Chapter 38

ANNA ( pov )
Nang inaya ako ni Ali na mamasyal pagkatapos naming mag-aral at magtanghalian, ay parang uminum nang energy drink si France. Dahil siya agad ang lumapit kay Ali at nagtatalon pa siyang hinihila ang kapatid ko paalis ng bahay.
"Bitiwan mo ko letse ka! Hindi tayo close!" Pinipilit tanggalin ni Ali ang braso kay France. Mas matangkad si France kay Ali at mas malaki ang katawan kaya hindi agad natanggal ng kapatid ko ang pagkakakapit ni France sa kaniya.
"Ang arte mo naman! Parang kakapit lang e!"
"Huwag ka ngang patola diyan! Plastik kayo kaya huwag kang dikit ng dikit sa'kin!" Nauna nang lumabas ng bahay si Ali. Ang laki talaga ng galit niya sa magkakaibigan na 'to.
"Sama tayo! Sama tayo! Gusto kong mag-arcade!" si France na ginalaw-galaw pa ang katawan.
Tsk! Parang bata!
"Pass. Hindi ako p'wede may lakad ako." Nagliligpit na si Vin nang mga kalat sa maliit na mesa.
"Wala ka namang jowa Cortez ah!"
"May jowa lang ba p'wedeng maging abala? Huwag kang mag-imbento diyan Delgado." Sinukbit niya ang dalang bag at nauna na nang umalis nang bahay.
Tinanguan ako ni Anthony at sumunod kay Vin.
"Hoy! Sama na tayo!" Tumatakbo namang sumunod sa kanila si France.
Nang balingan ko si Exxel, nakatayo siya at nakatingin sa'kin. Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Bakit?" siya pa talagang may ganang magtanong ng 'bakit'?
"Bawal tumingin sa'yo?"
Umismid siya at nag-iwas ng tingin sa'kin. Parang tanga.
"Sasama ka ba?"
"Kung papayag ka."
"Sumama ka na." Tinalikuran ko siya at pumasok sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung ano na namang sumanib sa'kin. Sinabi ko sa sarili kong hindi na maglalapit sa kaniya dahil mas lalo lang magagalit ang mga fans niya sa'kin sa school, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mas lalo kong inilalapit ang sarili sa kaniya.
"Oh!" Binato ko sa kaniya ang sumbrerong pinahiram niya sa'kin no'ng Fun Run Charity. Nilabahan ko na rin 'yun dahil balak ko talagang ibalik sa kaniya kapag may oras, pero nakalimutan ko na.
"Sa'yo na."
Napapansin kong hindi na siya madalas nakasigaw ngayon. Nakakapagtaka dahil no'ng dumating sila dito kanina ay ang lakas pa ng boses niya.
"Mayro'n ako." Pinakita ko sa kaniya ang sumbrerong pareho lang nang kulay sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit ito ang napindot ko no'ng nag-aadd to cart si Neil no'ng isang gabi. Tinanung niya kasi ako kung anong gusto kong bilhin dahil oorder siya.
"Wow! Pinareho talaga ah! Type mo ko 'no?" Tinaas-taas pa niya ang dalawang kilay.
Ang pangit mo! Letse!
"Huwag kang assuming. Nakamamatay."
Malakas siyang natawa. Nakatitig lang ako sa tawa niya. Ang ganda lang kasing pagmasdan ang kasiyahan ng mukha niya.
"Ang kapal talaga ng mukha mo Anna."
"Oo kasing kapal ng kalyo ko sa paa."
"Ha! May kalyo ka sa paa?" nawala ang ngiti sa labi niya kanina kaya ako naman ang matunog na napangisi dahil sa pambabarang naisip na ibabato sa kaniya.
"Pero mas makapal ang kalyo mo sa mukha!" Nilayasan ko siya bago siya makapagreact. Alam kong sisigaw na naman siya. Ililigtas ko na ang tenga ko sa matinis na boses niya.
"Anna Garcia! Ang brutal mong magsalita!"
Sinasabi ko na nga ba.
Iiling iling akong lumabas nang gate. Nandoon pa ang tatlong tukmol at si Ali. Nagsasagutan na naman si France at Ali. Kaya ang pangit ng mukha ng kapatid ko ngayon.
"Saan mo ba napulot 'tong kumag na 'to Anna. Ang pangit na nga! Nakakainis pa!" Nakahalukipkip siyang lumapit sa'kin.
"Aba! Ikaw pa talaga ang nagsabing pangit ako! Hoy nakita mo na mukha mo sa salamin? Kamukha mo si Fulgoso!"
"Hoy! Ang cute kaya ni Fulgoso. Edi cute pala ako!" Humagalpak ng tawa si Ali. Gusto ko na ring matawa sa itsura niya pero pigil na pigil akong tumawa sa harap nila.
"Aba't wala akong sinabing cute ka!"
Tawa pa rin nang tawa si Fulgoso, este 'yung kapatid ko pala.
Peste! Nahahawa na ako sa kabaliwan ng mga taong 'to.
"Dala ko kotse ko. Tara na Anna," akmang pupunta na si Ali sa sasakyan niya nang magsalita si Vin.
"Dito na. Kasya tayong lahat. Maluwag sa loob."
"Akala ko ba hindi ka sasama?" si France na kinakain na naman ang tira niyang chichirya kanina.
"Nagbago ang isip ko." Tumingin siya sa'kin nang sabihin niya 'yun. Nag-iwas naman ako nang tingin at lumapat kay Exxel na nakakunot ang noong pinaglipat-lipat sa'min ni Vin ang paningin.
"Hoy mga tukmol! Ano pang hinhintay niyo! Tara na!" nasa loob na nang Van si Ali. Nakabukas pa ang pinto, sayang Aircon.
"Ako na magddrive." Kinuha ni Anthony kay Vin ang susi. Sa passenger seat naupo si Vin. Sa likod kaming apat nila France, Exxel at Ali.
"Saang mall mo gusto?" kay Ali nakatingin si Anthony. Nagtataka ako kung bakit hindi agad nakasagot ang kapatid ko. Nakatitig lang siya sa salamin sa harap.
"Hoy kakambal ni Anna! Tinatanong ka ni lover boy number 2!"
"A-ano ulit?"
Nauutal pa!
"Kako kung saang mall mo gustong pumunta?"
"Ahh sa malapit lang para madaling makauwi mamaya." Bumaba na ang boses ni Ali. Nagkibit balikat na lang ako sa inasta niya.
Nagbubundulan ang mga balikat namin sa likod. Nasa tabi ako nang pinto dahil ang pangit tingnan kung nasa gitna ako. Kahit kapatid ko si Ali lalaki pa rin siya.
"Okay ka lang ba? Para kang ano diyan," si Exxel na nasa tabi ko.
"Tsk! Ano?"
"Uod na di matae! Ano bang problema mo?!"
Nakasigaw na naman ang kumag!
"Huwag ka ngang sumigaw."
"Ano ngang problema mo?" ayun na naman 'yung hininaan nga niya ang boses pero pabulong naman. Tumama na naman sa mukha ko ang hininga niya. Muntik na akong mapapikit kung hindi napapreno bigla si Anthony.
"Bakit bro?"
Sinundan namin kung saan siya nakatingin. Maraming kalalakihan sa harap ng sasakyan. Mga sampo, pero hindi ko sigurado kung may mga kasamahan pa silang nakapalibot sa'min.
"Anong nangyayari?" si Ali.
"Dito lang kayo," si Vin at Anthony ang bumaba para tingnan ang nangyayari sa labas.
Pero laking gulat ko nang suntukin nang lalaki sila Vin at Anthony. Nagmamadaling lumabas si France at susunod na sana ako nang pigilan ako ni Exxel.
"Dumito ka lang. Kami nang bahala."
"Kailangan kong tumulong. Bitiwan mo ko," nakita ko kung paano siya nawawalan nang pasensiya sa'kin pero maya-maya lang ay binitiwan niya ako.
Nakita ko pang lumabas si Ali. Wala akong oras para alalahanin siya. Siguro naman kaya niya ang sarili niya.
"Nakasapak ka na ano pang kailangan niyo?" si Vin ang nagtanong sa malaking lalaki. Nang dumapo ang paningin nito sa'kin, napangisi siya.
"Kasama niyo pala si Garcia," lahat sila binalingan ako. Hindi ko kilala ang lalaking 'to.
"Ano ngang kailangan niyo?"
Tinapik-tapik nang lalaki ang balikat ni Vin. Akala ko si Vin ang haharapin niya pero nilagpasan lang siya at dimiretso sa'kin.
Sino ba 'tong bakulaw na 'to?
Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Malapit na siyang makalapit sa'kin nang may humarang na lalaki sa harap ko. Amoy pa lang alam ko na kung sino.
"Oh! Kasama niyo rin pala si Alcantara! Jackpot ah!"
"Hindi tayo close kaya huwag mong binabanggit ang apelyido ko."
Dumilim ang mukha nung lalaki. Bakit kasi ganito magsalita ang Exxel na 'to? Mapapahamak kami kapag uminit ang ulo nang bakulaw na 'to.
"Matalas dila mo Alcantara! Mayabang ka!"
"Yabang lang kasi ang mayro'n ako. Kaya huwag mo nang angkinin pa."
Nakakalokong tawa ang pinakawalan ng lalaking nasa harap namin. Tiningnan ko ang mga kasama namin. Nakaabang lang sila at naging alerto sa paligid. Hindi sila kakikitaan nang takot. Maliban na lang kay France. Si Ali hindi ko makita kung saan pumunta.
'Yung mga kalalakihan namang humarang sa'min, nakalinya lang nang tayo habang nakangising pinapanuod kami.
Binalingan na nang lalaki sila Vin at Anthony. May bangas na ang mga mukha nila dahil sinapak na sila kanina.
"3 o'clock." Sumaludo pa ang lalaki sa dalawa bago tatawa-tawang tumalikod sa'min.
Malakas ang loob nila dahil wala halos nagagawi sa lugar na 'to. Mga talahiban ang nasa paligid, kaya natatakot ang ibang gumawi dito.
"Si Ali?" Nilibot ko ang tingin. Si Ali lang talaga ang hindi ko nakita kung nasaan.
"Nandito ako!"
"Saan ba nagsuot 'yun?" si Anthony. Bakas sa mukha niya ang inis, pero hindi ko alam kung bakit.
"Ali! Saan ka ba?" Lumapit na ako sa mga talahiban. Matataas kasi ang mga 'yun. Hindi ko na alam kung anong ginawa nang iba. Kailangan kong makita si Ali dahil may alergy sa damo 'yun.
"Anna!"
"Ali! Saan ba?"
"Dito Anna!" narinig ko na naman ang boses ni Anthony. Parang mas alalang alala naman siya kesa sa'kin. Tumakbo ako papunta kay Anthony. Nakita ko si Ali na nakagapos ang mga kamay at nakaupo sa damuhan. Nahaharangan kasi ng malalaking talahib kaya hindi namin napansin kanina.
"Taena 'yung mga lalaking 'yun. Umihi lang ako tinali na agad ako dito."
"Bakit kasi ngayon mo pa naisipang umihi?" Tinatanggal ni Anthony ang pagkakagapos ni Ali.
"Alangan na pigilan ko edi nagkasakit naman ako syunga ka?"
"Busalan mo nga rin bibig niyan Pangilinan! Naririndi na ako sa boses niyan e!" si Vin na nauna nang gumawi sa sasakyan.
"Kaya mong maglakad?"
"Oo anong akala mo sa'kin pilay?" Padabog namang nilayasan ni Ali si Anthony na iiling iling sa ikinikilos nang kapatid ko.
Sumunod naman si France na hindi na maipinta ang mukha niya. Nang balingan ko si Exxel, nakatingin lang ulit siya sa'kin habang malalim pa siyang huminga.
"Umuwi na lang siguro tayo. Hindi na maganda 'yung mood para mamasyal," matamlay siyang naglakad pabalik sa sasakyan. Nagmadali akong hinabol siya at hinawakan ang braso niya.
"Okay ka lang ba?"
Matiim niya akong tinitigan. Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang gusto niyang iparating sa'kin. Nalilito na lang din ako sa pabago-bago niya ng mood.
Inayos niya ang suot kong sumbrero. Bumaba ang kamay niya sa pisngi ko. Ewan ko ba pero parang hinihipnotismo niya ang mga mata kong huwag alisin ang titig sa kaniya.
"Tara na. Sabihin na lang nating huwag na tayong tumuloy." Nauna na siyang naglakad sa'kin pabalik sa sasakyan. Tulala akong nakatitig sa likuran niya.
Nangyari do'n?
Gusto kong haplusin ang pisngi kong hinawakan niya pero baka lumingon siya at makita ako. May sa anak talaga 'to ni Volta, dahil may dumadaloy sa katawan niyang kuryente kapag nahahawakan siya nang lalaki.
"Tatayo ka na lang diyan Anna! Tara na!" si France na bumalik na ang sigla niya. Natakot lang siguro talaga siya kanina.
"Anong mayro'n mamayang 3 o'clock?" Nadatnan kong tinanung ni Exxel sa mga kaibigan.
Oo nga. Anong mayro'n?
"Para 'yun sa kuya mo," si Vin ang sumagot. Hindi niya nililingon si Exxel pero nasa kaniya ang atensyon nito.
Pinaandar naman na ni Anthony pabalik sa bahay ni Neil ang sasakyan.
"Sa kuya ko?"
"Kay kuya Eisteine."
Tsk! Sabi ko na nga ba!
"Anong mayro'n kay kuya at sa lalaking 'yun?"
Matagal bago nakasagot si Vin sa tanong ni Exxel. Lahat kami nag-aabang nang sasabihin niya sa kaibigan.
"Kasama kami sa grupo na sinalihan niya noon. Hanggang doon lang ang p'wede kong sabihin Exxel. Kay kuya Eisteine mo na lang itanong ang iba"

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    MalinaoMary rose

    subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa

    18/08/2022

      0
  • avatar
    Jennylyn Lobina

    chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Keneth Portugal

    . jfjxchbocyz

    10/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata