Jhaicell Ly's P.O.V. Ilang sandali lang, dumating na ang professor namin. Nagbigay lang ng konting Orientation sa amin at idinismiss na kami agad. "Bee, tingnan mo 'yong Taiga na 'yon. Kung makadikit kay Rayven, akala mo Girlfriend siya. Kainis!" Reklamo ni Jhen sa amin. Nagliligpit na kami ng gamit namin at nagre-retouch habang si Rayven ay nakaupo pa rin sa upuan niya at nakapalibot sa kanya ang mga babae at kasama si Taiga na nakakapit pa sa braso niya. Nagpaka-busy na lang ako sa pagliligpit ng gamit ko at hindi ko sila tinitingnan. "Ito naman si Rayven, walang kapalag-palag. Parang gusto rin na dumidikit-dikit sa kanya 'yong bitch na 'yon." Inis na wika ni Margz. Tumayo na ako at naglakad papunta sa pintuan na room. "Bee? Aalis ka na?" Sigaw ni Allysa. "Bee." Sigaw ng dalawa pero hindi ko sila pinansin at tuluyan na akong lumabas ng pinto. Taiga's P.O.V. Pagkatapos na pagkatapos ng orientation, lumapit na kaagad ako kay Rayven my loves at kumapit ako sa braso niya. "Taiga, ano ba?" Reklamong react sa'kin ni Rayven pero hindi ko pa rin tinanggal ang yakap ko sa braso niya. "Rayven my loves, ang sungit mo." Maarte kong sabi sa kanya at saka nag-wink ako sa kanya. "Remember?" Pagpapaalala ko. "Taiga, stop it." Cold niyang reply sa akin. At napansin ko rin na madalas ang sulyap ni Rayven sa apat na babaeng bagong pasok lang sa campus. Medyo nakakairita lang na may bagong nagpapabida sa room namin. Kainis ah! "Bee? Aalis ka na?" "Bee." Napatingin kaming lahat sa babaeng lumabas ng room, gawa ng sigaw ng tatlong kasama niya. Sumunod na rin ang tatlo sa babaeng lumabas. Pagka-alis ng apat, tumayo si Rayven kaya natanggal ang pagkakayakap ko sa braso niya. "Rayven, where are you going?" Seryoso kong tanong sa kanya. Tiningnan lang niya ko at lumakad. Nagsihawi naman 'yong mga Classmate namin. "Rayven!" Sigaw ko sa kanya na papunta na rin ako sa pintuan para sundan siya. "Rayven..." Ulit ko ng sigaw ngunit nagdere-diretso siya at tuluyan ng lumabas ng room. Badtrip! Jhaicell Ly's P.O.V.] "Bee, tingnan mo 'yong Taiga na yun. Kung makadikit kay Rayven, akala mo Girlfriend siya. Kainis!" Nakakainis naman! Bakit ba naiisip ko pa rin ang sinabi ni Jhen kanina. Don't be affected Ly lalo na pagdating sa lalaking iyon? Ano ba? Habang naglalakad ako papunta sa may Garden. Nakita ko na may dalawang studyante, babae at lalaki na naglilinis ng Garden. Naupo na lang muna ako sa isang upuang bato roon. Nagpangalumbaba ako at nakatingin sa dalawang studyante na parang nagtatalo. "Pwede ba? Mr. Prince Ken Devera. Maglinis ka na lang diyan kesa salita ka nang salita ng kung ano-ano.?" Inis na sabi ng babae sa lalaki na nakaupo sa damuhan at inaasar 'yong babae. "Confirmed! Bipolar ka nga." Pagkasabi ng lalaki, tumawa pa ito ng pagkalakas-lakas. "Shut up!" Inis na saway ng babae hanggang sa biglang... "Bee, kanina ka pa namin hinahanap? Anong nangyari sa'yo?" Bungad sa akin ng tatlo kong baliw ng kaibigan saka sila naupo sa tabi ko. Napabaling naman sa kanila ang atensyon ko. "Affectedmuch ka 'no?" Usisang tanong ni Jhen. "Ikaw ba yan, bee? Naaapektuhan ka sa kanila?" Pabirong tanong naman ni Margz. "Sabi ko sa inyo, mananalo ako e. Where's my prize?" Pabulong na sabi ni Allysa kina Margz at Jhen, tuwang-tuwang sabi niya. Narinig ko ang sinabi ni Allysa kaya napailing na lang ako. Mga baliw talaga? Pinupustahan pala nila ko. Tumayo ako at naglakad palayo sa kanila. "Wala pa bee, 'wag kang excited. Wala pa ngang lovelife si Bee Ly natin eh, kaya wala pang panalo." Narinig ko pang sabi ni Margz saka ko sila tuluyang iniwan sa Garden. Tumungo na ako sa Parking area at sumakay sa kotse ko saka tuluyan ng umalis sa School. It can't be! Wala lang ito... Gil Tiffany's P.O.V. Uwian na... Pagkatapos ng orientation, nasalubong namin ni Anne si Jhayvee. Kaagad ko siyang nilapitan. "Best, ano ng balita? Kumusta ang pag-uusap n'yo sa Office?" sunod-sunod kong tanong kay best. Simula kasi na nalipat kami sa Campus na ito, lahat ng pinaghirapan ko sa dati kong School nawala. Sa madaling sabi 'Back to Zero' ako. Kumbaga nawala 'yong mga first and leadership ko at ang mga title ko. 'As in Zero'. Ngiti lang ang isinagot sa akin ni best saka niya ako inakbayan. "Kumusta?" Mahinhin ng tanong ni Anne kay best. Tumingin naman si best kay Anne saka nagsalita. "Okay na!" reply niya kay Anne. Naglakad na kami palabas ng Campus. "Sure ka ba best? Okay na?" pagsisigurado ko sa kanya. "Oo best, Sure na sure." Mabilis niyang reply sa akin. Kaagad ko siyang niyakap, nakakatouch din itong si best kahit papano eh. Imagine, saluhin ba 'yong kasalanan hindi naman siya ang gumawa. "Salamat best." Dugtong kong sabi. "Wala 'yon, malakas ka sa'kin eh." Nakangiti niya sagot. Nakarating na kami sa Parking Area. "May service ka ba, Anne? Sabay ka na sa'min." Aya ni best kay Anne. Ngumiti lang si Anne, ngumiti na lang din ako saka ako sumakay sa frontseat ng kotse ni best. Binuksan na rin ni best yung passengerseat at pumasok na si Anne sa loob saka sumakay si best sa driverseat. "Gil." Tawag ni Rodel sa akin kaya ibinaba ko ang bintana ng kotse ni best. "Oh bakit?" Mataray kong sagot. Lumapit si Rodel sa'kin. Humawak sa bintana ng kotse at yumuko ng konti para silipin ako. "Sorry sa nangyari kanina. Dahil sa akin muntik nang mapatawag ang parents mo. Sorry talaga!" Paghingi niya ng paumanhin sa akin. "Huwag ka sa aking mag-sorry, sa best friend ko." Sagot ko sa kanya saka ako tumingin kay best. Pumunta sa kabilang side si Rodel, sa side ni Best. Binuksan naman ni best ang bintana ng kotse niya sa side niya. "Pre. Pasensya na ah." Wika ni Rodel. Tumango naman si Jhayvee at saka ngumiti. "Okay na 'yon." Biglang binuksan ni Anne ang pinto sa passengerseat at bumaba, nagtaka naman kami ni best. "Ah, may nakalimutan pala ako sa room. Sige mauna na kayo." Wika ni Anne sa'min. Napataas naman ang kilay ko. "Seryoso ka Anne?" Paniniguradong tanong ni Jhayvee. "Oo Jhay, sige ingat na lang." Saka siya ng wave ng kamay. Ngumiti na lang si Best kay Anne at bumusina saka niya pina-andar ang kotse niya at umalis na kami. May napapansin lang ako about Anne, parang lumalayo na siya sa'min simula nang mag-transfer kami sa Campus na ito. Anne's P.O.V. Pagkaalis nila... "Rodel." Huminto sa paglakad si Rodel. Napansin ko rin, may naghihintay kay Rodel sa kabilang side ng parking area. Isang babae, hindi ko gaanong makita ang mukha ng babae dahil naka-sideview ito pero mukhang familiar. I think, sister niya 'yon. Sabi ko sa isip ko. "Bakit?" sagot nito sa akin saka siya humarap. "Bakit nagpaiwan ka? Ayaw mo bang sumabay sa bff's mo?" Seryosong tanong ni Rodel sa'kin. Ngumisi naman ako saka lumapit sa kanya. "Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo? Non-sense naman 'yan eh! P'wede bang 'yong tanong ko ang sagutin mo?" pranka kong sabi sa kanya. "About what?" seryoso niyang tanong at nagpamulsa pa siya. "Mahal mo ba ang kaibigan ko?" deretsya kong tanong. Gusto kong malaman kung may feelings si Rodel kay Gil para alam ko kung saan ko ilalagay ang mga plano ko. "I like her." Nakangiti niyang sagot. Ngumiti na lang din ako. "Bakit mo natanong?" dugtong niyang tanong. "Oh that's great! I will help you." Masaya kong wika saka ako lumakad. "Bye." Pagtataka ang naging reaksyon ni Rodel. Tuluyan ko nang iniwan si Rodel habang may ngiti sa mga labi ko. Magandang opportunity ito para sa akin. Edz Nicole's P.O.V. Pagkatapos ng Orientation, nagpaalam na ako kay Earl. "Paano Friendship, mauna na kami ni Jimrel." Niyakap ko siya dahil pinagbigyang niya ko sa huling hiling ko sa kanya. "Sige, umuwi ka nang maaga ah. Baka kasi magalit ang mommy mo." Paalala ni Earl sa akin. "Mommy mo?" gulat na react ni Jimrel. "Hindi ba, nasa states pa si Auntie? Nakauwi na ba siya Princess?" curious na tanong ni Jimrel. Lagot! Alam nga pala lahat ni Jimrel tungkol sa buhay ni Earl. Bakit siya nadulas? Napansin kong medyo napayuko si Earl kaya ako na lang ang umisip ng paraan. "Ahm, Jimrel." Yumakap ako sa Braso niya. "Ano kasi, ang tawag ko sa mommy niya, mommy na rin kaya nga para na kaming magkapatid e." Pag-e-explain ko ng kasinungalingan ko. "Ah okay, gets ko na. Paano ba 'yan, una na kami ah. Bro, ikaw na bahala kay Edz." Habiling ni Jimrel kay Reyjie. Nakahinga ako ng maluwag dahil naintindihan kaagad ni Jimrel ang sinabi ko, muntik pa kami ro'n ah. Haist, si Earl kasi... hindi nag-iingat! Mabuti na lang magaling akong magpalisot. Pansin ko naman ang tingin ni Earl sa'kin, hindi ko naman inalis ang ngiti ko sa labi. Ayaw kong may makahalata na hindi ako si Earl, na ako si Edz. Dahil ayaw kong matapos ang moments na kasama ko si Jimrel. "Oo naman bro. Safe sa'kin si Edz." Nakangiting sagot ni Reyjie. Tumango naman si Jimrel. "Dapat lang. Sge bye." Pahabol na sabi ni Jimrel Saka kami umalis.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice 👍
21/04/2025
0so very nice reading
14/01/2025
0nice
14/10/2024
0Tingnan Lahat