Chapter 121

ANNA ( pov )
"Anak Exxel, anong nararamdaman mo? May masakit pa ba sa'yo? Do you want some water? Gutom ka ba?" Masuyong tanong ni tita Elsa kay Exxel.
Nakatingin lang kami sa kanila habang hinihintay ang pagdating ni Nurse Leya and Doc. Ontoya. Kailangang obserbahan muna ang kalagayan ngayon ni Exxel, pagkatapos niyang matulog nang higit limang buwan.
Nang lapitan ko siya kanina, hindi ko alam ang gagawin ko. Masaya ako na 'di magkandaugaga dahil sa hindi inaasahang paggising niya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit dahil bumalik na din siya sa wakas sa'min.
"M-mama, kailan ako nakauwi ng Pilipinas? Natuloy pala ang pagpapa-opera ko sa America?" Nakakunot ang noong sambit ni Exxel. Ang mga mata niyang nalilito ay palipat-lipat ang tingin sa mga magulang.
"A-anak? Bakit? Anong?" hindi na naituloy pa ni tita Elsa ang sasabihin dahil dumating na si Nurse Leya at Doc. Ontoya. Agad silang lumapit sa binata.
"Hi Exxel, do you know who am I?" Masuyong tanong ni Doc. Ontoya kay Exxel. May cheneck sa kaniyang mga mata bago sinuyod ang benda niya sa ulo ng binata, "Anong pangalan ko?"
"Oo naman po Doc. Renz Ontoya. Sa inyo ako nagpakunsulta ng nararamdaman ko. Kayo din nagpresinta sa'king magpa-second opinion sa America para masigurado kung tama ba ang eksamin mo sa'kin dito," hindi nawawala ang pagkakakunot ng noo ng binata. Mukhang nalilito pa siya sa mga nangyayari. Maski ako hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kaniya ngayon.
"Exxel," tawag pansin ni Nurse Leya sa binata. Bumaling naman si Exxel sa Nurse at ngumiti.
"Nurse Leya," tumango-tango ang babae bago lumapit sa mga magulang ni Exxel.
"Sila kilala mo ba sila?" Pumagitna si Nurse Leya sa mga magulang ni Exxel. Nilingon ko ang binata at ang lawak na ng ngiti niya habang nakatingin sa mga magulang.
"Of course Nurse Leya! Ano bang mga tanungan 'yan? Am I that sick Nurse Leya na para tanungin mo ko ng ganiyan?" Mahina pa siyang natawa habang nililibot ang paningin sa mga taong nasa harap niya, "Vin, my childhood friend. That's France and Anthony. Kuya Eisteine and kuya Eliazar and ..." huminto ang paningin niya kay Alisson na nasa tabi ko lang. Agad na nalukot ang mukha ni Exxel ng hindi marahil malaman kung anong pangalan ni Alisson, "Sino ka? Sino kayo?" Palipat-lipat ang tingin niya sa'ming magkapatid.
"Exxel anak, si Alisson at Anna. Magkakaibigan kayo." lumapit ang ginang kay Exxel, habang hinahaplos ang mga braso ng binata. Nakababa lang ang tingin ni Exxel, para bang inaalala kung saan niya kami nakilala. Kung kaibigan niya ba kami o hindi.
"H-hindi ko maalala 'ma. H-hindi ko sila kilala," umiiling iling siya habang natuloy na sa pag-iyak ang pag-iisip niya.
"What happen Doc? Anong nangyayari sa anak ko?"
"I can't tell. But base on his actions, he has Retrograde amnesia. But most of the time, this type of amnesia can loss his old memories, pero naaalala niya tayo. Naaalala niya ang mga kaibigan. Recently lang ang nawala sa memorya niya."
"But, this type of amnesia is temporary. Makakaalala siya pero hindi agad. Kailangan lang nating maghintay na kusang bumalik ang mga alaala niya this past years of his life," patuloy ni Nurse Leya sa pagpapaliwanag kung ano bang nangyari kay Exxel.
Naririnig ko ang mga sinasabi nila, pero nakatitig lang ako sa umiiyak na si Exxel.
Bakit ka umiiyak baby? Kami lang naman ang hindi mo maalala.
Nanikip bigla ang dibdib ko. Gusto kong sabayan ang pag-iyak niya dahil hindi niya matandaan kung sino at ano ako sa buhay niya. Hindi ko namalayang napakapit na pala ako sa kamay ni Alisson. Humigpit din ang kapit niya sa'kin.
"S-sorry but can you all leave? Gusto kong mapag-isa," natahimik ang lahat. Hikbi ni Exxel at ang malakas na pagtibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Ni wala halos naglakas loob na magsalita sa aming lahat. Kaya kusa na akong naglakad palabas ng kwarto.
"Anna," huminga muna ako ng malalim at nagpaskil ng tipid na ngiti sa mga labi bago sila hinarap.
"A-ahh, uuwi na ho kami ni Ali. Babalik na lang ho ako bukas."
Hindi ko na hinintay na sumagot sila. Nagtuloy-tuloy akong lumabas ng bahay. Dumiretso ako sa sasakyan ni Alisson. Do'n ko na lang siya hinintay para diretso uwi na kami pagdating niya.
Ngayon ko lang naramdamang masakit din pa lang hindi ka maalala ng taong importante sa'yo. Masakit na ni hindi ko siya malapitan para yakapin at makamusta. Masakit na hindi ko na narinig ang pangalan kong sambitin niya kanina.
Kami lang ang hindi niya maalala.
"Anna." nilingon ko si Alisson. Nandito na pala siya sa loob ng sasakyan pero hindi ko namalayan. Masyado kong binigyan ng atensyon ang sakit na nararamdaman ko, "Okay ka lang ba?"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya ng 'oo'. Hindi ko alam kung kailangan ko bang sisihin ang sarili ko kung bakit nangyari kay Exxel ang ganito. Ngayon ko lang napagtanto na kasalanan ko kung bakit nakalimutan ako ng taong mahal ko.
Tumango ako pero agad din napaiyak ng masuyong hinila ni Alisson ang kamay ko para yakapin. Hindi pala okay sa'kin ang nangyari. Hindi ko pa tanggap na hindi niya maalala ang pangalan ko.
"Okay lang 'yan Anna. Maaalala ka din ni Exxel," paulit-ulit na sinasabi sa'kin ni Ali. Pero kahit ano sigurong pampalubag loob na sabihin nila sa'kin, hindi maiaalis ng isip kong hindi niya matandaang mahal niya ako.
Ilang minuto din akong umiiyak sa bisig ni Alisson. Nadatnan na kami nila Vin na nasa labas pa ng bahay dahil narinig ko ang pagkatok nila sa salamin ng kotse.
"Nandito pa pala kayo. Si Exxel nagpahinga na ulit," hindi na ako bumaba. Si Alisson na lang ang humarap sa mga kaibigan, "Kumusta siya?"
"Sa ngayon siguro hindi pa. Iuuwi ko na muna," naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila pero hindi na ako lumingon pa. Pakiramdam ko pagod na pagod ako pero halos wala naman akong ginawa kanina.
"Susundan namin kayo. Ingat ka sa pagmamaneho."
"Kayo din."
Napansin ko na lang ang pag-andar ng sasakyan paalis. Hindi ko natiis na hindi lumingon ulit sa parte ng bahay kung saan nando'n ang kwarto ni Exxel.
Exxel ...
"Kaya mo bang maglakad Anna?" Inangat ko ang paningin. Nasa harap ko na si Alisson. Nasa likod niya ang mga kaibigan. Binigyan ko sila ng ngiti bago tumango.
"Kaya ko. Magsiuwi na kayo, malalim na ang gabi."
Iniwan ko na sila sa labas ng bahay. Wala akong ganang asikasuhin pa sila dahil sa lambong ng nararamdaman ko. Mabigat ang mga hakbang na pumasok ako sa loob ng bahay. Siguro kailangan ko lang ng pahinga para gumaan ang pakiramdam ko.
Pagkalapat ng likod ko sa kama, agad kong pinikit ang mga mata. Nagsi-alpasan na naman ang mga luha kong wala yatang tigil na umagos ngayon. Mauubusan na ako ng tubig sa katawan nito.
"Exxel,"
Mukha ni Exxel ang agad na bumungad sa'kin ng maipikit ko ang mga mata. Ang ngiti niyang sumasalubong sa'kin kapag lalapit ako sa kaniya. Ang pagnguso niya kapag nagtatampo siya sa'kin. Ang mukha niya kapag nakikipag-asaran sa mga kaibigan. Ang mga mata niyang kumikinang kapag sa akin siya nakatingin.
Paano mo 'ko nakalimutan Exxel?
Kipkip ang dibdib habang patuloy pa din ako sa pag-iyak. Ayaw ko mang mag-alala ang mga kasama ko sa bahay pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ilabas ang lungkot na nararamdaman.
Ibinaluktot ko ang katawan. Hikbi ko na lang ang naririnig ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko na lang ang sariling tumayo at ni-lock ang pinto. Dumiretso sa may kabinet at kinuha ang nakahandang posas para itali ang sarili ko.
Alam ko ang ginagawa ko? Pareho kami ng nararamdaman ngayon.
Dumiretso ako sa loob ng banyo. Pinosasan ko ang sarili pagkatapos kong pinosas ang kabila sa matibay na hawakan sa may shower.
Ilang buwan nang hindi kita naramdaman, ngayon bumalik ka.
Maayos ang pakiramdam ko pagkatapos mahuli si Winner. Alam ko kasing wala ng panganib na darating sa'min. Hindi na ako matatakot at mangangamba. Hindi na ako muling masasaktan.
Unti-unti na din kaming nagiging maayos ni Dad. Tinanggap ko na din ang paghingi ng tawad nila ni Mamita. Naging maayos ang pagsasama naming pamilya, kasama ang mga kaibigan at sila Neil at Kevin. Maski ang pamilya ni Exxel ay naging parte na ng pang araw-araw ko.
Gusto kong kumawala sa pagkakaposas ko. Gusto kong magwala para mailabas ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong bumalik kay Exxel para sabihing ako, ako si Anna. Si Anna na gumulo ang mundo no'ng dumating siya. Nagulo ang puso dahil sa kaniya.
Wala na akong pakialam kung magising ko man lahat ng tao sa bahay. Kung makagambala man ako ng mga kapitbahay. Isinigaw-sigaw ko lang hanggang sa manlabo ang paningin ko at mawalan ng malay.
Masakit ang buong katawan ko ng maalimpungatan. Ramdam ko ang malambot na kamang hinihigaan ko.
Nasa kama na ako.
Naaalala ko ang nangyari kagabi. Naaalala ko lahat bago ako nagwala ulit at lumabas ang iba ko pang pagkatao. Agad akong tumayo. Kailangan pa naming pumunta sa bahay nila Exxel para tapusin ang mga lanterns na gagamitin namin sa darating na pasko.
"Anna, gising ka na ba?" Boses ni Neil ang naririnig ko mula sa labas ng kwarto. Walang gana akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Oh?"
"Ay bad mood? Ang aga-aga iba trip mo ngayon 'day? Ligo ka na. Naghanda ako ng almusal." tinulak niya ako papunta ng banyo. Hindi ko na rin nagawang kumuntra dahil 'yun naman talaga ang gagawin ko kung hindi siya nang-istorbo.
Pagkatapos kong maligo at magbihis. Naghanda na din ako ng gamit na dadalhin ko. Nagsabi ako kay tita Elsa na do'n muna ako ngayong bakasyon. Gusto ko ding makasama si Exxel kahit na hindi niya ako maalala.
"Anna!" Nagulat ako sa presensiya ni Luna at Adda. Maski si Kevin nandito din.
"Hi Anna! Pupunta ka kay Exxel 'diba? Sama kami," masiglang bati sa'kin ni Adda. Napailing na lang si Luna na katabi niya.
"Hay naku! Ang dami ko ng alaga ngayon! Ang gaganda pa. Sana 'diba hindi nakabusangot dahil papangit?" Nakangiwing sa'kin nakatingin si Neil. Hindi ko na lang siya pinansin at lumapit kay Mamita.
"'Morning Mamita."
"'Morning apo. Hanggang kailan ka sa bahay nila Exxel?" Tumikhim muna ako bago naupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung alam nilang hindi makaalala si Exxel nang magising siya.
"Ngayong bakasyon lang Mamita," nagsimula na akong kumain. Masasarap naman ang mga pagkaing nakahanda sa mesa pero hindi ko alam kung bakit wala akong panlasa.
"Dalhin mo 'tong mga hinanda kong pagkain kay Elsa at Ephy, Anna. Specialty 'yan ni Consuelo," nakangiting inilapag ni Manang Lily sa mesa ang dalang paper bag, "Nabalitaan kasi naming nagising na si Exxel," masayang masaya sila. Matipid akong ngumiti at tumango.
"Opo Manang."
"Oh! Sobrang tuwa ko ng malamang nagising na siya. Gusto man namin ni Consuelo na bumisita sa kaniya kaso hindi pa p'wedeng mamasyal-masyal ang Mamita niyo."
"Sabi ko naman sa'yo Lily na maayos na ang lagay ko. Kaya ko na ngang tumakbo at makipagkarera sa kabayo," malakas na tawanan ang narinig ko mula sa kanila. Nakikinig lang ako at tinapos ang pagkain.
Gusto ko ng makita si Exxel.
"Oh! Tapos ka na?" Aabutin ko na sana ang paper bag at gamit na dala ko nang nagtanong si Neil. Nilingon ko muna ang lahat bago siya sinagot. Nahagip pa ng paningin ko ang nag-aalalang tingin sa'kin ni Alisson.
"O-oo. Tapos na ba kayo?"
"Oo pero kasi ..."
"Hintayin ko na kayo sa labas."
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Neil. Wala akong oras para makipag tsismisan pa sa kaniya. Gusto ko ng umalis at makasama si Exxel. Okay lang na hindi niya ako matandaan, basta nakikita at nakakasama ko siya. Masaya na ako.
Kaming apat lang nila Neil at Kevin, kasama si Alisson na nakasakay sa kotse ng kapatid ko. 'Yung dalawang babae, dala ang kani-kanilang babies.
"Kila Exxel ka pala magbabakasyon Anna?" Binasag ni Neil ang namayaning katahimikan. Kalahating oras na marahil kami nagbibiyahe papunta sa kabilang bayan. Hindi ko nga alam kung bakit nagpunta pa sila sa mansyon. Pinagod lang nila ang sarili sa malayong biyahe.
"Oo," nakalapat lang ang paningin ko sa daan. Hindi ko alam kung anong itsura ang pinapakita ko ngayon sa mga kasama. Ang alam ko lang, gusto ko ng makarating agad sa bahay nila Exxel.
"Okay ka lang ba Anna?" Tanong ulit ni Neil. Ayokong makipag-usap ngayon sa kanila pero hindi yata niya napapansin. Napabuntong hininga ako bago siya hinarap.
"Okay lang ako Neil. Huwag mo muna akong kausapin p'wede?" Kita ko ang pagkabigla niya pero wala akong pakialam. Gusto kong patahimikin muna ang isip ko ngayon. Wala akong nararamdaman kundi kaba. Kinakabahan ako na baka ipagtabuyan ako ni Exxel kapag nakita niya ako sa bahay nila.
Nang makarating, agad din akong bumaba at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso akong kusina para ilapag ang mga dala kong pagkain. Akmang didiretso na ako sa kwarto ni Exxel nang makasalubong ko si kuya Eliazar. Naka-reading glass siya habang bitbit ang laptop niya.
"Anna, ang aga mo naman?" Nakangiti siya sa'kin. Para bang walang nangyaring hindi maganda kagabi.
"Ahh, wala naman kasi akong gagawin sa bahay kuya. Uhm p'wede ko bang puntahan na si Exxel?" Tuloy-tuloy na sabi ko. Halos hindi ko nagawang huminga dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Oo naman. Baka nga tulog pa 'yun e, gisingin mo na ..."
"Hi Eli!" Matinis na boses ni Adda ang nagpalingon sa'kin sa pinto. Pinaglipat-lipat ko ang paningin kay kuya Eliazar at Adda bago nagpatuloy sa pag-akyat.
"Bakit ka nandito?"
"Sumama ako kay Anna para ..."
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi ni Adda. Sinara ko agad ang pinto sa kwarto ni Exxel ng makapasok ako.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" Halos mapatulos ako sa kinatatayuan ng marinig ang malayelong boses ni Exxel. Naka-upo siya sa gilid ng kama paharap sa may pintuan.
"Ahh sorry ..."
"Anong ginagawa mo dito?"
Naikuyom ko ang dalawang palad sa ikinikilos ni Exxel sa harap ko. Parang wala kaming pinagsamahan.
"Ahh, kasi sinabi ko kay tita Elsa na dito ako magbabakasyon ..."
"Bakit? Bahay bakasyunan ba ang bahay namin?" Nakataas ang kilay na titig na titig siya sa'kin. Hindi ko alam kung aalis na ba ako dahil mukhang ayaw niya akong nandito o lalapitan ko siya at sabihing hindi ko siya iiwan?
"Ahh, s-sorry." nakayukong pinipigilan ko ang sariling umiyak sa harap niya. Nasasaktan ako, sobrang nasasaktan ako dahil parang balewala na ako sa kaniya ngayon.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang maingat niyang paghakbang. Handa na akong maiwan mag-isa dito sa loob ng kwarto niya nang makita ko ang pares ng mga paang huminto sa mismong harap ko.
"Anna 'diba?" Inangat ko ang ulo at pinakatitigan siya. May benda pa ang bandang ulo niya. Pero bumalik na ang dati niyang kulay at pangangatawan kahit nakaratay siya ng ilang buwan at walang malay.
"O-oo."
"Ang sabi ni Mama girlfriend daw kita, pero hindi ko talaga maalala."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Para bang dati, hirap na hirap pa siyang sabihing may gusto siya sa'kin pero ngayon parang wala lang ng banggitin niya ang salitang 'girlfriend'. Medyo nasaktan ako ng konting konti lang naman.
"Oo."
"Ganiyan ka ba talaga?" Hindi ko na kakikitaan ng malamig na pakikitungo si Exxel, hindi gaya kanina. Mukha na siyang boyfriend na nagpapaunawa sa girlfriend niya.
Uhg! Anna, tumigil ka muna sa kaharutan mo!
"Bakit?"
Natulos na ako ng tuluyan sa kinatatayuan ko dahil hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko. Halos mamawis ang mga palad ko dahil sa higpit ng pagkakakuyom ng mga 'yun.
Ano bang nangyayari sa'yo Anna? Gusto mo 'to 'diba?
"Pinakita ko na nga sa'yong hindi ko gustong nandito ka pero hindi ko nakitang nalungkot ka kahit isang segundo lang, girlfriend ba talaga kita?"
Napaiwas ako ng tingin at ilang beses kumurap. Parang nawalang bigla ang sakit na naramdaman ko kagabi. Parang bulang nawala ang bigat ng nararamdaman ko bago ako pumunta dito para makita siya.
"At bakit ka may sugat? Saan galing 'to Anna?" Bahagya akong napatalon ng iangat niya ang isang kamay ko. 'Yun 'yung kinabitan ko ng posas kagabi para hindi ako makapanakit ng ibang tao.
"Ahh, ano, sa ..."
"Ano ba kayong dalawa? Hindi ba kayo bababa para kumain muna?" Narinig ko ang matinis na boses ni Neil. Nilingon ko siya at bahagya pang nanlalaki ang mga mata habang palipat-lipat ang tingin sa'ming dalawa ni Exxel.
"Sino siya Anna? Kaibigan ko din ba?" Hawak pa din niya ang isa kong kamay bago pinaglipat-lipat ang paningin kay Neil at Exxel.
"Hoy pogi! Baklang Neil 'to! Juskoooooo! Limang buwan ka lang natulog nakalimutan mo na ang beauty ko!" Gusto kong pigilan si Neil kakakuda pero naunahan ako ng malakas na pagtawa ni Exxel.
"Nakakatawa ka baklang Neil, pero sorry. Nagkaroon yata ako ng sapak sa utak kaya hindi kita maalala, pati si Anna hindi ko maalalang girlfriend ko pala siya." tumingin si Exxel sa'kin. Hindi pa niya tinatanggal ang pagkakahawak sa mga kamay ko habang titig na titig siya sa mga mata ko.
"Ahh talaga? Mukhang hindi ka naman nakalimut, hay naku! Mga kabataan nga naman! O siya! Bumaba na kayo dahil 'yung iba ko pang alaga eh nagsasabong na sa baba!"
Bumubulong bulong pa si Neil habang papalayo sa'min ni Exxel. Lumingon lang ulit ako kay Exxel ng mawala sa paningin ko si Neil.
"Tara na sa baba," akmang aalalayan ko na siyang makalabas sa kwarto niya ng pigilan niya ang hawak niyang kamay ko, "Bakit?"
"P'wede mo ba akong tulungang magpalit ng damit?" Walang emosyong makikita sa kaniya. Kung dati nangyari sa'min 'to, malamang hindi na 'yun mapakali habang makikiusap siya sa'kin ng ganito. Masyadong prangka ang bagong Exxel na nasa harap ko.
"Ayoko."
"Akala ko ba magbabakasyon ka dito para alagaan ako? 'Yun ang sabi ni Mama sa'kin."
Hindi ko alam na gano'n ako kagusto ni tita Elsa para kay Exxel. Na sasabihin ng ginang ang tungkol sa'min ng binata. Masaya lang sa pakiramdam na kahit ako ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ang anak niya, ni hindi man lang niya ako itinaboy sa buhay ng binata.
"May kamay ka naman."
"Alam kong may kamay ako, pero kailangan ko ng tulong mo."
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi talaga ganito kaprangka ang Exxel na kilala ko. Magdadalawang isip pa 'yun panigurado.
"Anong tulong ba?"
Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. Nakatitig lang ako do'n ng ilang segundo bago magulat ng hilain niya ang kamay ko papunta sa tapat ng kabinet niya.
"Pilian mo ko ng damit. Nagshower naman na ako kaya huwag kang mag-alala, hindi mo ko tutulungang maligo."
Napailing na lang ako sa ikinikilos niya. Mukhang hindi pa ako masasanay sa ugali niya ngayon. Marami akong oras para masabayan ang bagong siya.
Mukhang magugustuhan ko din naman ang bagong ugali niya.
"Alam mo bang paborito kong kulay?"
Napaisip ako. Kapag kasi hindi kami naka-uniporme. Kung hindi puti ang sout niyang damit, mga light color na iba't ibang kulay ang nakikita kong suot niya. Sa pants naman dark color lang.
Hinugot ko sa naka-hang na t-shirt na kulay Biege at ang ripped jeans na black.
"Oh, bagay sa'yo 'to."
"Ayaw, iba na lang."
Pumili pa ako ng ibang kulay ng t-shirt. Kinuha ko sa naka-hang ang pa-horizontal na stripped t-shirt at inabot sa kaniya. Pero umiling lang siya.
Ibinalik ko ulit ang damit at pumili ng iba. Halos maubos ko na ang t-shirt sa loob ng kabinet niya pero ayaw niya lahat ng inaabot ko. Parang pinagtri-tripan na ako ng lalaking 'to.
"Yung unang napili mo na lang, 'yung Biege."
Laglag ang pangang tumingin ako sa kaniya. Kita ko kung paano niya pigilan ang matawa dahil sa pagtritrip niya sa'kin. Bumuntong hininga ako. Kailangan ko ng mahaba-habang pasensiya ngayon.
"Magbihis ka na."
"Diba nga tutulungan mo kong magbihis?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Kung dati iiwasan na niya agad ang titigan namin, ngayon nakikipaglaban pa siya. Ako na mismo ang unang sumuko at napahinga ng malalim.
Kaya mo 'yan Anna!
"Tara, saan ba?"
"Sa cr malamang, gusto mo kong magpalit dito sa labas?" Nakataas pa ang isang kilay niya habang hindi inaalis ang tingin sa'kin. Iisipin ko kapag wala siyang tama sa ulo, pinagtritripan ako nito.
Nasa loob na kami ng banyo at kanina pa ako nakatitig sa hawak niyang mga damit. Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa. Ngayon pa lang nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa pinapagawa niya.
"Ano na Anna?" Pakiramdam ko talaga, inaasar niya ako. Gustong gusto ko na siyang sigawan kanina pa pero hindi ko magawa. Pinapaalala ko na lang sa sarili kong may sakit siya.
Kinuha ko sa kaniya ang mga damit at nilapag sa gilid ng lababo. Inumpisahan kong iangat ang mga kamay para tanggalin ang pang-itaas niyang pantulog. Hawak ko na ang dulo ng damit niya nang marinig ang ginawa niyang pagbungisngis. Halos manghina ang mga tuhod ko nang makita kung paano siya tuwang tuwang pagtripan ako.
"S-sorry, hindi ko kasi alam na lahat ng sasabihin ko susundin mo, grabe!" Natuloy na sa pagtawa ang kanina lang ay pagbungisngis niya. Natutuwa akong tumatawa siya sa harap ko. Natutuwa akong masaya siyang ako ang kasama. Pero pakiramdam ko laruan lang para sa kaniya ngayon.
Bagsak ang mga kamay kong tumalikod sa kaniya. Hindi ko kayang makita siyang natutuwa sa paglalaro niya sa nararamdaman ko. Halos malunod ako sa sakit ng dinulot niya sa'kin kagabi nang hindi niya ako maalala, tapos ngayon ginawa niya lang laruan ang damdamin ko?
"Oh Anna, si Exxel?"
Hindi ko na pinansin si Neil na nakatayo sa baba ng hagdan. Dumiretso na ako sa labas kung saan gumagawa kami ng lanterns para sa pasko.
Bwesit ka Exxel! Kung hindi ka lang talaga nagpapagaling, nasapak na kita!
Nanggigigil akong nagpapadyak habang kinakawayan ako ng mga kaibigang lumapit sa kanila.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    MalinaoMary rose

    subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa

    18/08/2022

      0
  • avatar
    Jennylyn Lobina

    chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Keneth Portugal

    . jfjxchbocyz

    10/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata