Chapter 28

ANNA ( pov )
"Hanggang kailan mo aalagaan si pogi Anna?"
Nasa gilid kami ngayon ng conviniece store niya. May malaking puno rito kaya kahit tanghaling tapat hindi mainit. Sumimsim muna ako ng ilang beses sa hawak kong mismo at pinagsawa ang mga mata sa mga dahong malayang sumasayaw sa saliw ng mabining hangin.
"Susundan ko si Kevin sa kanila bukas. Okay lang bang ikaw na muna dito? Kapag may gagawin ka isara mo na lang."
"Okay lang. Basta pasalubong ko pagbalik mo."
Pinatay niya ang hawak na yosi sa trash can na may ashtray sa gilid. Kinuha niya ang mismo sa'kin at siya ang nag-ubos nang laman nun. Hindi ko na lang pinansin dahil marami rin akong iniisip.
"So hanggang kailan mo nga aalagaan si pogi?"
"Hanggang kailangan."
"Ha? Anong klaseng sagot 'yan? Anna makinig ka. Hindi mo habang buhay p'wedeng saluhin ang mga taong nangangailangan ng presensiya mo. Halata namang may gusto sa'yo si Exxel."
Lumingon ako sa kaniya. Masyado siyang seryoso na hindi ko magawang bitawan ang naisip na biro. Kapag ganitong mukha ang ihaharap niya sa'kin, natatakot ako.
"Delikado ang buhay niya Anna kapag nasa paligid mo siya. Alam naman ni Eisteine 'yun pero hinahayaan lang niya ang kapatid niya."
Bumuntong hinanga ako at iniwas ang tingin sa kaniya. Isa pa si kuya Eisteine, hindi ko mabasa sa mga kilos niya kung anong mga binabalak niya. Alam ko rin namang nagtatago siya.
"Kakausapin ko na lang sila kapag may oras."
"Anna hindi natin alam kung hanggang kailan mananahimik ang mga taong gustong makuha ka. Hindi natin alam kung kailan sila susugod dahil hindi natin sila nararamdaman. Oo nandito kami lagi sa likod mo para proteksyunan ka pero hindi ka namin mababantayan araw-araw."
Naiintindihan ko kung saan nanggaling ang sinasabi niya. Natatakot din naman ako sa mga mangyayari. Natatakot din ako na may hindi magandang mangyari sa mga tao sa paligid ko. Pero hindi ko sila madidiktahang layuan ako kung lagi kaming nagkikita at nasa iisang paaralan lang ang pinapasukan namin.
"Taenang Alcantara'ng 'yan! Nandito lang pala. Kung alam ko lang talaga na nandito ang gago no'ng isang araw pa ako sumugod dito letse siya!"
Napasilip ako sa harapan ng tindahan. Nando'n 'yung tatlong tukmol. Napabuga ako ng malalim na hininga dahil malalaman nilang nagsinungaling ako kahapon nang tinanung nila ako kung nasaan si Exxel.
"Tara," nagdadalawang isip pa ako kung susundan si Neil. Pero hindi ko na lang ipapahalatang guilty ako sa pagsisinungaling sa kanila. Alam ko rin namang malalaman nila agad dahil nasa iisang lugar lang kami. Maliit lang naman ang bayan ng Mabini.
"Kinutsaba mo pa talaga si Anna para maitago ka. Bakit ka ba nagtatago? May galit ka ba sa'min? Binibigyan naman kita ng pagkain kapag gutom ka ah!" Pinagtatadyakan ni France si Exxel na lumabas na ng counter. Inutusan ko kasi siya kaninang idisplay ang mga wines sa loob.
"Aray! Masakit ah! Ikaw kayang pagtatadyakan ko? Ang laki-laki ng binti mo tapos kung makatadyak ka parang ang laki ko? Hello! Mas matangkad ako sa'yo pero mas malaki ang katawan mo!"
"Aba! Nagreklamo ka pa? Ikaw na nga ang may atraso sa'min. Alalang alala kami sa'yong gago ka! Ano bang trip mo?"
"Hoy kung magsisigawan kayo huwag dito sa loob. Mahiya nga kayo hindi niyo teritoryo 'to" si Anthony na kumukuha nang mga chocolates sa estante. Kasama niya si Vin na nakatitig sa'kin.
Tinitingin nito?
Dumiretso na lang ako sa loob ng counter. Tiningnan ko kung tama ang pagkakalagay ni Exxel sa mga wines. Napatango-tango na lang ako nang makuntento.
"Bakit ka nagsinungaling?"
Nainis na naman ako sa nakakairitang boses ni Vin. Lagi na lang bang ganito ang bungad niya sa'kin? Tanong nang tanong kahit alam naman na niya ang sagot?
"Wala ako sa posisyon nang kaibigan mo para magsabi kung nasaan siya"
Matunog siyang ngumisi. Bakit ba parang big deal sa kaniya ang hindi ko pagsabi ng totoo?
"Alam mo namang nag-aalala kami sa kaniya pero hindi mo man lang sinabi. Mga kaibigan niya kami."
"'Yun na nga kaibigan kayo pero hindi niyo alam kung nasaan siya? Kung siya hindi niya pinaalam ang bagay na 'yun sa inyo sa tingin mo may karapatan ako?"
Nakipagtitigan ako sa kaniya kahit na matatalas ang mga tingin na binigay niya sa'kin. Hindi na ako magpapatalo ulit sa lalaking 'to. Kahit na minsan niyang pinasaya ang buhay ko.
"Layuan mo na si Exxel."
"Tsk huwag mo sa'kin sabihin 'yan. Bakit ako ba ang lapit ng lapit?"
"Dahil matigas ang ulo niya at alam kong hindi niya ako susundin kaya sa'yo ko na sinasabi Anna. Layuan mo na si Exxel habang maaga pa."
Pinatunog ko ang dila at iniwas ang tingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa lalaking 'to. Walang sense ang mga sinasabi niya sa'kin.
"Sabihin mo 'yan sa kaniya dahil wala naman akong pakialam. Lapit lang siya ng lapit sa'kin na para bang kaibigan ko siya. Kasalanan ko ba 'yun? Huwag ako ang komprontahin mo dahil hindi ko obligasyon ang kaibigan niyo."
Napalingon kaming dalawa ni Vin dahil sa may naglaglag sa likuran niya. Naalarma ako dahil nakita ko si Exxel na nakatayo at madilim ang mukhang nakatingin sa'kin. Oo alam kong sa'kin, dahil diretso ang titig niya sa mga mata ko at ramdam ko ang nakakakilabot na paghagod nun sa mukha ko.
"U-uuwi na ako A-Anna ano. Salamat."
Nagmamadali siyang lumabas ng tindahan. Nabigla ako kaya hindi ako nakagalaw agad. Pero nang malingunan ko si Vin na nakatingin sa'kin. Naglakad ako palabas ng counter at patakbong hinabol si Exxel. Nasa may labas na ako nang makasalubong ko sila France at Anthony na nakakunot ang noong pinagmamasdan ako.
"Oh Anna anong nangyari dun?" Nginuso niya kung saan tumahak paalis si Exxel. Akmang susundan ko na siya nang mahagip ng mga mata ko si Ali na nakatayo sa malayo at kumakaway sa'kin.
Peste! Timing!
Kahit na gusto kong magpaliwanag agad kay Exxel at itama ang mga narinig niya kanina. Hindi ko p'wedeng baliwalain si Ali. Alam kong sobrang sama na ng loob niya sa'kin. Kaya ayokong dagdagan pa ang hinanakit niya.
"Anna!"
"Bakit ka nandito?"
"Napakasungit naman nito oh! Pinabibigay ni Mamita."
Isang kahon ang bitbit niya. nagtataka akong pinaglipat-lipat ang paningin sa kahon at kay Ali.
"Anong gagawin ko diyan?"
"Ibigay mo sa mga nangangailangan."
Seryoso siya nang sinabi niya 'yun. Bakit ipinunta pa niya dito kung ipapamigay rin pala sa mga nangangailangan?
"Ha?"
Tumawa siya nang malakas. Ni hindi nga niya yata napapansin na may mga katabi ako.
"Syempre gagamitin mo 'to. Ilagay ko na sa loob dahil mabigat."
"Akina ako nang magdadala."
Iniwas niya ang kahon sa'kin at sinamaan ako ng tingin.
"Hep! Ako na Anna."
Nagtuloy-tuloy naman siya papasok sa tindahan. Nakita ko si Neil na nasa counter na. Mabuti naman kung gano'n.
"Vin!"
Napangiwi ako sa sigaw nung dalawang lalaki sa tabi ko. Nagmamadali silang pumasok sa loob ng tindahan ni Neil. Agad din naman akong lumingon. Hawak-hawak ni Ali ang kwelyo ni Vin habang ang huli ay may bangas na sa mukha.
Dagdag problema na naman oo!
Nilingon ko muna ang daang tinahak ni Exxel bago tumalikod at pumasok sa loob. Nakahawak si Anthony kay Vin at pinipigilan naman ni Neil si Ali.
"Anong ginagawa mo ditong hayop ka! You ruin Anna's life before. What else do you want? Kill her? Huh! Don't forget to fight me first. Dahil hindi mo mahahawakan kahit hibla nang buhok ng kapatid ko."
Bumuntong hininga na lang ako habang lumalapit sa kanila. Eto na nga bang sinasabi ko.
"Alisson huwag ngayon." Hinawakan ko siya sa braso para kumalma siya. Alam ko kung paano siya paaamuhin at pasusunurin dahil pareho kami ng ugali, noon.
"Anna naman! Hindi ka pa ba nadadala sa lalaking 'to at hinahayaan mong pumasok na naman siya sa buhay mo? Mas okay pa yata yung lalaking mayabang na hinahanap ka kesa sa kapreng 'to!"
Narinig ko ang bungisngisan nila. Pero wala akong oras para makisabay sa mga biro niya.
"Umuwi ka na muna. May kailangan pa akong gawin."
"Anong gagawin mo? Nandito naman si Neil para magbantay ng tindahan. Huwag mong sabihin kakausapin mong kapre na 'to?" ang sama talaga ng timpla niya kay Vin. Kasalanan din naman ng lalaki kung bakit.
"Nasaan kotse mo?"
"Pinark ko sa malayo para kapag nakita mo hindi ka tatakbo. Akala ko nga kanina tatakasan mo ko e."
Naalala ko na naman si Exxel. Bumaling ako kay Neil. Tinanguan niya ako na para bang alam na alam na niya ang gagawin ko.
"Mauuna na muna kami sa inyo. Ihahatid ko lang 'tong bansot na 'to."
"Akala naman niya hindi siya bansot?" Bubulong bulong si Ali. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Sige. Ingat kayo!"
"Nice meeting you Alisson!" Kumaway pa si France kay Ali na binelatan lang siya ng huli. Nahagip ng mata ko kung paano ngumisi ng nakakaloko si Anthony.
Anong problema nun?
Hindi ko na tiningnan si Vin dahil maaawa lang ako sa itsura niya. May kailangan pa akong suyuin.
Nasa loob na kami nang kotse ni Ali nang may maisip. Tinabingi ko ang ulo habang hindi mapakali ang mga binti ko.
"Ano bang nangyayari sa'yo Anna. Naiirita ako sa paggalaw-galaw niyang paa mo."
"Hindi ko alam kung saan siya nakatira."
"Sino ba?"
Pinakatitigan ko ang kapatid, na para bang makikita ko sa kaniya kung saang parte ng lugar na 'to nakatira si Exxel.
"Tawagan mo si Neil."
"Tsk nasaan ba phone mo?" Dinukot pa rin niya ang cellphone sa bulsa kahit panay ang reklamo at iniabot sa'kin.
Dalawang ring pa lang ay sumagot na siya sa kabilang linya.
"Kakaalis lang mis na mis na agad ako? Bakit Ali?"
"Ako 'to?"
"Oh Anna bakit?"
"Alam mo ba," Inalis ko muna ang nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko ang pagtatanong o hindi na.
Nakakahiya!
"Alam ko ba ang alin?"
"Kung saan nakatira si Exxel?"
Natahimik sa kabilang linya. Nakita ko rin sa gilid ng mga mata ang pagkunot ng noo ni Ali. Sana hindi sila mag-isip ng kung ano-ano. Dahil ngayon pa lang nanginginig na ang kalamnan ko.
"Ang alam ko nakatira sila Eisteine sa Mount subdivision. Malapit lang sa bayan."
Pinatay ko na agad ang tawag. Mas maiilang lang ako kapag nagtanong pa ako ng ilang detalye sa kaniya. Baka magtanong at tuksuhin pa ako kung bakit ko tinatanong sa kaniya yun.
"Manliligaw ka na ng lalaki Anna? Tanghaling tapat? Ano ka intsik?"
Umingos ako at sa labas tumingin. Ayokong magsalita dahil hindi ko alam ang tamang isasagot ko. Baka sabihin pa niya type ko si Exxel.
"Sa Mount daw. Magmaneho ka na huwag ka ng dumada."
"Eh bakit galit ka? Inano kita?" Pinaandar na niya ang sasakyan. Malapit lang naman yun sa bayan kaya limang minuto lang yata papasok na kami sa subdivision. May humarang pa sa'ming guard dahil hindi naman kami taga rito.
"Sa bahay po sana nila Exxel Alcantara."
"Alam po ba niyang darating kayo ma'am?"
"Ahm hindi po e. Gusto ko sanang surpresahin?"
"Eh ma'am baka po kasi pagalitan ako kapag pinapasok ko kayo. Tawagan na lang po natin muna."
Pumasok si kuyang guard sa loob ng maliit na guard house. Pinagmasdan ko lang siya. Maya-maya'y lumabas at nilapitan ulit kami.
"Ma'am wala pong sumasagot e." Napapakamot pa sa ulong sabi niya.
"Nag-away kasi sila nitong girlfriend niya kuya. Okay lang bang pumasok na kami para magkaayos na silang dalawa?" Napalingon ako kay Ali na ngingiti-ngiti sa guard. Kung nakakamatay lang sana ang tingin ko bulagta na siya.
"Gano'n po ba sir? Sige ho. Sige ho."
"Ahh kuya san ho ba ang bahay nila Alcantara?"
Nagtataka naman kaming tiningnan ni kuyang guard pero hindi na siya nagtanong pa.
"Pinaka unang bahay lang po sir."
"Salamat po."
Nang makaalis kami sa entrance tsaka ko binigwasan sa dibdib si Ali.
"Anong sinabi mo do'n?!"
Tatawa-tawa lang siyang nililingon lingon ako. Para siyang tanga.
"Thank me because I'm genius."
"Genius mo 'yang mukha mo Ali. Ihinto mo nandito na tayo."
Bigla siyang nagpreno. Sa sobrang sama nang mukha ko gustong gusto ko na siyang itulak palabas ng sasakyan niya.
"Ano bang problema mo Garcia!?"
"Tinatanong mo ba sarili mo Garcia?" naiinis na ako sa pangisi-ngisi niya. Wala siyang kwentang kausap.
Padabog na lang akong bumaba sa sasakyan niya at padarag na sinara 'yun. Nakita ko pa kung paano kumaway si Ali sa loob.
Makakaganti rin ako sa'yong letse ka! Lintik lang ang walang ganti!
Pinakita ko sa kaniya ang dalawang kamao. Pero tumawa lang siya at pinasibad na paalis ang sasakyan.
Paglingon ko sa nakabukas na gate nila Exxel. Biglang nawala sa isip ko ang mga tamang sasabihin sa kaniya. Alam ko namang nasaktan ko siya sa mga nasabi ko kanina. Hindi ko 'yun sinabi para saktan siya. Sinabi ko 'yun para tigilan na ako ni Vin kanina.
Bumuntong hininga ako. Kailangan ko ng lakas ng loob. Kailangan kong mag-ipon ng kayabangan para humarap sa kaniya.
Pero bakit ko ba ginagawa 'to? Bakit ako magpapaliwanag? Dapat wala akong pakialam sa kaniya.
"Hays bahala na."

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    MalinaoMary rose

    subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa

    18/08/2022

      0
  • avatar
    Jennylyn Lobina

    chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Keneth Portugal

    . jfjxchbocyz

    10/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata