logo text

Chapter 18.2: Teens' Sweet Hearts Building

Kinaumagahan, nakapaskil sa bulletin board sa may lobby ang mga napiling studyante na ipanglalaban sa SSC Position ng Brown Hills University.
Jhaicell Ly's P.O.V.
Isang linggo na rin ang nakalipas, naging pamilyar na rin ako sa ambience ng campus. Ang University na ito ay nahati sa tatlong buildings – una, ang Teens' Building kung saan makikita ang mga classroom mula first year hanggang fourth year at ang rooftop. Pangalawa ay tinatawag na Sweet's Building kung saan nandoon ang canteen, offices, broadcasting room at mga clubroom. Ang pangatlo ay Heart's Building na isang open site kung saan para sa mga outside curricular kabila ang mga sport tulad ng basketball, volleyball, football, swimming at iba pang sports, Arts tulad ng mga mahilig sa pagpe-paint at mga design, Music tulad ng pagsulat ng mga tula, kanta at iba pang tungkol sa music, Dance kung saan kabilang ang mga cheerdance at ang orientation room.
Habang papunta ako sa university ko sakay sa aking kotse, napapasagi sa isip ko ang ayaw ko namang isiping bagay lalo na at wala namang kinalaman sa mga priority ko sa buhay. Ayaw kong magbago dahil lang sa kakaibang elementong nararamdaman ko. Bakit ba kasi simula nang ma-encounter ko 'yong lalaking iyon? Nag-iba na ang pakiramdam ko? Bakit ang weird ng feelings? (Music Plays: Bakit ba ganito? By Eurika)
Nang makarating na ako, nag-park ako sa parking area. Bumaba na ako at naglakad papunta sa entrance gate. Hindi na muna ako sumabay sa trios dahil kapag kasama ko sila, mas nakakaramdam ako ng weird feelings, saka weird naman talaga sila eh parang ako lang ang normal... puro sila dare sa buhay. Haisst! Ang lakas talaga ng virus nila... malapit na akong mahawa.
In-insert ko na ang gate pass ko at saka tuluyang naglakad sa hallway ng university. Sa paglalakad ko, nandiyan na naman 'yong mga babaeng nakatambay at pinag-uusapan ang mga nakikita o napapansin nila sa paligid.
"Beee..."
Sabay lapit nilang tatlo sa akin, hingal na hingal sila. Paano ba naman? Tumakbo sila mula sa kung saang lupalop hanggang sa makarating sa akin.
"Oh bakit mukhang ewan na naman kayo?" pagsusungit kong tanong sa kanila saka ako nagsimulang lumakad ulit.
"Grabe ka talaga sa amin, bee. Mukhang ewan talaga?" reklamong react ni Jhen. Nagpatuloy lang ako sa paglakad habang nakasunod sila sa akin.
"You are so bad, bee!" madramang wika ni Allysa. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya, haisst magsisimula na naman sila...
"May good news pa naman kami sa'yo." Singit naman ni Margz. Bigla naman akong napahinto dahil sa sinabi nito at napaharap sa kanilang tatlo. Bakit parang bigla akong na-e-excite sa sinabi nilang good news?
"Ano 'yong good news 'nyo?" walang pasubali kong tanong sa kanila at bigla naman silang nagtinginan saka nagngitian na parang may something. Ang weird talaga nila? Haissst bakit ba hindi ako masanay-sanay sa kanila? Dapat pa ba akong maniwala? Maraming beses na silang nagjo-joke time sa akin...
"Do you really want to know, bee?" nakataas na kilay na tanong ni Jhen saka ngumisi ulit.
"Sa tingin mo?" seryoso ko namang balik ng tanong sa kanya.
"Kahit kailan talaga, ang taray-taray mo. Kill joy na nga, nagtataray pa." hirit naman ni Allysa. Inirapan ko na lang sila saka ako naglakad ulit. Sigurado ako na kawirduhan lang ulit ang sasabihin ng tatlong ito.
"Bee, sumama ka sa amin..." sabay-sabay na sabi ng tatlo at saka nila ako hinila hanggang sa lobby ng Sweet's Building. Pagkarating namin do'n, maraming studyante ang abala sa kung anong tinitingnan nila sa bulletin board.
"Excuse us! Excuse us!" sigaw ni Margz, napatingin sa amin 'yong ibang mga studyante. Hanggang sa nakarating na kami sa harapan ng bulletin board. Nang napatingin ako sa board, bigla na lang akong kinabahan. Nagulat ako sa nakita ko, at hindi ako makapaniwala... 'Selected Candidates for SSC Position – Girls and Boys: 1.) Jhaicell Ly Ramos – Rxxxxe Txxxxs 2.) Lorraine Gie Perez – Sxxxxn Axe Mxxxxxa 3.) Mycah Aile Padilla – Jxxxxxe Fxxxxs 4.) Gil Tiffany Hernandez – Pxxxxe Kxn Dxxxxa 5.) Princess Earl Santos – Rxxxxn Cxxxxxxe – Candidates for SSC Position with surprise partners.
"Bee, idol ka na talaga namin." Masayang wika ni Jhen.
"Lagi mo kaming pinapa-amaze eh. Ikaw na talaga!" wika naman ni Margz.
"Sablay nga lang sa love life kasi hanggang ngayon NBSB pa rin pero oks na oks na rin 'yan. Bee, you are the best talaga." Mahabang speech ni Allysa.
Saka sila nag-appear tatlo at tumawa nang malakas. Hindi ba ang weird nila?
Nang mabasa ko ang nasa bulletin board, gustong-gusto kong malaman 'yong mga pangalan ng mga lalaking naka-indicate ro'n sa lists dahil may clues naman na 'yong names nila... pero hindi ko na nagawang alamin dahil male-late na kami sa klase namin kaya umalis na kami sa lobby.
Princess Earl's P.O.V.
Na-shock ako at hindi ko lubos maisip na sila na ng childhood best friend ko. Isang linggo palang ang nakalipas. In-explain naman sa'kin ni Edz, noong una ayaw kong pumayag at maniwala sa explanation niya pero pinanghawakan ko na lang ang sinabi niyang 'aayusin ko ito bigyan mo lang ako ng isang buwan' so dahil nakalipas na ang isang linggo, tatlong linggo na lang maayos na ang lahat. Sana lang 'wag magalit si Jimrel.
Naglalakad ako sa hallway nang salubungin ako ni Edz at medyo kabado siya. Nauuna kasi siyang pumasok sa'kin dahil lagi siyang sinusundo ni Jimrel.
"Friendship."
Napahawak siya sa tuhod niya at hingal na hingal na lumapit sa akin. Habang hinihintay ko ang pag-amin ni Edz, napapalapit naman kami ni Reyjie sa isa't isa. Isang linggo kaming dalawa lang ang magkasama at nag-uusap. Mukha ngang may napapansin na siya eh.
"Bakit? Anong problema?" tanong ko sa kanya.
Bigla-bigla na lang niya akong hinila sa lobby sa Sweet's building at pinatabi niya ang ilang studyante na nakatingin sa board. Nang nasa harap na kami ng board.
Selected Candidates for SSC Position
GIRLSBOYS
Jhaicell Ly Ramos -RXXXXE TXXXXS
Lorraine Gie Perez-SXXXXN AXE MXXXXXA
Mycah Aile Padilla- JXXXXXE FXXXXS
Gil Tiffany Hernandez-PXXXX KXX DXXXXA
Princess Earl Santos-RXXXXN CXXXXXE
--Candidates for SSC Position with Surprise partners--
Nagulat ako at napatingin kay Edz.
"Anong gagawin ko, friendship?" Pag-aalala nito.
Bigla na lang akong umalis sa lobby, sumunod naman si Edz sa'kin. Naupo ako sa bench sa shed. Halata sa mukha ni Edz ang pag-wo-worry na maunahan siyang malaman ni Jimrel na hindi siya si Princess Earl kesa ang plano niyang pang-amin dito. Nagawan namin ng paraan sa room namin na makapagpanggap kami na siya si Earl at ako si Edz pero hindi sa buong Campus. Lalo pa ngayon na selected candidates ako ng SSC at with matching surprise pictures and partners pa ng candidates para ma-excite ang lahat ng studyante sa bagong leaders ng campus.
"Anong gagawin natin, friendship?"
"Kung umamin ka na kaya kesa maunahan ka pa ng buong Campus." Suggestion ko sa kanya. Biglang nagbago ang mukha niya. Wala na rin kasi akong maisip na paraan.
"Pero wala pang isang buwan, Earl." Inis na sagot nito.
"Oo nga, wala pang isang buwan pero nakita mo ba 'yong bulletin board? Ire-release 'yong pictures ng mga candidates sa susunod na linggo. Gusto mo ba na maunahan ka pang malaman ni Jimrel na nagpapanggap ka kesa ang umamin ka sa kanya, alam ko maintindihan ka niya kapag sa'yo mismo nanggaling kesa sa iba pa niya malaman ang totoo." Pag-explain ko sa kanya.
"Pero..."
"Princess." Kumakaway ito habang papalapit sa amin. Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko, si Jimrel pala kasama si Reyjie.
"Edz." Bungad naman ni Reyjie sa akin nang makalapit na sila. Naupo rin sila sa bench na inuupuan namin. Tumabi si Jimrel kay Edz at inakbayan siya habang si Reyjie naman sa akin tumabi.
"I have a good news for you." Habang hawak-hawak ni Jimrel ang kamay ni Edz. Hindi masyadong excited si Edz na marinig ang good news na sinasabi ni Jimrel.
"Ano 'yon?" medyo wala sa mood na sagot nito.
"Ah, alis muna ko ha." Pagsingit ko sa kanila. "Friendship, pag-isipan mong mabuti. May isang linggo ka pa naman eh." Sabi ko kay Edz saka ako tumayo at umalis sa shed.
Hindi ko kasi kayang makita ang childhood best friend ko na sweet sa ibang tao at alam kong hindi totoong identity na si friendship ay ako kaya siguradong masasaktan ng husto si Jimrel at iyon ang nakalulungkot at nakatatakot para sa childhood bestfriend ko. Hindi ako clingy na tao pero masakit lang kasi wala akong magawa kun'di sakyan lang ang plano ni Edz. Ayaw ko kasing masaktan din si Edz. Pareho silang mahalaga sa akin.
"Ang lalim ng iniisip mo ah."
Nagulat ako at napatingin sa nagsalita. Bakit ba pasulpot-sulpot si Reyjie?
"Reyjie? Bakit ka sumunod sa akin?" takang tanong ko sa kanya.
"Ahh... Ang clingy kasi ng scenes doon eh. Hindi ako sanay sa gano'n." Saka siya tumawa ng mahina. "Ewan ko ba roon sa bro ko. Reklamo nang reklamo sa'kin, ang dami raw nagbago sa Princess niya, ke-nakalimutan 'yong ganiyan, ganito..." at tumawa siya ulit. "Weird din 'yon si bro eh."
Habang naglalakad kami sa same building kung saan doon din naka-post ang announcement. 'Oo nga pala, kahapon 'yong childhood bestfriend celebration namin. Iyon 'yong date kung kailan kami nagkakilala. Kung kailan tinulungan ko siya na pagaanin 'yong loob niya at maging strong siya. Medyo mahina kasi ang loob niya noon eh samantalang ako mula noon hanggang ngayon, sanay na. Independent nga kasi eh!'
"Hoy. Nakikinig ka ba sa'kin, Edz?" bigla niya kong iti-nap sa shoulder.
Hindi na pala ako naglalakad, nakahinto na pala ako sa gate ng canteen at ang dami na palang nakwento ni Reyjie pero wala akong naintindihan. Haist, lutang ako.
"Ah sorry." Saka ako pumasok sa canteen at naghanap ng vacant na pwesto at nang nakakita ako, naupo ako roon sumunod naman si Reyjie.
"Anong meal mo? Ako na o-order." Alok niya sa akin. Kinuha ko naman ang wallet ko sa bag ko at binuksan ko ito saka ko kinuha 'yong card ko nang...
"Si Jimrel 'to ah, may picture ka pala niya?" pagtataka niyang sabi. Inilagay ko nga pala ulit ang picture ni Jimrel sa wallet ko, kinuha kasi ni Edz 'yong magkasama kami eh kaya naiwang mag-isa ang picture ko, tinakpan ko na lang ito ng solo picture ni Jimrel.
"Ah eh..." bigla kong sinarado ang wallet ko at nilagay sa bag. "Order ka na, ito card ko. Spaghetti sa'kin saka coke." Pag-iiba ko ng topic.
Ngumiti lang siya saka kinuha ang card ko at tumayo.

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    DelinoWilson

    nice 👍

    21/04/2025

      0
  • avatar
    BacusJesrin

    so very nice reading

    14/01/2025

      0
  • avatar
    RoveteRosemaricar

    nice

    14/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata