logo text

Chapter 18.0: Childhood Best friend

Princess Earl's P.O.V.
Naglalakad na kami palabas ng campus...
"Seryoso ka ba na gusto mong maglakad pauwi? May kotse naman ako eh." Seryosong tanong ni Reyjei sa'kin. Dahil sa naiinis ako sa nangyayari although sinasakyan ko lahat ng lies ni Edz, naisipan kong maglakad na lang pauwi. Hindi ko naman akalaing dadamayan niya ko sa paglalakad. Medyo malayo-layo rin ang bahay nila Edz dito sa campus. Iniwan ni Reyjie ang kotse niya sa Parking Area ng campus saka ako sinamahan sa trip ko.
"Kung hindi ka sanay na maglakad, bakit sumunod ka pa sa'kin? May kotse ka naman ah." Nakangiti kong sita sa kanya.
"Lakas din ng Trip mo ah." Wika niya. Natawa na lang ako ng mahina ng sabihin niyang malakas ang trip ko. Habang naglalakad kami, hindi mawala sa isipin ko ang mukha ni Jimrel noong una niyang makita ang inaakala niyang si Princess Earl, na si Edz na kasama niya ngayon.
"Hmmm... Edz, wait lang."
Napahinto ako sa paglakad at nakita ko siya sa may tapat ng nag-iisaw.
"Pahinga muna tayo." Lumapit siya sa akin at inaya ako sa isawan, "Kumakain ka ba ng isaw?" seryosong tanong niya sa'kin. Napangiti naman ako.
"Oo, paborito ko kaya 'yan."
Pagkasabi ko noon, umorder na kami ng madaming isaw at inumin. Naupo kami sa may field at kumain lang nang kumain.
"Ang sarap!"
Bigla siyang tumingin ng seryoso sa akin.
"Edz, May sasabihin ako kung okay lang?" seryosong mukha ang ibinigay sa akin ni Reyjie.
"Ah sure! Tungkol saan ba?"
Patuloy lang ako sa pagkain ng isaw, medyo late na rin pero hindi ako nag-aalala kung late ako uuwi, ang inaalala ko lang, 'Paano kung malaman ni Jimrel ang lahat ngunit sa ibang tao pa? Alam kong ibang magalit si Jimrel, at alam kong madali lang siyang magpatawad pero sa kaso ngayon, mukha mahihirapan siyang magpatawad lalo na kapag pinatagal pa ang lies na ito.'
"Kung hindi mo mamasamain, Edz. Nag-ask na kasi ako kay Jimrel about sa'yo." Naupo ito ng pa-indian style, "Kung ano 'yong ayaw at gusto mo? Sabi niya, choosy ka raw, maarte at bossy pero sa kinikilos mo ngayon, parang hindi naman." saka ito nakangising tumingin sa akin. "Parang 'yong description niya sa'yo, kaugali ng Princess na kasama niya ngayon." Saka uminom ng drink.
Napatigil ako sa pagkain ng isaw at napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Haha... Hindi mo pa kasi ako kilala kaya hindi mo pa nakikita 'yong pagka-bossy ko, pagka-maarte ko at pagka-choosy ko." Saka ako tumayo at lumakad. "Late na mahaba-haba pa ang lalakarin natin no. Let's go."
Naglakad na ulit kami. Ang liwanag ng buwan at ang daming stars, nakakatuwa lang. Naaalala ko lang si Jimrel, lagi kaming tumatambay sa labas, sa nakabuwal ng puno at tumitingin sa taas, gumagawa ng letters sa pamamagitan ng stars.
"Mukhang happy thoughts 'yang iniisip mo ah. Napapangiti ka riyan."
Pagbasag ni Reyjie sa katahimikan.
"Hindi ka pa ba napapagod? Seryoso ka na ihahatid mo ko hanggang sa'min, tatlong kanto pa bago ang bahay namin, malawak itong subdivision." Nakangiti kong sabi sa kanya kaya bigla siyang napahinto, huminto na rin ako.
"Honestly, Ibang-iba ka sa Edz, na naikuk'wento sa'kin ni bro." Humarap siya sa harap ko "Saka, nakapagtataka lang," Humawak siya sa chin niya at nakapamulsa ang isang kamay "Sabi niya kasi 'yong Childhood Bestfriend niya na parang boyish kung kumilos, yung tipong simple lang saka nakakasabay sa trip niya," bigla siyang tumitig sa akin ng cool, "Pero, last time na magkasama sila ng Princess niya, sobra ang clingy, ibang iba sa ikinukwento niya sakin sa Canada before."
Bigla akong nasamid sa sinabi niya. Kung nakakahalata si Reyjie sa kilos ni Edz, hindi imposibleng makahalata rin si Jimrel sa pagbabago ng kilos ng inaakala niyang Childhood Bestfriend niya.
"Uy! Tulala ka na." Sabay tulak niya sa balikat ko ng mahina na siyang kinagulat ko, kasabay ng pagbusina ng kotse. Kaya napaupo ako sa gitna ng kalsada, huminto naman ang kotse.
"Edz, okay ka lang? Sorry!" Iniabot niya ang kamay niya. Ngumiti ako at tumayo saka ko siya binatukan.
"Haha... Itutulak mo ko tapos mag-wo-worried ka sa'kin. Ayos ah!" at tumawa lang ulit ako na parang wala lang.
"Grabe ka! muntik ka na kaya mahagip." Tumingin siya sa kotseng nakahinto, "Makatawa ka pa riyan, wagas!" Reklamo niya. "Halika nga rito." saka niya ko hinawakan sa braso at lumakad hanggang sa gilid ng daan.
"Bro, bakit naglalakad kayo? Where's your car?"
Oops!!! Sina Edz at Jimrel pala ito? Bumaba sila sa kotse at lumapit sa akin si Edz.
"Friendship, okay ka lang ba? Hindi kasi namin kayo napansin." Tanong ni Edz sa'kin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Okay lang." Tipid kong sagot.
Hawak niya ang kamay ko, at nang pagtingin ko sa kamay niya 'may singsing ito' kaya napatingin din ako sa kamay ni Jimrel na parehas sila ng suot na singsing. Nag-iba bigla ang pakiramdam ko, lumungkot ang mukha ko at diretso akong tumingin sa mukha niya.
"Ano ito?" mahina kong tanong kay Edz na siyang singit ni Jimrel.
"May gusto kaming sabihin sa inyo, pero pwede sumakay na muna kayo sa kotse ko. Nasaan ba kasi 'yong car mo, bro?" dere-deretsong wika ni Jimrel. "Buti naman at napilit mong maglakad si Edz. Himala 'yan." At nagbiro pa.
"Oo nga. Halika muna sa kotse." Sabat naman ni Edz at saka sila sumakay sa kotse.
Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Bakit parang may hindi talaga tama?
"Okay ka lang?" pag-aalalang tanong ni Reyjie sa'kin.
"Yah! I'm very fine. Let's go!" ngumiti naman ako sa kanya, saka naglakad papasok sa kotse ni Jimrel sumunod naman si Reyjie at pumasok din sa kabilang side ng kotse.
Nang nasa loob na kaming lahat, pina-andar na ni Jimrel ang kotse niya at nag-drive siya, kami naman ni Reyjie ay nasa passengerseat, si Edz nasa Frontseat katabi si Jimrel.
"Okay, maiba tayo. Nasaan ba ang kotse mo, bro at naglalakad kayo?" pagbasag ni Jimrel sa katahimikan. Nakatingin siya kay Reyjie gamit ang mirror sa gitna ng kotse niya, sa taas na bahagi.
"Hmm, nasa parking area ng school natin." Cool na sagot ni Reyjie.
Tahimik lang ako sa likod at nakatingin kay Jimrel na nag-da-drive habang si Edz naman medyo nakayakap sa isang braso ni Jimrel. 'Super clingy nga!'
"Oh, my princess?" nakangiting tanong ni Jimrel kay Edz, sobrang sarap pakinggan kapag siya ang may sabi. Sana alam na lang niya na hindi si Princess ang kinikilala niyang princess, ako dapat 'yon. Ako naman talaga 'yon eh!
"Sabihin na kaya natin sa kanila?" pagsa-suggest naman ni Edz kay Jimrel, medyo napakunot ang noo ko. 'Ano ba kasi 'yong gusto nilang sabihin? May kinalaman ba 'yon sa singsing na suot nilang pareho?'
"Bro? Ano ba iyong sasabihin n'yo at hindi makapaghintay ang princess mo?" nakangising tanong naman ni Reyjie kaya napatingin ako rito.
"Later bro." tipid na sagot ni Jimrel at nag-focus sa pag-da-drive. "Teka nga pala, bakit mo iniwan ang kotse mo sa school natin?"
Napatingi naman si Reyjie sa'kin dahil sa tanong ni Jimrel na iyon. "Hmmm... Ang lakas kasi ng trip ni Edz eh." Panimulang pagkukwento niya. "Gusto niya kasing maglakad hanggang sa makauwi sa bahay nila kaya kaysa hayaan ko maglakad mag-isa, dinamayan ko na." at medyo natatawa pa siya sa pagkukwento. "First time ko nga maglakad ng ganoong kalayo at kumain ng isaw." Masaya niyang wika.
Halata naman kay Jimrel ang pagkagulat at makikita naman sa mukha ni Edz ang pangamba. Hindi makapaniwala si Jimrel sa mga kinuwento ni Reyjie dahil ang pagkakakilala niya kay Edz, iba sa mga kinukuwento ngayon ni Reyjie.
"Bro, ibang-iba nga sa mga naikw'ento mo sa'kin na tungkol sa kanya e." dugtong pa niyang sabi.
Napansin kong medyo hindi na mapakali si Edz at napabitiw na sa pagkakayakap sa braso ni Jimrel na ngayon ay nakasandal na lang ito at nakatingin sa mirror upang makita niya ako na nakatingin din sa kanya.
"Talaga? Seryoso ka bro?" Saka bumaling sa akin, "Edz, napagbago ka na ba talaga ng princess ko? Kumakain ka na ng isaw" Gulat ang nasa mukha nito "at nakakapaglakad ka na ng malayo without angal-angal."
"Actually Jimrel, no choice kasi ako... Flat kasi 'yong wheel ng kotse ni Reyjie so we need to walk until we reach my home." Maarte kong explain, "And saka tungkol naman sa isaw," Napatingin si Edz sa akin at ngumiti, "na-curious lang ako kung bakit ba sarap na sarap kayo sa isaw so nag-try akong tikman."
Pagkasabi ko noon, nakita ko ang expression ng mukha ni Reyjie na clueless, saka ako nag-headset at pumikit.
"Sabi ko sa'yo, bro eh. Hindi mo pa kasi nakikilala si Edz ng husto. Magkakilala na kami bata pa lang at ang masasabi ko lang sa kanya, she is also different." Saka ito nagpatuloy sa pag-da-drive.
Sa sinabi ni Jimrel na iyon, medyo kumirot ang puso ko. Naiinis ako sa sitwasyon namin ngunit wala akong magawa sa ngayon. Inaalala ko si Edz, at ang napag-usapan namin. Gusto kong siya ang magtama ng mga maling nasimulan niya.

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    DelinoWilson

    nice 👍

    21/04/2025

      0
  • avatar
    BacusJesrin

    so very nice reading

    14/01/2025

      0
  • avatar
    RoveteRosemaricar

    nice

    14/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata