Homepage/Pag-ibig sa magkaibang panahon/
Chapter 24- The Party
END of FLASHBACK
"I wish I could also help myself from all of this. Sana nandito pa si Marico."
Continue…
“Until now sinisisi mo pa rin ba sarili mo sa pagkawala niya?”tanong ni Dale na mukhang kanina pa ako tinitignan.
“May naalala lang ako, Teka bilisan na lang natin baka nag aantay na silang lahat sa bahay.” Lumakad na ako ng mabilis kung kaya't naglakad na lamang din siya ng mabilis para mahabol ako.
(Sa bahay)
Kumakain na ang lahat maliban na lang kay mama na nasa labas at tila may prinoproblema.
“Ma, dika ba kakain? May problema ba?”tanong ko kay mama pero ngumiti lang ito at lumapit sakin sabay yakap.
“Wala, Happy Birthday anak! Andito lang kami palagi para sayo.” medyo naguluhan pa ako sa mga sinabi ni mama. Parang bago ata yun ha.
“Ma, sigurado ka bang okay ka lang or merong problema pero ayaw niyo lang sabihin sa akin.” ulit kung tanong.
“Wala nga. Sige na tara na sa loob.” ani ni mama.
Pumasok na kaming dalawa sa loob ni mama.
“Oh ano kamusta kayo diyan? Marami pang pagkain. Kain lang ng kain.”
“Salamat ha nakarating kayo.”
“Ano kayo okay lang ba kayo diyan?”
Naglibot libot na muna ako para kamustahin mga iba naming klassmate na nagpunta. Pagkatapos din ay pinuntahan ko sina Joy, Dale, Rayn, at mga iba pa naming barkada.
“Busy ang birthday girl. Happy Birthday bes!” pagbati ni Joy kaya't niyakap ko ito kaagad kahit na kakakita lang namin at wala pang isang araw.
“Parang di nagkita ng isang tao mga to ah. Oa niyo.” singit naman ng kontrabidang si Rocky.
“Kumain ka na nga lang diyan. Hmmp" asar na sambit ni Joy kay Rocky.
Matatawa ka na lang talaga sa kanilang dalawa. Bardagulan is layp para sa dalawang to.
“HAPPY BIRTHDAY!!!" pagbati ni Rayn sabay bigay ng isang box sa akin.
“Thanks guys sa pagpunta, hindi man tayo kumpleto ngayon but surely soon pagka gising ni Ryna.” sambit ko.
“Group Hug!” ani ni Rocky.
“Kumain na nga lang tayong lahat.” sambit ni Dale.
Ito isa pa ito eh medyo may pag ka Oa din minsan.
“Teka, si Klent parang kanina lang magkasama kayo Joy ha. Nasan siya?” tanong ko ng hindi ko mahagilap si Klent sa loob.
Sumagot naman si Joy,“ Sabi niya may dadaanan pa daw siya eh. Diko lang alam kung dadaan na siya dito mamaya.” paliwanag nito habang kumakain.
“Ah ganon ba?”
Napatingin ako kay Dale,
“Naghahanap ka ng wala, while yung nandito dimo man lang pansinin.Tskk” Mahinang sambit nito pero alam kung narinig din yun ng lahat.
“Hmmmm. Selos alert. Selos alert." pamimikon ni Rocky habang nagpipigil ng tawa. Ito kahit kailan talaga eh.
Sira talaga tong taong to eh dakilang freezer pero na may pag ka burner. Hmmp siguradong pikunan na naman mangyayari dito. Birthday na birthday ko eh.
“Hoy paalala! tigilan niyo ako ha, birthday ko.”sambit ko sa kanila.
“Papaalala ko din sayo, sa SELOS walang excemption at walang birthday- birthday.” sabay tawanan ang lahat.
“Alam niyo pag di kayo titigil papauwiin ko na kayo.”nagbibirong banta ko sa kanila. Medyo natatawa pa ako ng bahagya dahil sa reaction nilang lahat eh.
“Hoy, kahit ano pang sabihin mo Birthday girl wala kang magagawa. ” pang- iinis ni Rayn.
“I was just kidding hayaan niyo na siya muna, birthday niya eh.”pagpuputol ni Dale sa kanila.
Buti naman alam mo, inumpisahan mo eh.
Nagkakatuwaan kaming lahat ng bigla namang dumating ang Klent na to. Hayst always late.
“Happy Birthday!!!” pagbati ng padating na si Klent habang may hawak na bouquet ng red roses, isang malaking teddy bear at isang box na kung titignan ay regalo siguro or something.
“Dale, now tell me na joke lang yung sinabi mo kanina. HAHAHAHHA” tawa ni Rocky habang nakatingin sa papalapit na si Klent.
Bigla ko naman itong kinurot dahil sa sinabi niya. Hay naku wala talagang matino sa mga ito.
Napatingin ako kay Dale na walang imik at parang di naaapektuhan sa sinasabi ni Rocky.
Itong si Rocky talaga mukhang gagawa pa ng pikunan eh.
“Hoy, Klent bakit ang aga mo naman atang dumating eh wala pang bisitang masiyadong dumadating.” pabirong sambit ni Rocky sabay halakhak.
Napatawa din ang iba pang bisita dahil sa sinabi nito.
“Kaya nga eh, sorry nga dapat pala diko masiyadong inagahan.” sagot naman nitong si Klent. Sinabayan na lang niya ito sabay tawa din.
Hayst ito mamimiss ko tong bonding na ito.
“Tama na yan. Halika na para makakain kana din.” sabi ko.
To be continued...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (22)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
this is a most cool read ever thank you
30/12/2024
0Ang ganda ng story na ito
25/10/2024
0very Nice And I love it❤️❤️
01/09/2024
0Tingnan Lahat