logo text

Chapter 22- Quarrel in between

Thea's POV
" Ma, may bisita ba tayo?" pagtatakang tanong ko ng mapansin ang madaming handang nasa mesa.
Nilapag muna ni mama ang minudo sa mesa bago sagutin ang tanong ko. " Ah tinulungan ako ni Dale magluto." ngiti ni mama at bumalik sa kusina.
Si Dale? At ano naman ginagawa niya dito.
"Good morning!" pagbati niya habang may dala- dalang mga prutas na sa tingin ko ay binili niya. Ibinaba niya ito at dumiretso sa kusina kung saan busy na nagluluto si mama.
Hindi pa nagproprocess sakin ang lahat.
Anong nangyayari?
Naglakad ako papuntang kusina at pati si papa andito din. " Teka nga lang anong meron? And by the way. What are you doing here Dale?"
Nagtinginan lang silang tatlo. Pamilya yarn. Ma,pa! baka makalimutan mo ako anak niyo.
Naglakad papalapit sakin si Dale," Well, nauna lang ako sa kanila. Kuli Clan will be around here at 11a.m and De Facto as well."Naguguluhan pa din ako sa nangyayari o sadyang sabaw lang ako ngayong umaga. Sino ba naman kasi di magiging sabaw, pagod sa school, sa work and puyat na din kagabi.
"Nakalimutan mo atang it's your birthday. Happy Birthday." bati nito.
Oo nga pala birthday ko na.
"Hayan, nakakalimutan mo na pati mahalagang araw mo anak." sambit ni papa at lumabas ng kusina na sinundan ko habang nasa likod ko naman si Dale na sumunod din. " Happy Birthday sweety." dagdag pa ni papa.
"May surprise pala ako mamaya." Inilabas niya ang mga balloons na gagamitin para sa design.
"Seryoso, thank you for all of this. Marami na akong iniisip masyado kaya nakaligtaan ko na." Tinulungan ko siya sa pag- aayos ng mga iba pang decorations na gagamitin.
Ilang oras pa ang lumipas at sa wakas ay tapos na din kami sa pag decorate. I still in shocked while thinking what is happening right now. Kasama ko ang parati kung nakaka- away, pero laging andito sa tabi ko pag kailangan ko ng masasandalan. Yung taong cold, pero mabait at totoong tao.
Bigla akong nabalik sa realidad ng bigla itong nagsalita at hinawakan ako sa balikat," Are you still with me?" at tumingin ito sakin ng deretso.
Awkward feeling.
"Bakit may sinasabi ka ba?" Tumayo ako at inayos kunwari ang mga ilang decorations na nasa ibabaw ng mesa.
"Sabi ko, may mga gusto kapa ba idagdag na mga designs. Ayos ka lang ba? " habang inaayos ang mga baloons. Tumingin ito at nagtaas ng kilay ng wala itong narinig na sagot. "Thea ay—." dina nito natuloy ng lumabas si mama mula sa kusina.
"Kumain na muna tayo ng tanghalian, tapos saka na niyo yan tapusin mamaya. Thea, nagsabi na ba mga kaibigan mo ano oras sila darating?" Nilapag ni mama sa mesa ang adobong niluto niya para sa lunch.
"Mamayang mga 2 Ma. And pupunta ako mamaya sa hospital para bisitahin si Ryna and para kamustahin na din."
"Sige, Dale kain na muna tayo." alok ni mama.
"Sige po tita, ayusin ko lang ito." Inayos niya ang mga nakakalat na mga ginamit kanina.
Kung andito lang sana si Marico for sure siya ang masusunod sa paghahanda. Siya yung magaling dito sa pag decorate pero wala eh.
"I miss you," Bahagya kung kinuha ang kanyang picture frame, " Walang oras na hindi ko nararamdaman yung sakit na wala kana. Ito na ohh Birthday ko na ulit pero di pa rin sanay. " pinahid ko ang mga luha na kanina pa pumapatak.
"Ano ayos ka lang ba? I'm sure she is so proud and happy for you. Tara na emote ka na naman diyan eh." bigkas nito sabay tawa ng mahina.
Kumain na kami dahil dadalawin ko pa si Ryna mamaya. Kuwentuhan lang ang lahat sabay tawanan. Ganito na talaga kami, hapon na kami nagcecelebrate and ito pa kami na din mismo nagluluto ng handa. Sa amin kasi hindi na kami nag oorder, well minsan oo nagoorder din.

Andami ko na naman nakuwento hayst, ito na nga balik na tayo,
"Dale, Ikaw uuwi kapa ba?" tanong ni mama kay Dale na napahinto pa sa pagkain.
"Ihahatid ko lang po si Thea tita, tapos sunduin ko lang yung tropa." bilang sagot nito sa tanong ni mama.

Napatingin pa ako sa kanya ng marinig ang sinabi niya. Ano daw? Ihahatid niya ako.
"Hindi na. Kaya ko naman mag commute eh. And at the same time may pupuntahan pa ako eh." sabay subo ng pagkain. Sumang ayon ka freezer ka. Ano kita jowa? J.O.W.A?
"Bheb, hatid na kita." sabay tingin ng nakakaluko.
Bigla akong namula na tumingin kina mama.
Napatingin pa sa amin sina mama at papa.
"Kayo na?" takang tanong ni mama habang patuloy pa din sa pagsubo ng pagkain. " Kayong dalawa, dipa kayo grumaduate. Okay lang naman kung mag girlfriend o boyfriend kayo pero priority pa rin dapat ang school ha." mahabang lintahi ni papa na akala mo naman totoo.
"Opo tito, noted." sagot nito na sarap kurutin.
"Ah ma, pa, mag- uusap lang po muna kami saglit ni Dale." Tinitigan ko siya sabay taas ng kilay na sumunod din naman.
"Hoy, freezer ka. Ano yun? Dati ka bang adik." taas kilay kung tinanong ito dahil sa mga sinabi nito sa loob. " Bawiin mo yun. Di ako nakikipag biruan sayong freezer ka."At ang luko wala man lang react. Nakatingin lang na parang walang sinabi. Arghhh
"Di ka talaga sasagot? Hoy! seryso ako. Bawiin mo yun." hinampas hampas ko pa siya sa balikat pero talagang freezer beh. Arghhh talaga.
Padabog akong bumalik sa loob at kaagad din naman itong sumunod sa akin.
"Ma, pa aalis na po ako at ng makauwi kaagad ako ng maaga." paalam ko.
Hindi ko alam kung bakit napaaga ang pagpunta ko sa hospital, alam mo yung aligaga ka na ewan. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi niya o ewan.
Ikaw ba naman kasi magkaroon ng instant boyfriend diba tapos yung palagi mo pang nakakabangayan.
"Tita, alis na po kami." Umalis na kaming dalawa. Tskk hanggang ngayon naiinis pa din ako sa freezer na ito. Mamaya tumpulan na naman ng tukso panigurado.
"Oh bakit? Sumabay ka na lang sa trip pwede?" basag nito sa katahimikan.
"Pwes, hindi pang trip tong puso ko. Hindi ako pinanganak para lang sa ganyang trip. Che!" taas kilay kung sambit sa kanya. Nakita ko ang pag ngiti niya na parang nagulat pa sa sinabi ko. Ano ha? Totoo naman eh.
" Ganun ba?" at ang mokong nakikipagbiruan ba ako?

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Sariiah Andecio

    this is a most cool read ever thank you

    30/12/2024

      0
  • avatar
    Angeline Rose Estolero

    Ang ganda ng story na ito

    25/10/2024

      0
  • avatar
    AdriasKharen

    very Nice And I love it❤️❤️

    01/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata