logo text

Chapter 18.3: Cute little boy and Brave little girl

Reyjie's P.O.V.
Magkasama kami ni Bro Jimrel na umalis sa bahay, since magkasama kami sa iisang bahay... lagi kaming sabay kung pumasok sa school. Sa isang linggong lumipas, isang linggo rin si Earl na laging nasa bahay, laging nakadikit kay Jimrel. Gano'n ba talaga kapag inlove? Sobrang clingy! Simula kasi nang maging sila ni bro, para bang may mga nagbago kay bro. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig o baka nasanay lang ako na lagi kaming magkasama ni bro? Hindi na kami madalas na mag-usap at maglaro ng basketball dahil gusto ni Earl na lagi silang magkasama, dahil nga perfect boyfriend siyang matuturing at childhood best friend niya ang girlfriend niya, syempre gagawin niya lahat para iparamdam kay Earl na pinaka-special siya sa lahat. Super spoiled, haist! Sobra ang pagka-clingy ng babaeng iyon, ni-ayaw mawala sa paningin niya si Jirmel. Grabe! Ngayon lang ako naka-encounter ng gano'ng klaseng babae tapos kapag hindi naman sila magkasama, nagtatawagan naman sa cellphone. Para bang laging miss na miss ang isa't isa. Naku! Kapag gan'yan lagi... Mahihiya na sa kanila 'yung salitang 'MISS NA KITA!'
Sa isang linggong lumipas, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Lagi kasing nasa isip ko si Edz... Masaya ako sa t'wing nakikita ko siya at nakakasama. Sa totoo lang, lagi naman kaming magkasama sa school, t'wing breaktime. Ayaw ko kasing ma-out of place kila bro eh. Tahimik lang si Edz at para bang may lungkot sa mga mata niya sa t'wing titingnan ko siya.
Magkasama kami ni bro at napadaan kami sa lobby, sa Sweet's Building ng university na ito. Pagtataka ang nasa isip ko kung bakit madaming studyante ang nagkakagulo ro'n na para bang may mahalagang balitang naka-post sa bulletin board do'n. Nang silipin namin ni bro, nagulat ako dahil feeling ko nando'n ang pangalan ko base sa clue na ibinigay. Nakita ko rin na kasama si Earl sa selected candidates. Napatingin ako kay Jimrel, at nakita ko siyang ngumiti... Inlove nga talaga ang kaibigan ko. Pangalan palang ni Earl, napapangiti na siya eh...
"Matutuwa si Princess nito... Natatandaan ko, sinabi niya sa'kin dati na gustong-gusto niya ang sumali sa mga event o leadership program eh. Mahilig siyang makipagtagisan o makipaglaban at ipamalas ang kaniyang galling sa iba't ibang aspeto." Masayang wika ni Jimrel sa'kin.
"Edi maganda kung gano'n... Halika at hanapin natin sila para maibalita natin ang magandang balitang ito." Sagot ko naman sa kanya kaya nagpasya na kaming umalis sa lugar na iyon. Hindi na bago sa amin na pagtinginan o pag-usapan sa t'wing makikita kami. Dahil na rin siguro sa alam na namin ang papel namin dito sa campus, na isa kami sa asset ay sanay na kami sa mga gano'n.
Habang naglalakad kami papunta sa shed, nagtitinginan sa amin ang ilang studyante at mararamdaman ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Dahil alam namin na nando'n sila Edz at Earl kaya nagpasya kaming puntahan sila, hindi kasi makapag-intay itong si bro na ibalita sa girlfriend niya ang tungkol sa naka-post sa bulletin board.
Nang makita na namin sila tila ba, sobrang seryoso nang usapan nila. Ramdam kong parang importante ang bagay na iyon sa kanilang dalawa. Para bang may mali?
"Princess..." tawag ni Jimrel kay Earl at nag-wave pa ng isang kamay niya.
Nagtaka ako dahil unang lumingon si Edz sa amin bago lumingon si Earl. Doon palang, may kakaiba na. Dahil nakararamdam na rin ako ng weirdness feeling, hindi ko muna pinahalata iyon at nag-go with the flow lang din ako.
"Edz." Bati ko naman kay Edz nang makalapit na kami sa kanila.
Lumapit si bro kay Earl at naupo sa tabi nito kaya nagpasya na rin akong maupo sa tabi ni Edz. Tahimik lang ako ang ino-obserbahan sila, para kasing may kakaiba sa mga kilos nila. Inakbayan ni Jimrel si Earl, umiwas naman ng tingin si Edz sa kanila.
"I have a good news for you." Masayang wika ni Jimrel. Halata sa mukha ni Earl na hindi siya excited sa sasabihin ni Jimrel at para siyang hindi mapakali. Kailangan kong malaman ang nangyayari sa pagitan nila?
"Ano iyon?" medyo wala sa mood na sagot nito kay Jimrel.
Napatingin ako kay Edz na bigla na lang tumayo at tumingin kina Jimrel at Earl.
"Mauna na muna ako sa inyo." Paalam ni Edz, "Friendship, pag-isipan mo 'yong pinag-usapan natin. May isang linggo ka pa naman eh." At saka ngumiti si Edz. Napaisip naman ako sa mga sinabi ni Edz, hindi malinaw ang ibig nitong sabihin kay Earl... Ayy mali, hindi malinaw para sa akin.
Naglakad na si Edz palayo at iniwan na kami kaya naisipan ko rin magpaalam kay bro upang sundan si Edz. Hindi ko rin kasi ma-reach na makita sila na ang sweet sa isa't isa kahit na nasa campus kami. Haist! Konting respeto sa single oh!
Habang nakasunod ako kay Edz na naglalakad, pansin kong sobrang lalim ng iniisip niya. Aha! Alam ko na... Bigla akong ngumisi at nagsalita,
"Ang lalim naman yata ng tumatakbo sa isip mo."
Gulat naman ang naging reaksyon niya nang sandaling makita niya ako, at para bang kinabahan siya?
"Reyjie, bakit ka sumunod?" takang tanong niya sa akin at naglakad ulit siya, sumabay naman ako sa kanya sa paglalakad.
"Hmm... Ano kasi eh! Ang clingy ng scenes doon... Hindi ako sanay sa gano'n, alam mo na..." at saka ako tumawa ng mahina. Wala namang reaksyon sa mukha ni Edz at patuloy lang sa paglakad. "Ewan ko ba ro'n sa bro ko." Pagpapatuloy ako, "Reklamo nang reklami sa'kin tungkol sa pagbabago ng childhood bestfriend niya. Para nga raw hindi si Princess na kilala niya 'yong nakakasama niya eh keso nakalimutan daw 'yong ganito, ganiyan..." at saka ako ngumiti. "Ang weird nilang pareho, sa totoo lang."
Habang naglalakad kami papunta sa canteen, napansin ko ang biglang paghinto ni Edz sa paglalakad. Ano kayang problema niya? Ano ba talagang nangyayari sa pagitan nila ni Earl?
"Hey Edz." Sabay kaway ko sa kanya ngunit nakatuon ang paningin niya sa floor kaya lumapit ako sa kanya at kinalabit siya. "Nakikinig ka ba sa'kin, Edz?" seryoso kong tanong.
Nang itaas niya ang paningin niya at nagtama ang aming mga mata. "Ayy sorry, Reyjie." Saka siya pumasok sa canteen at naghanap ng bakanteng p'westo. Nang nakakita na siya, naupo siya roon kaya sumunod na ako sa kanya.
"Anong meal mo? Ako na ang o-order." Volunteer ko sa kanya. Ang weird niya kasi eh! Naisip ko baka gutom lang...
Ngumiti naman siya sabay kuha ng wallet niya sa bag at binuksan iyon. Sa pagkuha ng card niya, naagaw nang pansin ko ang nasa loob ng wallet niya.
"Si Jimrel 'yan hindi ba?" seryoso kong tanong sa kanya na may halong pagtataka, "May picture ka pala niya?" at ngumiti ako ng bahagya, siguro nga... baka nga 'yon ang problema niya kaya ang weird nila ni Earl. Baka nga may gusto siya kay bro kaya malungkot siya... Pagkatapos, bigla rin siyang naluha no'n unang araw na nagkita sina Jimrel at Earl sa mall, maging noong nasa tapat sila ng bahay nang sabihing sila na ay lumuha rin siya. Pero teka nga! Bakit ako nasasaktan? Parang ayaw ko na tuloy malaman ang dahilan at kung totoo ba ang naiisip ko.
"Aa..." mahinang wika niya sabay sarado ng wallet niya at nilagay sa bag. "Order ka na..." utos niya sa'kin sabay abot ng card niya. "Ito 'yong card ko, spaghetti na lang at saka coke ang order ko." Medyo tense niyang wika at saka ngumiti ng bahagya sa akin. Ngumiti na lang din ako at saka ko kinuha ang card niya.
Pumila na ako sa counter para mag-order ng meals namin ni Edz. Habang nakapila ako, pasulyap-sulyap ako kay Edz at pansin ko talaga ang lungkot sa mukha niya. May gusto rin kaya siya kay Jimrel? Bakit parang nasasaktan ako 'pag nakikita ko siyang ganiyan?
Nang maka-order na ako, dumeretso na ako sa p'westo namin dala-dala ang meals namin.
"This is your meal." At inilapag ko sa lamesa, sa tapat niya ang meal niya pagkatapos ay inilapag ko rin ang meal ko saka ako naupo.
"Let's eat." Aya ako, tumango naman siya at saka nagsimulang kumain. Tinitigan ko lang siya habang kumakain siya. She is so cute and awesome. I like her!
"Hoy!"
Bigla niya akong pinitil sa kamay ko na nakapatong sa lamesa. Nginitian ko na lang siya...
Bakit kaya ibang-iba ang k'wento sa'kin ni bro tungkol kay Edz? Ibang-iba ang mga kilos niya 'pag magkasama kami compare kapag kaming apat ang magkasama. Bakit kapag kaming apat ang magkakasama, nag-iiba ang kilos niya? Pero kapag kaming dalawa lang, she is impressive and likeable person? Gusto ko talagang malaman kung bakit gano'n ang circle of friends nila?
"Hoy, Reyjie! Ano? Tititigan mo na lang ba ako riyan o kakainin mo 'yong meal mo?"
Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Malapit na palang mag-time, hindi ko pa nagagalaw 'yong meal ko.
"Ah, Edz..." tawag ko sa kanya, bigla siyang tumingin sa akin at sumeryoso ang mukha. "Nandito lang ako kung mayroon kang problema... P'wede mo akong maging hingahan at sandalan, pansin ko kasing lagi kang malungkot at parang ang lalim lagi nang iniisip mo." Pagkasabi ko no'n, bigla siyang ngumiti saka ako pinalo ng mahina sa braso.
"At sino namang nagsabi sa'yo na may problema ako? HA! Aber?" at itinaas pa niya ang isang kilay niya.
Nang sandaling iyon, kinabahan ako ng medyo slight kung paano niya ako tingnan. Nakaka-attract talaga siya!
"Aa... A-ano k-kasi!" hindi ko na alam kung anong sasabihin ko, bakit parang nawawala yata ang dila ko ngayon?
"Alam mo..." bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. "Hindi mo pa kasi talaga ako kilala. Hindi ba ang weird kong tao?" at ngumiti siya, "Weird akong tao, okay?" napatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya na weird daw siya, pagkatapos ay kinuha niya ang books na inilapag niya sa lamesa. "Maniwala ka kasi sa mga k'wento sa'yo ng kaibigan mo tungkol sa akin..." at saka siya naglakad, "Dahil iyon ang totoo..." saka tuluyang lumabas ng canteen.
Sinundan ko lang siya ng tingin, at napansin ko ang lumaglag na papel sa ilalim ng table namin... siguro kanina ito lumaglag nang kunin ni Edz ang mga libro niya.
"Ano kaya iyon?" tanong ko sa sarili ko. Pinulot ko ang isang papel na may design. Ano ba ito? Larawang nakaguhit ito ng dalawang bata, pa-stickman ang pagka-drawing no'n. Isang babae at isang lalaki ang nasa papel. Puno rin ng heart shape na nakapaligid sa dalawang batang babae at lalaki, iyon ang design at may nakasulat na...
"Cute litte boy..." pangalan ng batang lalaking naka-stickman na drawing, "Brave little girl..." at iyon naman ang pangalan ng batang babaeng naka-stickman na drawing din. At may nakasulat pa sa ilalim ng drawing...
'Princess... promise mo sa'kin pagkabalik ko rito, dapat tanda mo pa rin ako ha? Hahanapin kita... Pangako ko sa'yo! Ako lang kaya ang tumatawag sa'yo na Princess... kasi ikaw ang aking prinsesa, okay?' – From Cute little boy.
'After 8 years, babalikan kita ha... hintayin mo ko. At saka, after 8 years, magiging girlfriend kita... Hindi ba payag ka namang maging boyfriend mo ako?' – from Cute little boy.
Napakunot ang noo ko sa nabasa ko, "Bakit nakaipit ito sa libro ni Edz?" pagtatakang-tanong ko. At saka ko binasa ang message sa ilalim naman ng batang babaeng naka-stickman na drawing.
'Ayaw ko nga! Ano iyon? Wala man lang efforts? Sa lovestory nga na nababasa ko... at napapanood ko... 'yong lalaking bida, bago niya makuha ang matamis na 'Oo' ni girl, gumagawa muna siya ng efforts to win the heart of a girl pagkatapos ikaw??? Umalis ka lang at sa pagbalik mo rito 'Tayo na kaagad?' boyfriend na kita at girlfriend mo ako? Nasaan ang efforts doon?'
Nakakatuwa naman 'yong girl dito sa papel na ito. May hawig ang nakasulat dito sa mga kinukwento ni bro sa'kin. Tumayo ako at inilagay ko sa bulsa ng pants ko ang papel na iyon.

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    DelinoWilson

    nice 👍

    21/04/2025

      0
  • avatar
    BacusJesrin

    so very nice reading

    14/01/2025

      0
  • avatar
    RoveteRosemaricar

    nice

    14/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata