo, pwede ko ba munang kausapin ang daddy mo?" anito sa bata.
"Pero papalo, hindi pa po kami tapos mag-usap." Sumimangot naman si Gray. Agad nitong ipinakita ang pagka dos-gustong nito sa hinihiniling ng lolo niya.
"Sandali lang naman apo. May kailangan lanh kaming pag-usapan ng daddy mo."
"Eh baka po umalis na mamaya si daddy. Hindi ko pa po siya nai-invite sa birthday ko."
"Don't worry, hindi pa aalis ang daddy mo. Iyon nga ang pag-uusapan namin e. Gusto ni papalo mo na masiguradong pupunta ang daddy mo sa birthday mo."
"Talaga po?" bigla namang nagbago ang ekspresiyon ng bata. Bigla itong ngumiti at nagdiriwang na humarap sa kaniyang ina. Lumapit na sa kaniya ang lola niya at kinuha siya nito.
Si Allana naman ay ayaw pa sanang iwan ang dalawa pero ipinagtabuyan na rin siya ng kaniyang ama.
"Dad."
"Samahan mo na sina Gray. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko lang ang lalaking ito. Hindi ko siya papatayin dahil siguradong iiyak ang apo ko." Pagkampante nito sa kaniya.
Pagkaalis na pagkaalis ni Allana ay hinarap kaagad ng matanda si Graham. Ang akala niya ay sasapakin na siya nito dahil wala na silang kasama pero kalmado lang itong nagsalita. "So, here you are again..." pagsisimula nito.
Napayuko naman nang ulo si Graham. "I'm sorry po."
"You should be. Alam mo ba kung gaano mo pinasakit ang puso ng anak ko ha?"
"Alam ko po iyon. At nangangako po ako ngayon na hinding-hindi ko na po sasaktan ang anak ninyo."
"Good. Siguraduhin mo lang Graham. Dahil kapag muling umiyak ang anak ko nang dahil sa iyo... Talagang malilintikan ka na sa akin." Duro nito sa kaniya.
"Opo. Pangako po mister Hernandez. Hinding-hindi ko na sasaktan ang anak ninyo."
"Isa pa. Ayoko ng tatawagin mo akong mister Hernandez."
"Po?"
"Magiging tunay ka ng parte ng pamilya kaya papa na ang itawag mo sa akin."
Nangislap ang mga mata no Graham dahil sa narinig niya. Nginitian naman siya ng ama ni Allana. "Lahat ng mahal nang mga anak ko ay mahal ko na rin kaya kahit hindi naging maganda ang simula natin ay masaya ako dahil ipinakita mo ang totoong intensiyon mo sa anak ko. Kahit ilang beses na kitang ipinadampot sa mga pulis dahil sa araw-araw mong panggugulo dito ay hindi mo parin sinukuan si Allana. I'm so proud of you."
Sa tuwa ay biglang nayakap ni Graham ang matanda. Tinapik-tapik naman nito ang likuran niya. "Welcome home..."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (39)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I really like ur story. I can't believe na natapos ko ito ng 1day. ෆ
08/05/2022
1nice
07/08
0ganda🥰🥰
12/01
0Tingnan Lahat