Homepage/Ang Astig Kong Bida/
Chapter 70
EXXEL ( pov )
Nasa parking na ako nang six thirty pa lang ng umaga. Pagkatapos naming kainin ni Anna kagabi ang dala kong ice cream, nagpaalam na din ako dahil pinapauwi agad ako ni kuya. Hindi ko nga alam kung bakit balisa siya nang umuwi kinahapunan sa bahay.
"Wow! Fresh na fresh ang Exxel! Nadiligan ka?" hindi pa nakakarating sa p'westo ko si Anthony, nang-iinis na.
"Baka bati na sila," seryoso man ang mukha ni Vin, may panunukso sa tono ng pananalita niya.
"Tumigil nga kayong dalawa." Inirapan ko lang sila.
"Hoy! Ang pangit mong umirap. Huwag mo nang ulitin 'yun gago!" bahagya akong hinampas ni Anthony sa balikat.
"Inamo ka masakit! Lumayo ka nga sa'kin dahil ang baho nang pabango mo!" Kinusot-kusot ko pa ang ilong. Ang tapang ng pabango niya ngayon.
"For your information Alcantara. Galing pa 'tong states. Bigay ni tita Mineza" inilapit pa niya ang leeg sa'kin at mas lalong pinaamoy ang pabango niya.
"Eh ano naman? Binigyan din naman ako ni tita ng jersey ni MJ ah!" kahit hindi ako mahilig magbasketball, natuwa pa din ako sa binigay ng ina ni France.
"Nagugutom ako." Napatingin kaming dalawa ni Anthony kay Vin. Minsan hindi ko alam kung seryoso o nagbibiro 'tong lalaking 'to dahil laging blangko ang emosyon niya sa mukha.
"Tara sa canteen?" Yaya naman ni Anthony sa'min. Sinipat ko muna ang relong nasa bisig bago nagsalita.
"Hintayin na natin sila Ali at Anna. Baka parating na 'yun."
"Narinig ko maganda kong pangalan." Nilingon ko sa likuran ang bansot na kapatid ni Anna. Gwapo si Alisson. Walang maitulak kabigin sa itsura niya. May pagkabaliw din kagaya ni France pero maaasahan. Sa height talaga bumaba ang perfect na sanang score ko para sa kaniya.
"Gwapong gwapo ka sa'kin Alcantara?" sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, na halos ikangiwi ko. Buti na lang tinulak ni Vin ang noo ni Alisson at masama naman siyang tumingin sa kaibigan ko.
"Tsk! Singit ng singit sa sarili!" Bulong niya sa tabi ko. Ako lang yata nakarinig no'n.
"Bakit hindi mo na sinabay si Anna?" tanong ni Anthony na inaayus ang buhok sa side mirror ng kotse ko.
"Hindi naman niya sinabi e," walang ganang sagot ni Ali.
"Nakita ko bike niya do'n." Turo ni Vin sa laging pinaparkingan ng bisekleta ni Anna. Pero hindi ko pa siya nakikita.
"Ay tanga! Oo nga! Iniwan pala niya 'yan kahapon dahil hinatid ko siya!" akmang babalik na si Alisson sa kotse niya ng may pulang vìos na pumarada sa harap namin. Tinted ang salamin no'n kaya hindi ko maaninag kung sinong driver.
"Anna sinong ..."
Lumabas sa passenger seat si Anna. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya habang inaayos ang uniporme nang makababa siya.
"Good morning students. Sinabay ko na si Anna dahil nakita kong naglalakad sa daan," nakangiting bati ni Sir Million sa'min. Kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'to pero wala akong magawa. Teacher siya at estudyante lang niya ako.
"See you around Anna." Kumaway pa muna siya kay Anna bago pinaandar ang sasakyan. May VIP parking kasi sa likod ang mga guro dito sa Mount Star, kaya dumiretso pa ang sasakyan ng guro palabas ng unang parking.
"Bakit nandito kayong lahat?" tanong ni Anna. Nasa palikong kotse ni Sir ako nakatingin. Naiinis pa din ako. Bakit kailangan niyang makisabay pumasok sa gurong 'yun?
"Hinihintay ka namin Anna," narinig kong sinagot siya ni Anthony.
"Nakalimutan kong naiwan mo pala ang bike mo dito. Sana sinabay na kita para hindi ka na hinatid ni Sir Mendoza," mahihimigan din ang inis sa boses ni Alisson.
"Tara na sa canteen." Yaya naman ni Vin sa'min. Nauna pa siyang maglakad papasok sa gate.
Bumuntong hininga muna ako at sumunod kay Vin. Hindi ko na binigyan ng tingin si Anna. Hindi ko alam pero naiinis lang ako sa paghatid ng guro sa dalaga.
"Dapat nagsabi kang magpapasundo," mahinang singhal ni Alisson. Nasa likod ko lang sila kaya rinig na rinig ko.
"Hindi ko din naman alam."
Tsk! Hindi niya alam na wala siyang bisekleta?
"Tsk! 'Diba sabi ko huwag ka ng maglalapit sa gurong 'yun! Alam mo bang sinabi niya sa'tin kahapon?"
Nangunot ang noo ko. May sinabi si Sir Million sa kanila?
Maraming nagkukumaway sa'ming mga estudyanteng bagong mukha sa paningin ko. Mga first year students siguro sila dahil hindi pamilyar.
"Nagpumilit e."
Tsk! P'wede namang tumanggi!
"Bakit hindi mo tinanggihan?" inis pa ding tanong ni Alisson kay Anna.
"Kailangan e."
Kailangan? Bakit?
Paupo na kami sa mesa malapit sa sulok ng canteen. Si Vin at Anthony ay nasa counter na at bumibili ng pagkain. Hindi naman ako kakain kaya hindi na ako tumayo.
"Gusto niyo kape?" tanong ni Alisson ng tumayo siya para pumunta sa counter.
"Kape. Tapos sa kaniya gatas."
Marahas ang paglingon ko kay Anna. Ano namang trip niya at paiinumin ako ng gatas.
"Milk tea na lang. Libre mo ko Ali," hindi ko na pinansin si Anna. Bahala siya. Naiinis ako.
"Aba! Walang hiya ka! Pero sige. Ilan gusto mo?"
"Isa lang malamang!" nakangiwi akong sinagot siya.
"Hoy! Magpapalibre ka na nga lang galit ka pa? Sapakin kaya kita ngayon na!" Inambaan niya ako pero agad din siyang lumayas sa p'westo namin. Nang iiwas ko na ang paningin, nahagip ko naman si Anna'ng nakatingin sa'kin.
"Bakit?" walang ganang tanong ko sa kaniya. Nagkibit balikat lang siyang sinundan ng tingin ang kapatid.
Tsk! Kakaayos lang namin kagabi tapos may panibago na naman. Hindi man lang ako kinakausap? Edi hindi ko rin siya kakausapin?
Mahabang katahimikan ang namayani sa'min bago dumating ang tatlo. Nilapag ni Ali ang Milk tea sa harap ko at kay Anna naman ay ang umuusok pang kape.
Tsk! Kape ng kape hindi man lang nerbyusin!
"Ano bang binubulong bulong mo diyan Alcantara? Parang kanina lang ang sigla mo ah!" sabi ni Anthony. Nilalantakan na niya ang cake na binili.
"Hinatid kasi ni Sir Million si Anna," tuloy tuloy lang na sumusubo ng cake si Vin habang sinabi niya 'yun. Wala man lang filter bibig nito.
"Ahhhhhhh! Nagselos ka!" Tinusok-tusok pa ni Alisson ang tagiliran ko. Siya kasi ang katabi ko at nasa harap niya si Anna, na katabi si Anthony. Napapagitnaan naman namin si Vin.
"Para kang babae Alisson! Wala akong kiliti diyan baliw!" Nag-iwas siya ng tingin at mukhang namumula pa. Sumubo na lang siya ng cake sa maliit na pinggang bitbit niya.
"Nagselos ka Alcantara? Weh 'di nga seryoso? Kala ko kay Vin ka lang magseselos e!" tukso naman ni Anthony. Akala ko kapag wala si France, tatahimik ang mundo ko. Hindi pala.
"Tumahimik ka nga diyan! Isasaksak ko 'to sa bunganga mo!" Pinakita ko sa kaniya ang baso ng milk tea. Binelatan lang niya ako at pinagpatuloy ang pagkain.
"Yung Retreat," basag ni Vin sa katahimikan namin.
"Anong mayro'n sa Retreat?" hinayaan ko na sila Anthony at Vin na mag-usap. Nawalan na ako ng gana.
"Sinuggest ko nang magkakasama kayo sa isang tent. Sa mga officer ako e," ubos na ni Vin ang kinakain niyang cake. Sumisimsim na lang siya ng kape.
"Gano'n ba? Sayang hindi natin makakasama si France," malungkot na saad ni Alisson. Hindi na ako magtataka kung bakit napalapit na si France sa kaniya. Kahit lagi silang nagbabangayan, lagi naman silang magkasama.
"Hindi p'wedeng sa'tin si Anna. Ang pangit tingnan kung lahat tayo lalaki tapos kasama natin siya sa tent," patuloy niya. Gano'n na lang ang paglingon ko sa direksyon ni Anna, na hindi ko namalayang nakatingin pala siya sa'kin.
"May tent akong two sided. Maliit nga lang space no'ng kabila, pero kakasya na si Anna do'n," singit naman ni Anthony. Hindi ako makapagsalita dahil nalulunod ako sa mga titig ni Anna.
"Sabagay. Hindi natin siya p'wedeng ibigay sa iba baka masulot pa. 'Diba Alcantara?" hindi ko na alam kung sinung nagtanong no'n. Basta narinig kong apelyido ko kaya wala sa sariling sumagot sa kanila.
"Oo."
"Yown!"
"Settled na! Tara na sa linya. Flag ceremony na."
Tumayo na din ako para sundan ang mga kaibigan. Kami na lang ni Anna ang naglalakad sa likuran nila. Hindi ko alam kung sinadya niya talagang sabayan ako sa paglalakad.
"Galit ka?" mahina lang 'yun pero rinig na rinig ko. Binalingan ko siya pero wala sa'kin ang paningin niya.
"Hindi."
"Nagtatampo ka ba?" sunod na ulit niyang tanong. Malayo pa naman kami sa Auditorium ng school. Mabagal din ang paglalakad namin.
"Hindi."
"Naiinis? Napipikon?" bumuntong hininga ako. Kailangan ba lahat itatanong?
"Hindi."
"Nagseselos?" naramdaman ko ang paghinto niya kaya huminto din ako. Kita ko sa mga mata niya ang pagkalito. Naguguluhan na din marahil siya sa ugali ko, dahil maski ako naguguluhan na sa sarili ko.
"H-hindi."
Nagsimula na ulit siyang maglakad kaya sinabayan ko ang mabagal niyang paglakad.
"Bakit parang 'oo'?"
Walang tamang salita akong naiisip para sagutin siya. Wala ako sa tamang lugar para magselos at magtanim ng sama ng loob. Dahil una pa lang naman, nanliligaw pa ako. Sinabi niyang gusto niya ako pero nanliligaw pa din ako. Kahit anong maramdaman ko hindi siya obligadong sundin lahat ng sasabihin ko.
Hindi ko na siya nasagot ng tuluyan dahil nagsimula ng kantahin ang Lupang Hinirang. Wala pa man kami sa linya. Masyado talagang mabagal ang paglalakad namin kaya hindi nakahabol sa harap ng stage. Nanatili na lang kami do'n hanggang matapos ang dasal. Hindi pa pinaalis ang mga estudyante dahil may announcement pa daw. Nakita ko na lang na umakyat si Vin sa stage na may hawak na mic.
"Good morning fellow students! Next month ay magsisimula na ang officers na magcheck kung may nasalihan na kayong club. Every student must required to join. Kapag hindi pa kayo nakapag decide kung saan kayo sasali, matutulungan namin kayo basta lumapit lang kayo sa'min." Umingay ang mga estudyante kaya tumigil sandali si Vin.
"Maraming clubs ang p'wedeng salihan alam niyo 'yan. Sana makapag-isip na kayo agad kung saan kayo sasali dahil extra curricular 'yan. May grades ding makukuha. That's all. Good morning again and study well!"
Nagkaniya-kaniya nang alisan ang mga estudyante. Hinintay na lang namin 'yung tatlo bago kami naglakad paakyat sa palapag.
"May sasalihan ka ng club Anna?" tanong ni Alisson kay Anna. Kasabay ko silang dalawang maglakad, pinaggigitnaan nila ako.
"Wala pa."
"Hindi ko din alam kung saan ako sasali e!" mahihimigan na sa tono ng boses ni Alisson ang inis. Sasakit lang ang ulo niya kapag hindi siya makapag desisyon agad.
"Marunong ka ba sa mga instrument Alisson?" singit ni Anthony. Paliko na kami sa pangatlong palapag.
"Oo. Violin."
Namangha ako sa kaniya. Madalang lang ngayon ang may alam gumamit ng violin dito sa bayan.
"Sa music club ka na lang. 'Diba Vin?" Tapik ni Anthony kay Vin. Hindi kasi umiimik kanina pa 'tong si Cortez.
"Hmm."
"Oh! May club ka na," nang lingunin ko si Alisson, nakangiwi lang siyang tumatango kay Anthony.
Anong problema nito?
"Ikaw Anna saan ka?" si Anna naman ang binalingan ko. Tahimik din siya katulad ni Vin.
"Hindi ko pa alam."
Nasa tapat na kami ng section namin. Gusto ko pa sanang ihatid si Anna sa silid nila nang mahagip ng mata ko si Sir Million. Nakatingin siya sa direksyon namin. Siya ang pumalit kay Miss Castro kaya nasa dulo ng palapag na 'to ang opisina niya.
"Anna magkaklase na!" Tawag niya kay Anna. Napairap na lang ako nang makapasok siya sa classroom nila Anna.
"Papasok na din kami," saad ko. Matamlay akong naglakad papuntang pinto. Natigilan pa nang maramdaman ko ang masuyong paghawak niya sa palapulsuhan ko.
"Sasabay ako magmeryenda sa'yo."
May humaplos mang kung ano sa puso ko at may ngiting gustong lumabas sa labi ko, todo pigil ang ginawa ko dahil nagseselos pa din ako.
Tumango lang ako.
Ilang segundo pa niya akong tinitigan bago ako binitawan. Pinanuod ko pa ang paglakad niya palayo at pagpasok sa classroom bago ako naglakad papasok sa section namin.
"Putcha! Kinikilig 'to e!" tukso sa'kin ni Anthony. Pangiti-ngiti lang si Vin sa tabi niya habang naka-upo na sa likuran si Alisson.
"Kinikilig mong mukha mo!"
Agad ko na silang tinalikuran. Damadagundong na kasi ang tibok ng puso ko. Hindi sa pagmamadali kong paglalakad. Hindi sa sinabi niyang sasabay siya sa'kin mamaya, kundi sa masuyo niyang paghawak sa'kin kanina.
Kinikilig nga talaga akoooooooo!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa
18/08/2022
0chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting
21/05/2022
0. jfjxchbocyz
10/07/2024
0Tingnan Lahat