Homepage/Ang Astig Kong Bida/
SPECIAL CHAPTER
Sa kalahating taon ko bilang isang kolehiyala, napagtanto kong hindi madali. Maraming hassle and frustration. Hindi katulad sa high school na ang problema mo lang exam, project at assignment.
Hindi naman nagbago ang buhay naming lahat. Pero madalang na lang din kaming magkita-kita. Malayo ang building ng Psychology faculty ni Exxel, kapitbahay lang ng faculty niya ang Medicine na kinuha ni France sa college. Si Anthony at Alisson ay magka-block naman sa Engineering.
Ang nagbago lang talaga sa'kin, ang dalawang babaeng laging buntot ng buntot kahit magkaiba kami ng mga faculty. Kahit related sa kinuha kong kurso ang sa kanila, iba-iba pa din ang schedule ng pasok namin. Pero hindi sila pumapalyang masabayan ako sa lunch at uwian.
Tulad na lang ngayon, hindi ko inaasahang hinihingal silang dumating sa mesang pinagkakainan ko.
"Hays! Buti na lang naabutan ka namin dito Anna, minsan talaga iisipin kong pinagtataguan mo kami dahil hindi ka namin mahagilap!" Bungad sa'kin ni Adda. Hindi pa nga siya nakakaupo umarangkada na agad ang boses niya.
"Huwag ka nang magtaka Addrianna, dahil magkakaiba tayo ng schedule syunga! Buti nga naaabutan natin 'tong si Anna kapag nasa labas kung hindi lagot tayo sa tatay niyang maldito," pabagsak naman umupo si Luna. Naka-apron pa siya. Hindi niya yata napansin dahil sa pagmamadali.
"Hoy Anna, uso magsalita ano? Napipi ka na naman ba dahil isang linggo mo ng hindi nakikita ang lovey dovey mo? P'wede mo naman kasing puntahan, hindi mo gawin." sumisimsim si Adda ng binili kong coke. Ang kapal talaga ng mukha niya.
"Ikaw na lang. Ayokong mapagod na pabalik-balik sa building nila tapos hindi ko din naman siya maaabutang walang ginagawa," tuloy-tuloy lang ako sa pagkain habang nagsasalita. Hindi ko na sila inabalang lingunin pa kahit alam kong nakatingin sila sa'kin.
Ilang araw ko na ding ginagawa ang pabalik-balik sa faculty ni Exxel. Kahit na may dala akong sasakyan, nakakapagod din. Pupunta ako do'n tapos hindi naman niya ako mahaharap. Kung hindi ko siya naaabutang busy sa pagbabasa ng kung ano-anong makakapal na libro, abala naman siyang tumutugtug kasama ang iba niyang kaibigan.
"Okay ka lang ba Anna? Tawagan mo na kaya? Malay mo ikaw lang din hinihintay niya. Sige na," hindi ako nagulat sa sinabi ni Luna. Nagulat ako dahil kinuha niya ang pagkaing nilalantakan ko kanina.
Mga walang hiyang mga kaibigan 'to!
"Pumunta ba kayo dito para makalibre ng pagkain?" Dumukot ako ng ilang bills sa bulsa at nilapag sa mesa. Napailing na lang ako dahil nag-agawan ang dalawang kunin 'yun. Pagkatapos nilang nakawin ang pera ko, nagtatakbo silang pumunta sa mga stall at namili ng tanghalian nila.
Simula ng makatuntung kami sa kolehiyo, pansin kong parang naging patay gutom ang dalawang 'yun. Hindi kami nagtatanong sa kanila kung bakit parang lagi silang walang pera. Ngayon ko lang sila matagal na nakasama, kahit pa nakasama ko sa iisang bubong si Luna. Lagi namang nakakulong sa kwarto. Kung wala sa kwarto, mag-isang maglalamyerda.
Si Adda naman, wala siyang nababanggit kung saan siya noon nakatira. Kung may mga magulang pa ba siya. Kung bakit ba sila laging magkasama ni Luna. Ngayon, lagi sila sa condo. Binili ni Dad para sa amin ni Alisson.
"Yow sister! Bakit parang nalugi ka?" Walang gana kong nilingon si Alisson. Kasama niya si Anthony na may bitbit na drums stick at nilalaro sa mga daliri niya. Nilingon ko pa ang likuran nila baka kasama nila si Exxel, pero wala ni anino niya ang nakita ko.
"May report daw na aasikasuhin si Exxel, Anna. Si France naman busy sa lab. Mukhang kina-career maging doktor eh," paliwanag ni Anthony.
Wala naman akong tinatanong.
Hindi ko na nagawang galawin ang pagkain ko. Halos maubos na din kasi 'yun ni Luna ng iwan niya. Nakatingin lang ako sa mesa habang nag-iisip kung tatawagan ba o pupuntahan ko na lang si Exxel sa building nila. Namimis ko na din kasi siya.
"Anna okay ka lang ba?"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Ali. Kung okay lang ba ako dahil wala naman talagang problema. Siguro ginagawa ko lang komplikado kahit hindi naman dapat.
"Wala," nginitian ko siya. Wala naman dapat akong ikabahala. May tiwala ako kay Exxel, "Kamusta klase mo?"
Pinakatitigan muna niya akong mabuti bago sumilay ang ngiti niya sa mga labi. Alam kong hindi siya kumbinsido sa pagngiti ko pero hindi na lang siya nagsalita.
"Okay lang. Petiks pa din 'diba Pangilinan?" Natawa ako dahil nang siniko ni Ali ang binata, muntik nang mahulog ang cellphone niya.
"Ano ba Alisson! Ano ba 'yun?" Tinago na niya ang mobile phone sa suot na bag at hinarap kami. Nakataas ang isa niyang paa sa upuan. Wala siyang pakialam kung maraming tao ang tumitingin dito sa kanila.
"Wala! Sino ba 'yang lagi mong kausap sa cellphone mo? 'Diba wala na kayo ni ... Sino na nga ba 'yung huli mong biktima?"
"Gago!" Binatukan niya si Alisson, "Teka, nakalimutan ko na din pangalan eh! Saka seryoso na ako this time! Hindi na ako magchi-cheat promise ... Aray!"
"Huwag mo kaming tino-talk shit dito Anthony! Wala kang maloloko!" Binatukan siya ng dalawang beses ni Luna. Kakarating lang nila. Sa dami nang pagkaing nasa tray na dala, halos ipabitbit nila 'yun sa tindera.
"Hoy Luna! Masakit 'yun alam mo ba?"
"Alam ko syunga!"
Humalakhak si Alisson at Adda sa pag-uusap ng dalawa. Umiling na lang ako sa kakulitan ng mga kaibigan. Minsan ko lang makasama si Anthony, dahil magkasama naman kami sa condo ni Alisson. Pareho man kami ng building kung saan ang lahat nakatira, minsan lang kami magkita-kita.
Maski si Exxel. Hindi na siya pumupunta sa kwarto nitong nakaraang araw. Isang linggo na siyang laging abala. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil para rin naman sa kinabukasan niya ang pagiging abala. Pero hindi ba niya ako malaanan kahit ilang oras lang para puntahan?
Okay naman kami last week. Nagpaalam pa nga siya sa'king magiging abala siya sa pag-aaral ngayon dahil malapit na ang assessment nila. Ilang director ang pupunta sa actual examination nila. Kaya pressured siya no'ng huling usap namin.
Pero hindi ko alam na ganito ka-busy ang tinutukoy niya. Na halos hindi na kami nag-uusap. Hindi na kami nagkikita. Ni tawag o text wala.
"Anna, uuwi pala kami ni Adda this weekend sa Pangasinan. Magrereport lang kay Eliazar," basag ni Luna sa pag-iisip ko.
Sanay na akong umuuwi sila ng weekend ni Adda para kausapin ang magkapatid na Alcantara. Hindi naman nila kailangan laging nakabuntot sa'kin, kahit na hinabilin ako sa kanila ni Dad. Kaya ko ang sarili ko.
"Pasalubong ah!" Sabad naman ni Anthony at Alisson. Pansin kong hindi pa sila bumibili ng pagkain nila.
"Hindi ka pa ba nagsawa sa mga pagkain do'n? Duh! Ako nga sawang sawa na!" Nagsasalita si Adda habang kumakain. Si Addrianna ang nakilala kong parang walang arte sa katawan. Walang pakialam kung tumaba siya. Walang pakialam kung madungis man siya kumain. Tulad na lang ngayon, kahit naka-pants at hapit na tshirt lang siya okay na sa kaniya.
"Ang dungis mo kumain! Tsk!" Pinanuod ko kung paano alisin ni Anthony ang kanin sa gilid ng labi ni Adda. Inosente naman ang mga tingin ng dalaga kay Anthony habang parang naging slow motion ang mga galaw nila sa paningin ko.
"Iisipin kong type ni Anthony si Adda, bagay naman sila 'diba?" Bulong sa'kin ni Alisson. Nakalapit din ang ulo sa'kin ni Luna habang pinapanuod 'yung dalawa.
"Oo nga, pero hindi type ni Adda si Anthony eh. Iba type niyan," singit ni Luna. Sa aming lahat siya ang may mas kilala si Adda. Lagi ba naman silang magkasama.
"Sino bang type ni Adda?" Usyoso ni Alisson. Nakatingin na siya ngayon kay Luna.
"Tsk! Huwag ka ngang tsismoso!"
Lumayo na sa'kin 'yung dalawa. Nakasimangot na bumalik sa pagkakaupo si Alisson habang binubuksan ang dala niyang laptop. Si Luna naman pinagpatuloy ang pagkain.
Mahaba ang vacant ko ngayon. Mamaya pang 5pm ang sunod na klase ko. 2 hours para sa crafting. Kaya nang magpaalam sa'kin ang mga kaibigan, mag-isa na naman ako sa food court. Minsan kapag hindi ko sila kasama, nakakalungkot din naman pala. Namimis ko na sila.
Kahit maingay sila, okay lang basta lagi ko silang kasama. Kahit na lagi silang nagbabangayan, okay lang basta nandiyan lang sila at hindi nawawala. Kahit na lagi lang nila akong inaasar sa pagiging over protective ko kay Exxel, okay lang kasi napapangiti naman nila ako.
Pero hindi na tulad noon ang buhay namin ngayon. Lahat kami abala na sa pagiging mabuting estudyante. Lahat kami may kaniya-kaniya nang gusto marating na pangarap sa buhay. Lahat kami kailangan nang magsumikap para sa kinabukasan.
Nagpasya akong umuwi na lang muna dahil wala naman akong gagawin pa sa loob ng campus. Wala naman din ako halos kaibigan. Hindi na ako mahilig makihalubilo sa iba. May mga nakikipag kilala pero hanggang do'n lang, hindi na tumatagal ang pakikipag-usap ko sa kanila.
Pumunta muna ako sa locker ko para kunin ang dapat ko nang iuwi sa condo. Konti lang naman ang mga 'yun kaya madali lang sa'kin para dalhin lahat 'yun. Hindi ako 'yung tipo ng taong maraming abobot na dala-dala kapag papasok. 'Yung mga kailangan lang sa pag-aaral ko ang laging laman ng bag ko.
Bubuksan ko na sana ang locker ko nang may mahulog na puting papel. Agad akong kinabahan dahil parang naulit lang ang nangyari sa'kin noong may nangyari sa'king masama at yung pagbabanta sa'kin noon kay Exxel.
Nanginginig kong pinulot ang puting papel na 'yun. Natatakot akong buksan 'yun at basahin ang nakasulat. Masyado na akong natututu sa mga pangyayaring nangyari sa'kin noon. Mahirap nang baka isali na naman nila ang pangalan ni Exxel sa pananakot na gagawin nila sa'kin.
Wala akong matandaang naging kaaway ko simula nang tumuntong kami ng college. Ang Kolehiyo de Manila ang pinili naming eskwelahan, dahil alam naming mahigpit ang seguridad dito.
Dahan-dahan kong binuksan ang nakatuping papel. Nadadala na ako sa mga ganitong death threats pero nandito pa din 'yung kagustuhan kong malaman kung ano bang laman nito.
Bahagyang nanlalaki ang mga mata ko dahil sa nabasa. Kaya agad kong sinara ang locker ko at patakbong pumunta sa parking lot. Bago ko pa lang nakakasama si Yolo, kaya ayaw na ayaw kong may gumalaw sa kaniya.
Hinihingal akong nakatukod ang mga palad sa tuhod ko, habang sinuyod ang buong sulok ng parking. Nang masiguro kong wala namang tao, pinuntahan ko si Yolo. Nagtaka pa ako sa nakapatong na bungkos ng bulaklak at isang box ng cake. Halata naman dahil sa pinaglagyan na kahon.
Dahan-dahan akong lumapit kay Yolo. Buo pa naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Kinuha ko ang bungkos ng bulaklak na nakapatong sa kaniya at binasa ang maliit na card na nakasuksuk sa pulang ribbon.
To my baby,
I'm sorry for being busy this past few days. Babawi ako promise. I love you <3
Unti-unting sumilay ang ngiti ko at gumaan ang pakiramdam ko. Akala ko kaya niya akong matiis. Akala ko hahayaan na lang niyang wala kaming masyadong komunikasyong dalawa. Akala ko lang pala. Buti na lang sobra ang tiwala ko sa kaniya. Kung hindi baka katulad na ako ng ibang girlfriend na inaaway-away na ang boyfriend nila dahil wala silang oras sa isa't isa.
"Kumusta ang Anna ko? Hmm?" Mas lumawak pa ang ngiti ko. Niyakap niya ako mula sa likuran habang nilalapatan niya ng magagaan na halik ang sentido ko.
Agad akong lumingon sa kaniya ay gumanti ng yakap. Sobrang namis ko ang madaldal na lalaking 'to.
"Eto mis na mis ka. Tinakot mo ko. Akala ko napa'no na si Yolo," mahina kong hinampas ang balikat niya. Pero nawala ang ngiti sa mga labi ko ng matitigan ko ang itsura niya.
Nangangalumata siya. Halata ang pagod sa mga mata niya at medyo nangayayat pa. Agad akong nag-alala sa kalagayan ni Exxel. Puro na lang siya aral at hindi na nakakapagpahinga.
"Wala ka na bang pasok?" Inayos ko ang ilang hibla ng buhok niyang nagulo. Halata na din ang ilang maliliit na bigote at balbas sa mukha niya.
"Wala na. Gusto kong magpahinga ngayon baby. Uwi na muna tayo," naglalambing na ibinaon niya sa leeg ko ang mukha. Nasa gano'n kaming posisyon ng mapatalon ako sa malakas na busina.
"Hi love birds. Uuwi ba kayo ng Pangasinan? Uuwi ako. Sasabay daw sila Adda at Luna," ngiting ngiti si France. Nakababa ang bintana sa kotse niya.
"Hindi," maikling sagot ko sa kaniya. Hindi ko na inabalang ayusin ang p'westo ni Exxel dahil ayokong istorbohin pa siya, "Pagpapahingahin ko din 'tong masipag mong kaibigan."
"Dapat ngang magpahinga 'yan. Anyways, una na ako. Bilhan ko kayo ng pasalubong pagbalik. Bye ingat!"
Tinanguan ko lang si France habang inaalalayan si Exxel. Inangat lang niya ang ulo nang alam niyang wala na si France.
"Tara uwi na tayo. Kailangan mo ng pahinga." inabot ko sa kaniya ang helmet niyang lagi kong dala. Baka kasi mangyari ang ganito kaya lagi akong handa.
Tumango lang siya. Kinuha ang isang box ng cake at ang bulaklak na bigay niya.
"Salamat sa pa-cake at pa-flowers baby," binigyan ko siya ng mabilisang halik sa labi bago sumakay kay Yolo. Ang big bike na regalo sa'kin ni Dad ng magtapos ako nang high school.
"Your always welcome baby. Marami na akong utang kaya nagbabayad lang," hinigpitan niya ang yakap sa'kin. Nasa gitna namin ang binili niyang cake at flowers. Sana hindi maipit ang mga 'yun sa p'westo naming dalawa.
"Okay lang basta pag binalik mo may interest na," nakikiliti man ako sa ginagawa niyang pagbaon ng mukha sa leeg ko. Wala naman akong magawa. Hindi ko siya masuway dahil na din gusto ko ang ginagawa niya.
Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkapit sa'kin. Mas gusto ko ang ganito kesa luwagan niya ang hawak. Dahil kapag nangyari 'yun, baka mabaliw na ako ng tuluyan. Dahil hindi ko na makakaya kapag nawala siya.
"Padeliver na lang tayo ng pagkain Exxel. hindi mo na kayang magluto eh!" Papasok pa lang ako sa loob ng bahay dahil ako ang nagpark kay Yolo. Pinauna ko na siyang umakyat kanina dahil halata na sa kaniyang bibigay na talaga siya.
Nang wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Nilibot ko ang tingin. Nakita ko siyang nakasalampak lang sa sofa at mahimbing nang natutulog. Agad akong lumapit. Inalis ang suot niyang sapatos at inayos din ang pagkakahiga niya.
Nang makontento sa ayos niya, dumiretso na akong banyo para maligo. Nagdadalawang isip din ako kung papasok pa o hindi na. Nag-aalala ako sa kalagayan ni Exxel. Gusto kong alagaan siya ngayon. Dahil sa ilang araw naming hindi pagkikita, hindi ko na din siya nagagawang asikasuhin.
Gusto ko mang magluto ng pagkain namin, hindi ako pinapayagan ni Exxel at Alisson gumamit sa kusina. No'ng araw na sinubukan kong magluto para pagsilbihan si Exxel, muntik ko nang masunog ang buong kusina kung hindi dumating 'yung dalawa. Sa sobrang takot ko no'n, hindi na ulit ako naglaro ng apoy.
"Salamat ho," nang makuha ang pinadeliver kong pagkain. Inayos ko na ang mga 'yun sa mesa. Nang matapos, lumapit ako kay Exxel para gisingin na siya, "Baby kain ka muna."
Ilang beses kong hinaplos ang magkabilaan niyang pisngi. Kahit na pagod at halos walang pahinga si Exxel, hindi kumukupas ang pagiging magandang lalaki niya. Minsan naiisip kong, paano kapag may nakilala siyang mas maganda sa'kin, mas sexy, mas matalino at mas gusto niya?
Pero pagkatapos kong sabihin sa sarili ko 'yun, iwinawaksi ko na din agad dahil malaki ang tiwala kong hindi ako ipagpapalit ni Exxel. Ang mahalaga lang naman sa'kin, kahit na hindi kami laging nagkikita, basta at the end of the day sa'kin ang uwi niya.
"Exxel?"
"Hmm," bahagya niyang minulat ang mga mata. Nginitian ko siya at hinaplos muli ang pisngi niya.
"Kain ka muna tapos tulog ka na ulit. Baka magkasakit ka kapag nalipasan ka ng gutom."
Dahan-dahan siyang bumangon. Hinila pa niya ako at pinaupo paharap sa kaniya. Nagugulat akong pinakatitigan siya. Halos hindi ko nagawang huminga dahil sa posisyon naming ginawa niya.
"Huwag mong sabihing nagluto ka?" Nakataas ang kilay na sambit niya. Hindi ko pa din magawang gumalaw dahil naiilang ako sa posisyon namin. Bigla siyang natawa. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang hinigpitan pa niya lalo ang yakap sa'kin, "Alam ko Anna, alam ko limitasyon ko pagdating sa'yo. Don't worry, wala akong gagawin na ikagagalit mo."
Nakahinga ako ng maluwag, pero hindi ko pa din nagawang magsalita. Masyado akong naiilang. Unang beses niyang ginawa sa'kin 'to sa isang taon naming pagsasama.
"Sorry. Hindi ka ba kumportable?" Akmang aalisin na niya ang katawan ko sa pagkakaupo sa mga hita niya, nang ako na ang kusang yumakap. Kahit na naiilang, hindi ko palalagpasin ang ganitong pagkakataon.
"Nagulat lang ako pero okay lang sa'kin 'yung ganito. Alam mo namang ikaw lang ang pahinga ko."
"Me too. Ikaw lang ang pahinga ko."
Ilang minuto din kaming nasa gano'ng posisyon nang magulat ulit. Tumayo siya habang buhat-buhat ako papunta sa kusina. Maingat na nilapag sa upuan bago sinimulan na naming kumain.
"Saan mo gustong pumunta this weekend? Sama natin sila Ali at Anthony? O tayong dalawa lang?"
Lagi kaming naga-unwind kapag weekends. Nagpapahinga kami kapag wala halos ginagawa ng sabado at linggo. Minsan hindi kami nakakaalis dahil may ilang subjects pa kaming papasukan. Minsan naman sa bahay lang kaming dalawa at buong araw lang na natutulog na magkasama.
"Bahay lang baby. Wala akong maisip na lugar na magandang puntahan ngayon."
"Pero malapit na magpasko baby. Baka may mga gusto kang bilhin bago umuwi?"
Iniisip ko ding mamili bago umuwi ng Pangasinan next week. Naglista na nga ako ng mga bibilhing regalo sa lahat, pero ang balak kong isama ay si Alisson.
"Hmm, maybe next time. May oras pa naman para diyan."
"Okay."
Pinagpatuloy na namin ang pagkain. Nagkwekwentuhan lang kaming dalawa habang inuubos lahat ng inorder ko. Hindi kami 'yung iisipin na baka masira ang diet namin kapag kumain kami ng madami. Pagkain ang tinatawag naming comfort zone at ang bonding naming dalawa, kasama ang iba pang kaibigan.
"Anna, mag-5 na! May klase ka pa!" Rinig kong sigaw niya mula sa sala. Hinuhugasan ko ang ilang pirasong nagamit namin kanina.
"Hindi na ako papasok. Nagsabi na ako kay prof." Pagkatapos kong punasan ang mga kamay sa suot kong apron. Pinuntahan ko siya sa sala, naabutan ko siyang nasa harap ng laptop.
"Hi Vin! Kumusta diyan?" Nakangiti kong kinawayan si Vin na nasa monitor. Ka-video call siya ni Exxel.
"I'm fine. Si Ali nandiyan ba? Hindi ko ma-contact at hindi naka-online e."
Umayos ako ng upo sa tabi ni Exxel. Dinantay naman niya ang braso palibot sa'kin habang pareho kaming nakaharap kay Vin.
"Umalis kanina kasama si Anthony. Bakit nagkatampuhan na naman ba kayo? Dumadalas na 'yan ah."
Halata kay Vin ang pagkabalisa. Mukhang may problema na naman ang kapatid ko sa kaniya.
"Don't worry about Ali, Vin. Kakausapin namin siya tungkol sa sinabi mo sa'kin kanina," saad ni Exxel. Nagtataka naman akong lumingon sa kaniya.
Ano kaya 'yun?
"Thanks bro. I know I can count of you two. By the way, hindi ko na kayo aabalahin. Ingat diyan."
"Ingat ka din diyan bro. Bilisan mong umuwi. Mis ka na namin dito," sumilay ang ngiti sa mga labi ni Exxel. Hindi ko na din kasi naalis ang tingin sa kaniya.
Sa isang taon naming magkasama, napapansin ko ang unti-unting pagmamatured niya. Mula sa katawan at itsura, maski sa pag-uugali.
"Why? Am I that handsome hmm?" Niyakap niya ako mula sa tagiliran. Hinalikan niyang muli ang sentido ko at pinatong ang baba niya sa tuktuk ng ulo ko.
"Hmm, ang gwapo ng boyfriend ko." niyakap ko naman ang mga braso sa bewang niya.
"Let's sleep together then."
Inangat ko ang ulo at nakakunot ang noong tumingin sa kaniya. Natatawa naman siyang ginulo ang buhok ko bago ako binuhat.
"Woi Exxel! Ano ba?! 'Yung apron suot ko pa! Sandali!" Nagtititili ako habang buhat niya ako paakyat sa kwarto. Hindi naman bago na matutulog kaming magkatabi pero hindi maaalis sa'king kabahan kapag magkalapit kami.
"Ako nang maghuhubad," tatawa-tawa pa din siya. Maingat niya akong nilapag sa kama at mariing tinitigan.
Napalunok ako ng laway dahil sa malamlam niyang mga titig. Lagi niya akong inaasar ng ganito pero hindi ako masanay-sanay. Alam ko namang hindi niya sisirain ang tiwala ko pero lumalakas pa din ang tibok ng puso ko.
"Huhubadin ko na Anna ha?"
"A-ang alin?"
Unti-unti siyang lumalapit sa'kin. Ang nakakaakit niyang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Nang akmang aatras ako para hindi siya makalapit ng husto, pinigilan niya ako gamit ang mga binti niyang inipit ang mga binti ko.
"E-Exxel!"
"Bakit?" Tumaas ang gilid ng labi niya. May kapilyuhan din akong nakikita sa mga mata niya.
"M-matulog ka na lang okay? Magpahinga ka na," aalis na sana ako nang pigilan niya ulit ako. Hindi ko na matiis ang pinaggagagawa niya sa'kin kaya tinulak ko siya pahiga sa kama. Sa gulat, napakawalan niya ang mga binti ko. Ako naman ngayon ang may tagumpay na ngiti.
"A-Anna hindi pa ako handa. Huwag ngayon!"
Malakas akong natawa. Namumula ang pisngi niya habang kumukurap-kurap pa ang mga mata. Tumayo ako sa kama, tinanggal ang suot na apron at tumabi sa kaniya. Ako na ang kusang yumakap kay Exxel nang hindi niya pa magawang kumilos.
"Akala ko pa naman. Papasukin ko na ang lagusan ..." tawang tawa siya ng pinaghahampas ko ang braso niya, "Sorry na! Sorry na Anna, baby." niyakap niya ulit ako. Inayos ang ulo kong nakapatong sa braso niya.
"Kapag nakapagtapos na tayo saka natin 'yan pag-usapan. Kung makakapaghintay ka pa?"
"Tsk! Anna, hindi ang katawan mo ang minahal ko kundi ikaw mismo. Bunos na 'yun para sa'kin, pero ang pagmamahal mo talaga ang premyo ko."
Lalo ko pang siniksik ang katawan dahil sa sinabi niya. Mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko kay Exxel. Lagi niyang pinapatunayan sa'kin na ako lang ang mamahalin niya kahit anoman ang mangyari.
"Thank you for loving me Exxel."
"No, ikaw ang dapat kong pasalamatan dahil ako ang minahal at pinapasok mo sa buhay mo Anna. Dahil kahit na pagbali-baliktarin man ang mundo, ang isang Anna Garcia pa din ang hahanapin ko para makasama ko habang buhay."
Nawalan ako ng sasabihin sa kaniya. Masyadong lutang ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya. Alam ko namang wala na akong hahanapin pa, kundi ang isang Exxel Alcantara.
"I love you Anna Garcia."
"Mahal na mahal din kita Exxel Alcantara."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa
18/08/2022
0chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting
21/05/2022
0. jfjxchbocyz
10/07/2024
0Tingnan Lahat