Homepage/Heal me, Love me/
Chapter 18
Naghuhum ng nursery rhyme si Courtney habang inaayos ko ang buhok niya. Nakadress na pink si Courtney at ang cut cute niya, si Conan naman ay nasa papa niya at binibihisan. Di nagtagal ay pumasok rin si Conan na ang gwapo gwapo ng porma. Naka pink polo rin ito at jens, suot niya rin ang sneakers na binigay ng Tito Gray niya. Hindi na ako tumingin kay Zach sa halip ay pinalapit ko si Conan para lagyan ng perfume. Nang matapos silang ayusan ay pinatayo ko sila sa harap ko at kinuhanan ng picture.
"Ang cute cute ng baby ko. Wag kayong magulo ron ha, wag lalapit sa di kakilala." paalala ko sa kanila. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Zach sa reflection ng salamin.
"Di ka na naman po sa sama mama?" inosenteng tanong ni Courtney. Nahihiya akong sumama sa kanila.
Umayos naman ako ng upo nang tumikhim si Zach sa likod namin.
"As what as I said earlier, tayo. Mamimili TAYO ng gamit para sa mga bata" tumingin ako sa reflection niya at ngumiti ron sabay buntong hininga. Ang sungit naman ng lalaking to.
Nagsuot lang ako ng skirt at V neck t-shirt baka kung maghahanap pa ako ng masusuot ay mabugahan pa ako ni Zach ng apoy. Naiilang pa ako ng tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Desente naman ang suot ko, di naman siguro pangit. Umiling nalang ako at kinuha ang kamay ni Courtney habang siya ay hawak si Conan.
"That red and purple one miss." sabay turo ni Zach sa dalawang rechargeable mini car. Akala ko ay si Conan lang bibilhan pero pati na rin si Courtney baka daw magselos. Hinila naman ako ni Courtney sa mga pangbabae na mga laruan. Halos malula pa ako sa mga presyo ng laruan dito. Hindi ako makahindi sa mga anak ko dahil baka umiyak dito at pagsasabihan lang ako ni Zach na hayaan ang mga bata kung ano ang gusto nila.
"Ang cute" ani ko habang nakatingin sa mga manika. Si Courtney ay abala rin sa tabi ko na namimili ng manika.
"Mama, gusto ko po to! Boy version po para may kasama si Mimi" sabay abot ni Courtney sa lalaking uso na stuff toy. Pinisil ko ang pisngi niya. Bumalik kami kung saan sila Zach at agad naman binigay ni Courtney ang napiling laruan niya sa ama.
Lumabas na kami pero wala akong nakitang paper bag na dala nila. Huminto ako at hinarap si Zach.
"Y-yung mga pinamili niyo, nalimutan niyo ata" napakuyom ako ng mautal ako.
"May kukuha non para dalhin sa condo. Don't worry about it" kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumango.
"Ang cute ng kambal"
"Ang ganda at ang gwapo rin naman ng mga magulang kaya ganyan ka cute ang mga anak"
"Uy si Zach Elliamor yan ah"
"May anak na si Zach?"
"Papicture tayo"
"Gaga, hindi ka pa makakalapit sa kanila kakaladkarin ka na ng mga guards" napasulyap ako kay Zach ng marinig iyon. Wala namang bodyguard na kasama namin. Kahit nga noong kami lang dalawa wala naman.
"May bodyguard na naka sunod satin, di ko lang pinapalapit baka maiilang kayo" sabi niya na para bang nababasa niya ang isip ko. Well, kailangan niya talaga ng bodyguard lalo na't kilalang tao siya.
"B-bakit parang ngayon lang alam ng mga tao na may anak ka? Diba madalas kayo sa mall?" tanong ko. Pansin ko ang gulat na mukha ng mga tao tuwing nakikita kami. Nagtataka nga din ako wala man lang lumabas na balita o sa magazine na may anak kami.
"I always rent the whole floor for the twins. Ayokong lumabas sa publiko na may anak ako pero wala ang mama nila." napaawang nalang ako. Nirenta niya talaga. Jusko.
Namili kami ng family t-shirt namin akala ko ay titig-400 lang pero ikinagulat kong tig- 3,000 ang isang t-shirt. Binilhan rin niya ng sapatos ang kambal. Sumakit ulo ko sa mga presyo. Akala koy matatapos na kami pero binilhan pa ng mga accessories ang mga bata. Parang ako lang ata ang napagod sa lakad namin kasi ang kambal full of energ pa.
Pumunta rin kami sa play station. Di ako mapakali dahil takbo ng takbo si Conan at natatakot ako baka may mabangga siya.
"Ako na kay Conan, baka mapano ka sa paghabol sa kanya" sabi niya at sinundan ang anak, sinulyapan ko si Courtney sa tabi ko na naka tingin sa claw machine na may ponies stuff toy.
"Gusto mo don?" nakangiting sabi ko sa kanya na ikinatango naman. Kumuha ako ng pera sa bag at nagpa exchange sa may cashier. Hindi pa naman ako nakahulog ay lumapit na sila Zach sa amin.
"Uy kabayo!" ani ni Conan.
"Ponies yan! Hindi kabayo" nakangusong sagot sa kapatid.
"Hindi. Kabayo yan oh, yung mukha niya kabayo." hindi naman nagpatalo si Conan. Nagsimula na naman silang mag-away kaya sinuway ko agad.
"Sige away kayo jan, uuwi tayo ng maaga ngayon" natahimik naman agad kaya humarap na ako sa claw machine at sinubukang maglaro.
Napahilot nalang ako sa sintido ng mahulog na naman ulit. Ika-limang attempt ko na ito pero wala ni isang nakuha.
"Let me try" tumabi ako nang si Zach naman ang naglaro. Nag insert siya ng coin at nagsimulang controlin ang controller. Nakuha na sana niya ang blue na pony pero hindi man lang na shoot sa butas. Inis niyang hinulog ang coin at nagtry ulit.
"Ma, galit na ata si Papa oh" bulong sakin ni Conan. Hindi ko alam kung pang-ilang attempt na niya ito.
Pinatawag na nga niya ang isang staff para ipa barya ang 2 thousand bills niya syempre agad kong pinigilan siya, sino ba ang magpapabarya ng 1 thousand. Binigyan ko nalang ito ng 100 para sa coins ni Zach.
"Fuck, why it so hard to take it" bulong niya. Akala ko ay titigil na siya pero pinatawag niya ulit ang stuff.
"How much is this?" sabay turo sa claw machine.
"Zach!" agap ko. Nahihibang na ata to.
"What? I can't even win this game. Magtutuos kami nito sa bahay" napatampal ako sa noo ko.
"Nakakahiya ka Zach, hayaan mo na. Okay lang naman kay Courtney na walang ponies. Diba anak?" baling ko kay Courtney habang tumatango rin ito.
"No, I want to win this." balewala niya sa sinabi ko at hinarap ulit ang staff.
"I'll buy this, I will contact Geoff about this. Ipadeliver mo nalang sa bahay ko. Here's the address" inabot niya ang maliit na card. Kilala niya pala ang may-ari ng mall kaya ang lakas ng loob na bilhin ang claw machine.
Kumain kami sa restaurant ni Gray at syempre ginamit pa ni Zach ang anak para makalibre daw kami. Si Gray naman ay hindi maka hindi sa kambal kaya ayon nakalibre nga kami.
"Ay, dirty na dress mo mahal" kinuha ko ang tissue at pinunasan ang ice cream na tumulo sa dress ni Courtney.
"Antok ako ma" sinulyapan ko si Courtney na inaantok na talaga. Kinandung ko siya paharap sakin at pinatulog. Si Conan naman ay kumakain pa pero parang hindi ata tinatablan ng antok ang batang to.
"Asleep" mahinang sabi ni Zach na tinutukoy si Courtney. Tumango lang ako sumubo ng ice cream. Nataranta naman ako ng bigla siya tumayo at lumapit sakin.
"Let me carry her, you should eat. Ikaw na rin ang magpakain kay Conan" tumango ulit ako at kinuha naman niya agad si Courtney.
Habang sinusubuan ko si Conan ay tumingin ako sa labas, di namin na malayang hapon na pala. Nang tapos na si Conan kumain ay nagsimula na itong kinukusotkusot ang mata. Inangat ko ang tingin kay Zach habang tinatapik-tapik ang braso ni Courtney at hinalikan ang buhok nito.
"Ahmm Zach, uwi na tayo. Inaantok na rin kasi si Conan" ani ko. Kinuha ko ang bag ko at si Conan. Nagpaalam na rin kami kay Gray.
"Carol, hey" napalingon ako sa likod ng may tumawag sakin. Si Simon.
Ngumiti ako sa kanya at lumapit din siya. Si Zach naman ay kausap pa si Gray kaya kami lang ni Conan ang nasa labas pa.
Napunta ang tingin ni Simon kay Conan na ngayo'y naka nguso dahil sa antok.
"Is this your child? Wow, Elliamor na Elliamor ang mukha" napatawa naman ako sa sinabi niya. Totoo rin naman.
"San ka? Kakain ka?" tanong ko.
"Hm, meeting with someone" pinanliitan ko siya ng tingin.
"Ikaw? Ikaw lang ba mag-isa dito? Where's Za-"
"Let's go babe, inaantok na si Conan" halos mabuwal ako sa kinatatayuan ng biglang sumulpot si Zach sa tabi ko.
Tumaas ang kilay ni Simon habang nakatingin kay Courtney na karga ni Zach.
"Oh? Your child too? Nakadalawa agad kayo, ang sipag niyo naman" mas lalong pumula ang mukha ko dahil sa sinabi ni Simon.
"Ah, hindi. Kambal ang anak n-namin" agap ko kaagad.
"At dadagdagan pa namin" gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa mga pinagsasabi ni Zach. Si Simon naman ay nagpipigil ng tawa.
"Sige, Simon. Alis na kami. Bye!" binuhat ko na si Conan at dalidaling naglakad patungo sa kotse. May sinabi si Simon kay Zach na hindi ko narinig dahil mahina ang boses ni Simon.
"No, why would I? My daughter said I'm more handsome to you and also ang pangit ng acting mo" napabalik ako dahil sa sinabi ni Zach. Kinuha ko ang kamay ni Zach para umalis na kami. Nakakahiya ang pinagsasabi niya. Hihingi na sana ako ng paumanhin kay Simon pero tumawa lang ito at tumango.
"Sige na, I understand why he said that kahit naman ako kung may lalapit sa pag-aari ko. Bye" kumaway ito at tumalikod na samin.
Tahimik na ulit si Zach ng nasa kotse na kami.Pinatawag niya nalang sa akin si kuya Jose para sunduin kami. Kaya ang ending tabi kami sa kotse dahil nakatulog narin si Conan at kinandung ko narin ito. Hindi rin ako umimik dahil narin siguro sa pagod. Pagkarating namin sa condo tower ay si Kuya Jose ang nagbuhat kay Conan papunta sa condo unit. Aalma pa sana ako pero pinagsabihan lang ulit ako ni Zach.
Inihiga ang kambal sa kwarto oo. Di ko na sila binihisan dahil baka iiyak. Mamayang gabi ko na siguro sila bibihisan. Si Zach naman ay nasa kwarto na din niya ngayon. Tumabi ako sa kambal habang nakatulala sa kisame.
Aamin ko masaya ako ngayon kahit papano ay hindi na gaano masungit si Zach sakin. Nasa isip ko parin ang mga kilos niya kanina. Hindi ba siya nahihiya sa mga pinagsasabi niya kay Simon. Sinabihan pang hindi daw ito marunong umarte. Sana ay tuluyan ko ng mapatawad siya. Miss ko na siya, miss ko na ang dating Zach na inaasar ako. Miss ko na ang dating Zach na nilalambing ako.
Di ko na malayan na nakatulog narin ako. Nagising ako ay alas siete na ng gabi pero ang kambal mahimbing parin ang tulog. Hinalikan ko sila sa noo at bumaba sa kama. Naligo narin ako at nagbihis bago lumabas sa kwarto namin. Ang tahimik ng condo dahil tulog ang makukulit na mga bata. Pumasok ako sa kusina at naabutan ko si Zach na umiinom ng wine. Tumikhim ako na ikinabaling niya sakin.
"Kumain ka na ba?" lakas na loob kong tanong. Hindi ito sumagot pero umiling ito.
"Kumain ka muna"
"Nope, I'm not hungry" malalim na boses na pagkasabi niya. Tumango ako at binuksan nalang ang ref para uminom ng tubig. Nakakabinging katahimikan ang bumalot samin.
"Simon" napasulyap ako sa kanya dahil sa binulong niya.
"Naging kayo ba ni Simon?" mapungay na ang mga mata niya at ibig sabihin ay tipsy na siya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at uminom ng tubig.
"Hindi" tanging sagot ko.
"Good" ani naman niya.
"Next week, lilipat tayo" dagdag pa niya.
"Ha? San?"
"In my house. Same village ng mga kaibigan ko." may bahay siya sa village nina Priscilla. So magkakapitbahay na kami. Ito rin siguro ang sinasabing bahay ni Zach sabi ng pasyente ko.
Tumango lang ako.
"And also, I decided after the family day let's go to Zambales. Kasama naman si Priscilla" paladesisyon din to eh. Wala akong ibang sinagot at tumango ulit.
Pero bigla nalang pumasok sa isip ko na sabihin ang naging sitwasyon ni Courtney noon. Lubos lubosin ko narin siguro ang galit ni Zach para isahan nalang. Baka kung magkakaayos man kami sakali ay doon ko pa sasabihin ang tungkol kay Courtney.
"Zach" tawag ko sa kanya pero na baso ang tingin ko.
"May sasabihin ako, Zach" this time I look at his eyes.
"What?" mahinang tanong niya.
"Yung unang tawag mo sakin na umiyak ako dahil umiyak rin si Courtney" nakatitig lang siya sakin at naghihintay sa susunod kong sabihin.
"May trauma si Courtney, Z-zach" kumibot ang labi ko dahil sa nagbabadyang luha.
"What the.. What kind of trauma?" binaba niya ang wine glass at pinagsaklop ang kamay niya.
"I'm sorry Zach" Di ko na kinaya at humahagulhol nalang ako dahil naalala ko kung gaano kasakit makita ang anak ko noon.
"Just tell me, Carol. Fuck. Please, anong nangyari" Nanginginig narin ang boses niya.
"Z-zach, 5 years old siya n-non" nahihirapan kong sambit dahil sa pag-iyak. Lumapit siya sakin at hinawakan at balikat ko, pinipilit na tumingin ako sa kanya.
Mas lalong sumakit ang dibdib ko dahil na ngilid ang luha ni Zach
"Ano, Carol. Please, what happened?" kapag kambal ang pag-uusapan namin lumalabot kami.
Napaluhod ako at pinagsiklop ang kamay ko. Ang sakit alalahanin ang mukha ni Courtney non nangyari iyon.
"S-si Courtney, 5 years old nong... Muntik na siya... Zach, Muntik ng ma r-rape ang a-anak natin Zach. I'm sorry"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (52)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
biglang isang pilipino kailangan ko tumupsd sa utus ng batas at kailangan natin mag sumikap at magpag para Tayo ay guminhawa ng Buhay natin pag may gusto Tayo Gawin natin wag natin iasa sa mga magulang natin kung hindi mamamatay Tayo ng walang ginagawa puro hhhhhhhhhhhhghbbbvvbvvvbghggggggggggggggggggggggggggggggcvhgxdgvdhrsgf😘😫💗💗💗🫤💗💗💗💗💗💗💗💗💗🫤💗💗💗💗💗💗💗💗💗🫤🎃😁😉🎃🎃🎃🎃🎃💗🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤😕🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🙁🫤❗🫤🫤❓🙁🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶😂🫶🫶😂😂🫶😂🤣😂🫶😂😂😂😂
02/11/2024
0Ang ganda po
04/08/2024
0nkk
05/07/2024
0Tingnan Lahat