Chapter 71

EXXEL ( pov )
Nagsabay nga kaming magmeryenda at kumain nang lunch. Natutuwa naman ako pero hindi pa din maalis ang selos na nararamdaman ko. Hindi maalis ang inis ko kapag nakikita ko ang pagmumukha ni Sir Million.
Katulad na lang ngayon, pang huli namin siyang guro. Ang dami-dami niyang sinasabi. Ang dami-dami niyang sinasabi sa diskasyon. Nakatingin lang ako sa kaniya sa harap, habang naiinis sa pangiti-ngiti niya.
"Yes Miss Sanchez?"
Epal talaga si Evianna kahit kailan. Wala namang tinatanong si Sir pero nagtataas ng kamay.
"Sir p'wede pong magtanong?" maarte niyang iniikot-ikot ang nakalugay niyang buhok.
Yuck!
"Yes?" nakangiti pa din ni Sir. Wala namang kangiti-ngiti sa pagmumukha ni Evianna.
"May girlfriend na po ba kayo?" Naghiyawan ang buong klase. Ako lang yata ang hindi interesado sa itinanong ni Evianna kay Sir Million.
Nilingon ko din ang mga kaibigan. Nakatingin at nakikinig lang sila.
"Wala." Natatawa pa siyang sumagot sa babae.
"Nagugustuhan po Sir?" maarte pa ding tanong ng dalaga. Wala na nga sa topic sinisingit pa.
"Mayro'n," biglang natahimik ang buong klase. Napaupo na din si Evianna sa upuan niya at ngumuso pa.
Mukha siyang pato!
"Pero hindi p'wede e. Saka may boyfriend na siya." Natatawa pa ding sagot ng guro.
Umungol ng lungkot ang mga kaklase ko. Wala namang kainte-interesante sa pinag-uusapan nila. Hindi na lang magpauwi si Sir.
"By the way class!" patuloy niya. Bahagya pa siyang pumalakpak para makuha ang atensyon ng lahat.
"Ready na ba kayo sa Retreat this friday? Besides lahat naman kayo pinayagan ng mga magulang niyo," nakangiting saad niya. Pati yata mga mata niya kumikislap din sa saya.
"Yes sir!"
"Whoooooo! Excited na kami sir!"
"Sir pasabay sa magara mong kotse papunta do'n Sir!" Hiyaw naman ni Evianna. Napairap pa ako dahil lagi na lang siyang epal.
"Oo naman sige!" Natatawa na namang sagot niya kay Evianna.
'Yan! Diyan ka sa babaeng 'yan! Dahil pareho kayong malandi!
"So let's go home! Mag-aral pa din kahit excited kayo sa friday okay!" Sigaw niya bago maglakad palabas ng classroom.
"May gusto daw si Sir pero hindi p'wede saka may boyfriend? Sino kaya 'yun?" Bulong sa'kin ni Anthony. Kahit kinilabutan ako sa hininga niyang humahampas sa leeg ko, hindi ko na pinansin.
"Paki ko?" Inayos ko na ang mga gamit ko. Pupuntahan ko pa si Anna sa classroom nila.
"Tsk! Nahihiwagaan din ako diyan kay Sir e! Bait-baitan kuno pero may masamang ugali din!" Bulong ni Alisson. Alam ba niyang sinasabi niya?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong sa kaniya ni Vin. Nakatayo na ako para umalis.
"Wala. Huwag mo kong kausapin." Nauna nang maglakad si Alisson sa'min palabas ng silid. Nakakapagtaka talaga ang kinikilos ng lalaki kapag si Vin ang kaharap niya.
Nang lingunin ko si Vin, nakatitig pa din siya sa p'westo kanina ni Alisson.
"Hi Exxel! P'wede bang humingi ng favor?" sumama ang mukha ko dahil kinakausap ako ni Evianna. Ayoko talagang masilayan ng malapitan ang mukha niya, nasusuka ako. Sa sobrang kapal ng make up niya, mahanginan lang matatanggal na.
Tsk! Hindi! Ayoko!
"Ano?" pinatigas ko ang tono ng boses ko. Ayoko talaga siyang kausap.
"Sasali ako sa grupo niyo ..." Hinarang ko ang palad malapit sa mukha niya. Alam ko na sasabihin niya.
"Ayoko." Nilagpasan ko na siya. Bahagya ko pa siyang tinabig para makadaan ako.
"Exxel! Ang sama ng ugali mo! Hindi ka naman ganiyan dati! Dumating lang ang Anna na 'yun, nahawa ka na sa pangit niyang ugali!"
Marahas ko siyang nilingon. Mabilis ang naging paglapit ko sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang maliit niyang braso.
"Mas pangit ugali mo Sanchez! Akala mo ba hindi ko alam na kasabwat ka ni Sir Quintin noon? Hindi ko lang talaga sinabi sa prinsipal dahil naaawa akong makick out ka!"
Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa'kin. Bahagya pang nakabukas ang bibig niya.
Tsk! Hindi mo ko mauuto!
"Sa susunod, huwag mong ihaharang ang mukha mo sa daraanan ko dahil nasusuka ako sa kapal ng make up mo!" Iwinaksi ko ang braso niya. Wala na akong pakialam kung natumba siya sa ginawa ko.
Kunot na kunot ang noo kong lumabas ng classroom. Didiretso na sana ako sa silid ni Anna nang makita ko siya sa harap ng pinto, kausap si Sir Mendoza.
Timing talaga!
Naikuyom ko ang mga palad. Kailangan kong kumalma. Hindi magandang laging magagalit ako kapag nakikita ko silang laging magkasama.
Nilapitan ko si Alisson na nakasandal sa may pader. Kitang kita dito ang buong school.
"Tsk! Kawawang Evianna," rinig kong sabi ni Anthony. Pinanuod ko pa kung paano nagmamadali si Evianna at mga kaibigan niyang bumaba ng palapag.
"Deserve niya 'yan," mahinang turan naman ni Vin. Hindi siya nakikialam sa mga gulong nangyayari sa mga kaibigan niya. Hinahayaan lang niya kami kahit na Presidente pa siya ng council.
"Hindi mo din sinumbong sa prinsipal?" Nakatingin si Alisson kay Vin. Mukhang walang sumpong ang lalaki sa kaibigan ko.
"Hindi."
"Bakit? Dahil type mo?" Nakahalukipkip siyang nakatitig lang kay Vin.
Ano bang nangyayari sa dalawang 'to?
"Gumagawa ka na naman ng kwento," malamig ng saad ni Vin.
"Sino sa'ting dalawa ang magaling gumawa ng kwento?" Nakatitig na sila sa isa't isa. Naguguluhan na ako sa kanilang dalawa.
"Heeeeeeeeep! People! Chill lang okay?" Pumagitna na si Anthony.
"Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo huwag ako." Iniwas na ni Alisson ang tingin kay Vin.
"Tama na 'yan Alisson." Dumating na si Anna sa p'westo namin. Nilingon ko pa si Sir Million na naglalakad na papuntang opisina niya.
"Tapos na kayong mag-usap? Anong pinag-usapan niyo?" masama pa din ang timpla ng mukha ko. Gusto kong manapak dahil sa inis.
"Sinabi lang ni Sir na wala na 'yung mentainance boy." Nauna na siyang maglakad samin. Sumunod kaming lahat sa kaniya.
"Buti naman! Akala naman niya makakalusot siya dahil may kapit siya dito? Hah! Lola ko yata ang prinsipal," masigla na naman si Alisson. Bipolar din 'tong isang 'to.
"Tumahimik ka na Alisson, ang daldal mo," seryosong saway ni Anna sa kapatid niya.
Tahimik na kaming naglalakad papuntang gate nang tumigil ako. Tumigil kasi si Anna sa tabi ko.
"Bakit?" Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Nakita ko ang dalawang taong papunta sa lumang building sa likod.
"Mauuna na kayo, susunod na lang ako." Nagmadali na siyang naglakad paalis. Alam ko kung anong gagawin niya. Hindi ko siya hahayaang mag-isa.
"Saan pupunta 'yun?" Nakahawak pa sa'kin si Alisaon habang sinusundan ng tingin si Anna.
"Una na kayong umuwi. Ako nang bahala kay Anna."
Mabilis ang ginawa kong pagtakbo para maabutan siya. Alam na nga niyang delikado pupunta pa. Naabutan ko siya sa isang malapad na pader, nakasilip ang ulo niya sa kung saan.
"Nasaan na sila?"
Nanlalaki ang matang nilingon niya ako. Sobrang lapit ng mukha ko sa kaniya kaya kitang kita ko kung gaano katambok ang pisngi niya.
"Bakit ka nandito?" mahinang singhal niya. Inalis ko ang tingin sa kaniya at nakisilip din. Nando'n si Luna at ang boyfriend niya. Parang may hinihintay pa sila.
"Umalis ka na dito Exxel," inosente ko siyang nilingon.
"Tsk! Sasabay ako sa'yong umalis."
Marahas siyang napabuntong hininga. Dumapo pa ang binuga niyang hangin sa braso ko kaya kinilabutan ako.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" salubong na salubong na ang kilay niya. Gusto kong matawa pero hindi akma sa sitwasyon kaya mamaya na lang.
"Nahawa lang ako sa'yo." Sumilip na ulit ako sa kinatatayuan nila Luna. May mga iba na silang kasama. Pamilyar ang iba sa'kin. Nang makita ko ang babaeng paparating sa direksyun nila, napailing na lang ako at hindi na nagulat.
"Evianna," mahinang usal ni Anna. Wala ang mga alipores niya. Siya lang mag-isa. Seryoso ang mukha niya habang nakikipag-usap sa ibang kasama.
"Valerie,"
May dumating ulit na babae. Eto 'yung laging inaaway-away si Anna na kaklase din ng dalaga.
Teka, sandali. Eto 'yung lalaking pangit na muntik nang malagutan ng hininga sa canteen.
"Kaya pala."
Nagtataka akong nilingon si Anna. Anong pinagsasabi niya. Umayos na siya ng tayo at hinarap na ako. Gano'n din ang ginawa ko sa kaniya. Medyo nasisilip ko pa ang mga taong nagkukumpulan malapit sa lumang building.
"Umuwi na tayo." Hinawakan niya ang braso ko at akmang hihilahin palayo nang makita kong nakatayo malapit sa'min si Sir Milllion.
"Anna, Exxel anong ginagawa niyo diyan?" nakangiti siyang humarap sa'min. Nasa likod pa niya ang dalawang kamay at gano'n pa din ang itsura niya. Naka-reading glass at plantsadong plantsado ang uniporme.
"May tiningnan lang," si Anna ang sumagot sa kaniya. Kay Anna lang nakalapat ang mga mata ko. Blangko ang ekspresyon niyang nakatitig kay Sir Million.
"Hindi pa ba kayo uuwi? Baka gabihin kayo sa daan? Delikado ang panahon ngayon." Nilipat ko sa guro ang paningin ko. Matamis pa ding nakangiti si Sir kay Anna.
Oo kay Anna! Peste!
"Tara na," hinigpitan ni Anna ang pagkakahawak sa braso ko at marahan akong hinila palayo sa lugar na 'yun.
Nakatitig lang ako sa likod ng dalaga. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa pagitan nila ng guro. Ayokong magtanong. Ayokong mangialam, pero ginugulo ng isip ko ang mga tinginan ni Anna kay Sir Million.
Nakakatakot. Nakakakilabot. Na para bang isang pitik na lang lalabas na ang iba niyang pagkatao. Kaya ko namang pigilan si Anna Garcia the second, pero hindi ko din mababasa ang bawat galaw ng dalaga.
"Bakit ba ang tagal niyo?" Sigaw sa'min ni Alisson. Nakasandal siya sa sasakyan niya, kasama sila Anthony at Vin.
"Sabi ko mauna na kayo 'diba?" Inirapan ko lang sila at hahakbang na sana palapit sa sasakyan ko nang humigpit ang hawak sa'kin ni Anna. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako.
"Dadaan kami kay France. Baka gusto niyong sumama?" hindi ko na muna pinansin ang tanong ni Anthony. Nakatutuk ang paningin ko sa blangkong mukha ni Anna. Parang may pinipigilan siya, parang may masakit sa kaniya.
"Anna bakit?" nanatili lang akong nakatayo sa gilid niya. Nakita ko kung paano siya ngumiwi at bumuntong hininga.
"H-hindi ko alam pero parang sumakit ang tiyan ko," lumuwag na ang pagkakahawak niya sa'kin at umaliwalas na ang bakas ng mukha niya.
"Gusto mo munang magbanyo?" nag-aalalang turan ko.
"Hindi na. Sama tayo kay France," bahagya siyang ngumiti at binitiwan na ako. Lumapit siya sa bisekletang nakakadena sa parking.
"Ilagay mo na sa likod ng kotse ko," nakasigaw na sabi ko sa kaniya. Medyo malayo kasi siya sa'min.
Maya-maya lang ay nilalagay na niya sa likod ng sasakyan ko ang bisekleta niya. Nagtataka pa ako dahil wala ni isang nagsasalita sa mga kaibigan ko. Maski si Alisson hindi ko naririnig ang mga komento niya. Kaya nilingon ko sila at parang hindi sila makapaniwalang nakatingin sa'min.
"Anong nangyari sa inyo?" Kinaway-kaway ko pa ang palad malapit sa mga mukha nila. Tsaka sila parang nagising sa pagkatulala.
"T-tara na. Bibili pa tayong pagkain."
"Oo nga. Tara na! Tara na!"
"Teka naman. Hindi pa ako tapos kiligin e!" si Alisson na nagpapadyak bago pumasok sa sarili niyang sasakyan.
Kinikilig siya? Pero kanino?
"Anong tinatayo tayo mo diyan. Tara na." Umikot na si Anna sa may passenger seat. Nagkibit balikat na lang ako at sumakay sa sasakyan.
Hindi nagtagal ay huminto sila sa may convenience store. Pumipitik-pitik ang daliri ko sa manibela habang hinihintay silang bumalik. Ayokong kausapin si Anna dahil baka makapagtanong ako nang wala sa oras.
"M-may tubig ka ba diyan?" nahimigan kong pumiyok si Anna nang magsalita. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya pero inabot ko ang bag sa likod at kinuha ang dala kong tubigan. Nang maiabot ko sa kaniya pagkatapos buksan ay agad na niyang ininum.
"Okay ka lang ba Anna? May masakit ba sa'yo?" nag-aalala na talaga ako. Namumutla na nga din siya.
"O-okay lang. Mahapdi lang ang sikmura ko," sabi ko na nga ba may dinadamdam na siya kanina pa.
"Bibili lang ako ng gamot. Dito ka lang." Lumabas ako ng sasakyan at sinundan ang mga kaibigan ko. Kasama nila si Alisson na ang daming reklamo pero ang daming bitbit na pagkain sa braso niya.
"Oh! May gusto ka pang bilhin Alcantara?" narinig ko ang boses ni Anthony pero hindi ko na pinansin. Dumiretso na lang ako sa counter.
"May gamot kayo sa mahapding sikmura?" Nililibot ko ang paningin sa paligid. Baka makakita pa ako ng p'wedeng gamutin sa nararamdaman na sakit ni Anna.
"Kremil-S po ang mairerecommend ko sa inyo Sir," nakangiting sabi sa'kin ng kahera.
"Sige. Bigyan mo ko sampong piraso." Pumunta ako sa may milk section at kumuha ng ilang piraso ng fresh milk. Dumukot na din ako ng isang balot ng sky flakes. Nang nakuha ko na ang lahat ng kailangan, bumalik ako sa counter at nagbayad.
Nagmadali na akong bumalik sa sasakyan. Hindi ako mapakali sa nararamdamang sakit ni Anna. Maski ako parang nararamdaman ko ang nararamdaman niya.
"Kainin at inumin mo muna 'to." Binigay ko sa kaniya ang isang fresh milk at sky flakes, "Tapos uminum ka ng isang tablet nito." Inabot ko naman ang gamot sa kaniya.
Pinanuod ko siyang gawin ang mga sinabi ko. Nang matapos, sumandal siya at pumikit. Kailangan niyang magpahinga, kaya hinayaan ko na siyang matulog at pinaandar na ang sasakyan. Nakita ko na kasing lumabas ang mga kaibigan at nagkaniya-kaniya na ulit sila ng sakay sa mga kotse nila.
Ilang minuto lang ay narating namin ang ospital. Tulog pa din si Anna kaya binuhat ko na lang siya.
"Anong nangyari kay Anna?" Nag-aalalang tanong ni Alisson. Naglalakad ako habang sinasagot ko siya.
"Napagod yata kaya nakatulog" narinig ko ang bungisngisan nila sa likod. May lumapit pa nga sa aking nurse at nagtawag ng mag-aassisst.
"Hindi Miss. Nakatulog lang siya," nakangiti akong humarap sa babae.
"Ay sorry sir," maya-maya lang ay umalis na sila sa harap ko at malakas akong tinawanan nila Anthony.
"Bakit mo kasi pinagod? 'Yan tuloy knock out!" halos hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil nauuna ang tawa kesa sa pagsasalita.
"Respeto! Kapatid here!" sarkasikong turan naman ni Alisson.
Narating na namin ang kwarto ni France. Pinagbuksan nila ako ng pinto at agad kong nilapag sa sofa ang tulog na tulog na si Anna.
"Anong nangyari kay Anna?" namamaos pa din ang boses ni France pero naghihilom na ang mga sugat niya.
"Nakatulog lang. Kamusta ka?" Nilapitan namin siya.
"Ayos lang. P'wede na daw akong lumabas bukas. Bored na bored na ako dito. Walang makausap! Halos hindi ako makakain kasi naaamoy ko ang ospital! Oh! Food! Akin 'yan?!" umaliwalas ang mukha niya ng iangat ni Vin ang mga pagkaing hawak. Hindi ko alam kung okay na sila pero mukhang okay naman na.
"Basta pagkain talaga ang bilis mo 'no?" sita sa kaniya ni Anthony. Siya na ang nag-ayos ng mga pagkain sa maliit na mesa.
"Nakakaumay mga pinapakain nila sa'kin dito! Walang lasa!" Kinuha niya ang isang box ng pizza at isang box ng donut. Tumabi pa nga si Alisson sa kaniya at nakikikuha ng pagkain.
"Tsk! Huwag ka ngang matakaw! Akala ko ba akin lang 'to!" Inilayo ni France ang pagkain kay Alisson.
"Napakadamot mo! May ambag naman ako diyan ah!" Nakangusong turan niya.
"Do'n ka na lang humingi kay Vin. Marami naman kayong binili!" Nagpatuloy pa din sa pagkain si France habang inilalayo pa din ang mga 'to sa binata.
"Ayoko do'n! Ayoko siyang makatabi!" Bulong ni Alisson pero rinig na rinig ko.
"LQ na naman kayo?" Bulong din pabalik ni France sa kaniya.
"Ayoko lang siyang makatabi," hindi na nilalayo ni France ang pagkain kaya tuwang tuwa naman 'yung isa. Iiling iling naman akong bumalik sa sofa. Pinakatitigan ko ang natutulog na si Anna.
Pumunta lang dito para makitulog?
Gumalaw-galaw ang ulo niya. Nagsasalubong ang mga kilay niya. Naririnig ko pa ang mga ungol at daing niya. Mukhang nananaginip pa yata siya.
Tinatapik ko ng mahihina ang pisngi niya para magising. Kitang kita ko na ang butil-butil na pawis niya sa noo. Bahagya na ding nakabukas ang labi niya.
"Anna?" mahinang tawag ko sa kaniya. Kapag narinig na naman ng magkakaibigan ang pag-aalala sa boses ko, makikitsimis na naman ang mga 'yun.
Muntik na akong matumba nang dambahin niya ako payakap. Hinihingal siyang mahigpit ang kapit sa'kin. Ni hindi ko nga alam kung gising na nga ba siya.
"Anna?" Tawag ko ulit sa kaniya. Malalalim pa din ang ginagawa niyang paghinga. Masuyo ko na lang hinahaplos ang likod niya.
"Anna?"
"Exxel," namamaos ang boses niya.
"Hmm?"
"Dito ka lang. Huwag mo kong iiwan."
Kahit nagtataka sa sinabi niya. Pinagpatuloy ko pa din ang masusuyong paghaplos sa likod niya. Ang pagganti ko ng yakap sa kaniya.
"Hindi ako aalis Anna. Lagi akong nandito kapag kailangan mo ng kasama."

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    MalinaoMary rose

    subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa

    18/08/2022

      0
  • avatar
    Jennylyn Lobina

    chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Keneth Portugal

    . jfjxchbocyz

    10/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata