Chapter 90

ANNA ( pov )
Kaya pala hindi ako mapakali kanina dahil may nangyaring masama kay Alisson.
"Mauuna na muna ako," rinig kong sabi ni Vin. Hindi ko alam kung sisisihin ko ba siya o iintindihin ko ang sitwasyon ngayon. Ayokong magtanong kung bakit napabayaan niya si Ali, dahil nanginginig pa ang kalamnan ko sa nalaman kung bakit nangyari sa kapatid ko ang ganito.
"Saan ka naman pupunta? Dumito ka muna Vin. 'Diba nga huwag muna tayong maghiwa-hiwalay dahil nasa paligid lang sila. Delikado," si Anthony ang naglakas loob na magsalita kanina pa. Lahat kami nandito. Pati sila kuya Eisteine at kuya Eliazar. Hindi ko nga alam kung paano nila nalaman, hindi na lang ako nagtanong pa.
"Kailangan kong harapin si Laurel. Siya ang tumawag kay Alisson kanina. Wala akong pakialam kung anak siya ng pulis. Ang sa'kin lang kailangan ko siyang harapin ngayon," ramdam ko ang galit sa mga salitang binibigkas ni Vin. Alam kong personal bodyguard siya ni Ali. Marahil ang nasa isip niya ay responsibilidad niya ang nangyari.
"Huwag na muna Vin. Kumalma ka. Kami ng bahala sa nangyari." nilingon ko si kuya Eisteine. Parang may mali. Parang may hindi pa sila sinasabi sa'min.
"Pero kasi ..."
"Hayaan mong kami na ang umasikaso sa nangyari kay Ali, Vin." binalingan ni kuya Eisteine ang lahat. Lumapit siya kay Exxel at may binulong. Hindi ko gaanong rinig kahit nasa likuran ko lang nakatayo si Exxel.
"Oo kuya. Ako ng bahala."
Isa-isang umalis sila kuya Eisteine, kuya Eliazar, Nurse Leya at Sir Dexter. Nakilala namin ang detective na kaibigan ni kuya Eisteine. Hindi naman nila natanong ng maayos si Alisson dahil tulog pa pagkadating namin.
Namayani ang katahimikan sa'ming lahat. Kanina pa namamawis ang kamay ko sa galit na nararamdaman. Inaasahan ko nang may hindi magandang mangyayari isa man sa'min. Pero hindi ko alam na ganito kalala ang mangyayari kay Ali. Base sa kwento ni Vin kanina, hindi magandang sariwain pa ni Alisson ang naganap sa kaniya.
"Kumain na muna kayo. Naghanda ako ng konting pagkain sa labas," pati sila Neil at Kevin nanatili na lang dito sa bahay. Hindi na muna sila nagbukas ng tindahan dahil nag-aalala sila kay Ali.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ang paglabas ng mga kaibigan sa kwartong inuokupa ng kapatid ko. Ang himbing ng tulog niya. Parang walang nangyari sa kaniya kanina. Maaliwalas ang mukha niya, parang walang pinagdaanang hindi maganda.
"Malakas ang kapatid mo Anna. Kakayanin niya lahat ng pagsubok na pagdadaanan niya." pinatong ni Exxel ang kamay sa balikat ko. Hindi ko na napigilang bumigay sa harap niya. Hindi ko kayang makitang nahihirapan ang kapatid ko. Okay lang na ako. Okay lang na ako na lang lagi. Huwag lang si Alisson.
"A-Akala ko hindi siya magagalaw dahil madaming nakabantay sa kaniya. Akala ko okay lang na lagi ko siyang kasama kasi hindi naman siya kilala, pero nagkamali ako E-Exxel. Konting konti na lang 'yung pasensiyang pinipigilan ko para hindi sumabog ang galit ko." lumuhod sa harapan ko si Exxel. Kinuha niya ang nanginginig kong mga kamay na nakasalikop lang na nakapatong sa mga hita ko.
Nanlalabo man ang mga mata ko dahil sa mga luha, kitang kita ko kung gaano siya kagwapo sa paningin ko. Hindi ko alam pero kahit na ganito na 'yung sitwasyon, nagagawa ko pang purihin ang lalaking 'to.
"Huwag kang mag-alala Anna, matatapos din ang lahat ng 'to tiwala lang hmm?" Ilang beses akong tumango. Sabay pa kaming niyakap ang isa't isa. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa gano'ng posisyon ng makita kong gising na si Alisson.
"Ali?"
Binalingan niya ako. Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa'min ni Exxel bago dahan-dahang bumangon. Tinulungan pa namin siyang sumandal sa uluhan ng kama.
"Kamusta ang pakiramdam mo Ali?" Gusto kong matawa dahil ang lamyos ng boses ko ngayon. Pero wala na akong pakialam, kapatid ko naman ang kausap ko.
"Oks ako Anna," may munting ngiti siyang binigay sa'kin.
"Labas lang ako. Dalhan ko na lang kayo pagkain dito?"
Tumango ako kay Exxel. Nginitian muna niya ako bago lumabas ng kwarto. Nang wala na siya sa paningin ko, saka ko binalingan si Ali na nakatingin na sa'kin. Nangingilid na ang luha niyang agad na yumakap sa'kin.
"Shhh ... Nandito lang ang ate. Sorry dahil hindi kita naprotektahan. Hindi kita nabantayan ng maayos. Kasalanan ko. Kasalanan ko," habang sinasabi ko ang mga salitang alam kong magpapagaan sa loob niya, hinahagod ko din ang likod niya. Na sana makatulong sa paggaan ng pakiramdam niya.
"A-Anna, nagmakaawa ako."
"Shhh ... Huwag na muna nating pag-usapan ngayon 'yan. Ang mahalaga nandito ka. Nandito ako. Magkasama tayo." magkayakap lang kami at hindi nagsasalita. Hindi pa din nawawala ang panginginig ng kalamnan ko dahil sa nangyayari sa kaniya. Pero kailangan ko pang mag-isip ng plano para malaman kung sinong gumawa sa kaniya nito.
"Kumain na muna kayo," hindi ko namalayan na pumasok na ulit si Exxel sa kwarto. Tinulungan kong ayusin ni Ali ang sarili niya bago ko siya inasikaso para kumain. Umupo naman si Exxel sa dulo ng kama habang nakatingin sa'min.
"Nasaan sila?" Binalingan ko siya pagkatapos kong lagyan ng mga pagkain ang pinggan ni Ali. Hindi niya halos ginagalaw 'yun pero hinayaan ko na lang.
"Aalis kami, pero babalik din ako mamaya para samahan ka dito ..."
"Saan kayo pupunta?"
Lumikot ang mga mata niya. Hindi ko gusto ang mga tinging binibigay niya sa'kin. Baka nakakalimutan niyang may sakit siya at hindi p'wedeng mapahamak ngayon.
"A-Ano uuwi na pala kami Anna ..."
"Huwag mo kong tinotalk shit dito Exxel. Wala ako sa hulog kaya umayos ka."
Bumuntong hininga siya. Tumingin muna siya kay Ali bago tumikhim. Parang hirap na hirap magsalita.
Tsk!
"Si Vin kasi ayaw magpapigil. Kaya sabi namin sasama kami kung saan man siya pupunta." nakanguso pa siyang lumapit sa'kin. Parang mapipigilan ko naman sila kung makapagsabi siya sa'kin.
"Alam niyo ba kung gaano kadelikado ang gagawin niyo? Kumilos na sila kuya Eisteine, ano pang gagawin niyo?" Para akong nanay na nagpapaintindi sa anak. Mahirap magkajowa ng isip bata.
"Kailangan kami ni Vin, Anna." timingin siya kay Ali na nakatitig lang sa nilalaro niyang pagkain.
"Para kay Ali," agad na inangat ni Alisson ang paningin. Nakakunot ang noo niyang tumingin kay Exxel. Minsan din nakakatakot tumingin 'tong kapatid ko.
Hindi na lang ulit ako nagsalita. Wala na akong magagawa kung gano'n na ang desisyon nila. Gusto ko ding malaman kung sino ang gumawa ng gano'n sa kapatid ko, pero hindi ko siya maiwan sa kalagayan niya ngayon. Kailangan niya ako.
"Anna nandiyan Daddy niyo," biglang napatuwid ang likod ko dahil sa narinig. Nilingon ko din ang pinto at hinintay na pumasok do'n ang Pangulo. Nakatayo din sa gilid ang mga kaibigan naming kanina lang ay nasa labas ng kwarto.
"Please leave us alone. I will deal with you tomorrow," nakatingin siya kay Vin. Nakababa lang ang paningin ng binata. Halos ayaw pa nga nilang umalis pero pinagtabuyan na sila ni Neil dahil pagagalitan na sila ni Dad.
"Bakit mo hinayaang mangyari sa'yo ang ganito Alisson? Matalino kang bata, hindi ka ba nag-iisip?"
Kay Alisson lang ako nakatingin. Kitang kita ko kung paano na naman siya maluha. Nanginginig ang mga labi niyang nakatingin lang kay Dad.
"Ginamit nila ang pangalan ni A-Anna Dad kaya wala na akong nagawa. Ayokong saktan nila ang kapatid ko. Ayokong maranasan ulit ni Anna ang nangyari sa kaniya dati kaya wala akong nagawa." umiiyak lang siyang naghihintay ng sasabihin ni Dad. Hindi maganda ang awra ngayon ng Pangulo.
"So si Anna na naman pala ang may kasalanan sa nangyari sa'yo. Tsk! Kahit kailan talaga nakakabit na ang pangalan mo sa demonyo Anna."
Minsan iisipin ko na talagang hindi nagpapanggap si Dad na may galit sa'kin. Masasakit pa din ang mga salitang sinasambit niya. Lahat ng katagang lumalabas sa bibig niya ay parang karayom na unti-unting tinutusok ang katinuan ko. Hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pang nagpapanggap lang siya, dahil parang hindi na.
"Hindi kasalanan ni Anna Dad. Wala siyang kinalaman sa nangyari sa'kin!" Si Ali naman, alam kong may pinagdadaanan siyang hindi maganda. Pero kailangan ba niyang sakyan ang mga sinasabi ni Dad sa kaniya ngayon? Minsan hindi ko maintindihan ang mga ugaling pinapakita nila sa'kin. Naguguluhan ako.
"Siguro, huwag na muna tayong mag-usap ngayon. Aalis na ako," gusto kong matawa sa pagsasagutan nilang dalawa. Hindi naman lingid sa kaalaman kong may mata ang kalaban sa palasyo. Kaya ingat na ingat ang lahat. Pero kahit na pagpapanggap lang ang nagyayari sa pagitan namin nila Dad, nandito pa din ang sakit. Ang hinanakit sa puso ko. Hindi na siguro 'yun maiaalis kahit ilang 'sorry' ang marinig ko sa kanila.
"Okay na ba kayo ni Dad Anna?"
Nang mawala sa paningin namin ang ama at lumapat pasara ang pinto. 'Yun agad ang binungad sa'kin ni Alisson. Hindi ko alam ang eksaktong salitang sasabihin ko, pero isa lang ang alam ko.
"May sakit pa din sa ginawa nila noon, pero huwag kang mag-alala hihilom din 'to pero hindi pa ngayon," bahagya ko siyang nginitian. Hinimas ko pa ang ulo niya dahil mukha siyang sisiw na kawawa.
Lintik lang walang ganti!
Namayani ang katahimikan sa'ming dalawa. Wala na akong masabi pa, dahil nag-alala ako sa ibang kaibigan. Kailangan ba naman kasing lahat sila susugod kung nasaan ang kalaban? Paano kapag napaano sila sa daan pa lang, bulagta silang lahat?
Tsk! Hindi sila nag-iisip ng tama!
"Bakit ba bubulong bulong ka diyan? Anong nangyayari sa'yo?"
Lahat na lang talaga napapansin ng lalaking 'to. May nangyari na ngang hindi maganda sa kaniya, tsismoso pa din.
"Nagdadasal ako."
"Ano naman pinagdasal mo?"
"Ang dami mong tanong ngayon. Magpahinga ka na lang ulit."
Binalingan ko ang pagkaing hindi pa niya nagagalaw. Bagsak ang balikat kong napasandal sa upuan.
"Pangalan."
"Ha?"
"Sabi ko ibigay mo sa'kin 'yung pangalan ng gumawa sa'yo nito."
Alam kong kilala naman siguro niya kung sinong gumawa sa kaniya no'n. Officer ang nagtawag sa kaniya kanina, malamang mas mataas ang posisyon ng taong gumawa ng kahayupan sa kapatid ko.
"Pero Anna ..."
"Sasabihin mo o sasabihin mo? Mamili ka."
Lumamlam ang tingin niya sa'kin. Sana mauto ko siya at masabi niya sa'kin ang buong pangalan. Humanda sa'kin ang taong 'yun kapag nagkataon.
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Pulis ka ba?"
"Kung ikaw ang ipapulis ko! Alisson! Kailangan ko lang ng pangalan! Pangalan lang!"
Bahagya siyang napaatras. Hindi ko alam kung bakit pero kita sa mukha niya ang takot.
"A-Anna 'yung mata mo nag-uumpisa ng pumula."
Napaiwas ang tingin ko sa kaniya. Tatago na naman ako sa pinakasulok ng pagkatao ko, kapag napagtagumpayan niyang lumabas sa'kin. Kailangan ko ba siya ngayon? Kailangan ko bang ilabas siya matulungan lang ang kapatid ko?
Hindi!
Mariin akong pumikit. Kaya kong lumaban kahit hindi siya lumalabas. Kaya kong humarap sa taong 'yun ng hindi ang ibang pagkatao ko ang lalaban. Kaya kong protektahan ang lahat, basta hindi lang ako muling maging halimaw.
"A-Anna okay ka lang ba? Tatawagan ko na si Exxel," bigla akong dumilat. Hindi ko na ramdam ang pag-iinit ng mga mata ko. Kita ko na din ang pagbuntong hininga ni Ali. Na para bang nakahinga siya ng maluwag.
"Yung pangalanan."
Bakas sa mukha niya ang pagdadalawang isip. Pero desidido na akong malaman kung sino ang gumawa ng ganito sa kaniya.
"Ipangako mo muna sa'king hindi mo ipapahamak ang sarili mo kapag nalaman mo kung sino 'yun?"
Tumitig ako sa mga mata niya. Magsinungaling man ako sa kaniya ay malalaman din niya kalaunan. Pero gusto kong mangako para sa kaniya.
"Pangako."
"Si N-Nichole. 'Yung nasa lower section."
Tsk! Inang 'yan! 'Yung boyfriend ni Luna!
EXXEL ( pov )
"V-Vin," kitang kita namin kung paano naaligaga si Laurel. Siya 'yung nagtawag kay Alisson kanina bago nangyari ang insedente. Kung alam ko lang din na mangyayari ang ganito, kaso hindi. Ang bilis ng mga pangyayari.
"Vin! Hoy!" Nagulat ako dahil dinamba ni Vin ng ilang beses sa gate si Laurel. Hindi ko magawang hawakan ang kaibigan at awatin dahil ang bilis niyang gumalaw.
"Sino!? Sinong nag-utos sa'yo?!"
"Hindi ko kilala Vin. Maniwala ka. Tinext lang ako at tinakot kaya 'yun napasunod na lang din ako!" Iiling iling pa ang lalaki. Hindi ako naniniwalang hindi niya kilala ang nag-utos sa kaniya.
"Gago ka ba?! Sa tingin mo maniniwala ako sa katarantaduhang sinasabi mo sa'kin ngayon?!"
"M-maniwala ka Vin. Hindi ko talaga kilala. Kahit tingnan mo pa ang cellphone ko. Kahit i-trace niyo kung sino. Wala talaga akong kinalaman, napag-utusan lang ako," butil-butil na ang pawis niya sa noo. Kulang na lang maihi siya sa takot.
"Kapag nalaman kong may kinalaman ka dito, ihahanda ko na ang libingan mo tandaan mo 'yan," pati ako ay kinilabutan sa sinabi ni Vin. Nagmamadali namang pumasok sa loob ng bahay nila si Laurel.
Namayani naman ang katahimikan sa'ming apat. Wala kaming nakuhang ibang impormasyon. Paano namin malalaman kung sino ang gumawa no'n kay Ali?
"Kumalma ka p'wede? Akong nahihilo sa'yo Cortez eh!" Nahihilo din ako sa palakad-lakad ni Vin pero hindi ko magawang magsalita. Nasa harap pa din kami ng bahay ni Laurel. Nag-iisip kung ano pa bang p'wedeng gawin para makakalap ng ibang impormasyon.
Sinipat ko ang oras sa phone ko. Alas nuebe na ng gabi at heto kami nasa labas pa din. Nagliliwaliw.
Tsk! Kung hindi lang talaga ako nag-aalala sa mga kaibigan, nunkang sasama ako dito!
Mas gusto ko pang makasama buong magdamag si Anna. Bumabawi pa ako dahil sa hindi ko pagpansin sa kaniya ng isang araw. Nag-usap na kami. Kailangan lang naming maging normal sa harap ng lahat.
Bahagya pa akong napatalon ng magvibrate ang phone ko. Nang tingnan ko si Alisson.
"Oh?"
[ Sinabi ko kay Anna kung sino ang gumawa sa'kin no'n Exxel. Umalis siya agad. Please hanapin niyo siya. ]
"Saan daw siya pupunta?" Bigla akong kinabahan. Paano kapag galit siya? Mahirap kumalma ang isang Anna Garcia.
[ Nichole Ranches. ]
Nang marinig ang binalita niya. Agad kong pinatay ang tawag at tinawagan si Anna.
"Bakit anong nangyayari? Bakit ikaw na din naman ang hindi mapakali diyan Alcantara?" Hindi ko na muna pinansin si France. Kailangan kong malaman kung saan pumunta si Anna. Ilang ring na pero hindi pa din siya sumasagot.
"Alam niyo ba kung saan nakatira 'yung Nichole Ranches?"
Marahas akong nilingon ni Vin. Nagtataka siyang nilapitan ako at nanlalaki pa ang mata niyang tumitig sa'kin.
"Si Nichole? Anong kinalaman ng gagong 'yun dito?"
"Ang sabi ni Ali siya daw ang may gawa sa kaniya ..."
Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng tumakbo na siya paikot sa driver seat. Hindi pa ako nahimasmasan sa pagkabigla sa kaniya, may humila na sa'kin papasok ng sasakyan.
Hindi ko alam ang nangyayari pero nanahimik na lang ako. Sobrang higpit ng kapit ko sa hawakan ng sasakyan dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Vin.
"Hindi ko alam kung anong relasyon niyo ng Ranches na 'yun Vin pero sana kumalma ka muna bago mo siya harapin!" Sigaw ko sa kaniya. Nasa likuran kami ni France kaya sumisigaw na ako para makausap siya. Hindi na magandang ang awra ang pinapakita niya sa'min ngayon.
"Hayaan mo na muna siya Exxel. Alam niyang ginagawa niya," si Anthony ang sumagot sa'kin. Seryoso na din ang bakas ng mukha niya habang mahigpit din ang kapit. Masyadong mabilis ang pagpapatakbo sa kotse ni Vin.
Marahas siyang nagpreno sa tapat ng isang bar sa bayan. Ang daming tao sa labas ng bar. Parang may pinagkakaguluhan. Nang makalabas kami ng sasakyan, kusa na naming hinawi ang mga tao para makita namin ang nangyayaring kaguluhan.
"Anna!" Agad akong lumapit. Hindi ko na alintana ang ibang kasama ng lalaking binubugbug ni Anna. Hinawakan ko ang braso niya pero malakas lang niya akong tinulak.
"Okay ka lang Exxel?"
"Pigilan natin si Anna!" Nag-aalala na ako. Natatakot ako sa posibleng mangyari kay Anna.
Ilang beses niyang pinagsasapak ang lalaki habang nakapatong siya sa ibabaw nito. Wala siyang pakialam kung maraming nagsisigawan sa paligid, hindi siya si Anna ngayon. Siya si Anna Garcia the second.
"Anna! Tama na! Anna!" Apat na kaming humahawak sa kaniya para ilayo siya sa lalaki. Ilang ulit lang niya kaming tinulak ng malakas. Kaya isa lang ang magagawa ko para mapakalma ko siya.
Niyakap ko siya mula sa likuran at binuhat. Nagpupumiglas pa siya sa pakakayakap ko sa kaniya. Pero hindi ko hinayaang makawala siya sa mga hawak ko. Kailangan niyang kumalma. Kung hindi mapapatay niya ang gagong lalaking 'yun.
Nilagay ko siya sa loob ng sasakyan. Nagpupumiglas pa siya. Ang gulo na ng buhok niya. Halos makita na ang hindi dapat makita sa katawan niya.
"Anna! Kumalma ka! Si Exxel 'to kumalma ka!" Hindi pa din siya matigil sa pagwawala. Ilang beses na niya akong nasipa, nasapak, nakalmot, nasampal at naitulak sa loob ng kotse. Ang sakit na din ng katawan ko para lang pigilan siyang magwala.
Kinuha ko ang magkabila niyang palapulsuhan at nilagay sa kaniyang likuran. Nanlilisik ang namumula niyang mata na nakatingin sa'kin. Mabibigat din ang paghinga niya, na halos makita ko ang litid sa leeg niya.
Galit na galit siya.
"Anna ako 'to, si Exxel. Kumalma ka okay? Kumalma ka," ilang minuto na pero hindi bumabalik ang normal niyang paghinga at ang kulay ng mga mata niya. Nakita ko ang pamamaga ng pisngi niya at ang sugat sa gilid ng labi niya. Uminit ang ulo ko pero kailangan ko munang tulungan na kumalma siya.
"Anna? Anna."
Paulit-ulit ko 'yun sinasabi. Pero ilang oras na kaming nandito sa loob ng sasakyan, wala pa ding pagbabago sa kaniya. Kaya nang may kumatok sa bintana ng kotse, bumaling ako do'n habang hawak pa din ang dalawang kamay ni Anna sa kaniyang likuran.
Binuksan ni Anthony ang sasakyan. Nag-aalala siyang tumingin kay Anna at sa'kin.
"Nasapak ka p're," nakangiwing komento niya. Napailing na lang ako. Halata naman kasi, sasabihin pa niya.
"Tara. Tara! May parating ng parak!" Sigaw ni France. Siya na ang nagmaneho at nasa harap si Anthony. Hindi ko na tinanong kung nasaan si Vin. Gano'n pa din ang p'westo namin ni Anna habang umaandar ng mabilis ang sasakyan.
"Anong nangyayari kay Anna, Alcantara?"
"Mamaya ko na ipapaliwanag"
Nangangawit na ako sa p'westo naming dalawa. Pero hindi ko siya binibitawan hangga't alam kong hindi pa bumabalik ang tunay na Anna. Nanlilisik pa din ang mga mata niyang naghahabol ng hininga. Hindi na siya nagpupumiglas pero kailangan ko pa siyang hawakan hanggang sa kumalma siya.
"Saan 'to Pangilinan?" Naririnig ko kasing nagbibigay ng direksyon si Anthony kanina pa kay France. Nang libutin ko ang paningin. Wala akong makita, sobrang dilim sa labas.
"Pasok na lang muna tayo sa loob. Nando'n sila."
Kahit nagtataka, sumunod na lang din ako sa sinabi niya. Binalingan ko si Anna. Kahit ayokong gawin ang nasa isip ko sa kaniya, kailangan. Baka magwala na naman siya sa loob kapag nagkataon.
"Anong balak mong gawin kay Anna? Mukhang hindi pa siya nahihimasmasan" narinig ko ang boses ni France. Kailangan ko ba talagang gawin 'yun?
"Patutulugin ko muna. Baka hindi ko na siya mapigilan mamaya e," inayus ko ang magulo niyang buhok. Dahan-dahan ko ding tinatanggal ang suot kong polo at maingat kong sinuot sa kaniya.
"Kawawa naman bro. Hayaan mo ng ganiyan. Kaya mo naman siya e," nagtataka ako kung bakit hindi sila nagtatanong kung bakit gano'n ang naging ugali ni Anna. Pero binalewala ko na lang. Hindi ko na lang din siya pinatulog. Inayos ko siyang pinasakay sa likod ko habang hawak ang mga kamay niya.
"Nasaan ba tayo?"
"Makikita niyo na lang sa loob."
Kanina pa siya loob ng loob, wala naman akong nakikitang bahay dito. Pero nang may binuksan na parang pinto si Anthony, namangha ako. Isang bermuda grass kasi ang mukhang pinto na 'yun at may maliit na lagusan. Alam ko na kung sinong nakaisip ng ganitong taguan.
Tsk! 'Yung HQ pa nga lang, kakaiba na.
Nanahimik na lang kaming pumasok sa loob. Nasa unahan si Anthony at nasa likuran naman si France. Hindi na gumagalaw si Anna na buhat ko kaya inisip kong nanghina na siya at bumalik na sa dati.
Maliwanag ang lagusang nilalakaran namin. May mga lamp post halos lahat ng gilid ng tunnel. Hindi amoy lupa ang maaamoy dito kahit pa pababa kami ng pababa. Alam kong nasa pinakailalim na kami. Nararamdaman ko na din ang lamig ng paligid.
"Wow!" Namamanghang sambit ni France. Kahit ako gusto kong magsalita ng magsalita tungkol sa mga nadadaanan ko, pero mamaya na lang.
Nang makakita ulit kami ng bermudang pinto. Binuksan 'yun ni Anthony. Tumambad sa'min ang napakalawak na silid. Iba't ibang armas ang bumungad sa'kin. May mga monitor at kung ano-anong klase ng computer.
"Halaaaaa! Grabeeee ang gandaaaaa!" Agad na nilapitan at sinuri ni France ang mga 'yun. Pero hindi na 'yun ang mas nagpagulat sa'kin, kundi ang mga taong nasa harapan ko. Hindi ko alam kung kailangan ko pa talagang magulat. Dahil nakita ko pa lang sila ngayong magkakasama, napagtagpi-tagpi ko na ang lahat ng pangyayaring kinasasangkutan nila.
"Kuya Eisteine baka kailangan niyong magpaliwanag sa'min?"

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    MalinaoMary rose

    subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa

    18/08/2022

      0
  • avatar
    Jennylyn Lobina

    chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Keneth Portugal

    . jfjxchbocyz

    10/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata