Homepage/Ang Astig Kong Bida/
Chapter 2
EXXEL ( pov )
"Anong may'ron bakit may paganito?"
Tinawagan ako ni Anthony bago ako makapasok ng school. Kaya imbes na i-park ang kotse sa parking lot ng paaralan, lumiko ako at dumiretso sa tambayan. Hindi naman din 'yun kalayuan. Papasok ka sa isang bukirin. May maliit na gate na nakatayo sa gitna pero wala kang makikitang nakatayong gusali. Sa may malaking nakaumbok na lupa may maliit na pinto at makipot na lagusan. Pinagawa ni Vin ang ganito para raw may matambayan at hindi sila mahanap ng mga magulang.
Pagkaupo ko sa malambot na sofa, umabot agad ako ng chichiryang kinakain ni France. Nginitian ko lang siya nang masama niya akong tinitigan.
"Napakadamot mo." Nginunguya ko na ang isang pirasong nachos nang magsalita si Vin. Nakapamewang siya sa harap habang nakatingin sa maliit na bintana. Pero wala namang makikita 'don kundi kadiliman.
"She's back."
Nakakunot ang noo kong pinanood siya kung paano umigting ang panga niya at dumilim ang bakas ng kaniyang mukha. Naramdaman ko pa ang paghawak ni France sa braso ko. Alam ko kasing takot siya kay Vin kapag ganito ang awra ng kaibigan namin.
"Sinong bumalik? Ex-girlfriend mo Cortez?"
Sinenyasan ako ni Anthony na manahimik. Naguguluhan ako sa mga inaaksyon nila sa'kin ngayon. Wala akong maintindihan sa kanila.
"You don't know her because you're not here when she messed up everything. Hindi ko palalampasin ang ginawa niya sa'kin noon. Pinabayaan niya akong akuin lahat ng pagkakamali dahil bigla siyang nawalang parang bula."
Napaigtad ako sa malakas na paghampas niya sa mesa. Hindi naman din ako natatakot kay Vin simula pa lang dahil magkababata kaming dalawa. Kilala ko ang ugali niya at ang kwento ng buhay niya. Etong nangyari lang sa kaniya 'nong nakaraang taon ang hindi ko alam dahil umalis ako't nagpagamot sa ibang bansa.
"Sino ba kasi ang tinutukoy mo Vin? Wala akong maintindihan e." Napapakamot lang ako sa ulong hinarap ang mga kaibigan.
Sila France at Anthony, nakilala ko dahil kaibigan sila ni Vin. Sila ang mga nakasama ng lalaki nitong mga taong wala ako. Nag-exam lang ako ng accelaration test para humabol sa kanila at s'werte dahil naipasa ko naman.
"Anna Garcia, she's an ex-girlfriend. Umalis dahil pinagbintangang nagnakaw ng exam papers. Nadawit ang pangalan ni Vin dahil may relasyon silang dalawa. Vin was lock up in jail for six months, kaya ganiyan siya kagalit kay Anna Garcia."
"Ang nakakapagtaka bumalik siya rito at natanggap pa. Wala kaming alam sa babaeng 'yon, ilang buwan lang naman ang relasyon nila ni Vin at wala namang nababanggit tungkol sa pamilya, and take note bro, kilala siya ng mga dating estudyante rito. Kami sa pangalan lang."
Napapatango ako sa mga kweni-kwento nila. Pagbaling ko kay Vin nakatingin siya sa'kin at nakakunot ang noo. Tinabingi pa ang ulo na parang sinisipat ang mga reaksyon ko. Dumukot ulit ako ng pagkain na hawak ni France habang nag-iisip na rin ng malalim.
"Do you know that bitch Exxel?"
"Huh? Hindi. Ngayon ko nga lang narinig 'yong pangalan niya tsaka wala akong pakialam sa kaniya, ano bang plano mo? Bakit may pa-press conference ka?"
"Gusto kong gumanti sa kaniya, gusto kong malaman niya kung gaano ako naghirap 'nong nawala siya. Don't get me wrong guys I have no feelings for her not even a bit. Galit at muhi ang nararamdaman ko 'nong nakita ko siya kahapon."
"Ano namang ganti ang gusto mong mangyari?" wala sa sariling naitanong ko sa kaibigan. Hindi ko nga rin alam ang nararamdaman ko dahil parang hindi magandang ideya ang maghiganti, tapos babae pa. Isang sapak lang yata sa mukha 'non tumba na.
"Court her, make her fall in love with you, kapag alam mong mahal na mahal ka na niya, iwan mo na agad."
Mabilis akong napalingon sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata. Napatayo pa ako at sinenyas ang sarili kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya.
"Teka, bakit ako? Ni hindi ko pa nga nakikita 'yon, tsaka Vin alam mo namang wala akong experience sa mga ganiyang bagay, virgin pa ako, baka mawala ang puri ko."
Narinig ko ang bungisngisan nang dalawang lalaking nakaupo. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko at totoong lahat ang mga 'yon. Baka manganib pa ang sandata ko sa babaeng hindi ko naman kilala.
"Hoy Alcantara hindi ka babae kaya walang mawawalang puri sa'yo. Virgin ka pa hina mo boy!" Binabato nila ako ng kung ano-anong mapupulot nila sa maliit na mesa. Sinamaan ko sila ng tingin bago binalingan ulit si Vin na mahina na ring tumatawa.
"Teka lang! Bakit hindi na lang si Anthony mas matinik siya sa babae o kaya si France dahil mukha naman siyang habolin, nang mga bakla nga lang."
"Huwag na kami ang ituro mo Alcantara dahil ikaw lang ang makakagawa niyan, Anna knows us kaya hindi siya mahuhulog sa bitag kapag nagkataon."
Kakamot kamot na naman akong naupo at kinuha na nang kusa ang kinakain ni France. Hindi na siya umangal dahil hindi na talaga maipinta ang mukha ko dahil sa nalaman.
"Ano namang makukuha ko kapag pumayag ako sa gusto mo Cortez, make sure it's worth it or else I will kill you."
"Hindi ka na irereto ni tita kahit na kanino kapag nalaman niyang may nililigawan ka na, you will thank me later for that bud."
Napasimangot lang ako. Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang pabor na hinihingi niya sakin, o pabor pa nga ba ang tawag dito dahil parang inuutusan naman niya ako. Pero magandang ideya din naman dahil naiirita na ako sa kakareto ni mommy sakin sa kung kani-kaninong anak ng amiga niya.
"Okay deal! I make her fall in love with me and leave him when she's falling, sana lang alam kong manligaw ng babae dahil wala akong kaide-ideya kung paano."
Tumawa na naman sila. Tumayo na lang ako at iniwan silang walang humpay kung tumawa. Wala akong panahon para makisabay sa mga kalokohan nila.
Nang makasakay sa sasakyan 'don ko lang narealize kung anong walang kwentang desisyon ang ginawa ko. Oo, nan'don na ako sa pinahirapan ng Anna Garcia na 'yon ang kaibigan ko, pero bakit ako ang gagawa ng paghihiganti? Kasalanan ko bang nangyari 'yon sa kaniya?
"Hays! Bahala na kainis! Bakit ba kasi ako napa-oo!"
Kailangan kong humabol sa first subject kahit alam kong late na ako. Wala ako kahapon dahil sakto namang sumumpong ang migraine ko. Nasa bahay lang naman ako at hindi lumalabas pero inaatake pa rin ako ng sakit sa ulo.
Malapit na ako sa may parking nang may bisekletang mabilis na dumaan sa harap pa mismo ng sasakyan ko. Agad akong napapreno, buti na lang hindi ko nakalimutang ikabit ang seatbelt ko kanina kahit na lutang ako.
Nakayuko ako sa manibela at kinalma muna ang sarili ko. Malalim akong huminga at inangat ng paunti-unti ang paningin. Nagtataka akong nilibot ang paningin sa paligid dahil nawalang parang bula ang sumulpot na babaeng nakabike, alam kong hindi ko siya nabangga kaya inayos ko ang sarili at inayos sa parking ang sasakyan.
Pagpasok ko sa gate ay agad din akong napahinto dahil umalingawngaw na ang Pambansang awit. Kailangan kasing huminto sa anumang ginagawa kapag tumutugtug ang awitin dahil may parusa kapag hindi sumunod.
"Peste naabutan pa."
Napalingon ako sa paligid, nakita ko ang isang babaeng nakasibilyan, nakatayo malapit sa'kin at mariing nakapikit ang mga mata. Hinihingal din, marahil ay tumakbo para hindi mapagsarhan ng gate.
Side view lang ang nakikita ko sa kaniya. Siguro nasa kili-kili ko lang ang tangkad niya, maikli ang buhok na parang hindi pa nagsuklay, morena at bilugan ang mukha.
"Teka, bakit ko ba tinitingnan? Hindi naman siya kagandahan," bulong ko sa sarili.
"Shh nagdadasal."
Nagtataka akong binalingan siya. Nakayuko na siya ngayon pero hindi na nakapikit. Nakakunot ang noo niya na parang hindi niya gusto ang nakikita.
Maya maya pa ay naglalakad na siya palayo sa'kin. Nilibot ko ang paningin. Tapos na pala ang flag ceremony.
"Hays! Bakit ba wala ako sa sarili ngayon? Kasalanan ni Cortez 'to tsk!"
Alam kong hindi na sila magsisipagpasok ngayong araw. Ako lang naman ang masipag sa kanilang tatlo. Hindi naman ako matalino pero may maipagmamalaki rin naman.
Paliko na ako sa daan papuntang classroom namin sa forth floor nang mahagip ng mata ko 'yong babae kanina. Naghuhugas siya sa lababo malapit sa garden. Walang emosyon sa mukhang nakatitig lang sa kung saan. Pero hindi ko inaasahang may salbaheng babaeng tatapunan siya ng tubig na nasa baso habang tuwang tuwa na pinanuod kung paano mabasa ang babaeng wala man lang reaksyon sa nangyayari sa kaniya.
"Ang dungis mo kasi kaya maghilamos ka muna." Tumawa naman ng nakakaloko ang mga alepores niya. Habang ang tinapunan nila ng tubig ay parang walang pakialam sa ginawa nila. Hinarap sila at nilagpasan lang.
Mahina akong natawa. Kitang kita kasi sa mga salbaheng babae kung paano sila nainis sa inaksyon nang huli sa kanila. Umiling na lang ako bago umakyat sa pang apat na palapag. Nasa pangatlong palapag na ako nang may narinig akong mabibigat na yabag sa likod ko. Pagbaling ko ay ang babaeng binuhusan ng tubig kanina. Dali-dali kong dinukot ang panyo sa bulsa ko at inabot sa babae nang nasa harap ko na siya.
"Okay ka lang ba?"
Unti-unti siyang lumingon sa'kin at blangko ang mukhang tinitigan ako. Gusto kong matunaw sa mga titig niya, gusto kong iiwas ang paningin ko sa kaniya pero hindi ko magawa. Nang ilang segundo nang hindi niya kinukuha ang panyong inaabot ko, akmang ibababa ko na sana nang abutin niya 'yon. Nagpunas siya sa harap ko hanggang sa ibulsa niya ang panyo sa suot niyang pantalon.
"Lalabahan ko muna."
Malamig at nakakakilabot ang boses niya. Nakanganga akong nakatingin lang sa kaniya. Nanlalaki rin ang mga mata kong nanatiling nakatingin sa matamlay niyang mga mata.
"Isara mo 'yang bibig mo baka mapasukan ng langaw, sige."
Pinanood ko ang paglalakad niya palayo sa akin. Nang marinig ko ang pagtunog nang bell, 'don lang nagising ang katawang lupa ko at patakbong sumunod sa kaniya.
"Alcantara!"
May tumawag sa apelyido ko pero hindi ko pinansin. Sinundan ko lang ang babae kanina hanggang sa huminto siya sa isang bukas na classroom. Nang tumigil siya sa may pinto nilingon niya ako at wala na namang emosyong tumitig sa'kin.
"Dito na ako, salamat sa paghatid."
Kinurap-kurap ko ang mga mata at nilibot ang paningin. Lahat ng mata nasa amin ng babaeng walang ganang pumasok sa loob.
"Oh my God! That's Exxel Alcantara nandito na pala siya."
Naiilang akong ngumiti sa mga estudyanteng tinitili ang pangalan ko.
"Hala! Mas pomogi siya ngayon at pumuti pa! Hanggang dito amoy na amoy ang pabango niya."
Napakamot ako sa batok. Hindi ko alam kung aalis na ba ako o kakawayan muna sila.
"Pero narinig mo ba ang sinabi ng bababeng 'yon kanina? Hinatid siya ni Exxel my God no way!"
"Assuming talaga ang babaeng 'yon kahit kailan!"
"Humanda siya sa'kin mamaya."
Nakakunot ang noo kong binalingan ang babae kanina. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Parang hindi niya naririnig ang mga sinasabi ng mga kaklase niya. Parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Gusto ko siyang puntahan at sabihing nandito lang ako kapag kailangan niya.
"Oh! Mr. Alcantara nasa klase mo na si sir Valentine, ano pang ginagawa mo rito?"
Nanlalaki ang mga matang nagpaalam ako kay miss Castro. Yes, kilala ko siya at kilala niya ako dahil naging paborito ako dati ng mga guro. Dahil masipag daw ako mag-aral. Hindi ko na nilingon ang ibang estudyanteng tumitili at nagpapaalam sa'kin dahil nagmamadali na akong tumakbo papuntang klase ko.
Hinihingal akong kumatok sa pinto at dahan-dahang binuksan 'yon.
"Your late Mr. Alcantara, sit down."
Pagkaupong pagkaupo ko sa likod. Sinitsitan ako ng lalaking katabi ko.
"Tinawag kita kanina pero lutang kang sinusundan 'yong kaibigan ko."
Napabaling agad ako sa kaniya.
"Kaibigan?"
Tumango siya habang nagbubuklat ng pamplets. Hinintay ko naman na tumingin siya sa'kin para kumpirmahin pa lalo kung anong sinasabi niya sa'kin.
"Si Anna Garcia, 'yong kaibigan kong sinusundan mo kanina."
"Ano?!"
Napalakas ang pagkakatanong ko kay Padilla kaya narinig ko ang bulungan sa klase. Paglingon ko pati si sir Valentine masama na ang tingin sa'kin.
"Late ka na nga Mr. Alcantara tapos iniistorbo mo pa ang klase ko, gusto mong lumabas? 'Don ka magsisisigaw."
Nahihiyang inayos ko ang sarili.
"Sorry po sir, hindi na mauulit."
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Padilla.
"Tss, peste naman oh! Kakasabi lang nila Vin ang pangalan niya na-encounter ko siya agad? Sinuswerte ka naman oo."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa
18/08/2022
0chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting
21/05/2022
0. jfjxchbocyz
10/07/2024
0Tingnan Lahat