Homepage/Ang Astig Kong Bida/
Chapter 32
ANNA ( pov )
Madaming sumalubong sa'ming mga bata, dalaga at mga binata nang makapasok kami sa loob ng bahay ampunan. Dito na iniiwan ang mga batang hindi na kayang alagaan ng kanilang magulang at alam ko ring may mga batang malala na ang sakit nila kaya pinababayaan na lang dito nang pamilya.
Masakit mang isiping nandito sila dahil wala na silang parte sa mundo, pero may mga taong hindi sila iniiwan. Katulad ni Mommy Kris. Ang Mother ng mga bata sa orphanage.
"Anna! Halaaaaa! Dalaga na ang alaga ko. Nasaan ang Daddy mo? Si Ali wala?"
Naiilang akong ngumiti sa kaniya, lalo pa't katabi ko lang si Exxel at nililibot lang niya ang paningin sa paligid.
"Wala po Mommy K. Hindi ko sila kasama."
"Gano'n ba? Dine na kayo sa loob. 'Yung mga kasama niyo nag-umpisa nang kumain."
Naglakad kami papasok at sa sobrang dami ng mga bata at mga tao sa loob. Halos mapuno ang sala hanggang kusina ng bahay ampunan. Hindi naman talaga mukhang ampunan ang lugar na 'to, dahil mukha talaga siyang bahay ng mga nangangailangang mga tao.
"Alcantara! Anna!" Kumaway si France sa'min. Nakita ko rin si Vin at Anthony. Nagsisiksikan sila sa iisang upuan.
Si Exxel ay lumapit sa kanila nang hindi ako kinakausap. Hindi ako makasunod sa kaniya dahil hawak ni Mommy K ang braso ko.
"Halika Anna ipapakilala kita sa mga bata. Hindi ko lang masisiguro kung natatandaan ka pa ng mga kaedad mo dito. Hayyyyy parang kailan lang naghahabulan pa kayo sa labas no'ng mga malilit pa kayo."
Napangiti na lang ako sa pag-aalala ng nakaraan. Mababait ang mga kasamahan dito ni Mommy K. Ang mga kaedaran ko ring lagi kong kalaro noon ay mababait din sa'kin.
Hinila ako ni Mommy K sa may hapag kainan. Nandoon ang mga kababaihan at kalalakihan. Nandoon din si Mamita na kanina'y malalaki ang ngiti pero ngayo'y malungkot nang nakatingin sa'kin.
"Natatandaan niyo ba si Anna Garcia mga anak?"
"Oo naman Mommy K! Lagi siyang may dalang pagkain sa'min noon!"
"Hindi ko makakalimutan ang mga binigay niya sa'ming magagandang damit Mommy K! Sobrang bait kaya niyan ni Anna."
"'Yung binigay nga niyang tuta dati malusog na lumaki pero namatay din sa katandaan," biglang lumungkot ang isang babaeng payat. Malalaki ang mga mata niya at humpak ang pisngi niya.
"Ano bang pinangalan mo do'n sa tuta?"
"Anna din. Gusto kasi kitang pasalamatan no'n dahil binigay mo sa'min si ANNA naging masaya at makulay ang buhay namin dahil sa kaniya."
"Naaalala mo ba Anna? 'Yung nagtataguan tayo tapos hindi ka namin talaga makita?"
Nangunot ang noo ko. Hindi ko masabing nawala na sa alaala ko dahil baka magtampo sila sa'kin.
"Nasa ilalim ka lang pala ng mesa sa kusina at kumakain." Humagalpak sila ng tawa. Naiilang na nahihiya naman ako dahil wala akong matandaan. Ni mga pangalan nga nila nakalimutan ko na. Ang tagal ko na rin kasing hindi nagagawi dito.
"Alam naming hindi mo na tanda ang mga pangalan namin Anna. Pero ikaw hinding hindi ka namin makakalimutan," 'yung babaeng chinita ang nagsalita. Humpak din ang pisngi niya. Nakabonet siya at makapal na sweater.
"Hindi ko makakalimutan 'yung pag-aalok mo sa'kin ng cotton candy dahil iyak ako ng iyak no'n. Ayaw kasi akong ampunin no'ng mayamang naghahanap ng aampunin nila," hindi ko alam ang pangalan niya pero medyo chubby siya at pandak.
"Ako. Hinding hindi ko makakalimutang binilhan niya ako ng damit no'n dahil birthday ko. Ang sabi ko kasi gusto kong magsuot ng magarang bistida kahit isang araw lang," magandang babae ang nagsalita pero matamlay ang mga mata niya at namumutla siya.
"Hinding hindi ko makakalimutan 'yung sinamahan niya akong magdasal no'ng araw na 'yun kasi nalaman kong may cancer ako. Kaya hanggang ngayon buhay pa rin ako," sobrang payat na nga niya. Siya 'yung chinitang nakabonet.
Nangilid ang mga luha ko dahil sa mga sinabi nila. Oo, hindi ko sila matandaan pero ramdam ko kung gaano sila kalapit sa'kin noon. Ang natatandaan ko lang ay lagi kaming bumibisita dito nila Daddy at Alisson, kasama namin si Mamita, dahil ito ang huling habilin ni Mommy no'ng nabubuhay pa siya. Ang alagaan at panatilihing nakatayo ang Angel's Heart Ophanage.
"P-pasensiya na kayo kung hindi ko matandaan ang mga pangalan niyo. Hindi kasi ako matandain. Pero huwag kayong mag-alala. Babawi ako. Makikipaglaro ulit ako tulad ng dati."
Pumalakpak sila. Nakita ko kung gaano sila kasaya sa sinabi ko. Hindi ko akalaing kahit 'yun lang ang mga lumabas na kataga sa bibig ko ay lubos na ang tuwa nila.
"Kumain muna kayo ni pogi. Mukhang hinihintay ka niya Anna."
Lumingon ako sa likuran. Nandoon si Exxel na may dalawang bitbit na pinggan. Nakatitig lang siya sa'kin. Maya-maya pa'y lumapit siya at pinunasan ng sariling kamay ang mga luhang nalaglag sa aking mga mata.
"Ang pangit mong umiyak. Tara kain na tayo."
Umingos ako at ako na ang nagtuloy na ayusin ang sarili ko. Nagpaalam muna ako sa mga dalaga at binata na nandoon sa mesa bago sumunod kay Exxel sa kusina. Tapos na niyang lagyan ang isang pinggan. Punong puno na naman ng mga berdeng pagkain ang mga 'yun.
"Akin 'yan kaya huwag mo silang patayin ng masamang tingin mo. Oh ito sa'yo." Inabot niya sa'kin ang pinggang maraming karne, tapos konti lang yata 'yung kanin pero hinayaan ko na lang.
"Kakanta 'yung banda mamaya. Huwag kang aalis sa tabi ko para mapanuod mo."
Nagtaka ako. Sinong inimbitahan nila Mommy K na banda?
"Anong banda?"
"Makikita mo na lang mamaya."
Tsk! Bakit 'di na lang sabihin ngayon? Pabitin pa!
"Okay."
Natahimik kaming dalawa habang kumakain. Sa kusina na lang din kami dahil hindi ako kumportableng maraming tao habang nakatingin sakin at kumakain.
"Kilala mo pala sila dito?" binasag niya ang kaninang tahimik pero maingay sa labas. Nagsisigawan kasi ang mga bata habang naglalaro.
"Oo."
"Gusto kong tumulong din dito. May orphanage na tinutulungan sila kuya pero gusto kong issuggest sa kanila 'to."
Napatingin ako sa kaniya. Seryoso siya habang sinasabi 'yun.
"Bakit? Eh may tinutulungan na ang pamilya mo?"
Nakita kong para bang may dumaang lungkot sa mga mata niya. Pero nawala din 'yun at ngumiti siya.
"Hindi p'wedeng maraming tulungan? Makakatulong sila kuya dahil may trabaho naman sila."
Tumango-tango na lang ako. Wala na rin kasi akong masabi. Nakakailang ang paghaharap naming 'to dahil sa nangyari kanina. Buti na lang hindi pa niya binubuksan ang topic na 'yun. Wala pa akong naisip na sasabihin sa kaniya para okay na ulit kami.
Bakit ko ba pinoproblema kung magtampo siya? Ano ko ba 'tong lalaking 'to?
"Anna,"
Nakita ko sa bungad ng kusina si Mommy K. Nakangiti siya habang papalapit sa'min.
"Bakit po?"
"Hello po. Exxel ma'am." Tumayo ang lalaki at nilahad ang kamay niya kay Mommy K.
"Mommy K na lang iho. Kaibigan ka ba nitong si Anna namin?" sobrang tamis ng pagkakangiti ni Mommy kay Exxel. Pero ganiyan naman talaga siya sa lahat ng nakikilala niya.
"Sabi niya po hindi niya ako kaibigan e." Kakamot-kamot sa kilay na turan niya. Natawa naman ang matanda at bumaling sa'kin.
"Ikaw na lang pala ang tatanungin ko Anna? Kaibigan mo ba ang gwapong lalaking 'to?"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil parang ayaw naman yata akong maging kaibigan ni Exxel. Bahagya akong ngumiti kay Mommy K at tumango sa kaniya.
"Opo Mommy K."
Tumawa na naman siya. Masayahing tao talaga 'tong si Mommy K kahit kailan. Nahihiya akong sumulyap-sulyap kay Exxel sa gilid ko.
"Oh sya! Sya! Puntahan mo ang Mamita mo sa may garden mamaya pagkatapos niyong kumain. Gusto ka niyang makausap."
Nagtaka ako pero hindi na ako nagtanong. Hindi alam nila Mommy K ang pinagdaanan ko at ng pamilya ko nitong nakaraang taon. Hindi ko rin sigurado kung nagsasabi sa kaniya si Mamita.
"Opo Mommy."
"Sige. Iwan ko muna kayo para may privacy," ngingiti-ngiting lumabas ng kusina si Mommy K. Kung ano-anong nasa isip, ke tanda-tanda na.
"Anna,"
"Hmm?" hindi na akong nag-abalang lumingon sa kaniya. Tinapos ko na muna ang pagkain ko.
"Sino 'yung Mamita?" Nabilaukan ako dahil sa tanong niya. Nag-abot naman siya sa'kin ng tubig. Inubos ko ang laman nun bago inayos ang sarili.
"Ang dalas mo naman yatang magulat ngayon? Lagi kang nagkakape 'no? Maggatas ka kaya."
Umiling ako ng umiling dahil tuloy-tuloy pa rin ang pag-ubo ko.
Peste!
Hinahagod na niya ang likod ko para guminhawa ang pakiramdam ko.
"Ikaw na lang ang mag-gatas kasi sa ating dalawa ikaw naman ang bata. isip bata."
"Aba't Hoy Anna! Ang bait-bait ko ngayon sa'yo kaya maging mabait ka rin dapat sa'kin!"
Tinakpan ko ng dalawang palad ang tenga dahil sa pagsigaw niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumungo ang ulo niya at tumingin sa baba.
Ganiyan nga Alcantara, makuha ka sa tingin hehe.
"Sigaw ka na naman ng sigaw. Baka sabihin nila inaano kita."
"Inaano mo naman talaga ako ah! Lagi na lang kasing pabalang 'yang sagot mo! Wala kang kwentang kausap!"
"Bakit? Inano ba kita ha? Inano ba kita?"
"Bakit ba kayo nag-aanuhan diyan? Ano bang anuhan 'yan?"
Sabay kaming lumingon ulit sa bukana ng kusina. Nando'n 'yung tatlong tukmol. Nakangiti sa'kin si France at Anthony, wala siya kanina pansin ko. At si Vin nakahalukipkip na nakatingin sa'min. Hindi ko alam kung anong kademonyohan na naman ang nasa isip niya.
"Bakit?" si Exxel na biglang sumeryoso.
"Hala! Galit? Naistorbo lang galit na agad? Ipapaalam lang naming ten minutes maghanda na tayo."
Palipat-lipat ang paningin ko kay France at Exxel.
Anong handa? May magbibirthday?
"Oo. Tapusin ko lang 'to."
"Dalian mong makipaglandian diyan Hoy! Makikipaglaro pa tayo sa mga bata sa labas!"
"Oo na! Daming sinasabi!"
Tatawa-tawang umalis si France. Sumunod si Anthony na iiling iling at si Vin na masama ang tingin sa'kin.
Inano ko na naman ba 'yun?
"Pumunta ka na kay Mamita mo pero manuod ka ng magpeperform ha? Maririnig mo naman siguro kapag mag-uumpisa na." Kinuha niya ang wala nang lamang pinggan ko at nilagay sa lababo.
"Tsk hindi naman ako binging kagaya mo 'no?"
Marahas siyang lumingon sa'kin. Nagmadali na akong lumabas ng kusina baka sigawan na naman niya ako. Sumasakit na ang tenga ko sa boses niya.
Marami pa ring tao sa labas, nakikipaglaro ang mga estudyante sa mga bata. 'Yung mga dalaga at binata nandoon pa rin sila nakaupo. Bawal din kasi silang maglulumikot.
Dumiretso ako sa may garden. Nakita ko agad si Mamita. Nakatalikod na nakaupo sa sementong upuan malapit sa maliit na fountain.
"Mamita,"
Nakangiti siyang lumingon sa'kin. Ngayon ko lang napansin na kulubot na ang ibang parte ng mukha niya. Nangiginig na ang mga labi niya. Tumatanda na si Mamita pero matigas pa rin ang puso ko para lumapit sa kaniya.
"Maupo ka dito Anna."
Sinunud ko naman siya at naupo sa tabi niya. Matagal muna kaming nakatingin sa pag-agos ng tubig mula sa bunganga ng korteng anghel sa pabilog na fountain.
"Umuwi ka na sa bahay apo."
May humaplos na naman sa puso ko nang tawagin niya akong apo. Pero pinanatili kong blangko ang ekspresyon ng mukha ko.
"Hindi pa ho kami okay ni Dad."
"Dahil ayaw mong ibukas muli ang puso mo sa Daddy mo. Anna apo umuwi ka na hinihintay ka na naming lahat sa bahay."
Lagi nila akong pinapauwi pero hindi ko ni minsan narinig na humingi sila ng tawad sa'kin. Paano ko ibubukas ang puso sa kanila?
"Hindi pa ho ako handa sa ngayon."
"Kailan ka magiging handa Anna? Kapag patay na ako't hindi mo na makakasama?"
Agad akong napabaling sa kaniya. Hindi magandang konsensyahin ako sa ganitong paraan. Hindi ko gustong marinig ang salitang 'yun mula sa kaniya. Alam kong tumatanda na siya at hindi na magtatagal ang buhay ng isang tao kapag nagkakaedad na, pero hindi pa rin magandang pakinggan ang gano'n.
"Sana maintindihan niyo kung bakit ako ganito katigas Mamita. Kayo ang dahilan kung bakit naging ganito ako ngayon."
Napabuntong hininga siya. Ipinikit ang mga mata. Gusto ko rin namang magpakumbaba na lang dahil mahal ko sila pero hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa.
"Sige na. Bumalik ka na sa mga kaibigan mo. Mauuna na akong umuwi sa inyo. Mag-iingat ka lagi apo. Kapag may kailangan ka magsabi ka lagi kay Mamita."
Wala na siya sa paningin ko pero nanatili pa rin ang mga mata ko sa inupuan niya kanina. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging pag-uusap naming dalawa. Alam kong pinapabalik na nila ako sa bahay pero masyado yatang naging emosyonal si Mamita sa mga sinabi niya.
"I don't want to spoil your happy moments people. But I want to dedicate this song to a girl who caught my attention. Sana magustuhan mo."
Mabagal ang intro, nakakakilabot. Pero hindi ko inaasahang mas kikilabutan ako sa lamig ng boses ni Exxel habang kinanta ang unang liriko.
Picture perfect memories scattered all around the floor,
Reaching for the phone 'cause I can't fight it anymore,
And I wonder if I ever cross your mind?,
For me it happens all the time,
It's a quarter after one, I'm all alone and I need you now,
Said I woudn't call but I've lost all control and I need you now
And I don't know how I can do without
I just need you now,
Naglakad na ako papunta sa harap ng bahay. Do'n ko rin kasi nakita ang maliit na entablado. Nahaharangan ako ng pader ng bahay pero kitang kita ko sila rito.
Nakangiting naggigitara si France, seryoso naman si Anthony sa drum, nakaupo sa harap ng piano si Vin at nakapikit si Exxel habang hawak ang mikropono.
Another shot of whiskey, can't stop looking at the door,
Wishing you's come sweeping in the way you did before,
And I wonder if I ever cross your mind?
For me it happens all the time,
It's a quarter after one I'm a little drunk and I need you now,
Said I woudn't call but I've lost all control and I need you now,
And I don't know how I can do without,
I just need you now,
Dumilat siya at saktong nagtama ang mata naming dalawa. Hindi ko napigilan ang sariling mga luhang huwag pumatak, dahil sa bawat lirikong sinasambit niya, tinatamaan ang puso ko, masyadong masakit. Masyadong malungkot.
Oh, whoa ...
Guess I'd rather hurt than feel nothing at all
It's a quarter after one, I'm all alone and I need you now,
Said I woudn't call but I've lost all control and I need you now
I just need you,
Oh baby, I need you now ...
Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos nilang kumanta. Nakatitig pa rin siya sa'kin, na para bang binabasa kung anong nasa isip ko. Pinunasan ko ang mga luhang umagos sa pisngi ko at tumingin ulit sa kaniya.
Mabagal akong pumalakpak habang nakatingin pa rin ako sa kaniya. Ngumiti siya at bahagyang yumuko.
'Yun lang pala ang hinintay ng loko. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa
18/08/2022
0chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting
21/05/2022
0. jfjxchbocyz
10/07/2024
0Tingnan Lahat