Chapter 13

ANNA ( pov )
Nagising akong may mabigat na bagay na nakapatong sa braso ko. Pinakiramdaman ko ang sarili kung okay na ako. Hindi na mabigat ang ulo ko at hindi na rin ako masyadong nilalamig. Akmang babangon na ako nang may humila sa kamay ko. Nagugulat kong pinanuod si Exxel na kinikiskis ang pisngi sa likod ng palad ko.
"Hmm hmm."
Nakangiwi akong nakatitig lang sa mukha niya habang nakangisi. Binalingan ko ang bukas na pinto nang makita kong nakatayo doon si Neil, kasama si Luna. Malalaki ang mata nilang nakatingin kay Exxel.
"Hoy gumising ka nga diyan."
Pupungas-pungas siyang nagkusot ng mga mata habang mapupungay ang mga 'yon na tumingin sa'kin. Inayos niya ang sarili at agad na tumayo.
"I swear wala akong ginawa. Hindi ko alam na nakatulog pala ako habang binabantayan ka. Huwag kang manapak dahil kawawa ang kagwapuhan ng mukha ko kapag nabangasan."
Nakasangga ang dalawa niyang braso sa mukha. Kitang kita sa kaniyang takot na takot siya dahil sa karumaldumal niyang ginagawa.
Walang gana akong tumayo. Iniwan ko siyang nakangangang pinanuod ang paglalakad ko papuntang banyo. Nagtoothbrush at naligo na rin ako.
"Shit! Wala akong tuwalya."
Tatlong katok ang narinig ko sa pinto ng banyo. Nag-aalinlangan pa ako kung bubuksan ko o hindi dahil wala akong saplot na suot.
"Iaabot ko lang 'tong tuwalya mo madam. Huwag kang assuming na sisilipan kita dahil walang masisilip sa'yo."
Padarag kong binuksan ng kunti ang pinto. Marahas kong kinuha sa kaniya ang tuwalya at nakasimangot na tinapis 'yon sa katawan ko.
"Ang kapal ng mukha niya."
"Hoy Anna Garcia naririnig kita. Balak mo bang tumira diyan? Lumabas ka na para sabay na tayong pumasok. Makikiligo rin ako e."
Akmang bubuksan ko ang pinto nang naalala kong nakatapis lang ako ng tuwalya. Inis na sinabunutan ko ang sarili dahil hindi muna ako nag-isip bago pumasok ng banyo kanina.
"Pumikit ka."
"Wala naman .."
Hinampas ko ang pinto ng banyo. Nanahimik siya at hindi na naituloy ang gustong sabihin.
"Oo na. Masyadong mainitin ang ulo."
Kinakabahan akong marahang binubuksan ang pinto ng banyo. Sinilip ko muna siya kung ginawa ba niya ang inutos kong pumikit siya. Nang makitang nakatalikod siya sa'kin, nakahinga ako ng maluwag at binuksan na ng tuluyan ang pinto ng banyo.
"Kapag dumilat ka mawawalan ka ng kinabukasan tandaan mo 'yan."
"Idadamay mo pa ang kinabukasan ko? Eh wala naman .."
Hindi na naman niya natuloy ang sasabihin nang malakas ko siyang binatukan. Akmang lilingunin niya ako nang marahas ko siyang tinulak sa pader at pinahalik ko sa kaniya ang malamig na semento.
"Subukan mong lumingon peste ka!"
"Oo na! Bitawan mo nga ako at magbihis ka na."
Buti na lang sinara nila ang pinto ng kwarto ko. Nakakahiyang palakad-lakad nang nakatapis lang dahil kahit na mga bakla ang kasama ko dito, lalaki pa rin sila.
Agad akong tumakbo papuntang banyo, dala-dala ang isusuot kong damit. Marahas pa akong huminga ng malalim bago sinimulang isuot ang mga 'yon. Itim na t-shirt, asul na pantalon at sneakers lagi ang suot ko. Normal na 'yon para sa'kin. Pero sa mga kaklase kong maarte, basura 'yon para sa kanila.
Mga peste!
Tinutuyo ko na ang buhok ko nang makalabas ng banyo. Nakaupo na sa kama si Exxel at hinihimas ang nasaktang marahil na panga niya. Sinamaan niya ako ng tingin bago tumayo at lumapit sa'kin.
"Pahiram tuwalya makikiligo ako."
Naglakad ako papuntang cabinet at kinuha ang malinis kong tuwalya. Kita ko rin ang dala niyang uniporme.
Hanep talaga kapag mayaman, maraming pambili.
"Hintayin mo ko. Huwag kang aalis ng hindi ako kasama." Binalingan niya ang relong nasa bisig, "Eight pa naman start ng first subject. Nagugutom kasi ako hindi ako nagdinner kagabi." Nakanguso siyang inalis sa'kin ang tingin.
"Sino ba kasing nagsabi sa'yong huwag kang kumain?"
Tiningnan lang niya ako. Maya-maya lang ay nagpapadyak siyang pumuntang banyo.
"Parang bata." Iiling-iling akong lumapit sa salaming nakadikit sa pader. Kalahati lang ng katawan ko ang masasalamin no'n. Sinuklay ko ang hanggang balikat kong buhok. Naglagay ng kunting powder sa mukha at konting lipgloss.
Ngayon ko lang nagamit 'tong binigay ni Neil sa'kin. Ewan ko rin kung bakit ko naisipang gamitin.
"Anna dumito na kayo para makakain na si pogi. Kanina pa nagrereklamo 'yan na nagugutom jusko! Hindi man lang naisipang kumain kagabi. Ano bang ginawa niyo at nakalimutan niyang kumain?"
May halong panunukso ang boses ni Neil kaya padarag kong binuksan ang pinto. Nandoon siya nakatayo kasama si Luna. Nanlalaki na naman ang mata ng babae habang nakatingin sa'kin. May dala na naman siyang makakapal na libro.
"Huwag ka ngang ma-issue." Dumiretso akong hapagkainan at tiningnan isa-isa ang mga nakahain.
Sana kumakain siya ng itlog na may kamatis at sinangag na maraming paminta.
"Oh pogi halika na't kumain."
Naaamoy ko ang sabon na ginamit niyang panligo. Kapag ako ang gumagamit no'n halos wala akong maamuy sa sarili ko. Pero kapag siya? Ano 'yon kinain niya ang sabon at inuutot na lang niya kaya umaalingasaw siya sa bango?
"Wow! Kain na ako ah."
Pinanuod ko kung paano siya sarap na sarap sa kinakain niya. Naubos nga niya ang nilagay ni Neil na pagkain sa plato niya. Pagkatapos niyang uminum ng dalawang basong tubig, hinimas himas pa niya ang tiyan.
"Wala ka pa bang ganang kumain Anna? Kumain ka kahit konti dahil nangangayayat ka na."
Nilingon ko si Neil na tapos na rin kumain. Katabi niya si Luna na mahinhing kumakain sa tabi. Masaya akong lumalabas na siya ng kwarto ngayon at nakikihalubilo.
Itinuon ko na ang atensyon sa pagkain ko. Mabilisan lang ang ginawa ko para hindi kami malate sa klase. Kinuha ko ang bag sa bakanteng upuan bago tumayo.
"Papasok na kami."
"Sige humayo kayo't mag-ingat! Ay wit lang Anna." Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto ko. Paglabas niya ay may dala siyang maliit na plastik.
"Inumin mo muna 'to." Binigyan niya rin ako ng isang basong tubig at isang tableta.
Nang maubos ko, inabot niya ang plastik sa'kin at binalingan si Exxel na hindi nagsasalita sa tabi ko.
"Ipaalala mo nga ang gamot niyan pogi! Makakalimutin ang babaeng 'to. Aangas-angas pero lutang 'yan lagi. Pagkatapos niyang kumain ng tanghalian isang tableta ulit ha?"
"Yes boss! Salamat sa masarap na almusal." Sumaludo pa siya kay Neil.
"Ingat kayo! Oh ikaw Luna anong petsa na nandiyan ka pa rin sa mesa. Bilis-bilisan mo diyan."
Umiling na lang ako sa kadaldalan ni Neil. Walang pinapalagpas kahit na ang tahimik na si Luna. Akmang kukunin ko na ang bisekleta ko nang hilahin ako ng kumag papunta sa sasakyan niya.
"Ihahatid na kita."
"Kaya ko na ang sarili ko."
Lumingon siya sa'kin at nakangiwing tinitigan ako.
"Susundin mo ko sa ayaw o sa gusto mo dahil ako ang nag-alaga sa'yo. Bayad mo na sa'kin ang huwag kumuntra ngayon p'wede?"
"Tsk!"
Nagpahila na lang ako sa kaniya papuntang sasakyan na nakaparada sa labas ng gate. Siya pa ang nagsuot ng seatbelt ko bago umikot at pumunta sa kabilang pinto.
Hindi pa niya pinaandar ang sasakyan niya. May dinukot pa siya sa likod ng upuan niya at inabot sa'kin.
"Aanhin ko to?"
"Kainin mo. Tsk! Syempre susuotin mo tinatanong pa ba 'yan?"
Sinamaan ko siya ng tingin habang hawak ang isang sky blue na t-shirt na may nakasulat sa bandang dibdib na MSHS o Mount Star High School. Pangalan kung saan kami nag-aaral at isang jogging pants na hindi ko alam kung sasakto sa'kin kapag sinuot ko.
"Wala ka pang P.E uniform 'diba? 'Yan muna isuot mo. Extrang damit ko 'yan Mayro'n pa ako sa bag na isang pares."
Hindi na ako kumuntra dahil kakailanganin ko 'to mamaya sa P.E. Kasama pa naman ang lahat ng estudyante ng Fourth Year. Ibig sabihin makakasama ko sila Exxel at mga kaibigan niya.
Ilang minuto lang naman ay nasa parking lot na kami ng school. Marami-rami na ring mga estudyanteng pumapasok sa gate. Nakita ko pa si Vin at mga kaibigan niya na nakatayo kung saan ipapark ni Exxel ang sasakyan niya. Nang lingunin ko siya, walang bakas na pagkailang sa mukha niya. Alam niyang ex ko ang kaibigan niya at alam nilang ginawan ko ng masama. Pero bakit parang okay lang sa kaniya?
May binabalak pa ba sila sa'kin?
"Hi Anna kumusta ang pakiramdam mo?" masiglang bati ni France sa'kin. Siya lang naman ang aliw na aliw na kausapin ako.
Nagtataka akong tumingin kay Exxel. Nakatingin lang siya. Gusto kong malaman kung sa kaniya nanggaling ang balitang nagkasakit ako kahapon.
"Ahh okay na ako," nahihiyang sinagot ko si France sa tanong niya.
"Mabuti naman. Sabi nitong si Exxel may lagnat ka daw kagabi. Hindi ka umuwi bro?"
Kinabahan ako dahil baka kung anong isipin nila. Hindi ako makatingin sa kaibigan ng binata dahil namumula na marahil ang pisngi ko.
"Tara na sa loob," malamig ang boses na sambit ni Vin. Alam kong ayaw niya ako pero hindi niya ako mataboy kapag kasama namin ang mga kaibigan niya.
"Oh kainin mo." Inabot ng isa nilang kaibigan ang isang plastik. Kitang kita do'n ang ilang pirasong ponkan.
"Aanhin ko to?"
"Tsk! Itapon mo. Syempre kainin mo nga 'diba?" Dire-diretso siyang nilagpasan ako habang nakanganga akong pinanuod siyang maglakad palayo. Nagtataka ring binalingan ko ang prutas na hawak at binalingan si Exxel na nagkibit balikat lang.
Naglakad na rin siya papasok sa loob. Inakbayan naman ako ni France, na ikinailang ko. Iniiwas ko ang sarili sa kaniya dahil katakot-takot na namang bulungan ang maririnig ko kapag nakita kami ng mga 'fans'nila.
"Ibinalita ko do'n sa dalawang may sakit ka kaya binilhan ka ng prutas Anna." Inalis niya ang pagkakaakbay sa'kin pero bumulong naman siya malapit sa tenga ko.
Nakatingin lang ako sa likod nang tatlong magkakaibigan. Katabi ko kasi si France habang naglalakad.
"Bakit ang babait niyo ngayon sa'kin?"
Itinaas niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko. Nagtatanong lang naman ako.
"Mabait naman talaga kami Anna. Ganiyan lang sila kacold hearted at alam namin ang alitan niyo ni Cortez. Pero wala naman siyang magagawa dahil gusto ka naming kasama ni Exxel. We're friends right? 'Diba 'diba?"
Hindi ko masagot ang tanong niya. Ayokong saktan ang damdamin niya kapag sinabi kong ayaw ko silang maging kaibigan. Magiliw niya ako laging kinakausap at nakakakonsensiya naman ako kung sasaktan ko siya. Hanggang sa makatapat kami sa classroom nila ay hindi ko siya nasagot. Pero sa pagtataka ko, dire-diretso silang apat sa classroom na inuokopa ko.
"Anong ginagawa niyo?"
"Baka kasi ibully ka ulit ng mga estudyanteng walang magawa kaya sinabayan ka na namin Anna," si France ulit ang sumagot sa tanong ko. Nakatingin lang sa'kin si Exxel at 'yong dalawa ay nililibot lang ang tingin sa paligid.
"Okay lang ako. Hindi niyo na dapat ginagawa 'to. Mas lalo niyo lang silang bibigyan ng dahilan para asarin ako araw-araw. Tigilan niyo na ang bait-baitang pinapakita niyo. Hindi ako natutuwa sa paganiyan-ganiyan niyo."
Agaran ko na silang tinalikuran. Walang lingon likod akong naglakad palayo sa kanila. Nahagip pa ng mga mata ko ang matatalas na tingin ng mga babaeng kaklase ko na idolong idolo ang apat na tukmol. May mga bimubulong bulong pa at naglahi pa yata sila sa bubuyog.
Walang katahimikan na naman ang buhay ko ngayong araw.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    MalinaoMary rose

    subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa

    18/08/2022

      0
  • avatar
    Jennylyn Lobina

    chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Keneth Portugal

    . jfjxchbocyz

    10/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata