logo text

Chapter 20.3: First Activity | The big announcement

Third POV
Pagkatapos ng paghihintay, nagsipuntahan na ang mga studyante sa gym. Nakaayos na ang lahat, maganda ang ayos ng gym at halatang pinaghandaan talaga ang first activity na hawak ni Misis Vaness. Excited ang mga studyante na makita ang mga deserving teens sa first activity na ito at maging ang surprise partners ng bawat teens girl - The Big Announcement.
Mga ilang minuto lang, unang dumating si Gil Tiffany sa venue, pumunta kaagad siya sa backstage ng gym. Inasikaso naman siya ng in-charge na personel sa event na iyon. May mga provided na upuan sa bawat teens, at doon pinaupo si Gil Tiffany. Habang naghihintay naman si Gil ay naisipan na lang niya munang mag-gadget upang hindi mainip. Sumunod na dumating ay si Lorraine Gie, pagkadating na pagkadating niya sa backstage, tiningnan siya kaagad ni Gil sa cold na paraan at saka umirap. Inasikaso rin siya ng in-charge na personel kung saan siya dapat maupo. Nasa magkabilang dulo sila ng upuang provided para sa mga teens, since monoblock ang upuan may tatlong upuan pang bakante sa gitna nila dahil nasa magkabilang dulo sila.
"While waiting for the candidates, those standing kindly sat down in front to sort out the students who didn't have a seat." Pag-a-announce ni Miss Vaness, na nasa gitna ng stage. Nagsikilos naman ang mga studyante at iniayos ang kanilang sarili.
Mga ilang sandali, dumating na rin sina Princess Earl at Jhaicell Ly. Inasikaso rin sila ng in-charge na tao sa event na iyon at pinapunta sila sa backstage. Nakita nila ang dalawang sina Gie at Gil na nakaupo at walang imikan.
"Hello Gil at Gie. You are both early to our time schedule ha." Magiliw na bati ni Ly, ngumiti naman si Gie bilang pagbati habang si Gil naman ay cold na tiningnan si Ly mula ulo hanggang paa saka umirap. Hindi na lang pinansin si Ly ang ganoong kilos ni Gil at naupo na lang din sila sa kanilang upuan.
"Five minutes to go, we are start our activity. Get ready students and candidates." Pag-announce ulit ni Miss Vaness.
Mga two minutes na lang ang natitira nang dumating si Mycah Aile. Dumeretso kaagad siya sa backstage dahil busy na ang lahat, muntik na siyang ma-late sa call time.
"Muntik ka nang ma-late girl." Bati ni Ly kay Aile na halos kakaupo lang sa pwesto niya.
"Oo nga eh. Mabuti na lang at umabot ako." Nakangiti niyang sagot dito.
"Teens, kompleto na ba kayo?" tanong ni Miss Vaness, "Get ready..." pagkasabi ni Miss Vaness no'n, tumango na lang kaming lahat at nag-goodluck sa isa't isa maliban lang kay Gil na super cold ng treatment sa kanilang lahat.
"Alright! Our activity is now open. We are here now, all students, professors and the selected candidates for SSC Position to finally open our activity regarding about leadership. Now, let me start the big announcement. All the candidates, kindly come here at stage – let's start with Miss Gil Tiffany Hernandez."
Pagkatawag sa pangalan ni Gil, mula sa backstage ay pumasok siya at umakyat sa stage. Nagpalakpakan naman ang mga studyante.
"She has a line that 'Life is an adventure, challenge it'." Pagkasabi ni Miss Vaness no'n, nag-bow si Gil sa gitna saka naupo sa upuan sa stage. Lumabas ang pangalan ni Gil sa screen gamit ang projector at ang kaniyang line na sinabi ni Miss Vaness. Nagpalakpakan naman ang mga studyante, nakatingin sa kanya si Anne at ang mga kasama nito. Todo support naman ang buong class ng A-203 maliban lang kila Anne.
"Next, Miss Mycah Aile Padilla."
Pagkatawag sa pangalan ni Aile, mula rin sa backstage ay pumasokk siya at umakyat sa stage. Lumabas din ang pangalan niya sa screen at ang kaniyang line. Todo cheer naman sa kanya si Jhonet, ang bhessy niya. Katabi ni Jhonet si Ronniel, ang tropa ng mayabang na kinaiinisan niya na si Steven Ace. Nakasuporta rin ang Class A-201 sa kanya dahil siya ang representative sa klase nila maliban lang kila Taiga.
"She has a line that 'Life is a beauty, admire it'."
Saka pumunta si Aile sa gitna ng stage at nag-bow. Pagka-angat niya ng tingin, nagtama ang paningin nila ni Rex, ang ex-boyfriend niya na professor na niya ngayon. Medyo nawala ang ngiti sa labi niya nang sandaling iyon at dahan-dahan siyang naglakad papunta sa upuan niya at naupo.
"Please give a big hand clap for Jhaicell Ly Ramos."
Pagkatawag sa pangalan ni Ly, mula rin sa backstage ay pumasok siya at umakyat sa stage. Todo ang pag-cheer sa kanya ng tatlo niyang kaibigan. Nag-flash sa screen gamit ang projector ang pangalan niya at ang kaniyang line. Si Taiga naman at ang alipores nito ay nakatingin sa kanya nang masama at pakiramdam ni Ly ay pinapatay na siya sa tingin palang ng mga ito. Ang buong Class A – 204 ay buong puso ang suporta sa kanya maliban lang kay Taiga.
"She has a line that 'Life is a mystery, know it'."
At pagkatapos no'n, nag-bow na si Ly sa gitna ng stage bago pumunta sa p'westo niya.
"Bee naming 'yan!" malakas na pagsigaw ni Allysa, "Go Bee... We here for you – always!" dugtong pa nitong sigaw. Napapatingin ang mga studyante sa kanila.
"Bee go! go! go!" malakas at may-action pang sigaw nina Margz at Jhen.
"Alright! Please quiet at the moment, let's welcome the next selected teen – Miss Princess Earl Santos."
Pagkatawag sa pangalan ni Earl, medyo binagalan niya ang paglalakad niya hanggang sa naka-akyat na siya sa stage. Ang malakas na pag-cheer sa kanya ng Class A – 205 ay biglang natigil. Tumingin siya sa mga iyon na halata sa mukha ang pagkabigla at pagtataka. Hindi niya napansin sina Edz, Reyjie at maging si Jimrel.
"She has a line that 'Life is a duty, fulfill it."
Pagkasabi ng linyang iyon, nag-bow na si Earl sa gitna ng stage at saka naupo sa upuan niya. Nag-flash din sa screen ang pangalan at ang kaniyang line. Nagpalakpakan naman ang halos lahat ng studyante pati mga professor sa linyang ibinigay ni Earl.
Pagkaupo ni Earl, biglang nagbulungan ang Class A – 205, ang section niya.
"Akala ko siya si Edz, Earl pala ang name niya at siya pala ang kababata ni Ultimate Prince Jimrel." Gulat na reaksyon ng isang babae na kaklase niya.
"Grabe! Ibig sabihin, nagkaroon ng mistaken identity. Akala nating lahat si Edz ay si Earl at si Earl ay si Edz. OMG!" wika naman ng isa pang babae.
"And last but not the least, let us welcome Miss Lorraine Gie Perez." Wika ni Miss V at saka pumunta si Gie sa gitna ng stage. Nagpalakpakan ang mga Class A – 202 maliban lang sa mga sossy nag alit sa kanya. Nag-flash din sa screen ang pangalan at ang kaniyang line. "She has a line that 'Life is a promise, keep it." at pagkatapos sabihin iyon ay nag-bow na si Gie sa gitna ng stage at saka naupo sa pwesto niya.
"Alright, now that all teens' candidates are here on stage. May I call Mister Mendoza for the opening remarks." At nagpalakpakan ang lahat ng studyante.
Umakyat na sa stage si Sir Rex Mendoza at nagsimulang magsalita.
"All students of Brown Hills University. Our Big Announcement is starting right now, at hindi ko na patatagalin pa – Ang aking paunang salita ay maging maayos at maganda sana ang maging bunga ng lahat ng magiging adhikain ng bawat kandidato para sa ating kauna-unahang event ng campus, ito ay ang SSC Position bilang sukatan ng magiging mahusay ng leader sa ating unibersidad. At kung anoman ang maging resulta o ang manalo, ito sana ang maging daan upang maging mas maayos, maganda at maunlad pa ang ating unibersidad – ang Brown Hills University. That's it! Now this big announcement is finally open."
Nagpalakpakan muli ang lahat.
"Now, can I call Mister De Guzman, my partner host for today to welcome the 'to be partners of the teens' selected candidates for SSC Position." Sunod na pag-announce ni Miss V.
"Alright, partner. Here we go! Huwag na nating patagalin pa... Let us welcome the leading men of the year – Prince Ken Devera, Jhayvee Flores, Steven Ace Mendoza, Reyjie Torres and Rayven Celleste."
Nagsi-akyat ang mga leading men na tinawag ni Mister De Guzman. Nag-bow sila isa-isa sa gitna ng stage bago pumunta sa left side ng stage at naupo sa upuang nakalaan para sa kanila. Nasa right side naman ang mga teens' candidates. Mas nagtilian ang mga babaeng studyante ng magkita nila ang mga leading men. Apat sa kanila ay ang tinatawag na TUP o The Ultimate Princes maliban lang kay Jhayvee Flores na isa sa mga selected teens na napabilang ma-transfer sa unibersidad na ito. Nagulat na may halong pagka-amaze naman ang limang teens na nasa stage nang makita nila ang mga leading men.
"Now partner, this is the time for revealing the partner of our teens' candidates." Masayang wika ni Mister De Guzman.
"Yah right, now are you ready students of Brown Hills University?" tanong naman ni Miss V sa lahat.
At sabay-sabay naman silang nag-sabi ng "Yes".

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    DelinoWilson

    nice 👍

    21/04/2025

      0
  • avatar
    BacusJesrin

    so very nice reading

    14/01/2025

      0
  • avatar
    RoveteRosemaricar

    nice

    14/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata