CHAPTER EIGHT

Chapter 8
***
Sabado ngayon at dahil walang pasok ay hayahay lang ako ngayon sa bahay. Tapos na ako sa paglilinis at paglalaba, maging sa iba pang nakatokang trabaho sa akin kaya naman gugulong-gulong na lang ako ngayon sa kama. Nagsawa ako sa kagugulong kaya naman naisipan kong mag-bending para na rin malaman kung kaya ko pa bang gawin iyon pero nahulog ako sa kama nang bigla na lamang sumulpot si France sa pintuan ng kuwarto ko. Sumilip naman si Paris dala yata ng curiousity dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko.
"Nakakagulat ka naman, France!" Bulyaw ko nang mahulog ako dahil sa kaba. "Nasa baba sina Ate Maia," saad niya saka tumalikod kaagad.
"Sinasaniban yata si Ate ng masamang espiritu. 'di ba ganoon 'yung mga nasasaniban?"
"Sabihin natin kay Papa, para ipa-bless ulit 'yung bahay,"
"Hindi ako sinasaniban, mga baliw!" Sigaw ko kasunod ng pagsigaw ko ang pagtakbo naman ng kambal. Ako? Sasaniban? May maganda bang sinasaniban ng masamang espiritu?!
Nang maalalang may bisita ako ay agad akong bumaba para harapin sila. "O, ba't kayo napadpad dito?" Bungad na tanong ko sa kanilang tatlo. Kumunot naman ang noo ko nang makitang bihis na bihis si Myrtés. "Saan ka pupunta? May date ka?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Ang tangang 'tong kasi akala yata magmo-mall kaya gumora ng ganyan!"
"You told me kasi na magbihis e! You didn't tell me na dito pala kina Sachzna ang punta natin!"
"So, nagpunta kayo sa bahay para magbangayan?" Nakataas-kilay kong tanong sa kanila. Nagsisihan naman ang dalawa pero nanahimik din. Nag-usap kaming apat sa sala pero lumipat din kami sa kuwarto nang may bisitang dumating. "Ang cute ng kuwarto mo," turan ni Coralynn nang makapasok na sa kuwarto. "Spacious!"
"Hindi halatang fan ka ng Fifty Shades ah?" Sarkastikong saad ni Maia nang makita ang tatlong CD at libro ng nasabing palabas. "Gaga!" Tanging nasambit ko.
Nagkikuwentuhan at tawanan kami nang bigla na lamang sumulpot muli ang kambal. Close din sila sa mga kaibigan ko kaya naman lahat kami nakakapag-usap.
"Umalis na kaya sila?"
"Siguro. Saan kaya sila pupunta?"
"Hindi ko alam. Gusto ko sumama kay Kuya pero sabi niya sa susunod na lang daw,"
"Ako din. May pasalubong naman daw siya mamaya e. 'di ba?"
"Sinong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Maia sa kanilang dalawa na mukhang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Pati sa usapan ng bata, nakikitsismis! Mas malapit kasi ang puwesto ni Maia sa kambal kaya naman maririnig niya ang sinasabi ng mga 'to.
Napanguso naman si Paris. "Si Kuya po, umalis kasi sila e," tumayo si France at nagpaalam na magsi-CR lang daw. Hindi ko alam kung bakit bumaba pa siya gayong may CR naman sa kuwarto ko pero... Hayaan na nga.
Si Vern?
"Sila? Sinong kasama?" Tanong naman ni Coralynn. "Baka sina Tita kasama niya, naalala ko may lakad daw sila ngayon e," sagot ko sa tanong ni Coralynn.
Sumingit naman si France sa usapan namin nang makabalik na ito. "Nasa baba po si Tita Mommy, kausap si Mama," napakunot naman ang noo ko. Kung hindi si Tita Jamie ang kasama niya... Sino?
"Maganda po 'yung babae e. Sophie po yata pangalan,"
"SI SOFIA?!" Sabay-sabay naming banggit sa pangalan ni Sofia nang maisip na ito ang kasama ni Vern. Agad naman kaming napatingin kay Coralynn na shocked na shocked sa nalaman. "Let's go to the mall," biglang aya ni Myrtés sa amin. Naibaling naman namin kaagad ang tingin sa kaniya. "Really? Pagmo-mall ang naiisip mo ngayon? Alak ang sagot sa nagluluksang puso ni Coralynn, Marites. Hindi Mall!" OA na sagot ni Maia kay Myrtés na nakangiti lang.
