Chapter 25

Sobrang late ko ng natulog dahil sa pag-iisip. Pinipilit kong paniwalain ang sarili kong wala lang yung message nayun, baka tungkol lang sa business. He always give me assurance, kaya hindi ko dapat pagdudahan siya. Ayokong magkamali ulit, hihintayin kong magpaliwanag si Zach bago madesisyon. Pero di talaga maiwasan na masaktan, bakit kailangan niyang magsinungaling sakin?
Paggising ko ay wala na namang Zach na bumungad sakin. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Alas otso pa ng umaga pero umalis na siya, ganon ba ka importante ang pag-uusapan nila at ganito sila ka aga nagkita?
Napailing nalang ako at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay pinuntahan ko na ang mga bata na nakay Priscilla ngayon. Naabutan ko si Tyler na kumakain sa restaurant.
"Hey, good morning" bati niya sakin. Ngumiti ako sa kanya at lumapit.
"Gising na sila Priscilla?" tanong ko.
"Yeah, actually they're at swimming pool right now. Let's eat, pinakain na ni Zach ang kambal" tinawag niya ang waiter at nag-order. Umupo nalang din ako dahil ramdam ko na rin ang gutom. Hindi nagtagal ay dumating ang order namin. Ang sakanya ay tapsilog at ang sakin ay adobo lang.
"Buti hindi nagsuntukan sila Levi kagabi" ani ko habang kumakain.
"Axel already called security, kawawa rin kasi Athena kung magsasapakan talaga ang dalawa" sagot niya.
Syempre kawawa talaga si Athena lalo pa at sinabi niya sakin na may nararamdaman siya sa dalawang lalaking yun. Sana ay makamit ni Athena ang buhay na gusto niya, sana mapili niya ang deserving para sa kanya at sa anak niya.
"Ahm Tyler, umalis ba si Zach pagkatapos niyang pinakain ang kambal?" kahit na kinakabahan ay tinanong ko na. Napa-angat siya ng tingin sakin.
"Oo, may kikitain daw" sabi nito habang umiiwas ng tingin sakin. For nth time I sighed again.
Pagkatapos naming kumain ay pinuntahan ko na ang kambal. Naabutan kong naliligo ang tatlong bata sa swimming pool habang si Priscilla naman at Axel ay pinanood ang mga bata na naglalaro.
"Mama!" ngumiti ako kay Conan na sumigaw. Napalingon naman sila sakin, naglakad ako pa punta kina Priscilla at umupo sa isang lounge.
"Ang tagal mong nagising, pinagod ka no" kung wala siguro si Axel na nabatukan ko na to.
"Ang bastos ng bunga-nga mo" sinamaan ko siya ng tingin.
"Hala, ang ibig kong sabihin pinagod ka siguro ni Zach kagabi kasi lasing yun! Syempre ang hirap mag alaga ng lasing. Ang green ng utak mo" inirap ko nalang siya dahil sa kahihiyan. Eh akala ko kung ano na.
"Nasan pala si Athena? Di ko pa nakita ang babaeng yun" kumibit balikat lang si Priscilla habang nakayakap kay Axel.
"Maybe she's still sleeping. Di ko rin nakita boyfriend niya." sagot ni Axel.
"Eh si Levi?"
"Bumalik sa cabin after niyang pakainin si Levinn" tumango naman ako.
Hindi kami nagsalita at pinanood nalang ang mga bata na naliligo sa swimming pool. Hindi naman malalim para sa kanila kaya sapat ng bantayan ko lang sila mula rito.
"Naawa ako sa bata ni Athena. Hayst, kung hindi lang talaga nagkakande leche leche ang pagsasama nila noon, may kompletong pamilya pa sana si Levinn" bulaslas ni Priscilla.
"wala eh nasaktan si Athena. Tapos ngayon pa bumabawi si Levi eh may Joseff na." dagdag niya ulit.
Hindi pa naman siguro huli pa ra kay Levi. Masama na kung masama pero mas gusto kong magkatuluyan si Athena at Levi. Kung pwede lang diktahan ang magiging desisyon ni Athena na sana si Levi nalang dahil kita ko naman na sincere ito sa kanya pero di ko naman alam kung gaano nasaktan si Athena, kung saan siya mas masaya.
Pagkatapos maligo ng mga bata ay kumain na naman ulit sila para sa pananghalian pero hindi ako kumain dahil wala akong gana. Dumating narin si Zach pero hindi ko kayang pansinin siya dahil sa mga bumabagabag sa isip ko. Kapag may tinatanong siya ay tango at iling lang ang sagot ko. Medyo nahahalata na ata niya dahil tinanong niya kung ano ang problema.
Tatlong araw na namin rito sa resort at bukas ng hapon ay uuwi na kami. Wala paring pagbabago at palaging umalis si Zach at hindi man lang sinasabi kung saan at sino ang kasama niya. Minsan nga ay may pahapyaw na mga tanong ako para sana paaminin ko siya kung ano ang pinagkaka-abalahan niya pero wala eh, manhid.
Dumating ang hapon ay napagpasyahan kong maligo sa dagat, wala ang mga bata dahil sumama sa Tito Levi nila para bumili ng mga suviner. Short at spaghetti strap shirt lang ang suot ko dahil na co-concious ako sa katawan ko, ayaw kong magsusuot ng swim suit o two piece. Payat ako, may stretch mark at dagdag mo pa ang cesarean cut ko. Hindi naman dapat ito kinahihiya dahil ebidensya ito na naging nanay ako pero hindi ko parin mapigilan ang sarili na mahiya.
Konti lang ang naliligo dahil hapon narin. Habang sumisisid ako ay tamang tama na pag-ahon ko ay nakita ko si Zach sa dalampasigan na naglalakad at pormading pormado at parang may pupuntahan ito. Nang makalayo siya ay dali dali akong pumunta sa lounge kung nasaan ang mga gamit ko at kinuha ang cellphone. Agad kong tinawagan si Zach.
"Hello" rinig kong sagot ni Zach sa kabilang linya.
"Nasaan ka?" walang paligoy ligoy na tanong ko. Please Zach, wag kang magsinungaling this time. Tatanggapin ko kung bakit ka umalis basta sabihin mo ang totoo kung ano ang rason bakit nakikipagkita ka sa babaeng yun.
"I'm having snack. Why? May gusto kang ipabibili?" wala sa sariling pinanood ko siya na naglalakad patungo sa labas ng resort.
"Ah, puntahan kita diyan gusto ko rin kumain" nakita kong tumigil siya sa paglalakad dahil siguro sa sinabi ko.
"Huh? Ahm, padadalhan nalang kita sa kwarto ng pagkain. B-baka pagod ka, malayo layo rin ang cabin natin patungo dito" tumawa ako ng mapakla.
"Okay" Tanging sabi ko nalang at binaba ang telepono.
Bumuntong hininga ako at nagulat nalang na may tumulo sa mata ko. Umiiyak ako.
"Pinaglalaruan mo lang siguro ako Zach." sinubsob ko ang mukha ko sa palad. Kinuha ko ang towel at napagpasyahan na bumalik sa cabin para maka pag bihis.
Bumungad sakin ang tahimik na cabin. Nakabihis na ako kay sinipat ko ang mini fridge at nakita ko ang hinahanap ko. Kumuha ako ng tatlong beer can at umupo ako sa sahig para uminom. Gusto ko munang mapag-isa, maasahan ko naman ang mga kaibigan ko para bantayan ang mga bata.
Ano bang nagyayari sa kanya. Ang ayos niyang kausap nong nakaraang araw na liligawan niya ulit ako pero ano? Ba't kailangan pang mag sinungaling siya kung saan talaga siya pupunta, hindi ko naman siya pipigilan kung makipagkita siya sa babaeng yun dahil hindi naman kami para pagbawalan ko siya.
"Levi, paki sabay nalang ng kambal sa inyo please. Gusto ko munang matulog" tinawagan ko si Levi para isabay nalang sa dinner nila. Wala pa siguro si Zach kaya sa kanila ko nalang muna iiwan ang mga bata.
"Are you okay, Carol? Iba ang boses mo, I'll call Zach to accompany you there. Ako na bahala sa mga bata" sabi ni Levi na may pag-alala sa boses nito. Nag-iba lang naman boses ko dahil tinatablan na ako ng alak.
"Wag na, wag mo nang tawagan si Zach. Matutulog lang ako. Salamat Levi" walang nagawa si Levi kundi pumayag sa paki-usap ko at binaba ko na ang telepono.
Kahit na nahihilo ay niligpit ko ang mga kalat. Tatlong beer lang ang ininom ko pero may tama na ako. Uminom muna ako ng tubig bago humiga sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko dahil hilong hilo na ako at di nag tagal ay nakatulog na ako.
Napaungol ako dahil sa sakit ng ulo. Unti unti kong naramdaman na may humahaplos sa buhok ko kaya napamulat agad ako at mukha ni Zach ang bumungad sakin. Bahagya akong lumayo sa kanya na ikinakunot ng kilay niya.
"Hey, what's wrong baby? Masama ba pakiramdam mo?" malumanay na tanong niya. Mahigpit na napahawak ako sa comforter at umiwas ng tingin sa kanya.
"Ba't nandito ka? Sana sinamahan mo ang mga bata" ani ko habang hindi parin nakatingin sa kanya.
"Diyan ka lang" pigil ko sa kanya nang lumapit siya bahagya sakin.
"Why? Are you mad at me? May ginawa ba ako?" mas lalong lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at iwawaksi nasa pero sadyang mas malakas siya sakin.
"Hey, look at me. Did I do something bad? Baby?" kahit na nangingilid ang luha ko ay diretsong tumitig ako sa mata niya.
"San ka galing? Sinong kasama mo?" hindi nakaligtas sakin ang gulat sa mga mata niya.
"H-huh? Kumain lang ako then ano, namasyal. Wala akong kasama, Carol" that's it! Punong puno na akong sa kasinungalingan niya.
"Nakita kita Zach. Lumabas ka sa resort, akala ko ba magmemeryenda ka lang" Nanginginig na ang boses ko. Ba't ba kasi ang babaw ng luha ko. Hindi siya naka sagot at tulalang naka tingin sakin.
"Dalawang araw akong nagbabakasakali na sana sasabihin mo ang totoo na nakikipagkita ka sa Cristel na yun! Pero mas pinili mong magsinungaling!" napatakip ako sa bibig ko ng may kumawalang hikbi. Dala narin siguro ng pagkalasing kaya may lakas ng loob akong komportahin ko siya.
" Carol—" akmang yayakapin niya ako pero tinulak ko siya.
"Unang araw natin dito Zach, sinabi mo na ipapatuloy mo ang pangliligaw! Pero nakikipagkita ka kay Cristel! Wala namang problema don kasi wala naman akong karapatan na pigilan ka pero ang hindi ko maintindihan bakit kailangan mong magsinungaling? B-bakit Zach?"
Deja vu.
7 years ago, ganito ako umiyak sa harap niya nang nakipaghiwalay ako sa kanya. Patuloy ako sa paghagulhol at naramdaman ko nalang ang yakap niya. Wala na akong lakas para itulak pa siya.
"Hush, baby. I'm so sorry if I let you feel that way but I can't tell you right now" pinunasan ko ang mga luha ko at lumayo ulit sa kanya. Binigyan ko siya ng di makapaniwalang tingin.
"Tinitripan mo ba ako Zach?! Humihingi ka ng sorry pero di mo naman masabi sakin kung ano pinag-aabalahan mo?" mabilis na umiling ito sakin.
"Mahal kita pero ang gulo mo! Gusto kitang sagutin pero sa pinaparamdam mo nawawalan ako ng lakas para sagutin ka!" nanlaki ang mga mata niya sa biglaang pag-amin ko. Thanks sa alak, napaamin narin ako.
"W-what"
"Oo Zach, mahal kita. Mahal pa rin kita, pero hindi ko pwedeng sasagutin ka ng ganon ganon lang dahil may trust issue na ako! Takot akong masaktan ulit dahil may anak na ako, kailangan nila ako at wala akong panahon para masaktan dahil may anak ako, Zach. Kaya please kung laro lang para ito sabihin mo para isahan nalang yung sakit" bigla niya akong yinakap kaya na subsob ako sa dibdib niya.
"I'm sorry Carol. I love you more baby. Please wag mong sabihin na laro lang para sakin to cause I freaking love you so much it hurts. You're not a game baby, you're my life so don't say that." inangat niya ang mukha ko at marahang hinalikan ang labi ko. Wala sa sariling napapikit ako dahil sa lambot ng labi niya.
Lord, bakit ba pinanganak akong marupok?
Naghiwalay ang mga labi namin dahil sa pagsinok ko. Nakakahiya. Mahina siyang natawa at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"Listen baby, mahal na mahal kita at hindi ko kayang lokohin ka. You're so precious to be hurt. I already suffered seven years ago living without you at hindi ko hahayaang mawala ka ulit sakin." ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko.
"You don't know how happy I am right now" dagdag niya pa.
"Masaya ka dahil umiyak ako?" mabilis pa sa alas quatro na umiling siya.
"No baby, I'm happy because you still love me." sabay halik sa noo ko.
"Fix yourself, Carol. I'll just call Cristel, please trust me with this. Hm? May susundo sayo dito. I love you so much, always remember that" kahit na naguguluhan ay tumango ako. Hinalikan niya ulit ako sa labi bago lumabas sa kwarto.

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    Cris Denzter Bacalzo

    biglang isang pilipino kailangan ko tumupsd sa utus ng batas at kailangan natin mag sumikap at magpag para Tayo ay guminhawa ng Buhay natin pag may gusto Tayo Gawin natin wag natin iasa sa mga magulang natin kung hindi mamamatay Tayo ng walang ginagawa puro hhhhhhhhhhhhghbbbvvbvvvbghggggggggggggggggggggggggggggggcvhgxdgvdhrsgf😘😫💗💗💗🫤💗💗💗💗💗💗💗💗💗🫤💗💗💗💗💗💗💗💗💗🫤🎃😁😉🎃🎃🎃🎃🎃💗🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤😕🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🙁🫤❗🫤🫤❓🙁🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶😂🫶🫶😂😂🫶😂🤣😂🫶😂😂😂😂

    02/11/2024

      0
  • avatar
    Angelica Magaddatu

    Ang ganda po

    04/08/2024

      0
  • avatar
    Kyla Gillian Bahillo

    nkk

    05/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata