Chapter 16

"Come here at my office, Caroline. I need you to explain" napahawak ako sa silya sa sinabi niya. Hindi niya ako pinagsalita at binaba na ang linya. Pagbanggit niya palang sa mga salita halatang galit na. Dahil rin siguro sa takot ko gusto kong hindi pumunta pero nandun ang mga anak ko. Bakit kung sasabihin ko na, naunahan pa akong ng tadhana.
"Nagtext si Jackson ate, nasa office daw sila" mariin akong pumikit at bumuga ng hangin.
Tumayo ako at inalalayan rin si Colleen. Hindi na kailangan sumakay dahil walking distance lang ang kompanya ni Zach rito. Palapit na palapit ako sa kompanya ay mas kinakabahan ako. Hindi na ako hinarang ng guard at dumiretso na kami sa elevator. Pagbukas naman nito ay bumungad samin si Jackson.
"Ang mga bata?" agad na tanong ko.
"They're with Zach. Dito nalang kami sa lobby mag hintay. I can't risk Colleen riding elevator" aangal pa sana si Colleen pero tumango nalang.
"Umuwi nalang kayo, baka magabihan pa kayo. Delikado sayo Colleen. Don't worry I'll be fine" tinalikuran ko na sila at pumasok sa elevator.
Tahimik at halos magkasugat-sugat na ang kamay ko dahil sa pagkamot. Parang na mental block ako at di ko alam ang gagawin mamaya. Dapat maging matatag ako dahil may mga bata. This is all really fucked up.
Paglabas ko sa elevator ay nanginginig na ang tuhod ko. Wala akong nakitang tao kundi si Michael lang na nasa cubicle niya. Lumapit ako sa kanya para magtanong.
"Hi, nandiyan ba si Zach" Pwede naman ako dumiretso pa pero magpapakalma muna ako.
"Ah oo, Carol. May kasama siya mga bata sa loob. Anak ata ng kaibigan niya" awkward na tumango ako sa kanya.
"Sasabihin ko kay Sir na nandito ka" akmang tatayo na siya pero pinigilan ko.
"W-wag na! Ano, tinawagan talaga ako ni Zach. Sige, pasok nako" tumango naman siya. Naglakad na ako patungo sa harap ng pinto. Mahina ko itong pinihit at binuksan ng konti.
"Wow, ang daming toys dito papa. Lahat mga sasakyan" rinig kong sabi ni Conan. Hindi ako sumilip pero nakikinig ako sa kanila.
"Yeah, and that's for you all now. Gusto mo punta tayo mall bukas bilhan ko kayo maraming toys. Ikaw Courtney? Gusto mo barbie?" malambing na sabi ni Zach. may parang humaplos sa puso ko ng marinig ang boses ni Zach.
"Yung luto-luto po na laruan, gusto ko po yun!" napatakip ako sa bibig ng marinig ang boses ni Courtney na komportableng kumakausap sa ama nila. Hindi gaano kumakausap si Courtney sa ibang tao pero parang na attach na agad si Zach kay Courtney.
Nagpakawala ako ng hangin at lakas loob na binuksan ang pinto. Gusto kong ngumiti dahil sa posisyon nila ngayon. Nakakandong sa kaliwang binti si Conan at si Courtney naman ang sa kanan. Lumiwanang naman ang mukha ng kambal at dali daling bumaba kay Zach at lumapit sakin.
Ngumiti si Courtney sakin.
"Mama! Kilala na kami ni papa!" habang nakayakap sa binti ko. Umiwas ako ng tingin kay Zach at bumaba para yakapin ang kambal.
"Ma, baby daw kami ni Courtney sabi ni papa!" humagikhik naman si Conan. Magsasalita na sana ako ng tumikhim si Zach at tumayo.
"Come here, Michael" rinig kong tawag niya kay Michael sa intercom.
Nang makapasok si Michael ay tumayo ako habang nakahawak sa kamay ng kambal. Nakita ko ang mga mata ni Michael na bahagyang nanlaki, siguro na figure out niyang kamukha namin ni Zach ang kambal.
"Take my children to the conference room, bring the food they want. Mag-uusap lang kami" sabay baling ni Zach sakin. Umiwas lang ako at kakausapin ang kambal pero naunahan niya ako.
"Kids, sama muna kayo kay kuya Michael hm. Mag-uusap lang kami ni mama niyo, sabihin niyo lang kay kuya kung ano gusto niyong kainin. Mabilis lang kami ni mama, okay?" nakangiting tumango naman ang kambal at sumama ito kay Michael. Nakayuko lang ako ng makalabas na sila.
"What was that, Carol? I... I have twins, twins Carol! Bakit ngayon lang?" mas lalong na nginig ang kamay ko sa galit na boses ni Zach.
Nanginging na rin pati ang labi ko at naiiyak.
"I-I'm sorry, I really sorry Zach. Sorry kung tinago ko, I'm sorry dahil nagsinungaling ako" tinakpan ko ang bibig ko ng humikbi ako.
"I understand if you're angry to me, if you hate me. I'll understand if you didn't tell me na buntis ka noon kasi may sakit pa si tita pero Carol naman! Pwedeng pwede mo naman sabihin sakin kahit nakaanak ka na, pero inabot pa ng pitong taon para malaman ko. Limang buwan na tayong magkasama pero hindi mo sinabi." mas lalo akong naiyak dahil sa mukha ni Zach. Nangilid ang mga luha nito at hinihingal.
"Nagsinungaling ka pa na four years old sila para ano? Para di ko malaman? You hurt me big time, Carol. I was taking care other children before kasi yun yung pangarap ko noon na magkaanak. Nasasaktan ako dahil naalagaan ko ang mga ibang bata pero sariling anak ko hindi ko man lang kilala. I always dream of having a child pero gumuho yun nang naghiwalay tayo! Pero all this time may anak pala ako, natupad pala ang pangarap ko na hindi ko man lang nalaman." hindi ko kayang tignan ang mukha ni Zach dahil sising-sisi ako sa ginawa ko. Kung alam ko lang, kung alam ko lang sasabihin ko talaga agad.
Ginulo niya ang buhok niya at sumalpak sa sofa.
"I was surprised when the twins following me earlier. Akala ko hindi ako yung sinusundan nila pero nang tinawag ako ni Conan, alam ko agad na akin sila. My heart pounding fast when the twins suddenly smile and hug me. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman na kompleto na ako, na kontento na ako sa buhay ko ng makita at mayakap ang kambal. You saw them how happy they are, right? You take that to them, Carol." kitang kita ko Zach. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ngayon ko lang na realize na gustong gusto talaga nila makasama ang papa nila pero pinili kong tumahimik at wag sabihin sa kanila.
Patuloy parin akong umiyak
"I'm sor-" hindi niya pinatapos na magsalita.
"If you're going to say sorry again, just keep it, Carol. Magulo pa ang isip ko. Hindi ko pa kayang marinig ang explanation mo. Let me unwind and bond with my children, saka na muna yung ang atin." tanging sabi niya at lumabas na ng tuluyan.
Napaupo nalang ako sa sahig at iniyak lahat ng luha. Sa lahat na ginawa at sinakripisyo ni Zach ito ang sinukli ko. Hindi sapat na rason ang paghihiwalay namin kaya itinago ko ang kambal. May choice akong sabihin pero yung pride ko ang pumipigip. Kahit sabihin ko na hindi ko pinaalamnsa kanya na may anak siya dahil nasaktan ako noon, hindi magiging sapat na rason talaga iyon. Mahal niya ang mga bata at pinagkait ko ang pagmamahal na iyon sa loob ng pitong taon.
Paglabas ko ay agad akong nilapitan ni Michael. Sana ay nagdala ako ng sunglasses dahil mugtong mugto ang mata ko.
"Carol" may pag-alalang tawag niya sakin.
Ngumiti lang ako sa kanya
"San na sila?"
"Umuwi na, kasama si Sir. Tsaka nasa baba si kuya Jose, may dala naman na kotse si Sir kaya kay kuya Jose ka nalang sumakay" tumango ako sa kanya at nagpa-alam.
Nakayuko lang akong naglalakad sa lobby pero ramdam ko ang tingin ng mga tao sa akin. Pinagsawalang bahala ko nalang ito at hinanap si Kuya Jose. Buong byahe ay tahimik lang ako. Paano na kami ngayon? Salitan ba kami sa mga bata? Kailangan na mag-usap ulit kami, hindi naman pwedeng sa kanya nalang palagi ang mga anak ko.
Naglalakad na ako papunta sa taas ng tumawag si Trina.
"Hello?" malumanay na sagot ko.
"Hi, I just want to inform you that I'm staying here. Kukunin ko nalang bukas ang mga gamit na iniwan ko diyan. That's all, ciao!" napailing nalang ako at pumasok sa elevator.
Malapit na pala mag alas sais ng gabi, di ko namalayan dahil lutang na lutang ako ngayon. Nagdadalawang isip pa akong buksan ang unit niya pero pumasok na rin ako baka hinahanap na ako ng kambal. Wala akong nadatnan sa sala kaya nagsimula akong magpanic. Agad kong pumunta sa kwarto ni Zach pero wala rin sila. Nang pumasok ako sa kwarto ko ay nadatnan ko silang naglalaro. Parang gulat pa sila dahil sa bigla ang pagpasok ko.
"Ano po nangyari sa mata mo mama" wala sa sariling tumingala ako.
"Ano mga anak, kulang lang sa tulog si mama." lumapit ako sa kanila hinalikan ang mga pisngi. Sumilip ako kay Zach na nasa mga laruan ang tingin niya.
"Anong gusto niyong kainin? Magluluto ko" nakatingin parin kay Zach.
"Fried chicken po!" sigaw ni Conan.
"Cake po" doon naman ako napabaling sa sagot ni Courtney. Jusko hindi ako marunong mag bake.
"Ah, Courtney-"
"Let's just order, no need to cook" malamig na sabi niya at lumabas sa kwarto. Huminga ako ng malalim bago ngumiti sa kambal.
"Galit po ba si papa samin mama? Di nalang po ako kakain ng cake" mabilis akong umiling dahil sa sinabi ni Courtney.
Hinawakan ko ang maliliit niyang kamay at hinaplos ang pisngi niya.
"Hindi Courtney, hindi galit si papa. Ganon lang si papa kapag seryoso. Love kayo ni papa kaya di niya kayang magalit sa inyo." malambing na sabi ko. Hindi naman siya galit sa inyo mga anak, sakin siya galit, sakin.
Lumipas ang isang linggo na hindi ako malamig si Zach sakin. Kung wala ang kambal ay hindi niya ako kinakausap. Hindi na ulit kami naka pag-usap ng masinsinan. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang set up namin sa mga bata. Malapit na rin akong babalik sa hospital, kailangan ko ng bumalik sa bahay. Hindi kami maayos at hindi maganda ang pakiramdam ko nakasama siya sa iisang bahay dahil nasasaktan ako. Nawala na naman ang sweet at pilyong Zach na nakilala ko. Parang back to zero na ulit ako.
Nagluluto parin ako para sa kanila. Minsan ay lalabas siya kasama ang kambal pero hindi ako sumasama dahil alam kung hindi komportable si Zach sakin. Alam na rin nila Gray tungkol sa anak namin. Dumalaw pa talaga si Gray at ang asawa niya dito para makita ang kambal. Tinukso pa ni Gray si Zach pero tahimik lang ito. Araw-araw ay nahihirapan ako, namimiss oo na ang dating Zach. Kung sinabi ko lang agad baka mabawasan ang sama ng loob ni Zach sakin pero ito na eh, nangyari na. Nagsisisi ako.
"Zach" tawag ko sa kanya. Pinuntahan ko siya veranda para makapag-usap kami. Tulog na ang mga bata at nasa kwarto ko sila natutulog. Minsan naman ay matutulog rin sila sa kwarto ng papa nila.
Malamig siyang tumingin sakin.
"Zach, mag-usap tayo" lakas na loob kong sabi. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya at pumihit sakin.
"Yeah, we really need to talk." napaangat naman ako ng tingin sa kanya.
"Babalik na ako sa hospital sa susunod na linggo. Ang mga bata-" ba't ba ang hilig hilig niyang putulin ako.
"Anong mga bata? The twins will live with me" madiin na sabi niya. Napakuyom naman ako sa galit.
"Hindi pwede, kailangan ko rin ang mga anak ko. Nanay parin ako nila, may karapatan ako!" Di ko mapigilang sigaw ko. Kung tungkol sa karapatan ng mga anak ko lalaban talaga ako.
"Who told you that you're not living with us? I'm not that heartless Carol, hindi ako tulad mo na ikakait ang kaligayahan ng kambal" galit lang si Carol kaya nasasabi niya iyon. Just understand him.
"Zach, I'm really sorry"
"What did I tell you? Stop saying apologies. Sarado pa ang isip ko, maging civil lang tayo para sa kambal" tatalikod na sana siya ng hinawakan ko ang braso niya.
"Zach, gusto kong lang humingi ng tawad."naiiyak kong sabi. Wala akong ibang masabi kung di iyon lang.
Blangko lang ang mukha niya habang nakatingin.
"Galit ako sayo Carol, bakit mo nagawang magsinulangaling tungkol sa anak natin, the twins is so precious but you choose to hide them and you know how much I hate liars"

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    Cris Denzter Bacalzo

    biglang isang pilipino kailangan ko tumupsd sa utus ng batas at kailangan natin mag sumikap at magpag para Tayo ay guminhawa ng Buhay natin pag may gusto Tayo Gawin natin wag natin iasa sa mga magulang natin kung hindi mamamatay Tayo ng walang ginagawa puro hhhhhhhhhhhhghbbbvvbvvvbghggggggggggggggggggggggggggggggcvhgxdgvdhrsgf😘😫💗💗💗🫤💗💗💗💗💗💗💗💗💗🫤💗💗💗💗💗💗💗💗💗🫤🎃😁😉🎃🎃🎃🎃🎃💗🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤😕🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🫤🙁🫤❗🫤🫤❓🙁🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶😂🫶🫶😂😂🫶😂🤣😂🫶😂😂😂😂

    02/11/2024

      0
  • avatar
    Angelica Magaddatu

    Ang ganda po

    04/08/2024

      0
  • avatar
    Kyla Gillian Bahillo

    nkk

    05/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata