Homepage/TEENS SPOTTED UNIVERSITY/
Chapter 20.4: The Revealing Time | SSC Partners
Third POV
At nagsimula na nga...
"Okay, so this is it!" ipinakuha ni Ma'am V ang bowl na may lamang naka-fold na papel.
"Are you ready, teens?" tanong naman ni Sir De Guzman nang nasa harapan na ang bowl na naglalaman ng fold papers at tumingin siya sa mga teens na halata sa mga mukha na may halong kaba at excitement ang kanilang nararamdaman.
"Yes sir. I'm ready!" Sabay-sabay nilang sagot.
At pagkatapos, tinawag na isa-isa ang bawat teens.
"Pick one, teens." Utos ni sir at saka kumuha si Gil, ganoon din ang ginawa ng mga sumunod na candidates. Nag-pick sila ng fold paper sa bowl na hawak ni Misis V at pagkatapos ay pinabalik na sa kanilang p'westo.
"Okay, huwag nyo munang tingnan ang nabunot nyong fold paper hangga't hindi ko pa tinatawag ang inyong pangalan at hindi pa kayo ang nakatayo rito sa gitna ng stage, maliwanag ba?" pag-i-instruct ni Ma'am. "Okay now!" at humarap si Ma'am V sa buong studyanteng nakatunghay sa aming lahat. Excited ang lahat na malaman ang magiging resulta ng revealing partners para sa kauna-unahang activity ng paaralang Brown Hills University. "Let's see the result of our fishing bowl activity where in the paper that you are holding right now is the name of your SSC Partners to be. So now teens?" malakas na tanong ni Ma'am V, "Are you ready for revealing your partners to be?"
Dahil sa energetic na tanong ni Ma'am V, umingay ang buong paligid. Lahat ay excited na malaman kung sino-sino ang magkaka-partner. Ang limang candidate teen girls ay mahahalatang may konting kabang nararamdaman. Ang mga leading men naman ay natural lang ang expression ng mga mukha nila.
"Let's have first a five minutes break before we continue our SSC Revealing partners." Announce ni Ma'am V at dahil do'n ay nakahinga ng maluwag ang limang teen girls.
"Nakaka-tense naman itong activity na ito. Super ang pa-suspense sa partners' revealing. Hoping lang na 'wag lang 'yong kinaiinisan ko ang maka-partner ko." Mahinang wika ni Aile habang pinapakalma ang sarili.
"Nandito pala si best... Hindi man lang niya sinabi sa'kin na kasali pala siya." At medyo nakasimangot na reaksyon ni Gil, "Naglilihim na talaga siya sa'kin." At napatingin siya kay Jhayvee, ngumiti naman sa kanya ang best niya.
"It would be so surprising activity. I really enjoy it! At sakto naman, kasali pala si Rayven sa activity na ito. Halos isang linggo rin na umiwas ako na makita siya. Ayaw ko kasing magbago dahil lang sa hindi ko maintindihan na pakiramdam na nararamdaman ko – may kakaiba kasing element sa dibdib ko every time na mag-ku-krus ang landas namin. Haissst!" nakangiti at kalmado lang na reaksyon ni Ly habang naghihintay matapos ang five-minutes break.
"Win or lose... That would be fine for me." positibong wika ni Gie sa sarili niya.
"Kumusta na kaya si Jimrel ngayon?" pag-aalalang tanong ni Earl. "Bakit kaya wala siya ngayon? pati si Edz, wala rin? Sana bumalik na lang sa dati ang lahat..." malungkot niyang pag-hiling. Hindi pa rin siya maka-focus dahil sa mga pangyayari kahapon.
"Alright! Our five-minutes break is over. Let's start again the big announcement. Miss Tiffany Gil Hernandez, come here in the center of the stage." Pagtawag ni Ma'am V at tumayo si Gil upang pumunta sa center stage.
"Can I have your fold paper?" Inilahad ni Mister De Guzman ang kaniyang palad upang hingi ang paper, inabot naman ni Gil iyon. Binuksan ni Mister De Guzman ang folded paper habang may sound effect na tunog. "Miss Tiffany Gil Hernandez, your partner would be..." at patuloy ang sound effect sa pagtunog kasabay ng mga ingay ng bawat studyante na excited malaman ang magiging partner ni Gil, lalong-lalo na ang section nila. "Mister Jhayvee Flores." At pagka-announce no'n, nagpalakpakan ang lahat. Tumayo naman si Jhayvee at lumapit kay Gil na nakatayo sa gitna ng stage.
"Ayos!" reaksyon ni Jhayvee pagkalapit na pagkalapit kay Gil. "Mabuti na lang best friend ko ang ka-partner ko." At umakbay siya kay Gil.
"Mag-uusap tayo later..." masungit namang sagot ni Gil kay Jhayvee at hinawakan ang kamay na nakapatong sa balikat niya upang tanggalin. Pumunta sila sa gilid ng stage at tumayo sa p'westo nila sa isang pa-circle na linya sa sahig ng stage.
"Our next candidate, come here at the center of stage." Lumapit si Gie kay Ma'am V at inabot ang folded paper. "Now, Miss Lorraine Gie Perez, your partner would be..." at tumunog ulit ang sound effect habang naghihintay ang lahat sa sunod na i-a-announce ni ma'am. "Mister Prince Ken Devera."
Pagka-announce ay biglang nagtilian ang mga class A-202 at ang mga fans ni Prince Ken.Nakangiting lumapit si Prince Ken kay Gie at saka umakbay sabay kindat sa kanya.
"Ikaw na naman, mukhang pinagtatagpo tayo ng kapalaran ha." Birong wika ni Ken, gustong alisin ni Gie ang pagkaka-akbay sa kanya ngunit ayaw niyang mapansin siya ng mga kapwa niya studyante. "Soulmate." Dugtong pa niyang sabi.
"Tanggalin mo ang pagkaka-akbay mo sa balikat ko, okay?" mataray na utos ni Gie ngunit hindi sinunod ni Ken kaya naman inis ang nararamdaman ni Gie pero hindi niya p'wedeng ipahalata dahil baka ma-bad shot siya. Bahagya silang nag-bow sa harapan bago lumakad papunta sa p'westo nila, sa tabi nina Gil at Jhayvee.
"Okay... next is Miss Princess Earl Santos, come here at the center of stage." At lumapit si Earl kay Sir De Guzman at inabot ang folded paper upang mabasa ni sir kung sino ang magiging partner niya. "Miss Princess Earl Santos partner would be..." at tumunog ulit ang sound effect. "Mister Reyjie Torres."
Halata sa mukha ni Reyjie ang pagtataka at the same time ay punong-puno ng katanungan sa kanyang mga mata habang papalapit kay Earl. Ngumiti naman si Earl ng bahagya sa kanya ngunit seryoso pa rin ang mga tingin na ibinigay ni Reyjie.
At nang nakalapit na si Reyjie kay Earl, "Marami kang kailangang ikwento sa amin ni Jimrel." Halata sa boses nito ang lungkot.
"Nagtanong at umamin ako sa'yo noong nakaraan ang kaso lang, hindi mo ako pinaniwalaan at tinawanan mo lang ako." Malungkot na pagpapaliwanag ni Earl.
Hindi na kumibo si Reyjie at in-offer niya ang isang kamay niya, tumingin muna si Earl doon bago iabot ang kamay niya. Bahagya silang nag-bow habang magkahawak kamay bago lumakad at pumunta sa p'westo nila.
"Alright we have two pairs here. Are you ready to reveal the partners of the two teen girls?" malakas at energetic na tanong ni Ma'am V.
Malakas na hiyawan naman ang maririnig sa buong gymnasium.
"Kindly come here at the center stage Miss Ramos at Miss Padilla." Pagtawag naman ni Sir De Guzman. Lumapit naman sina Ly at Aile upang iabot kina Ma'am V at Sir De Guzman ang folded paper na hawak nila.
"Sabay naming bubuksan ni Sir De Guzman ang folded paper na hawak na namin ngayon. At dahil do'n, sabay din naming i-a-announce kung sino ang magiging partner ng dalawang natitirang teens dito sa inyong harapan. Are you ready?" Tanong ni ma'am sa buong studyante at sabay-sabay naman silang sumagot at nag-ingay. Ibinaling ni ma'am ang tingin niya sa dalawang teens. "Are you ready?" tanong nitong sabi sa dalawa at sabay naman silang tumango.
"Sana 'wag siya please! God please!" bulong ni Aile at nag-crossed finger pa.
"Sana siya na please! God Please!" bulong naman ni Ly at ipinagdikit ang dalawang palad niya sa kanyang likuran.
"Now, Miss Mycah Aile Padilla, your partner would be Mister Steven Ace Mendoza and Miss Jhaicell Ly Ramos, your partner would be Mister Rayven Celleste." Magkasunod na pag-announce ni Sir De Guzman at Ma'am Vaness.
Masaya ang mukha ni Ly samantalang si Aile ay dismayado. Lumapit ang dalawang sina Steven at Rayven sa kanilang dalawa. Masaya naman ang mga studyanteng babae nang masilayan nila ang dalawang The Ultimate Princes ng Brown Hills University.
"Ayos 'to. Goodluck sa'tin, Ly." Masayang bati ni Rayven kay Ly at saka sila naglakad papunta sa p'westo nila. Nagtilian naman ang tatlong kaibigan ni Ly.
"Hello stupid. You missed me?" pang-aasar namang bati ni Steven kay Aile at saka ngimisi. Umirap naman si Aile.
"Disaster... Gosh!" reklamo ni Aile at saka lumakad sa p'westo niya. Sumunod naman si Steven sa kanya.
--
"Now! The big announcement is finally end. The partners of all candidates were revealed." Pagsasalita ni Ma'am V. "Ngayon, pakinggan natin ang mensahe ni Mister Santos tungkol sa aktibidad na ginagawa natin ngayon. Makinig ang lahat..."
Umakyat si Sir Santos sa stage. Nagpalakpakan ang lahat. Bawat isa ay interesado sa magaganap na activitiy
"Alright! You are the five partners' candidates for the SSC Position, our first activity here in Brown Hills University. Unang-una sa lahat, I would like to congratulate you all. Kayo ngayon ang tinatawag na 'Teens Spotted' ng ating unibersidad." at pagkatapos ay tumingin si Sir Santos sa kabuuan ng mga studyanteng nasa loob ng gym. "Now, what a leadership means?" malakas na tanong nito sa lahat. "So that is the challenge to everybody to stand in front and show what leadership is really mean? Ito ba iyong may title sa pangalan? Ito ba iyong hari or reyna ng paaralan? Ano nga ba ang leadership? Paano matatawag na magaling ang isang tao sa sinasabing leadership o pagiging leader?" tumingin ulit si sir sa mga teens spotted. "A good leader will be the good follower." Mabagal niyang pagsambit ng linyang iyon. "Today, kayong nasa stage at harap ng buong studyante ng Brown Hills University. Kailangan nyong gumawa ng way upang maging competitive kayo sa position na matatanggap nyo. You must have the good attitude to lead the one university. The question is... 'Future leaders? Are you ready to the big changes of your life?" pagkatanong no'n, sumagot naman silang lahat ng 'oo' kahit na sa part ni Aile ay hindi iyon madali dahil conflict ang naging tandem nila ng ka-partner niyang si Steven. Lahat sila ay makikita sa mga mukha ang pagiging determinado at palaban sa magiging bagong hamon ng kanilang buhay at ang pagbabago ng ikot ng buhay nila sa nasabing university.
"Okay, p'wede nyo ng simulan ang inyong campaign system. Good luck everyone and enjoy your journey here in Brown Hills University." Pagwawakas ng salita ni Sir Santos. Nagpalakpakan ulit ang mga studyante.
"Ngayon, maaari nyo ng simulan ang adventure nyo bilang isang leader ng campus. Magplano na kayo ng mga dapat nyong gawin bilang inyong weapon upang makapili ng karapat-dapat na mamuno sa ating paaralan. I hope all of you will enjoy and at the same time make a unique and real character here at BHU. Good luck!" wika naman ni Sir De Guzman.
Nagpalakpakan ang lahat, nagtinginan naman ang bawat magpa-partner maliban lang kay Aile na ayaw tingnan si Steven dahil naiinis siya.
"You may go back now to your respected class. The big announcement and revealing activity is finally end. Thank you very much to all of your participation." Ang pagtatapos ni Ma'am V.
At pagkatapos ng Big Announcement, nagsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang room. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (13)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice 👍
21/04/2025
0so very nice reading
14/01/2025
0nice
14/10/2024
0Tingnan Lahat