Chapter 105

FRANCE ( pov )
"What's up mga pandak! Sana 'diba dalasan ni Author ang bigyan ako ng pov dahil hindi ko na nai-expose ang kgwapuhan kong taglay! Minsan kailangan na talagang batukan niyang si Author dahil pandak na nga wala pang dibdib ... Tulad ni Anna!"
[ Author : Last mo na 'to France ]
"Huwag naman Author! Hays! Oo na tatahimik na ako basta dalasan mong bigyan ako ng pov ..."
"Hoy Delgado! Ano bang binubulong bulong mo diyan sa harap ng salamin! Kanina ka pa diyan ah!" Isa rin 'tong si Alisson sa mga pandak, pero ang lakas ng boses. Akala naman niya ang gwapo niya?
Tsk!
"Ano bang kailangan mong pandak ka ..." hindi ko naituloy ang sasabihin dahil binatukan niya ako.
Abot niya 'yun?
"Tumigil ka ngang kakasabing pandak ako, dahil kahit na pandak ako gwapo ako! Kahit pandak ako maputi ang balat ko! Kahit pandak ako habulin ako ng babae! Eh ikaw matangkad ka nga hindi ka naman maputi!" Singhal niya sa'kin. Napalibot pa ang paningin ko dahil ang daming nagbubungisngisan sa paligid. Sumali pa ang mga sales lady na pibalilibutan na kami dahil sa pagpipili ng mga idadamit mamaya sa MS Night.
"Ang yabang mo Garcia! Hindi ako maputi pero mabango hininga ko!"
"Bakit hindi ba mabango hininga ko!?" Nilagay ko ang hintuturo sa noo niya at inilalayo ang mukha niya'ng nilalapit niya sa'kin.
"Lumayo ka nga sa'kin dahil ang tapang ng pabango mo! Bayaran mo na 'yan para makaalis na tayo, nagugutom na ako!" Kinuha ko ang mga paper bag na nakalagay sa counter. Oo, madaming paper bag dahil isinama na namin ang mga isusuot ng prinsesa at mga prinsipe.
"Hoy anong babayaran ko? Bayaran mo, wala akong dalang pera!" Bagsak ang balikat at panga ko sa sinabi niya. Lakas makapili ng mamahaling damit tapos wala palang pambili ang kumag? Lagay ko kaya siya sa paper bag at itapon sa ilog pasig.
"Una na ako sa sunod na shop. Kailangan ko ng sapatos para mamaya," nakanganga lang akong sinundan siya palabas ng Formal Attire Boutique. Nalaglag ko pa ang ilang dala kong paper bag na hindi man lang niya ako tinulungang bitbitin.
"Sir?" Narinig ko ang pagtawag ng isang sales lady sa'kin pero hindi ko magawang balingan siya. Hindi pa din ako makapaniwala sa pandak na 'yun, na ngayon ay nakikitang kong lumilingon-lingon sa paligid sa labas ng Boutique.
"Sir 950,000 pesos po lahat," tuluyan ng nalaglag ang mga bitbit ko dahil sa narinig. Unti-unti akong lumingon sa babae habang nakangiwing nagkakamot ng batok.
"Wala na bang discount 'yun miss?" Ngumiti siya sa'kin ng pagkatamis-tamis habang binibigay sa'kin ang resibo. Nanlalaki na ngayon ang mga mata ko dahil parang ahas 'yun na handa na akong tuklawin anomang oras.
"Wala na po sir," labag sa loob kong nanginginig pa ang kamay na inabot 'yun. Pikit mata kong inabot ang card ko. Patay na naman ako nito kay Dad, pesteng pandak 'yun. Humanda sa'kin 'yun mamaya.
"Thank you po sir! Balik ho kayo!"
Hinding hindi na ako babalik peste!
Lumabas ako ng Formal attire Boutique at nilibot ang paningin sa paligid. Sinabi ni Alisson na maghahanap siya ng sapatos, pero hindi niya sinabi ang pangalan ng shop. Papagurin pa yata ako ng lalaking 'yun. Pinagbitbit na nga ako, paghahanapin pa ng nawawalang bata.
Naglakad-lakad ako sa malawak na mall na 'to. Sa Almañia kami inutusan ni Anthony na dito kumuha ng mga isusuot namin mamaya. Ang aga-aga pa niya akong pinuntahan sa bahay, 'yun naman pala hindi kami sasamahan. Napakagaling talaga ng mga kaibigan ko. Kahit kailan hindi ako minahal.
Ilang oras na akong naglilibot sa malawak na mall, pero wala akong Alisson na nakita. Ang sakit na ng mga paa ko at nagugutom na ako. Sinilip ko sa relong nasa bisig kung anong oras na, nanlaki ng sobra ang mata ko dahil ala una na pala ng hapon. Kaya pala nagrarambulan na ang mga alaga ko sa tiyan dahil nalipasan na ako ng gutom.
Hinugot ko ang mobile phone sa suot kong pantalon. Hinanap ang numero ni Alisson at walang pakundangang tinawagan. Wala akong pakialam kung naiistorbo siya sa pagsho-shopping, wala naman siyang pera.
Pero naka-ilang ring na at dial na ako walang sumasagot sa kabilang linya. Medyo kinabahan ako dahil wala pa naman siyang kasama ngayon. Wala si Vin at Anthony para bantayan siya.
"Saan ba lumusot ang pandak na 'yun?" Nagmamadali na akong naglakad habang nililibot ang paningin. Hindi rin ako tumitigil na tawagan siya. Hindi ko pa naman alam ang gagawin ko kapag may nangyayaring masama sa kaniya.
Hindi ako kasing tapang ni Exxel na isasanggalang ang sarili para lang sa kaibigan. Hindi ako kasing tapang ni Vin at Anthony na kayang makipaglaban. Hindi ako kasing tapang ni Anna na kayang magtanggol sa mga taong sinasaktan. Oo, aaminin kong duwag ako sa larangang ganito. Pero hindi ako nagpapabaya ng isang kaibigan.
Pinagpatuloy ko pa din ang paghahanap kay Alisson, hanggang sa makarating ako sa labas ng mall. Tirik na tirik ang araw sa labas. Ihahakbang ko na ang mga paa ko palabas ng may maisip. Kaya imbes na lumabas ako ng mall, pinuntahan ko ang guard sa may entrance.
"Excuse me po boss?" Nakangiti siya agad ng binalingan ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi siya katulad ng ibang guard na nakakunot agad ang noo kapag naistorbo.
"Ano ho 'yun sir?" Sinilip ko muna ang pangalan niya na nakaburda sa uniporme bago siya ulit tiningnan, para masabihan ko ang nakakataas sa kanilang magaling siyang guard at mapromote pa.
Galing ko talaga tapos gwapo pa!
"Ahh boss, 'yung kasama ko kasi hindi ko makita. P'wede po bang magpatulong? Nag-aalala na po ako eh. Kanina ko pa kasi siya hinahanap at tinatawagan pero wala talaga eh. Hindi rin po sumasagot sa mga tawag ko."
"Sandali lang sir." hinugot niya ang maliit na walkie talkie sa bulsa. May mga sinabi siya sa mga kasama, na marahil ay mga guard din na naglilibot-libot sa loob ng mall.
"Sir may guard pong sasamahan kayo sa cctv room para mahanap ang kasama niyo ... Eto na pala siya sir." nilingon ko ang tinitingnan ni kuyang guard. Isa ding guard pero babae. Nakakatakot ang itsura niya dahil hindi man lang ngumingiti. Pero hindi na muna siya ang papansinin ko dahil nag-aalala na talaga ako kay Alisson.
"Follow me sir," pati boses niya nakakatakot. Parang hinugot pa sa pinakailalim ng lupa dahil sa lalim ng tono no'n. Nanginig pa ako bago lumingon sa pinagtanungan kong guard at kumaway.
"Salamat bosing! Ipapapromote kita sa amo niyo!" Kumaway din siya pabalik sa'kin. Binalingan ko na ang nakakatakot na guard. Papunta kami sa isang nakasarang elevator, na halos wala yatang sumasakay do'n.
Private siguro.
Wala kaming imikan ng nakakatakot na guard hanggang sa makapasok sa masikip na elevator. Hindi siya ordinaryong elevator na kaya ang sampong tao. Parang tatlo lang yata ang p'wedeng sumakay dito.
Kita ko sa pinto ng elevator ang walang emosyon niyang mukha. Nakatitig lang siya sa harap at ang mga kamay ay nasa likuran. Tuwid na tuwid din ang likod niya. Parang sa mga sundalo. Laging handa.
Ilang minuto ding kinausap ko ang sarili bago bumukas ang pinto. Isang tahimik na pasilyo ang nabungaran ko. Ang yabag ng sapatos ng nakakatakot na guard ang halos naririnig ko. Siguro kapag hindi matunog ang swelas ng sapatos niya baka paghinga ko rinig na rinig ko na.
Binuksan niya ang isang pinto at bumungad sa'kin ang malaking tv screen. Nakakahilo ang mga naglalakad na mga tao do'n. Hindi ko alam kung saan ko ilalapat ang mga mata ko. Paano ko mahahanap sa dagat ng mga taong 'to si Alisson?
"Anong itsura niya?" Bahagya pa akong napatalon ng magsalita ang nakakatakot na babae. Tumikhim muna ako bago siya sinagot.
"Maliit siya, maputi. Nakaputing t-shirt din at rip jeans na black. Nakaputi din siyang sapatos tapos pogi," ayaw ko mang sabihing gwapo si Alisson, sinabi ko na din baka makatulong.
Sa nakakatakot lang na guard ako nakatingin. Malikot ang eyeballs niya na marahil hinahanap sa malaking screen ng tv si Alisson. Minsan ding binabalingan niya ang computer na nasa harap at may mga pinipindot do'n. Hindi ko magawang maalis ang paningin sa kaniya dahil namamangha ako. Hindi dahil sa maganda siya, wala pa din kasing emosyon ang mukha niya kahit na ang dami-daming sinasabi ng mga mata niya.
Kailan pa ako tumingin sa mata ng tao? Hays!  Nababaliw na din yata ako.
"Siya ba 'to?" Inayos ko ang sarili at tumingin sa computer. Nanlaki pa ang mata ko ng si Alisson nga 'yun.
"Oo siya nga. Teka, pupuntahan ko na siya ..."
"Sandali." napalingon ulit ako sa nakakatakot na guard. Hindi ko man alam kung bakit pero natakot ako, "May iba pa ba kayong kasama?" nakakunot ang noo kong binalik sa computer ang paningin. May kasama si Alisson na naglalakad. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang magbabarkada lang silang tatlo ng kasamang lalaki kapag titingnan.
"Kami lang dalawa," hindi ko na alam kung anong ginawa ng nakakatakot na guard dahil nasa computer lang ang paningin ko. Nag-aalala ako. Baka natatakot na si Alisson dahil wala siyang kasama ngayon. Akmang magmamadali na akong lumabas do'n ng pigilan ako ng nakakatakot na babae.
"Tumawag na ako ng mga kasama. Tara na."
Kahit na nabibigla sa inaakto ng nakakatakot na guard. Ikinibit balikat ko na lang. Trabaho pala nila ang magtanggol ng ibang tao. Customer pa nila sa malaking mall na 'to.
Nagmamadali kaming lumabas sa elevator. Mukhang normal pa din ang mga pumapasyal sa loob ng mall. Hindi alintana na may nangyayari nang hindi maganda sa paligid. Sinundan ko lang ang babaeng guard na halos takbuhin na ang lugar kung saan namin nakita si Alisson. Napansin kong pababa kami sa ground floor. Nagtaka pa ako dahil pababa pa kaming parking.
Narinig ko ang radyong dala niya. Hinugot niya 'yun at iritadong pinindot.
"Anong balita?"
[ Nasa parking na kami Bradie. Stand by lang dahil madami sila. ]
"May ibang madadamay?"
[ Clear. ]
Wala akong naintindihan pero sumunod lang ako sa kaniya. Nang makarating sa parking, bigla niya akong hinarang bago pa ako makasilip sa kung saan siya nakatingin.
"Dito ka lang. Delikado dahil madami sila," malamig na saad niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil inaalala niya ang kaligtaasan ko o maiinis dahil kaibigan ko si Alisson, kailangan niya ako.
Pero wala kang magagawa France!
"Tutulong ako. Kailangan ako ng kaibigan ko," akmang lalagpasan ko na ulit siya ng higitin niya ako pabalik. Medyo naramdaman ko ang kuko niyang bumaon sa balat ko kaya napangiwi pa akong binalingan siya.
"Huwag hong matigas ang ulo sir," pinatigas ko ang mukha ko. Gusto kong iparating sa kaniyang kaya ko kahit na sa loob-loob ko, natatakot ako at gusto ko ng umuwi mag-isa. Pero hindi ko kayang iwan si Alisson dito, "Sige, pero manatili ka lang ho sa likuran ko."
Hindi na ako kumuntra sa sinabi ng nakakatakot na guard. Kita ko na sa kinatatayuan namin si Alisson na pinagigitnaan ng dalawang lalaki. Kahit na matangkad ang nakakatakot na guard na nasa harap ko, nasisilip ko pa din ang nangyayari sa harap dahil ilang pulgada lang naman ang tangkad niya sa'kin.
Maya-maya pa'y may mga nagsilabasang mga guard sa kung saan. Gusto kong mamangha dahil sabay-sabay silang nagtutuk ng baril sa direksyon nila Alisson. Nakanganga lang akong pinanuod sila.
"Taas ang mga kamay!" Ang dumadagundong na boses ng nakakatakot na guard ang umalingawngaw sa parking. Napatingin sa direksyon namin ang mga lalaki at si Alisson. Umaliwalas ang mukha niya ng makita niya ako.
"France!" Tinanguan ko lang siya at sumenyas na tumahimik. Hindi ko alam kung anong sunod na gagawin pero naghintay pa akong magsalita ang guard na nasa harap ko.
"Ibigay niyo siya sa'min ng tahimik at makakaalis din kayo ng tahimik," nagtataka man sa sinabi ng nakakatakot na guard, binalewala ko na lang. Kailangan lang naming makisama para makaalis din kami ng tahimik ni Alisson.
"Kaibigan ho namin 'to boss," nakangisi ang dalawang lalaki. Ni hindi ko nga sila kilala tapos kaibigan nila si Alisson. Baka gusto nila sapak?
"Huwag mo kong utuin dahil alam ko 'yang hilatsa ng mukha mo brad. Ibigay mo na, nang hindi dumanak ng dugo mo ang lugar na 'to," kita ko kung paano nagulat ang dalawang lalaking kasama ni Alisson. Napansin ko ding ang ibang gwardiya ay sa iba nakatutuk ang mga dala nilang baril. Mukhang marami nga sila dito.
"Huwag na ho kayong makialam boss ..."
"Eh kung isaksak ko sa ngalangala mo hawak kong baril saka ko paputukin? Aalma ka pa?" Ako ang kinilabutan sa pagbabanta ng babaeng gwardiya. Nakakatakot. Sana ibigay na nila si Alisson para wala akong marinig na putukan, nakakatakot.
Ilang segundo ding natahimik ang dalawang lalaki. Lumikot ang mga mata nila. Hawak na nila sa magkabilaang braso si Alisson. Wala akong maisip na gawin kundi mag-alala at magtiwala sa mga gwardiyang kasama namin.
Maya-maya pa'y nakarinig kami ng paparating na sasakyan. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa pagharurut no'n papunta sa direksyon namin. Nagpaputok na ng baril ang ilang gwardiya pero heto ako hindi pa din alam ang gagawin.
"Kumilos ka! Kunin mo ang kaibigan mo at umalis na kayo dito!" Do'n lang ako nagmadaling gumalaw papunta kay Alisson. Pinipilit pa din siyang isama ng dalawang lalaki. Nakita ko pang sinusundan ako ng nakakatakot na guard. Nagpapaputok na din siya ng baril sa mga dumating na kalaban habang isinasangga ang sarili sa katawan ko.
"Alisson!" Nagpupumiglas si Ali sa hawak ng dalawang lalaki. Isasakay na nila siya sa Van ng nakita kong hilahin ng nakakatakot na guard ang suot na damit ng kaibigan ko. Nabigla man ako sa ginawa niya. Nasalo ko naman si Alisson sa pagkakatumba.
Hawak ko na si Alisson nang tumago kami sa likod ng isang sasakyan. Sinuri ko muna kung ayos lang siya. Nang makita kong hindi maipinta ang mukha niya dahil marahil sa takot. Hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi at hinuli ang tingin niya.
"Alisson okay na. Ligtas ka na. Hindi nila tayo pababayaan." dinamba niya ako ng yakap. Buti na lang nabalanse ko ang katawan. Tinapik-tapik ko ang likod niya. Lagot kami nito sa Pangulo kapag nalaman ang nangyari.
Maya-maya pa'y nakayakap pa din sa'kin si Alisson. Para siyang batang kapit na kapit na ayaw bumitaw dahil takot na takot. Hindi ko na din naririnig ang putok ng baril. Gusto ko mang sumilip pero hindi ko magawa dahil ang bigat ni Alisson.
"Umuwi na kayo. Ako ng maghahatid para siguradong ligtas kayong makakauwi." tiningala ko ang nakakatakot na guard. Nakipagbarilan na nga siya, maayos pa din ang nakapusod niyang buhok at ang suot na uniporme. Nakakabilib.
Inalalayan ko si Alisson pagsakay sa kotseng binuksan ng isang gwardiya para sa'min.
"Maraming salamat po sa inyong lahat." yumukod pa ako. Nakangiti naman sila sa'king nagkumaway.
"Kami nang bahalang magreport sa mga pulis. Tatawagan na lang namin kayo kapag may kailangan pang ibang detalye," sabi ng isang guard. Siya lang yata at ang babaeng gwardiya ang hindi ngumiti sa'min kanina.
Nakapasok na ako sa loob ng sasakyan at nakita kong nakapikit na si Alisson, nang tumunog ang telepono ko. Kita ko pa sa sahig ng kotse ang mga paper bag na nabitawan ko kanina.
"Oh? Pauwi na kami."
[ Sige. Ilalabas na din namin si Exxel sa ospital. ]
Pagkababa ko ng tawag. Napahinga ako ng malalim at pumikit.
Paano ako magpapaliwanag sa mga kaibigan nito?
ANTHONY ( pov )
"Agahan mo ang pagbalik dito para sa Biopsy Exxel," marami pang inihabilin si Doc. Ontoya kay Exxel bago siya hinayaan nang umuwi. Ako ang nagtutulak ng wheelchair niya. Si Anna naman ang may dala ng konting gamit na nadala namin sa ospital.
"Si Vin kumusta?" Tumikhim muna ako bago sinagot si Exxel. Nag-iisip din ako ng tamang sasabihin dahil ayokong masyado siyang mag-alala sa kaibigan.
"Maayos na daw siya sabi ni Alisson. Siya ang nagbantay kay Vin magdamag," narinig ko ang pagtawa ni Exxel. Gusto ko mang sabayan ang tawa niya pero hindi ko naman kasi alam kung alin ba sa sinabi ko ang nakakatawa.
"Wow! Natiis ni Alisson na makasama ng matagal si Vin! Unbelievable!" Hindi matigil kakatawa si Exxel. Nakita ko naman si Anna na iiling iling lang habang sinasabayan kami sa paglalakad.
"Hindi ko nga din alam kung bakit pumayag siya. Siraulong France kasi e. Dinahilan ka niya para mapag-ayos din 'yung dalawa, hindi ka naman pinuntahan dito," nalaman ko lang no'ng tatawa-tawa si France na nagkwento siya sa'kin kanina. Sinundo ko siya para sana kaming dalawa ang mamimili ng isusuot namin mamaya sa MS Night. Pero tumawag si kuya Eisteine na samahan ko muna si Exxel ngayon.
"Siraulo talaga si France kahit kailan. Walang magawa sa buhay. Nandadamay pa ng iba. Tsk!" Hindi na lang ako umimik. Nakikiramdam din ako kay Exxel at Anna. Sanay naman akong tahimik si Anna pero parang iba yata ang awra niya ngayon.
Maayos naman silang nag-usap kahapon. Napapayag pa niya si Exxel magpa-opera. Sinamahan pa niya ang binata ng magdamag sa ospital. Tapos ngayon mukhang pinapalibutan na naman siya ng mataas na pader.
"Anna okay ka lang ba?" Inaabot ni Exxel ang kamay ni Anna. Naglalakad kami at naka wheel chair siya kaya nahihirapan siyang maabot ang kamay ng dalaga.
"Oo," nagmadali nang lumabas ng ospital si Anna. Nasa harap naman na ng ospital ang sasakyan ko kaya dumiretso na do'n ang dalaga. Nilagay ang gamit sa likod at bumalik sa'min ni Exxel.
"Tara na," mababa ang tono ng boses niya at halos hindi makatingin kay Exxel. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ayoko lang talagang manghimasok sa problema nilang dalawa.
Inalalayan namin si Exxel na makapasok sa loob ng sasakyan. Sumunod naman sa kaniya si Anna. Napangiwi pa ako nang gawin talaga nila akong driver dahil sa p'westo naming tatlo.
"Sana pala sumama na lang ako kay France."
"May sinasabi ka ba Pangilinan?" Natawa ako. Napahawak pa ako sa batok at marahang hinimas 'yun.
"Wala ho sir. Saan po tayo?" Sinusuot ko na ang seatbelt ng marinig silang natawa. Nakita ko sa rearview mirror ang bahagya ding pagtawa ni Anna.
"Sa Quarters nila kuya Eisteine," iba talaga ang tingin ko kay Anna ngayon. Nakakatakot siyang tumingin. Nakakatakot ang awra na pumapalibot sa kaniya. Maski akong matapang na tao, kinikilabutan sa pananalita niya.
Pinaandar ko na ang sasakyan at tinahak ang daan papuntang Quarters. Hindi ko din sigurado kung nando'n nga ang magkapatid. Wala naman silang nabanggit sa'kin kanina nang makisuyo, ay hindi, nang utusan nila akong samahan muna si Exxel. Kung hindi lang nakaratay si Vin, malamang siya ang tinawag ni Kuya Eisteine para samahan ang kapatid nila.
Ilang oras din kaming nagtagal sa biyahe nang ipasok ko sa talahiban ang sasakyan. Bababa na sana ako para alalayan si Exxel nang tumunog ang mobile phone kong nasa dash board. Sinilip ko muna 'yun bago sinagot.
"Hmm?"
[ Balita? ] lagi naman ganito ang bungad nila sa'kin. Ni kamustahin ako hindi nila magawa. Puro na lang galit at hinanakit ang nasa puso nila. Puro paghihigati ang nasa isip nila.
"Wala pa."
[ Punyeta! Wala ka bang ibang sasabihin sa'min kundi wala?! Wala ka nang ibang sinasabi sa'min tungkol sa mga plano nila! Bakit? Dahil mas mahalaga na sila kesa sa'min! Hoy Anthony! Baka nakakalimutan mong kami ang nagbihis at nagpakain sa'yo! Utang na loob mo sa'min ang maayos mong buhay ngayon! ]
Ilang buwan na akong hindi nagbibigay sa kanila ng impormasyon. Gusto ko ng umalis sa poder nila. Gusto ko ng ipaalam kay Exxel ang mga balak nilang gawin sa kaniya. Wala akong ideya kung bakit si Exxel ang bukambibig niya ngayon. Galit na galit siya kay Exxel. Pero wala akong alam kung bakit?
[ Umayos ka Anthony. Kapag wala ka pang binabalita sa'min bukas, mapapahamak na ang mga kaibigan mo. Tandaan mo 'yan! ]
Bagsak ang balikat kong naibaba ang tawag. Ang dami-dami nang gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung paano ko ibabalanse ang sarili ko sa mga taong mahahalaga sa'kin.
Oo, mahalaga sa'kin ang pamilya ko dahil pamilya ko sila. Kadugo ko sila. Hindi man kami pareho ng nanay, pero nananalaytay pa din ang pagiging magkapatid naming dalawa.
Pero hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahalaga sa'kin ang mga kaibigan ko. Si Exxel na kahit hindi namin nakasama ng matagal ni France, walang ibang ginawa sa'min kundi kabutihan. Si Vin na binantaan ko na dati na huwag ng pumasok sa gulo, hindi ko na pinigilan at sinamahan ko pa.
Narinig ko din sa usapan ng mga kapatid kong nagpaplano na sila kung paano masasaktan si Anna. Si Anna na hindi man naging malapit sa'kin, naging prinsesa naman namin ng mga kaibigan.
Bahagya pa akong napatalon ng may kumatok sa binatana ng sasakyan ko. Nakita ko si France, nandito din pala siya.
"Hindi ka ba bababa diyan? Nasa loob na lahat nandiyan ka pa din?!" Pagkababang pagkababa ko ng bintana, 'yan agad ang bungad niya sa'kin. Nakakatuwa.
"Bababa na! Lumayas ka diyan." lumabas na ako ng sasakyan at sinundan siya papasok sa Quarters. Nahagip pa ng paningin ko ang kotse'ng hindi pamilyar sa'kin. Comouflage kasi 'yun at nakakaagaw ng pansin.
Dire-diretso lang kami sa loob. Nagtaka pa ako kung bakit tahimik do'n, na halos rinig ko na ang mga insekto sa bukid.
"Bakit mo sila kasama?" Sinundan ko ang paningin ni kuya Eisteine. Nakatitig siya sa babaeng naka-unipormeng pang-gwardiya. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang naglalaban pa sila ng walang kukurap contest ni kuya Eisteine.
"Tinulungan niya kami kanina. Muntik nang madukot si Alisson kaya humingi ako ng tulong sa kaniya," sabat ni France. May dala siyang isang styro na may lamang pagkain at isang milk tea. Napailing na lang ako dahil nakakakain pa siya sa ganitong katensyong sitwasyon.
Nilingon ko na din ang iba naming kasama. Wala ding emosyon ang mukha ni Anna na nakatingin sa babae. Katabi niya si Exxel na palipat-lipat ang tingin sa dalawang taong nasa harap namin. Si Alisson na mahimbing ang tulog sa sofa, katabi niya si kuya Eliazar pero may hawak na laptop.
"Bakit mo sila kasama?"
"Sinabi ko na kuya. Tinulungan nga niya ..."
"Sagutin mo ang tanong ko!" Sa lakas ng pagkakasigaw ni kuya Eisteine. Napatahimik si France kakasabat niya sa dalawang nag-uusap. Napatikom pa ang bibig niya at lumapit sa'kin. Muntik na akong matawa dahil pati 'yung milk tea na dala niya ay natatapon na.
"Mangialam ka pa," bulong ko sa kaniya. Lumapit pa siya sa likuran ko habang bumubulong bulong. Hindi ko naman maintindihan.
"Alam ko nang ligtas na sila. Aalis na ako," lagutok ng sapatos at mahihinang mura ni kuya Eisteine ang naririnig namin. Bahagya pa akong umalis sa daang palabas ng Quarters dahil sa papalapit na babae.
"Mag-ingat na kayo sa susunod. Hindi sa lahat ng oras, may magliligtas sa inyo."
Matagal nang wala ang babae pero wala pa ding nagtangkang magsalita sa'min. Pero maya-maya pa'y nagulat kami ng nagmamadaling lumabas ng Quarters si kuya Eisteine. Hindi na namin siya napigilan dahil lahi yata siya ni The Flash sa bilis niyang nakalabas.
"Ano bang nangyari?" Si kuya Eliazar ang nagbasag ng katahimikan. 'Yun din ang gusto kong itanong kanina pa.
"Hindi ko na din alam kung anong nangyayari," ngayon ko lang narinig ang komento ni Anna simula nang pumasok ako sa silid na 'to. Ang hirap din kasing basahin ng babaeng 'to.
"Maghanda na lang kayo para sa party niyo mamaya. Huwag na muna kayong mag-isip ng kung ano-ano. Just enjoy the party and we will do the rest," kumindat pa siya sa direksyon ni Anna.
"Kuya!" Kumapit si Exxel sa braso ni Anna. Malakas naman namin siyang tinawanan at iwinaksi muna ang mga nasaksihan kanina.
May paliwanag naman marahil sila, sabi nga ni kuya Eliazar, they will do the rest.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    MalinaoMary rose

    subrang ganda kaya inaabot ako ng madaling araw mg basa

    18/08/2022

      0
  • avatar
    Jennylyn Lobina

    chapter one palang kapana panabik na sobrang exciting

    21/05/2022

      0
  • avatar
    Keneth Portugal

    . jfjxchbocyz

    10/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata