Homepage/Ang Astig Kong Bida/
Chapter 16
EXXEL ( pov )
Naalimpungatan ako sa mabigat na nakadagan sa katawan ko. Hiningal ako sa gulat ng makita si France at Anthony na nakadagan sa'kin. Halos hindi na ako makahinga sa bigat nilang dalawa.
"Hoy papatayin niyo ba ako? Magsi-alis nga kayo diyan."
Nakangisi nila akong binalingan habang isa-isang inaangat ang sarili paalis sa'kin.
"Ang tagal mong magising bro. Anong oras na oh! Mas magandang maaga tayo dahil maya-maya masakit na ang sikat ng araw sa balat," si France na nakasimangot agad.
"Baliw ka? Parang hindi ka pa nakapunta sa resort nila Cortez ah. May bubong 'yon tukmol." Binato ng unan ni Anthony si France na mukhang nag-iisip.
"Ay oo nga pala. Ang tagal ko na kasing hindi nagagawi do'n kahit sobrang lapit lang ng resort pool niyo!"
Binalingan niya si Vin na nakasandal sa hamba ng pinto. Nakahalukipkip pa ang mga braso sa dibdib habang nakatingin lang sa'min. Pansin ko hindi siya palasalita nitong nakaraang mga araw.
"Nagpahanda na ako ng almusal kaya bumangon ka na diyan gutom na ako."
Nagtataka akong bumangon. Hawak-hawak ko pa ang tiyan ko dahil ramdam ko pa ang bigat no'ng dalawa kanina.
"Teka-teka. Ano bang mga sinasabi niyo diyan?"
Isa-isa ko silang tiningnan na ipinagtaka nila. Tumingin 'yong dalawa kay France at kakamot-kamot na ngingisi ang lalaki sa mga kaibigan.
"He he he nakalimutan kong sabihin sa'yo bro kagabi. Akala ko talaga nai-text ko sa'yo e. Kumakain pa nga ako ng nachos no'n tsaka yakult e."
"Ayan puro ka kasi kain kaya makakalimutin ka na!" Binatukan ni Vin si France.
Nakita kong naglakad na si Anthony papuntang pinto ng kwarto. Maya-maya pa'y bumalik siya at hinila 'yong dalawa palabas.
"Hintayin ka na namin sa baba Exxel. Five minutes lang ha? Putcha ang tagal mong magising."
"Teka masisira 'yong damit ko! Galing pang Thailand 'to," si France na pilit inaalis ang kamay ni Anthony sa polo niyang kulay gradient.
"Wala akong pakialam kahit binili pa 'yan ng pinakamayaman sa mundo! Tara na sa baba para makapaghanda na si sleeping beauty," si Anthony na hindi na maipinta ang mukha sa pagkainis kay France.
Nasa bungad na sila ng pinto nang kinapa ko ang hugis hotdog kong unan at binato sa kanila.
"Hindi sleeping beauty mga tukmol!"
"Sleeping gorgeous and handsome hunk guy ulol! Wala nang gano'n ngayon!" pinakita pa ni France sa'kin ang gitnang daliri habang benelatan ako.
"Hindi uso sa'yo 'yon kasi masiba ka!" Sigaw ko pabalik bago mailapat ang pinto pasara. Iiling iling na lang akong bumangon at pumasok sa banyo.
Naglalagay na ako ng toothpaste sa toothbrush ko nang maalala ko ang mga sinabi ni Anna Garcia sa'kin kahapon.
"Tsk napakayabang talaga! Nasapak na nga't naalog ang utak. Tsk tsk! Hinding hindi ako magpapakumbaba sa kaniya para magsorry."
Sinimulan ko nang kuskusing maigi ang mga ngipin ko. Napahinto ulit ako nang makita ang itsura niya kahapon.
"Eh bakit naman ako magso-sorry sa kaniya ako ba sumapak? Haaaaays Exxel Alcantara." tiningnan ko ang mukha sa salamin. Matamis akong ngumiti.
"Ang gwapo mo talaga kahit kailan HaHaHa! Your the man that every girls would dreaming for. Huwag mo nang isali ang Anna Garcia na 'yon dahil hindi siya marunong tumingin sa gwapo. Dahil bato siya. Wala siyang puso't kaluluwa. Walang balunbalunan. Ay pesteng kalabaw ka!"
Malalakas na katok sa pinto ang nagpagulantang sa'kin. Hindi ko pa nga tapos 'yong sinasabi ko e.
"Ano bang ginagawa mo diyan Alcantara? Huwag ka ng maligo dahil resort ang pupuntahan natin. Tang'na naliligo ka pa yata e!"
"Sandali! Eto na eto na matatapos na!" Nagmadali akong nagmumug. Hindi ko na nagawang punasan ang bibig ko dahil sa mga kumag na 'to.
Binuksan ko ang pinto nang banyo. Nando'n silang tatlo na masama na ang tingin sa'kin. Nagtataka akong lumapit sa cabinet at kumuha ng ipapalit na sando. Nakashort naman na ako kaya sapat na 'yon para maging gwapo.
"Akala ko ba sa baba na kayo maghihintay?"
Naisuot ko na ang puting sando nang lapitan ako ni Vin. Tiningnan pa lalo ang itsura at katawan ko.
"Namamayat ka yata Exxel okay ka lang ba?"
Ayun na naman 'yung pagbilis ng tibok ng puso ko dahil natatakot akong magtanong sila ng magtanong sa'kin. Inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko at naiilang na tumawa.
"Nagdidiet ako."
Kumuha ako ng maliit na tuwalya at sinabit sa balikat. Inabot ko rin ang kulay itim kong sumbrero na may maliit na burdang Alcantara sa bandang gilid nun.
"Huwag ka nang magdiet dahil hindi mo bagay. Nawawala ang six packs abs mo. Puro na lang gitara ang nakikita ko." Nakatingin pa rin si Vin pero hindi na siya seryoso gaya kanina. May nakakaloko nang ngiti sa mga labi niya.
"Tsk hayaan mo gagawin kong eight packs abs nang mabighani ka sa'kin at tayo ang magkatuluyan!" malakas akong tumawa para maalis sa kanila ang pagdududa sa pagbabago sa'kin. Hindi pa ako handa para sabihin sa kanila ang totoong kondisyon ko.
"Mandiri ka nga sa sinasabi mo Alcantara. Tara na gutom na talaga ako!" Nauna na siyang lumabas. Tinanguan ako ni Anthony at sumunod kay Vin.
Naiwan namang nakatitig sa'kin si France. Na para bang may gustong sabihin pero ngumiti na lang siya at lumapit sa'kin.
"Kung hindi ka pa handang umamin sa'min maiintindihan namin Exxel."
Iniwas ko ang paningin sa kaniya. Mukhang napaghahalataan na talagang may inililihim ako sa kanila. Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa'kin at tinapik-tapik ang balikat ko.
"Na bakla ka at may lihim kang pagtingin kay Cortez!"
Sinuntok ko ng bahagya ang tiyan niya. Inubo-ubo pa siya habang tumatawa.
"Huwag mo kong inuumpisahan Delgado sinasabi ko sa'yo. Manghihiram ka ng mukha sa aso!"
Tatawa-tawa siyang tumakbo palabas ng kwarto ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko may alam na siya tungkol sa kalagayan ko. Alam ko sa sarili kong maingat ang mga kilos at salita ko para hindi ako mabuko ng maaga. Hindi pa ako handa. Siguro aamin din ako kapag nakaipon na ako nang lakas ng loob at hindi na ako takot sumakabilang buhay.
Sumunod na ako pababa at nadatnan ko pang kausap nila ang dalawa kong kapatid. Ngayon ko na lang ulit sila nakitang magkasama simula no'ng umalis si Mama.
"Exxel."
"Kuya." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Kitang kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata nila. Malamlam ang mga matang lumapit ako sa kanila. Nabigla pa ako nang guluhin nila ang hindi ko pa nasusuklay na buhok.
"Naghulog na ako ng allowance mo sa card Exxel. If you need something else don't hesitate to tell me okay? Kumusta pakiramdam mo?"
Parang gusto kong maiyak ngayon sa harapan nila. Pero lalaki ako kaya pinigilan ko ang sarili at bumuntong hininga.
"I'm fine."
"Nabanggit sa'min ng mga kaibigan mo ang nangyari kahapon. Hindi .." hindi naituloy ni kuya Eliazar ang sinasabi dahil humawak ako sa braso niya. Alam nang mga kapatid ko ang nangyari sa'kin sa ibang bansa.
"Aalis muna kami kuya. Gusto niyong sumama?"
"Pass muna ako may pending akong trabaho," si kuya Eliazar. Ngumiti pa siya at marahang inalis ang kamay kong humawak sa kaniya. Buti naman naintindihan niya ang gusto kong iparating.
"I'm in. Naiistress na ako kakatrabaho," si Kuya Eisteine. Siya ang kapatid kong ma-entertained talaga kapag may mga bisita sa bahay.
"So let's go?"
Nauna na 'yung tatlong tukmol palabas ng bahay. Gusto ko pang kausapin si kuya tungkol kay Papa.
"Si Papa? Hindi ko pa siya nakikitang lumabas ng kwarto niya."
Malalim na buntong hininga ang ginawa niya at namulsa. Nilingon pa niya ang direksyon kung saan naroon ang kwarto ng ama.
"Nakaharap lang siya sa computer buong araw bunso. Kapag sisilipin ko naman ng gabi mahimbing na siyang natutulog. Ang maganda lang kapag hinahatiran siya ng pagkain inuubos naman niya."
Hindi na lang ako nagkomento pa. Wala na rin naman akong magagawa kahit na sabihin ko ang laman ng isip ko sa kaniya. Hindi namin mapagsasabihan ngayon si Papa dahil nasa stage pa lang siya ng pagtanggap na hindi na sila ni Mama.
"Tara na nagugutom na rin ako e."
Ginulo na naman niya ang buhok ko at umakbay sa'kin. Sabay na kaming lumabas ng bahay. Nakita pa namin ang tatlong tukmol na nakatayo sa gilid ng sasakyan.
"Isang sasakyan na lang gamitin natin para tipid sa gasolina," kuripot talaga si France kahit kailan. May bago siyang sasakyan na regalo sa kaniya ng mga magulang pero ni minsan hindi niya ginagamit. Dahilan niya mahal na ang gasolina ngayon nagtitipid daw siya, pero galante kapag pagkain ang pinag-uusapan.
"Huwag mo ngang idahilan na gusto mong makatipid sa gasolina France. Ang sabihin mo kuripot ka lang talaga," nakakunot ang noo kong nilagay sa bandang noo ang palad dahil nasisilaw ako sa sikat ng araw.
"Hindi ako kuripot Alcantara! Nagiging praktical lang," ngingiti-ngiti pa siya sa'kin.
"Magbabangayan na naman kayong dalawa diyan tara na para makarami!" Nauna na si Anthony pumasok sa likod ng sasakyan.
Sumunod na si kuya Eisteine sa kaniya. Hanggang nagpapapadyak na pumasok na rin si France sa loob. Wala akong pagpipilian kundi maupo sa passenger seat.
"Exxel."
Nilingon ko si Vin na seryosong nakatingin sa'kin. Ano na naman bang napansin ng kumag na 'to? Sana hindi na naman ang pangangatawan ko dahil hindi ko na alam kung anong ipapalusot ko.
"Si Anna Garcia."
Biglang sumama ang timpla ng mukha ko. Ano na namang tungkol sa babaeng 'yun. Mayabang lang siya, hindi siya katopic-topic.
"Anong tungkol sa kaniya?"
Ilang segundo siyang nakatingin sa'kin. Hindi ko mabasa kung anong gusto niyang iparating. Pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko, na para bang may sasabihin siya sa'king hindi ko magugustuhan.
"Gusto mo ba si Anna Garcia?"
Natitigilan akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Wala akong makapang tamang salita para masagot ang tanong niya. Hindi ko pa alam dahil nitong nagdaang mga araw ang babae ang laman ng isip ko. Pero hindi ko alam kung nagugustuhan ko siya. Hindi siya 'yung tipo nang babaeng agad-agad kong magugustuhan. Marahil naaaliw lang ako sa ugaling pinapakita niya. Hindi pa ako nakakasagot pero dinugtungan niya na ang sinabi.
"Dahil kung gusto mo siya hindi ko na itutuloy ang binabalak kong ganti sa kaniya. Pero kung hindi uumpisahan ko na ulit siyang pormahan."
"Hoy ano ba tara na!"
Nagulat pa ako ng kinalampag ni France ang pinto ng sasakyan.
"Tsk kotse mo ba 'to Delgado? Taena ka kumag," Iritang pumasok si Vin sa driver seat.
Pumasok na rin ako habang umuukilkil pa sa'kin ang mga sinabi niya kanina. Kung sasabihin kong 'hindi', popormahan niya si Anna Garcia at sasaktan sa huli kapag nahulog na ulit sa kaniya ang babae. Kapag sinabi ko namang 'oo', hindi na niya itutuloy ang binabalak niya.
"Pag-isipan mo nang mabuti ang sinabi ko. Hindi naman ako nagmamadaling gawin agad ang binabalak ko."
Nakatitig lang ako sa kaniya. Pinaandar niya ang sasakyan na hindi tumitingin sa'kin. Nakakunot lang ang noo niyang nakatingin sa daan. Maya-maya pa'y iniwas ko na rin ang tingin sa kaniya. Kailangan kong pag-isipang mabuti para sa huli hindi ako magsisi.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa
18/08/2022
0chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting
21/05/2022
0. jfjxchbocyz
10/07/2024
0Tingnan Lahat