Homepage/TEENS SPOTTED UNIVERSITY/
Chapter 18.4: First Orientation | Home-Friend
Gil Tiffany's P.O.V.
Makalipas ang ilang araw, lagi kong kinukulit si best tungkol sa punishment na ibinigay ni Sir Santos sa kanya dahil sa pagsalo niya ng kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Sa isang linggong lumipas, medyo naging weird ang kilos ni Anne pagdating sa'kin. Hindi na kami tulad ng dati no'ng nasa Darken High pa kami, may mga kasama na siyang ibang kaklase namin especially 'yong Rodel na dahilan kung bakit ako na-office no'ng nakaraang araw.
Katatapos lang ng first class namin at naglalakad na kami ngayon sa corridor. Naghaharutan at nagkukulitan kami ni best, tulad ng gawain namin sa dati naming eskwelahan. Hanggang sa umakbay na lang siya sa'kin at nagpatuloy na kami sa paglalakad dahil medyo marami ng studyante sa madadaanan namin.
"Hello girl." Pagbati ni Anne sa akin at saka tumingin kay best. Napahinto kami sa paglakad,
"Best, oh!" kumalas na si Jhayvee sa pag-akbay sa akin at ini-abot ang bag ko na dala-dala niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Hello Jhay." Pagbati ni Anne kay best, medyo napansin ko na may halong pagpapa-cute sa pagbati niya kaya napataas ang kilay ko.
"Hello..." nakangiting pagbati ni Jhayvee kay Anne saka tumingin sa akin. "Best, mauna na muna ako sa inyo ha? May kailangan pa kasi akong gawin eh." Pagpapaalam niya sa akin sabay himas sa ulo ko upang guluhin ang buhok ko. Napasimangot naman ako at aangal na sana ako nang bigla siyang tumalikod at umalis. Naiwan kami ni Anne, inilagay ko sa likod ko ang bag ko. Hindi muna ako umalis at hinihintay ko kung may sasabihin ba si Anne sa akin hanggang sa nagsimula na siyang maglakad.
"May problema ba?" hinila ko ang braso niya kaya napahinto siya sa paglakad. Tumingin lang siya sa'kin, she acted cold! Napataas ang kilay ko... Hindi ba dapat ako ang gumagawa no'n? Bakit parang bumaligtad ang mundo?
"Nothing, girl." Saka siya ngumiti sa akin. "Gusto mong sumabay? Pupunta kasi ako sa canteen, hinihintay ako ng mga new friends ko. P'wede kang mag-join sa amin kung gusto mo." Confident niyang wika sa akin kaya napataas ang kilay ko.
"I DON'T LIKE, girl! Ayaw kong sumama sa mga fake new friends mo. Good luck!" pagtataray ko sa kanya, saka ko siya nilagpasan at naglakad na ako.
"Wait lang, girl."
Pagkasabi niya no'n, huminto ako pero hindi ko siya hinarap.
"Isa ka nga pala sa selected students para sa SSC Position." Seryoso niyang sabi saka siya naglakad papunta sa harapan ko. "Good luck, girl. I'm sure naman na ikaw ang mananalo sa position na iyon... isa kang competitive woman, hindi ba? Lahat kaya mong kunin at I'm sure na sisiw lang sa'yo 'yan." at ngumiti siya bago ako talikuran at maglakad paalis.
Medyo nakakainis ang aura niya ngayon ha? Ano bang pinagmamalaki niya? Kung hindi naman dahil sa akin, wala siya ngayon sa kung nasaan siya at kung anong mayroon siya ngayon. Nang marinig ko mismo kay Anne na isa ako sa selected candidates para sa SSC Position, pumunta kaagad ako sa kabilang building - sa Sweet Building at dumeretso ako sa lobby para makita at malaman kung saan pupunta para sa first orientation ng activity na ito.
"Go Prince Rayven... Go! Go! Go!"
Nang napadaan ako sa Heart's Building, napatingin ako sa gym kung saan nanggagaling ang mga sigawan at ingay ng bola. Huminto ako saglit upang makita kung ano ang mayroon do'n. Nakaka-miss maging isang cheerleader! Napa-sad face ako.
"Go Prince Ken... Go! Go! Go!"
"Go Prince Reyjie... Go! Go! Go!"
Nagsimula na ulit akong maglakad at pupunta na ako sa rooftop para sa orientation nang...
"Go Prince Rodel... Go! Go! Go!"
Bigla akong napahinto, isa pala siya sa sikat sa campus. Kaya pala ang lakas ng loob niyang gumawa ng mga bagay-bagay.
"Go! Go! Go... The Ultimate Princes"
At nagpatuloy na ako sa paglakad.
Hindi ko alam kung anong magiging kapalaran ko sa university na ito pero sisikapin kong makuha muli ang mga naging achievement ko sa dati kong school. Kailangan kong maging top one pa rin sa lahat ng larangan, ako pa rin dapat ang nangunguna. Confident na munting tinig sa isipan ko habang binabaybay ang papunta sa rooftop ng Heart's Building.
Mycah Aile's POV
Nang mabasa ko ang naka-post sa bulletin board, hindi ko alam ang dapat kong i-react. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko – kung dapat ba akong maging masaya o kabahan nang mga oras na iyon. Imagine, napabilang ako sa gano'ng activity ng university. Isa sa pangarap ko ang mga ganitong aktibidad kung saan ipapakita mo ang galing at kakayahan mo upang maging isang deserving sa isang position o larangan.
Habang naglalakad ako papunta sa rooftop, nasalubong ko si bhessy na ang saya-saya ng mukha. Aba, isang linggo lang ang lumipas – bakit parang may bago sa kanya? Mukhang iba ang saya sa mga mukha niya, anong nangyari sa kanya?
"Hello, bhessy." Pagkalapit niya sa akin at nagbeso-beso kami sa magkabilang pisngi namin. Pagkatapos no'n, tiningnan ko siya na may pagtatanong.
"Teka nga? Anong mayroon? Mukhang ang saya-saya mo, ngayong araw?" sunod-sunod ko na tanong. Tumawa naman siya ng mahina at saka ako inaya na maupo sa bench na malapit sa amin. "Teka..." at naupo siya, kaya naupo na rin ako. "Ano nga palang nangyari sa inyo, last time?" sunod kong tanong sa kanya. Napataas pa ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya, "Yung lalaking kaibigan ni Mister Yabang? Sinaktan ka ba ng lalaking iyon?" at saglit kong inisip ang pangalan ng lalaking iyon, habang si Jhonet naman hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi. "Yung Ronniel ba 'yon?"
"Ayos lang ako... Wala namang nangyari sa'king masama eh! Tingnan mo o' kompleto pa rin ako." Pabiro pa niyang sagot sa akin at in-open pa niya ang dalawang braso niya nang pa-sideward at tumingin sa katawan niya upang ipakita sa'kin na okay lang siya.
"Hay nako! Puro ka biro riyan, magdamag kaya kitang iniisip kung nakauwe ka na ba sa inyo o baka may inutos na gawin yung kumag na iyon sa kaibigan niya at saktan ka..." worried kong wika. Ngumiti naman siya at saka yumakap sa akin.
"Lab na lab talaga ako ng bhessy ko. Thank you..." sweet na boses na sabi niya bago kumalas sa pagkakayap. "Huwag ka nang mag-alala, I'm safe." at nagtaas-baba siya ng kilay niya para lang konbinsihin ako na maniwala na walang nangyari sa kaniya no'n nakaraang araw. Pagkatapos pa no'n, isang linggo ang lumipas na hindi kami nagkausap dahil naging busy sa mga bagay-bagay. "Teka nga rin, ikaw ba? Bakit ang saya-saya mo rin ngayong araw? Last week lang para kang pinagsakluban ng langit at lupa, tapos ngayon... iba ang awra ni bhessy." Sunod na turan ni Jhonet sa akin.
"Wala lang." tipid kong sagot sa kanya. Napanguso naman siya at tila nag-iisip, at parang nangungumbinsi na sabihin ko ang dahilan ng saya ko kaya nang sasabihin ko na sana ang magandang opportunity na ibinigay sa akin ay biglang...
"Huhulaan ko na lang..." wika niya, kaya hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko at tumango na lang ako, "Tinantanan ka na ni Mister Steven Ace 'no?" pagtatanong niyang sabi at ngumiti.
Nawala ang ngiti sa labi ko at napailing ako, "Asa naman ako na tigilan ako no'n!" at imbis na masira ang mood ko dahil binanggit niya ang pangalan ng kinaiinisan kong nilalang, ibinalik ko ang ngiti sa labi ko.
"'Eh bakit ang saya mo?!" pangungulit niya sa'kin, at niyakap pa ang isang braso ko.
"Masaya ako kasi..." pabitin effect ko sa pagsabi ng dahilan ng kasiyahan ko, hindi naman niya kinukurap ang mga mata niya at talagang alistong nakikinig sa sasabihin ko. "Kasi..." ulit kong wika.
"Kasi ano?" excited niyang tanong. Ngumiti naman ako sa kanya, super blessed talaga kapag may solid kang kaibigan. Iyong matatawag mong home-friend mo, nakatutuwa lang.
"Masaya ako kasi kasama ako sa selected candidates para sa SSC Position sa campus natin." Pagkasabi ko no'n, hindi ko alam kung anong dapat kong i-react dahil pakiramdam ko mas masaya pa si Jhonet kesa sa inaakala kong saya.
"REALLLY?!" gulat na gulat niyang turan, tumango naman ako kaya kaagad niya akong niyakap at napayakap na lang din ako pabalik sa kanya. "Hala Bhessy! Congrats..." mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Salamat bhessy..." at kumalas na kami sa pagkakayakap. "O' ano 'yang mukhang iyan?" takang-tanong ko sa kanya,
"Wala... ang saya ko lang, kasi ang bhessy ko, kasali sa SSC Position." Masaya niyang sabi.
Natawa naman ako, "Ayusin mo nga 'yan mukha mo." Utos ko sa kanya, maluha-luha kasi ang gilid ng mata niya, kumalat tuloy yung mascara niya. "O paano, kailangan ko na munang iwan ka. Pupunta muna ako sa rooftop ng Hearts' Building para sa orientation namin. Kita na lang us, mamaya." At tumayo na ako.
Pinunasan naman ni Jhonet ang kumalat na mascara sa gilid ng mata niya, "Ah gano'n pala 'yon..." at ngumiti siya, "Ngayon alam ko na kung bakit lagpas hanggang tainga ang ngiti mo, kasi kahit ako hindi ko mapigilan ang saya." Saka siya tumawa ng malakas at biglang sumeryoso. Hala, ang weird ni bhessy ngayon... "Oo nga pala, bhessy..." bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya, "I heard about that SSC Position and... That activity is by partners, right?" pagtatanong niya, napatango naman ako at sumeryoso ako upang mapakinggan ko ang ibig niyang sabihin. "What if... What if lang naman 'no?" at huminga siya nang malalim bago bitawan ang gusto niyang itanong. "Paano kung si Steven Ace ang maging partner mo?"
Pagkasabi niya no'n, parang may kung anong malakas na tunog ang paulit-ulit na umalingawngaw sa tainga ko at biglang nanglaki ang mata ko saka napangiwi.
"NO WAY!" mabilis kong pagtututol, "Ayaw ko siyang maka-partner... ayaw ko sa gago na iyon." Dugtong ko pang wika.
"Ehem! Sinong gwapo?"
Pagkarinig namin ng boses na iyon, napalingon kaagad kami sa nagsalita at sobrang nag-init ang ulo ko nang makita ko si kumag na nakangisi, nakatingin pa ng deretso sa akin.
"Hay ewan!" at lumakad ako, "Mauna na muna ako sa'yo, bhessy." Paalam ko kay Jhonet at nagpatuloy na sa paglakad.
"Ingat ka, bhessy." At nag-wave si Jhonet ng isang kamay sa'kin.
Jhonet's POV
Nakagugulat naman si Mister Steven Ace, bigla-bigla na lang sumusulpot. Basta ako, good mood lang at hindi p'wedeng ma-bad vibes. Ngumiti na lang ako habang nakatingin kina Steven at Ronniel na nakatingin naman sa papalayong si Mycah Aile, ang bhessy ko.
"Hmm... Ganoon ba talaga 'yong kaibigan mo?" nakapamulsang tanong ni Steven sa akin, nagtaka naman ako at napataas ang kilay. 'Teka nga! Bakit kaya mukhang interesado siya sa bhessy ko?'
"Paanong gano'n?" curious kong tanong sa kanya.
"Stupid..." tipid na sagot ni Steven at saka tumawa ng malakas, napatingin ako kay Ronniel dahil sa inasal ng kaibigan niya sa harapan ko. 'Baliw na ba siya?' Wala namang reaksyon si Ronniel kaya binalik ko ang tingin ko kay Steven.
"Ang sama mo naman!." Inis kong wika at sinamaan ko siya ng tingin. Pinipigil naman niya ang tawa niya saka humarap sa akin.
"Gwapo kasi..." cool niyang sagot saka kumindat. "Bye, Jhonet!" at saka umakbay kay Ronniel. "Tara!"
Nagpakawala na lang ako ng hininga nang sandaling umalis na sila.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (13)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice 👍
21/04/2025
0so very nice reading
14/01/2025
0nice
14/10/2024
0Tingnan Lahat