"Don't you think na hindi sila mapapadpad sa mall? Nah! Doon 'yun pupunta for sure!"
"And? Anong gagawin natin kung nandoon nga sila?"
"SPY!" Sabay na sagot ni Coralynn at Myrtés na nag-apir pa nang malamang iisa ang naiisip nila. Napatampal naman ako sa noo.
"Don't bother na magbihis. I'll treat y'all," dugtong pa ni Myrtés kaya naman agad silang tumayo habang nakasalampak pa rin ako sa kama. "Time's running. H'wag ka na tumunganga d'yan. Tara na!"
---
"Huwag na kaya nating ituloy 'to?" Nag-aalinlangang sambit ko nang makarating na kami sa labas ng Mall. Napairap naman sina Myrtés at Coralynn dahil sa sinabi ko. "Hayaan mo na lang, besides, si Myrtés naman gagastos," bulong ni Maia sa akin na kinukumbinsi ako. Dahil nasa tapat na rin naman kami ng Mall at mukhang wala na akong magagawa ay tumuloy na kami sa loob. Nag-ikot-ikot muna kami hanggang sa maisipan ni Myrtés na pumasok sa loob ng isang boutique. Nagsimula siyang tumingin ng mga damit na sinabihan pa kaming maghanap din ng sa amin na sinunod din naman namin. Pumunta ako sa sulok kung saan naroon ang mga dresses at habang namimili ay napansin ko ang pigura ng isang babaeng kilala ko kahit nakatalikod... Si Sofia!
Nataranta ako nang makita si Sofia na kasama nga si Vern habang namimili ng damit kaya naman nagmamadaling hinatak ko palabas si Coralynn. Nagtaka naman ang dalawa pa sa inasal ko. "What's going on, Sachzna?"
Anong sasabihin kong dahilan para mapalabas sila sa boutique? "M-Masakit kasi tiyan ko... Aray..." Umarte naman akong masakit ang tiyan. Mukhang umepekto naman ang ginawa ko dahil agad na lumabas ang dalawa pa at hinanap namin ang Ladies Room. Agad akong pumasok sa cubicle at nagpasalamat ng tahimik dahil napaalis ko sila doon. Umihi na lang ako at lumabas din kaagad. "O ano? Hindi na ba masakit tiyan mo?" Nag-aalalang tanong ni Coralynn sa akin. Ngumiti naman ako at umiling. "Wala na. Tara?"
Lumabas na nga kami ng Comfort Room at naglakad-lakad. Nang may makita na namang Jewelry Shop itong mayamang babae na kasama namin ay agad na pumasok ito roon na sinundan naman namin at pagkakataon nga naman, nandito na naman sila!
"Si Vern!" Mahinang sigaw ni Maia habang hinahampas-hampas ako. Nakita naman namin ang eksena ng dalawa na isinusukat ni Vern ang kuwintas kay Sofia na ngiting-ngiti at mukhang kinikilig. Nag-alala naman kami sa magiging reaksyon ni Coralynn kung sakaling makita ang dalawa sa ganoong sitwasyon kaya muli, hinila namin si Coralynn at Myrtés palabas ng shop. "Ang papangit ng jewelry nila," saad ni Maia para makumbinsi si Myrtés na sumang-ayon naman. "True. Ang cheap ng designs,"
Napahinga naman kami ng maluwag ni Maia. "Siguro nga tama ka, huwag na natin ituloy 'to," bulong niya. "Pa'no naman natin kukumbinsihin 'yung dalawa na tumigil na sa pag-i-spy sa bestfriend ko?"
Natawa naman ng sarkastiko si Maia. "And you actually believed na mag-i-spy tayo? Tignan mo nga 'yang mayamang 'yan, pasok nang pasok sa mga store dito sa loob. Paano tayo makakapag-spy?"
"Sinama lang yata tayo niyan sa pagmo-mall niya e! Cover up niya lang 'yung sinasabi niyang pag-i-spy sa dalawa," dugtong pa niya na tinutukoy sina Sofia at Vern. "Anong pinagbubulungan niyo?" Biglang singit ni Coralynn sa amin.
"Nag-uusap kami kung saan masarap kumain. Nagugutom na kasi kami," pagsisinungaling ni Maia na sinang-ayunan ko. Ang totoo niyan, nagugutom na din talaga ako. Tanghali na yata ngayon at kumakalam na ang sikmura ko. "Let's eat something sa restaurant namin. For sure nandoon si Kuya," Myrtés suddenly said when she heard about our topic. "Dito ba banda 'yung resto niyo?" Tanong ko na tinanguan niya naman.
Naglakad kami nang naglakad hanggang sa matunton na namin ang sinasabing restaurant nina Myrtés at sa kamalas-malasang pagkakataon, nakita naming apat si Sofia at Vern na nagsusubuan.
"Tangina, wala bang kamay ang gagang 'yan?" Ang tanging nasambit ni Coralynn nang tumingin kaming tatlo sa kaniya. Alam kong nagulat siya sa nakita at nasaktan pero para hindi namin mahalata ay sinabi niya ang katagang 'yon. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya na sinundan ng tawa ng dalawa pa. "Seriously? Walang bakante?"
"Sorry, always full kasi ang resto namin because masarap magluto Daddy ko," sagot ni Myrtés kay Maia. Napangisi naman si Myrtés nang makita ang puwesto nina Vern na may space pa. Sa malaking mesa kasi sila nakapuwesto at dahil sa ngisi niyang iyon, mukhang alam ko na kaagad ang mangyayari.
"Myrtés, h'wag—"
"VEEERRNN!!!" Sigaw niya dahilan para mapatingin sa kaniya ang lahat ng tao sa resto, maging si Vern at Sofia na napahinto pa sa ginagawa. "You're here pala. Oh, is that Sofia? Hi!"
Awtomatikong naitampal ko ang kamay sa noo dahil sa ginawa niya. "Akalain mong may kagagahang taglay rin pala si Pudding Queen?" Sambit ni Maia na naiiling-iling habang sumunod naman si Coralynn sa isa. Nagtinginan kami ni Maia at sumunod din sa dalawa.
"Yna!" Masayang tawag ni Vern sa akin. Pilit na ngiti naman ang ginawa ko bago itinaas ang kamay para kumaway kahit magkaharap na kami. "Hi,"
Gusto ko mang sampalin si Myrtés dahil sa sunod niyang ginawa ay hindi ko magawa dahil nasa loob kami ng resto nila at isa pa, maraming tao.
"Can we share a table with you, guys?" Tanging pagpikit na lamang ng mariin ang nagawa ko habang gulat na gulat naman si Sofia dahil sa sinambit ng kaibigan ko. "We're actually on—"
"Sure! Have a seat. Magkaka-schoolmates naman tayo," nakangiting sagot ni Sofia sa amin. Umupo naman kaagad si Coralynn sa tabi ni Sofia na sinundan naman ni Myrtés. Hinila naman ako ni Vern sa tabi niya kaya tumabi si Maia sa akin. So, ang puwesto namin ay ganito...
Coralynn | Sofia | Myrtés
       (L A M E S A)
Maia | Me | Vern
Umorder na kami na kaagad din namang dumating. Si Alas pa nga ang naghatid sa amin at ganoon na lamang ang pagkunot ng noo ni Vern nang kausapin ko si Alas.
"Uy! Tumutulong ka dito sa restaurant niyo?"
"Kinda. It's boring kasi," sagot niya. Umalis din naman siya at sinabing may darating na free dessert dahil sa nirequest iyon ni Myrtés.
Kumakain kami ng tahimik nang biglang magtanong si Myrtés. "What are you two doing here pala? Are you on a date?"
"Yes," diretsong sagot ni Sofia. Napatingin naman ako kay Vern na nakikinig lang. "Actually, this is our first date as a couple," dagdag pa niya. Halos mailuwa ko naman ang kinakain nang marinig iyon.
As a what? "Couple? Kayo na?"
Tumango-tango naman siya. "Kasasagot ko pa lang sa kaniya today,"
"Vern, you're officially mine now,"

Komento sa Aklat (108)

  • avatar
    Rosalie Dizon Carisma

    super ganda

    09/06/2025

      0
  • avatar
    Juliana Clarisse Lang Molina

    it’s been years and years binabalik balikan ko itonc basahin when po kayo mag-update

    06/06/2025

      0
  • avatar
    tarucandrea

    update na Po kayu author nag we wait Po ko ng update nyu po sa storing eto sayang Naman Po kung Wala ng kasunid at Hindi matatapos basahin Hanggang finale ang story pong eto....

    03/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata