Chapter 95

FRANCE ( pov )
Tinakbo agad namin si Anna sa ospital kahit medyo natagalan kami dahil sa nagkandaligaw-ligaw. Nag-google na lang kami para matuntun ang daan papuntang BGH. Ang dami pang sasakyan na nakaparking sa gilid ng daan papasok kaya nahirapan kami. Hinarang pa kami ng dalawang guwardiya pero nang nalamang may pasyente kaming dala, agad kaming inasikaso sa harap ng emergency room.
"Kami na hong bahala Sir. Pakifill up na lang po ang form sa may nurse station," sabi ng nurse na nag-entertained sa'min.
"Ako nang bahala sa form," nang sambitin sa'min 'yun ni Vin, agad kong nilapitan si Exxel. Kanina ko pa siya napapansing iba ang awra niya. Pagpasok pa lang namin sa resto, alam kong may nararamdaman na siyang kakaiba.
"Paano nangyari 'yun? Sa dami ng tao do'n sa park, bakit nasalisihan pa tayo?" Wala sa sariling sabi ni Alisson. Palakad-lakad siya sa harap ng emergency room habang nakahalukipkip. Pinanuod ko naman si Exxel na nakasandal sa pader habang nakatingin lang sa entrance ng ospital. Walang imik namang nakababa ang paningin ni Anthony, mukhang malalim ang iniisip niya.
"Yun din ang tanong ko Alisson. Ang lakas ng loob nang gumawa nito, pero ang nakakapagtaka kasi bakit parang kampante siyang hindi mahuhuli?" Nag-aalala ako para kay Anna. Pero mas nag-aalala ako sa susunod pang mangyayari sa kaniya.
"Hays! Sana hindi ako umalis sa tabi niya! Hindi sana mangyayari 'to," mababakas ang pagkainis sa sarili ni Alisson. Maski ako nakakaramdam ng guilt dahil pinabayaan namin si Anna. Nag-iisa namin siyang prinsesa tapos wala kaming nagawa para hindi siya masaktan.
"Hindi rin naman natin alam. Hindi natin inaasahan 'to Alisson. Saka alam kong matapang at malakas si Anna, kaya niyang makaligtas," hindi ko alam kung kay Ali ko pa din ba sinasabi 'yun o sa'ming lahat na. Hindi na din ako mapakali. Kinakain ako ng takot para sa kaligtasan ng lahat. Hindi ko alam kung paano ako makakatulong, kung paano namin malalagpasan ang lahat ng 'to.
Kinakagat-kagat ko ang kuko sa daliri habang hinihintay naming matapos sila sa pag-aasikaso kay Anna. Isang oras na marahil kami do'n at nakabalik na si Vin saka lang bumukas ang emergency room. Isang doktor at dalawang nurse ang lumabas.
"Relatives ng pasyente?"
"Kapatid niya ho ako Doc." lumapit agad si Alisson sa doktor. Kinuha ang files sa isang nurse bago tumango-tango sa'min.
"Buti na lang walang natamaang important organs sa kapatid mo. In her case hindi severe ang bleeding na nangyari sa tagiliran niya. Naagapan naman namin ang pagpigil sa dugong nawala sa kaniya. Don't worry Mr. Garcia, your sister is safe. P'wede niyo na siyang puntahan sa kwartong nilaan namin sa kaniya. Nurse assist them."
"This way please." iginiya kami ng nurse sa malawak na hallway. Namayani sa'ming magkakaibigan ang katahimikan. Walang nagtangka magsalita o magkomento man lang. Ang kaninang masaya naming pagtanggap sa magandang balita, lahat 'yun nawala sa nangyari kay Anna.
"Thank you," si Vin na ang huling kumausap sa nurse na nagdala sa'min sa kwarto ni Anna. Ang inaasahan ko, sa isang ward kami dadalhin ng nurse pero isang private room ang bumungad sa'min. Malinis at kompleto sa gamit.
Dumiretso si Alisson at Exxel sa tabi ng kama, kung saan nakahiga ang dalaga. Sa magkabilang gilid pumwesto ang dalawa. Malungkot na nakatingin sa maputlang si Anna.
Marahil naubusan ng lakas ang dalaga kaya mahimbing ang kaniyang pagkakatulog. Ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib ay normal lang na parang hindi humarap sa panganib. Makikita din ang aliwalas ng mukha niya kahit walang kulay ang kaniyang mga labi.
"Hindi ko inaasahang mangyayari 'to. Akala ko magsasaya lang tayo kapag nagpunta dito," basag ni Vin sa katahimikan. Siya ang nagbalita sa'min kanina na may umaaligid at nagmamasid sa'min. Lahat ay hindi inaasahang agarang susugod ang taong 'yun at ang puntirya ay si Anna.
"Walang may gustong mangyari ang ganito kay Anna, Vin," seryosong pahayag ni Anthony. Nangunot ang noo ko dahil iba ang pagkakadinig ko sa tono ng pananalita niya. Kilala ko si Anthony, mula ulo hanggang paa. Kahit ang ilang beses niyang pagkurap o ang normal niyang paghinga ay nasa isip ko na. Ang iba't ibang tono ng boses niya kapag natatakot siya, kinakabahan, masaya, malungkot o kung may inililihim siyang ayaw niyang malaman ng iba.
Hindi ko muna siya kakastiguhin ngayon dahil wala sa timing. Kailangan 'yung kaming dalawa lang. Hindi ko siya matatanong ng maayos kapag may pagdududa ko siyang kakausapin.
Ilang minuto pa lang kaming nakatayo do'n at nakatingin sa nakahigang si Anna, nang may kumatok sa pinto. Ako na ang kusang lumapit do'n at binuksan. Nabigla man sa tatlong pulis na nasa labas, nagbigay ako ng daan para papasukin sila.
"Good afternoon. I'm Police Officer Mcfuerry. Nandito kami para imbestigahan ang nangyari."
"Hi. I'm Vin Cortez. Ako na lang ang kausapin niyo dahil wala pang malay ang kaibigan namin."
Nagtataka ako sa kinikilos ni Vin ngayon. Mukha siyang abogado ni Anna na handang ipagtanggol ang dalaga. Hinayaan ko na lang silang magtitigan hanggang sa ang Police Officer ang unang napaiwas ng tingin at ngumiti.
"Hihintayin na lang naming magkamalay ang biktima. Siya ang kailangan naming makausap."
"Nando'n din naman ho kami sa pinangyarihan at mawalang galang lang ho Police Officer. Hindi namin nireport ang nangyari sa pulisya dahil aksidente lamang ang nangyari."
Tumalas na naman ang tingin ng Police Officer kay Vin. Ngayon lang sila nagkita pero kung magtitigan parang matagal na silang magkakilala.
"Bakit wala ba kayong balak na iparating sa batas ang nangyari? Buti na lang may concern cetizen ang nagreport sa'min," mababakas sa boses ng pulis ang sarkasmo. Gusto kong videohan ang pangyayaring ganito para sumikat ang pulis sa harap namin. Kaso huwag na lang, mas magandang ang gwapong mukha ko ang masilayan nila kesa sa pulis na 'to.
"Kung gano'n, hintayin niyong magising ang kaibigan namin." tinalikuran na ni Vin ang tatlong pulis. Nahagip pa ng paningin ko ang talas ng tingin nito kay Vin. Mukhang may galit pa yata 'to sa kaibigan ko.
Si Anthony na ang nag-asikaso sa mga hindi inaasahang bisita. Pero hindi pa sila nakakalabas ng kwarto ni Anna, nang dumating si Detective Benison. Kasama niya si Nurse Leya na agad lumapit sa nakahigang si Anna.
"Oh Benison! Kilala mo ba ang mga batang 'to? Mukhang hindi maganda ang pinasok nilang gulo!"
Natigilan si Detective Benison. Hindi niya marahil napansin ang tatlong pulis na nakatayo sa gilid ng pinto. Dumiretso agad kasi siya kay Vin nang makapasok ng kwarto.
"Major McFuerry, long time no see!" Hindi kababakasan ng pagkasabik ang mukha ni Detective. Mukha siyang nang-aasar sa kaharap habang mayabang na lumapit dito. Nakangisi naman ang pulis. Sinuyod ng tingin ang kabuoan ni Detective Benison.
"Hindi ko inaasahang makikita kita dito Ex-Convic Dexter Benison. Buti hindi ka na sumasali sa mga gulo," sarkastiko pa itong natawa. Nang balingan ko si Detective nakangiti lang siya.
"Hindi ko din inaasahang makikita din kita dito Ex-Police General, Ex-Major na ngayon ay sa traffic inforcer na. Nagtataka lang ako kung bakit ikaw ang nandito at hindi ang mga police sa presinto?" Halata na sa mukha ng Major ang pagkapikon kay Detective. Nanunuod lang kaming magkakaibigan habang nagpaplastikan sila.
"K-kami ang nando'n kaya kami na ang nagpunta dito, pero hindi pa gising ang pasyente. Babalik na lang marahil kami kapag p'wede na siyang kausapin."
"Hindi na kailangan police officer. Sa akin pinaaalaga ang mga batang 'to kahit itanong mo pa sa nakakataas sa'yo." nakataas ang mukha ni Detective. Halatang nagmamalaki.
"Kung gano'n, aalis na kami," nang makaalis ang tatlong police. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko maghuhugutan pa sila ng baril sa harapan namin dahil sa matatalas nilang pananalita. Nang maisara ni Anthony ang pinto, saka dinala ni Detective si Vin malapit sa bintana. Hindi na namin sila naririnig dahil mukhang nagbubulungan silang dalawa.
"Huwag mo na silang pansinin France," mahinang sambit ni Anthony sa'kin. Binabalot kasi ako ngayon ng pagiging tsismoso ko. Alam kong may inililihim na naman sila sa'min, hindi lang sa'kin. Nakakabigla din kung bakit nandito si Detective Benison at Nurse Leya. Binalewala ko na lang at binigay ang atensyon sa mga natirang kaibigan.
"Uuwi na din tayo ngayon. Aasikasuhin ko lang ang pagdischarge ni Anna. Hindi kayo ligtas kapag magtatagal pa kayo dito," agad na ding lumabas ng kwarto si Nurse Leya. Naguguluhan man sa mga nangyayari ay nakikiayun na lang ako sa mga gusto nilang gawin. Wala naman akong maitutulong na iba kundi manahimik lang sa isang tabi.
Ilang beses kong naririnig kay Anthony ang malalalim niyang buntong hininga. Si Exxel na hawak ang isang kamay ni Anna. Si Alisson na mababakas ang lungkot na nakatingin sa kapatid. Nilingon ko din si Vin at Detective Benison na nakatingin na sa nakahigang dalaga.
Parang may mali. Hindi ko alam kung ako lang ba? O talagang pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. Gusto kong magtanong. Gusto kong masagot lahat ng gumugulo sa isip ko. Pero ni pagbukas ng mga labi ko ay hindi ko magawa. Naikuyom ko na lang ang mga kamay habang malalim na nag-iisip.
Kung hindi ko makuha sa kanila ang mga sagot sa mga katanungan ko, ako na mismo ang gagawa para malaman ang mga 'yun.
ANTHONY ( pov )
Nasa biyahe na kami pabalik ng Mabini. Hindi na ako magtataka kung didiretso kami sa bahay nila kuya Eisteine o sa quarters, dahil mas safe ang lahat kapag kasama ang magkapatid na Alcantara.
"Bakit hindi natin sinakay si Anna sa ambulansiya. Safe ba na ganiyan lang siya?" Napapansin ko kanina pa si France na maraming gustong sabihin. Maraming gustong tanongin. Hindi ko alam kung bakit nanahimik lang siya at wala ni isang binabanggit tungkol sa nangyayari.
"Okay lang France. Hindi naman malala ang nangyari kay Anna. Don't worry akong bahala," nakangiting paliwanag ni Nurse Leya kay France. Tumahimik na lang ulit siya habang nakatingin lang sa labas ng bintana. Nakokonsensiya ako dahil hindi ko man lang maibahagi sa kaniya ang lahat ng nalalaman ko.
Sa kanilang lahat, si France ang pinakamatagal ko nang kilala. Napalapit na ako sa mga magulang niya, pero ni minsan hindi pa niya nakikilala ang pamilya ko. Hindi ko din binalak na ipakilala pa siya sa kanila. Mapapahamak lang si France kapag nalaman ng pamilya kong malapit ako sa kaniya.
"Hindi p'wedeng maglalapit ka sa Delgado na 'yun Anthony! Ako nang nagsasabi sa'yo. Lumayo-layo ka sa kanila habang maaga pa!"
Noong nalaman ni Dad na kaibigan si France, ang mga salitang 'yan ang binungad niya sa'kin.
"Ganiyan nga! Si Cortez ang lagi mong lapitan! Pero may advantage din ang pagiging malapit mo sa anak ni Delgado kaya hahayaan na lang muna kita. Basta sabihan mo ko sa anomang ginagawa at plano nila."
Kalaunan ay mga katagang 'yan ang mga sinasabi nila sa'kin. Wala akong magawa, dahil kapag hindi ko sila sinunud may masasaktan, magkakagulo at 'yun ang ayaw kong mangyari. Pero mukhang nag-uumpisa na ang kinatatakutan ko.
"Hoy Pangilinan! Tinatanong kita kung may dala kang pagkain, nagugutom na ako!" nakanguso si France ng balingan ko siya. Bigla akong natawa dahil ang pangit ng itsura niya.
"Oh 'yan lang nasa bulsa ko." inabot ko sa kaniya ang pagkatago-tago kong tsokolate. Paborito ko pa naman 'yun.
Napailing na lang ako ng hindi na niya ulit ako inimik. Tahimik niyang nilantakan ang tsokolateng ilang araw ko na ding laging dala. Kumakain ako no'n kapag malalim akong nag-iisip. Ngayon hindi ko na alam kung gagaan pa ang pakiramdam ko dahil wala na akong tsokolate.
Madilim na ng binaling ko ang paningin sa labas ng bintana. Tahimik na din ang lahat. Sabagay kanina pa walang umiimik habang nagbibiyahe kami. Mukhang lahat malalim na nag-iisip simula ng may mangyari kay Anna kanina.
Alam ko, nakokonsensiya ako dahil alam kong may mangyayaring ganito. Ayoko naman talagang isaalang-alang ang buhay ng mga kaibigan ko pero kapag hindi ako sumunod sa gusto nila, mas maraming mapapahamak. Mas maraming mamamatay.
Inuusig ako ng konsensiya ko. Sa simula pa lang ng kaguluhang nangyayari. Alam ko nang hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng 'to. Ang pagligtas sa'min ni Vin noon. Ang pagiging magkakaibigan namin. Ang nangyari kay Anna. Ang pagiging magkakaibigan naming lahat. Bumuntong hininga ako.
Lahat ng 'yun, planado. Simula pa lang. Lahat 'yun planado na ng pamilya ko. Agad na nanikip ang dibdib ko. Halos hindi ako makahinga. Nanuyo ang lalamunan ko at gusto kong iiyak lahat at sabihin sa kanilang kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit nagkagulo ang mga buhay nila. Kasalanan ko kung bakit halos habulin sila ni kamatayan.
"Hoy Anthony, ano diyan ka na lang?" Tinapik pa ako ni France. Nagulat ako dahil nakita kong nasa harap na ako ng bahay kung saan ako nakatira ngayon.
"Salamat. Mag-iingat kayo," matapos naming magpaalamanan, hinintay kong mawala sa paningin ko ang sasakyan bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nasilaw pa ako dahil sa biglang pagbukas ng mga ilaw. Hindi na ako nagtaka nang makita kong nasa harap ko siya. Nakangisi pero masama ang tingin sa'kin.
Bagsak ang mga balikat kong lumapit sa kaniya. Kahit na nasaktan nila ngayon si Anna. Hindi na naman sila matutuwa. Sa'kin na naman nila ibabaling ang galit. Sa'kin na naman nila ibabaling ang hinanakit at sama ng loob. Kahit na sa loob ko ay pagod na pagod na akong sumunod sa kanila. Wala akong magagawa dahil pamilya kami. Pamilya ko sila. Kahit anak lang ako ni Dad sa labas at siya ang talagang legal na anak.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    MalinaoMary rose

    subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa

    18/08/2022

      0
  • avatar
    Jennylyn Lobina

    chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Keneth Portugal

    . jfjxchbocyz

    10/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata