Homepage/Ang Astig Kong Bida/
Chapter 73
ANNA ( pov )
Nakarating kami sa Iyawan ng mahigit anim na oras. Dahil sa lubak-lubak at matarik na daan, kailangang mag-ingat. Isang mintis mo lang didiretso ka na sa parang bangin sa baba.
"Ano bang naisip nila at dito tayo pinag-Retreat. Hindi naman sa ayaw kong tumulong ano? Delikado ang pagpunta dito kapag hindi ka talaga ekspertong magmaneho," komento ni France. Kanina tahimik dahil halos tulog ang lahat, naalimpungatan dahil sa pag-alog ng sasakyan.
"Dito kasi 'yung mga hindi talaga napupuntahan ng mga taong p'wedeng makatulong. Tulad na lang ng Gobyerno. Kaya eto 'yung lugar na sinang-ayunan ng mga guro no'ng nagpatawag ng meeting," tutuk na tutuk pa din si Vin sa daan habang nagpapaliwanag kay France.
"Pero hindi ba nila naisip na delikadong pumunta dito? 'Diba first time niyo din pumunta dito?" patuloy pa din ni France.
"Ano ka ba Delgado? Kailangan nila ng tulong kaya tayo pupunta dito! Huwag ka ng magreklamo kasi nandito na tayo!" saad ni Anthony. Hindi ko na sila nililingon dahil hindi ako makagalaw. Nakasandal sa'kin si Exxel habang mahimbing na natutulog.
Hindi man lang nagising sa pag-alog-alog ng sasakyan.
Hawak ko ang ulo niya para hindi mahulog sa balikat ko. Inayos ko pa ang braso kong nakaakbay sa kaniya.
"Malapit na tayo sa patag na daan," turan ni Vin. Maya-maya lang ay hindi na umaalog-alog ang sasakyan.
"Halaaaaaa! Ang gandaaaaaa!" manghang mangha talaga si Alisson. Boses pa lang niya parang ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang lugar. Nasa harap lang ang paningin ko pero kita ko din ang lawak no'n.
Mukhang disyerto ang Iyawan. May mga bundok sa 'di kalayuan. Wala halos mga bahay sa dinadaanan namin. Ang ganda lang sa mata na nakarating kami sa ganito kagandang lugar.
"Tara baba tayo! Groufie tayo!" Lumingon sa'min si Alisson. Ang lawak-lawak ng ngiti niya.
Hininto naman ni Vin ang sasakyan kahit hindi siya ang sinabihan ni Alisson. Napapansin kong hindi na naman sila nagpapansinan.
"Kayo na lang," naninibago ako sa boses ko. Medyo namamaos ako na pumipiyok pa. Kanina pa din masama ang pakiramdam ko.
"Tara na Anna! Gisingin mo si Alcantara! Teka, ako manggigising!" akmang babatukan ni France si Exxel ng samaan ko siya ng tingin. Binaba naman niya ang kamay na tumigil sa ere at natatawang lumagpas sa'min at bumaba.
"Okay ka lang ba diyan Anna? Baka nangangawit ka na diyan kay Exxel," nag-aalala ang bakas ng mukha ni Anthony. Bahagya naman akong ngumiti.
"O-okay lang."
Pinakatitigan muna niya akong mabuti bago tinapik ang balikat ko at sumunod sa mga kaibigan. Sinundan ko lang siya ng tingin at nanunuod sa kanilang kumukuha ng litrato sa kung saan-saan. Nagkukuhanan pa sila ng picture ng magkakasama at indibiduwal.
"Anna," masuyo ko siyang nilingon. Mulat na ang mga mata niyang nakasandal pa din sa balikat ko.
"M-may kailangan ka?" Pinasok ko ang kalahating mukha sa suot na t-shirt at bahagyang umubo. Baka mahawaan ko siya sa sama ng pakirandam ko.
"Oh uminum ka," inangat na niya ang ulo sa balikat ko at nag-abot ng tubig. Uminum muna ako do'n at nilagay sa gilid ng upuan, baka mainuman pa niya.
"Tara sa kanila." Hawak niya ang kamay ko. Nagpahila na lang ako sa kaniya papunta sa mga kaibigan.
"Teka! Magandang spot 'yan Alcantara! Diyan lang kayo!" Sigaw ni Alisson. Nasa likod namin ang sasakyan, nasaan ang magandang spot do'n?
Gamit ni Alisson ang cannon camera niya na nakasabit sa leeg, habang sinisipat-sipat 'yun at nakatutuk sa'min. Umakbay si Exxel sa akin. Ako namang si tuod, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Tara dito! Group picture tayo!" si France na nagkukumaway sa'min. Ang bilis naman kaming kuhanan.
Lumapit kami sa kanila. Ang saya lang dahil masaya kaming pinagkukuhanan ng lirato ni France at Alisson. Para silang mga batang nakalabas ng hawla.
"Hahaha! Ang pangit mo dito Pangilinan! Sineryoso mo 'yung sinabi kong magwacky tayo?" tawa ng tawa si France.
"Inamo ka talaga Delgado!" Pinagtatadyakan niya si France na hindi alintanang kakagaling lang ng lalaki sa ospital.
"Masakit Pangilinan ah!" Nag-aaway pa din ang dalawa. Nakita ko naman sa 'di kalayuan si Alisson na kumukuha lang ng mga larawan. Si Vin ayun, nakatingin lang sa mga kaibigan.
"Ang ganda dito," sambit ni Exxel maya-maya. Kita sa mukha niya na gustong gusto niya ang lugar. Kaya nilibot ko din ang paningin at pinagsawa ang mga mata sa tanawing nakikita.
"Nandito na sila."
Nagsidatingan nga ang ibang mga sasakyan. Nang huminto sila sa gilid ng sasakyang ginamit namin, bumaba ang lahat at gano'n din ang ginawa nila. Nagkuhanan ng mga litrato.
"Vin dito na natin iiwan ang mga sasakyan. Maglalakad na lang tayo papunta sa bahay ng namumuno sa lugar. Sinabihan ko na ang lahat kanina. Kunin niyo na lang ang mga gamit na dala niyo at sumunod na kayo sa'min." Kausap ni Sir Mendoza kay Vin. Hindi na niya kami nilingon at mabilis na kaming tinalikuran.
Tinawag na ni Vin ang mga kaibigan at nagkaniya-kaniya na ulit kaming dala ng mga bagahe. Kawawa lang talaga 'yung may mga maraming dala dahil ng makita naming paakyat pala ang lalakarin, nag-ungulan ng reklamo ang iba.
"Kung alam ko lang na ganitong parusa ang ibibigay sa'tin, 'di na lang ako sumama," maktol ni France. Ramdam ko siya.
"Okay ka pa Anna? Sakay ka sa likod ko. Bigay mo sa'kin 'yang dala mo."
Nag-aalala ako sa inalok sa'kin ni Exxel. Masyadong mataas ang lalakarin namin at malayo-layo pa. Hindi ko alam kung alam niyang may sakit siya.
"K-kaya ko pa naman," nagsimula na akong maglakad. Baka ipilit niya ang gusto.
"Bakit ba kanina ko pa napapansing namamaos ka? Okay ka lang ba?"
Nagpatuloy pa din ako sa paglalakad at hindi ko na lang siya sinagot. Mahaba-haba na namang usapan ang mangyayari kapag pinansin ko pa siya.
"Anna." Hinawakan na niya ang palapulsuhan ko, kaya napahinto ako at napilitang lingunin siya.
"Bakit?" walang gana ko siyang sinagot.
Bumuntong hininga lang siya at binitawan ako. Nakita ko kung paano tumamlay ang mukha niya pero hinayaan ko na lang. Sinabayan ko na lang siya maglakad.
Nangalahati na namin ang daan paakyat nang may taong sumabay sa paglalakad ko. Nang lingunin ko ay si Vin pala. Hindi ko na siya pinansin at nagmadali ng maglakad. Napapagod na ako. Gusto ko nang umupo. Sa dami naming mga estudyanteng sumama, kahit gusto ko ang lugar na 'to hindi pa din ako makakapagpahinga.
"Nag-away ba kayo ni Anna, Exxel?" rinig kong tanong ni Vin sa kaibigan.
"Okay naman kami bro," matamlay pa din ang tono ng boses ni Exxel. Malalim akong huminga at huminto bago siya hinarap. Nasa tuktuk na kami ng pataas na daan. Nandoon na din ang iba at ang ibang guro. May kausap na silang mga taga rito na masayang sinalubong ang lahat.
Inabot ko sa kaniya ang kamay ko, hudyat na gusto kong maghawak kamay kami. Nagtataka niyang nilingon 'yun tapos tumingin sa'kin.
"Nangangawit na ako Exxel," narinig ko pang bahagyang natawa si Vin. Umalis din sa tabi namin kinalaunan.
"Anna." Inabot niya na din sa wakas ang kamay ko. Mahigpit ko 'yung hinawakan at sabay na kaming pumunta sa mga nagkukumpulang estudyante sa harap ng mga taga rito.
"Maligayang pagdating sa aming lugar! Pagpasensiyahan niyo na't hindi gaanong malaki ang lugar na ito kumpara sa lugar ninyo sa kabilang bayan!" Nakangiting pahayag ng mukhang pinuno. May hawak pa itong mahabang baston.
Nilibot ko ang paningin at halos maraming bata ang nandito. Mga itim na tao sila. Kulot na kulot ang buhok. Hinaplos ang puso ko nang makitang nakangiti ang lahat ng bata sa'min.
"Sa bandang likuran pa nang mga kabahayan maaring magtayo ng tulugan ginoong Mendoza. Ngunit kapag may kakailanganin man kayong gamit ay p'wede niyo kaming gambalain. Nagagalak akong pumarito kayo sa lugar namin," malawak pa ding nakangiti ang lalaki.
"Kami din ho ay masayang naparito Apo. Sasamahan ko lang ang mga bata para maitayo na nila ang kanilang tutulugan mamaya." Humawak pa sa balikat ng tinawag niyang 'Apo' si Sir Mendoza.
"Maghahanda naman kami ng makakain Sir Mendoza."
Humiwalay si Vin sa'min dahil kailangan niyang tumulong sa mga guro. Sumunod naman kami sa paglalakad kay Sir Mendoza. Siya ang tumayong gabay sa'min sa paglalakad.
Hawak ko pa din ang kamay ni Exxel. Kahit masama pa din ang pakiramdam ko, malakas pa naman ako at kaya ko pang maglakad kahit pa malayo.
"Whoooooaaaaaa! Ang gandaaaa!"
"Wow! Nasaan camera mo! Pahiram!"
"Grabe ang ganda ditoooooo!"
Halos 'yan ang mga naririnig ko kada may madaanan silang maganda sa mata. Pati sila Alisson na nasa likuran namin ay walang tigil sa kakakuda. Napansin ko ding hindi halos nagsasalita ngayon si Exxel.
Nagseselos pa din ba siya?
Hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak ko sa kamay niya na ikinalingon niya sa'kin. Bahagya akong ngumiti kaya ngumiti din siya.
"Alam kong gwapo ako Anna Garcia, kaya huwag mo kong masyadong titigan. Baka bukas mahal mo na ako."
Napairap ako sa sinabi niya pero ramdam ko ang kilig na bigay niya. Nagpatuloy na lang akong naglakad at pinagsawa na naman ang tingin sa paligid. Nasasayangan ako dahil hindi napupuntahan ng Gobyerno ang ganito kagandang lugar.
Nakarating kami sa mapunong bahagi ng lugar. Hindi katulad sa baba na mukhang disyerto. May mga maliliit na damo dito at sariwa ang hangin. Malawak pa para sa ilang daang estudyanteng kasama namin.
"Pumunta na kayo sa mga kagrupo niyo at magtulungang itayo ang tent na dala niyo! Pagkatapos ay hintayin niyo na lang dito ang pagkaing ihahanda namin! Maliwanag!"
"Yes Sir!" sagot ng lahat. Umalis na din siya agad. Hindi ko alam kung may problema ba si Sir Mendoza. Blangko na ang mukha niya at halos hindi na ngumingiti sa lahat.
"Saan magandang magtayo ng tent? Gusto ko sana sa medyo malayo sa iba," suhestiyon ni Anthony.
"Doon na lang sa ilalim ng puno?" Turo ni Alisson sa malaking punong natatakpan na yata ng sanga.
"Nakooooo! Baka may ahas diyan 'no!" Kinilabutan naman si France dahil sa naisip.
"Sa malapit na lang kaya sa kanila. Masyado nang malayo 'yun," bakas kay Exxel ang takot. Oo nga pala, nakalimutan kong takot pala siya sa multo.
"Takot ka lang e!" Siniko siya ni France na sinamaan lang ng tingin ng kaibigan.
"Kasama naman natin si Anna. Bakit matatakot ka?" Sabat naman ni Anthony. Lahat sila ay nakatingin kay Exxel, na nakatingin naman sa'kin.
"Buti kung makakatabi ko siya, okay lang!" mapanuksong nakangiti pa siya, halos kumikislap ang mata niya sa tuwa.
"Eh kung kamao ko kaya makatabi mo Alcantara! Abusado ka!" Inambaan ni Ali ng suntok si Exxel.
"Hahaha! May bantay pala. Tudas ka Alcantara dahil wala kang masarap na yakap mamaya!" gatong pa ni France sa sinabi ni Ali.
"Bakit ikaw may masarap kang kayakap mamaya?" singit naman ni Anthony na ngingiti-ngiting binuklat na ang malaking tent.
"Mayro'n malamang!" lahat kami ay hinihintay na dugtungan niya ang sinabi, kung sino ang yayakapin niyang masarap yumakap.
"Hahaha! Si Exxel yayakapin ko mamaya. Masarap yumakap 'yan eh!" bagsak ang panga naming nakatingin lang sa kaniya. Baliw talaga kahit kailan.
Binitawan ako ni Exxel at pinasusuntok si France. Lamog na lamog talaga ang lalaki sa mga kaibigan dahil sa kadaldalan niya. Tinulungan ko na lang sila Anthony at Ali na itayo ang tent malapit sa malaking puno.
"Napapansin kong lapit nang lapit sa'yo si Sir Mendoza Anna," maya-maya'y nagsalita si Anthony. Hindi ko inaasahan 'yun pero tumingin pa din ako sa kaniya.
"Pansin ko nga din."
"Type ka ba no'n? Sabihin mo bawal. May nagmamay-ari na sa'yo sabihin mo," patuloy pa din siya sa pag-aayos ng tent.
"Alam naman niya."
"Ayos 'yan. Masyado na kasing naaapektuhan si Exxel na paglapit-lapit niya sa'yo. Ayokong masaktan ang kaibigan ko," seryoso siya ngayon. Minsan talaga may ganitong ugali si Anthony. Madalang lang siya makipagbiruan sa mga kaibigan. Mas madalas ang pagiging seryoso niya, pareho sila ni Vin.
"Alam ko. Hindi ko hahayaang masaktan ang kaibigan mo," seryoso ding saad ko. Medyo nawawalan na ako ng boses. Kaya nang lingunin ko 'yung dalawa, nakatitig na sila sa'kin.
"Masama ba pakiramdam mo Anna? Namamaos ka lang ng ganiyan kapag hindi ka okay." Lumapit si Ali sa'kin at kinapa ang noo ko. Nagtataka niya akong tiningnan.
"Hindi ka naman mainit."
"Teka, baka lalagnatin pa lang? May dala akong gamot kukunin ko," nang umalis si Anthony, pinagpatuloy ko pa ding kumilos sa pag-aayos ng tent. Bumalik na sila Exxel at France sa ginawang paghahabulan kanina.
"Inumin mo 'to. Okay lang kahit walang laman ang tiyan mo." Sinunud ko lang si Anthony. Nang iinum na ako ng tubig nakita kong seryosong nakatingin sa'kin si Exxel.
"Samahan mo na lang muna si Anna magpahinga Exxel." Binitawan ko na ang ginagawa ko at lumapit kay Exxel. May mga sariling isip yata ang mga paa ko kung bakit ginawa ko 'yun. Hindi ako 'yung klase ng taong ipapakitang gusto kita sa lahat, pero sa mga oras na 'to kailangan ko ang masuyong niyang yakap.
"A-Anna,"
"P'wede bang ..." lumunok muna ako dahil paos na paos na talaga ang boses ko bago nagpatuloy sa pagsasalita. Ramdam ko na ang masuyo niyang haplos sa likod ko, "Manatili muna tayong ganito? Kahit ilang minuto lang. Gusto kong maramdamang hindi ako nag-iisa."
Hinayaan nga niya akong nakayakap sa kaniya. Patuloy pa din ang paghaplos na ginagawa niya sa likod ko. Pumipikit-pikit na ang mga mata ko. Marahil sa ininum kong gamot.
"Inaantok na ako."
"Matulog ka muna. Gigisingin kita kapag may gagawin na."
Sinunud ko ang sinabi niya. Maya-maya ay nakayakap ako sa kaniyang ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sarili makatulog na nakasandal sa dibdib niya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa
18/08/2022
0chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting
21/05/2022
0. jfjxchbocyz
10/07/2024
0Tingnan Lahat